Almira
Alas sais na ng gabi nang matapos ang mga schedule ni Sir MB at awa naman ng Diyos, hindi na nasundan ang one point ko kanina. Sa totoo lang natatakot kasi akong magkamali lalo pa at mukhang perfectionist ang amo ko. Paalis na kami sa huling meeting niya at nagpapasalamat naman ako dahil naitawid ko ang isang araw kasama siya. “Tony pakidaan sa Grand.” utos niya sa driver at tumango lang ito Sa buong araw napansin ko na tipid ding magsalita itong si Tony. At mukhang okay naman ito sa boss namin. Habang nasa biyahe ay chine-check ko ang tablet na binigay sa akin ni Sir Gab. Dito nakalista ang mga appointments niya bukas pati na ang sa mga susunod na araw. Marami talaga siyang kinakausap na mga tao kaya naman palaging advance ang pag-aayos ng schedules niya. Huminto ang kotse sa harap ng isang matayog na hotel sa metro. Sa palagay ko ito ay isa din sa pag-aari ng Thompson Group of Companies. Ako na ang bumaba para pagbuksan ng pinto si Sir saka ako sumunod sa kanya nang maglakad na siya papasok. Wala naman siyang schedule dito na nakalista pero hindi naman ako nagtanong at baka magalit pa. “Good evening sir!” sabi ng isang naka-uniform na staff ng hotel at tumango lang dito ang boss ko Sumakay siya ng elevator pagkatapos ko at saka pinindot ang letter P. “Are you hungry?” tanong niya sa akin kaya naman nagulat pa ako “Po?” mali yata ako ng dinig kaya minabuti ko ng magtanong ulit “Ang sabi ko nagugutom ka na ba?” mahinahon naman ang boses niya “Ah..hindi pa naman po.” nag-lunch naman kami kanina sa isang resto dahil may meeting siya doon at nag-snack din kami sa isang coffeeshop kanina while waiting for his next appointment Hindi naman na sumagot si Sir hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator at lumabas siya. Sumunod na lang ako hanggang sa marating namin ang isang malaking pinto. Sir MB just placed his finger at bumukas na ang lock ng pinto. He entered kaya nag-alangan naman akong pumasok. “Come inside, Almira!” utos nito kaya naman sumunod ako agad “May kailangan po kayo?” magalang na tanong ko Nakaupo siya sa couch and I guess sobrang pagod din siya ngayong araw na ito. “Close the door! Nag-order ako ng pagkain, mag-dinner muna tayo bago ka umuwi!” sabi pa nito “Ay sir nag-time out na po ako! Sa bahay nalang po ako kakain!” sagot ko pa dito Kahit wala kasi ako sa office ay pwede akong mag-time out gamit ang tablet na hawak ko. Kaya nakakahiya namang makikain pa ako gayong tapos na ang oras ng trabaho. “Don’t argue with me, Almira!” sabi lang ni sir kaya wala naman akong magawa kung hindi pumayag kesa naman magkaroon ako ng two points ngayong araw. Hindi nagtagal ay may nag-buzzer naman sa pinto kaya agad kong ibinaba sa couch ang bag na dala ko at agad itong binuksan Niluwangan ko ang bukas ng pinto nang makita ko ang tulak tulak na cart ng unipormadong lalaki. Dumeretso siya sa dining area at inilagay sa mesa ang mga pagkaing dala niya. “Come here Almira, let’s eat!” sabi ni Sir sa akin mula sa dining area Naupo na si Sir MB sa mesa and I immediately fixed the table. May mga gamit naman sa maliit na kusina kaya madali kong nakita ang kubyertos niya. “Sir may tubig po ba kayo sa ref?” tanong ko at tumango lang siya Binuksan ko iyon at saka ako kumuha ng isang pitchel na may lamang tubig bago ako naupo. Nagsimula na kaming kumain at masarap naman ang mga pagkaing nandito. Kung sabagay, hotel ito kaya siguradong may class ang mga pagkain. Dito kaya siya nakatira? Well gustuhin ko mang tanungin hindi ko na ginawa. Basta kumain na lang ako ng tahimik hanggang sa magtanong siya tungkol kay Andrei. “Ano ba ang sakit ng anak mo?” Napatingin ako kay sir na ngayon ay nagsasalin na ng tubig sa baso niya. Sinalinan din niya ang baso ko kaya naman nahiya pa ako. “Ahm ..may butas po siya sa puso sir! Kaya po labas pasok po siya sa ospital!” sagot ko naman dito “Hindi daw ba kayang operahan?” tanong niya ulit saka ipinagpatuloy ang pagkain “Kaya naman po sir pero po mahina kasi ang katawan niya. Sa ngayon po kailangang palakasin muna ang katawan ni Andrei!” malungkot na sagot ko kay Sir MB “Doctor kasi ang kapatid ko. Well kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi sa akin. I’m sure my brother will be happy to help you!” hindi ko naman mapigilang ma-touch sa sinabi ng Boss ko Isang araw palang ako nagtatrabaho sa kanya pero handa na siyang tumulong sa akin. “Salamat po sir!” sagot ko naman dito Pagkatapos kumain ay inayos ko na ang kusina. Hinugasan ko ang mga ginamit namin at nang matapos na ako doon ay bumalik na ako sa sala. “Sir?” hinanap ko ito pero wala naman ito doon Sinulyapan ko ang isang kwarto kaya naman naisip ko na nandoon siguro ito. Hinintay ko siya at pasado alas siyete na din ng gabi kaya naman gusto ko na ding umuwi. Napatayo ako ng bigla siyang lumabas ng kwarto. Naka sweat pants ito at Diyos ko lang wala siyang damit pang itaas. Mukhang bagong ligo na siya at dahil sa taranta ko ay bigla akong napatalikod. “You okay?” tanong niya gamit ang baritonong boses at kapag ganito ang timbre nito ay kinikilabutan ako “Ahm….okay lang po sir! Magpapaalam na din po sana ako kung wala na po kayong ipag-uutos.” “Bakit ka ba nakatalikod?” tanong niya pa kaya halos mawalan na ako ng boses sa sobrang kaba “Eh.. k-kasi po sir wala kayong T-shirt!” sagot ko “And so?! May anak ka naman na so I guess hindi ito ang first time mo seeing someone half-naked?” tila inis pang sabi ni Sir MB “Ah sir kasi po syempre iba naman po yun! Aalis na po ako kung okay lang po?” kinakabahan talaga ako sa mga oras na ito at panay na din ang hampas ng puso ko na akala mo lalabas ito sa dibdib ko Kanina habang kumakain kami ni Sir, malakas lang ang tibok nito pero ngayon, iba na kaya lalo akong natatakot. “Okay Almira, you may go! See you tomorrow!” sabi naman niya kaya kinuha ko na ang gamit ko at halos hindi na ako tumitingin sa kanya Diyos ko naman kasi itong si Sir! Pagbaba ko sa lobby ay hinarang naman ako ng guard na nakaduty sa pinto. Natakot pa nga ako dahil wala naman akong maisip na ginawa kong mali. “Ah Ma’am, sabi po ni Sir MB hintayin niyo daw po yung pina-book niyang taxi.” nagulat naman ako at hindi ko naman ito inaasahan Pero at least salamat na din dahil kahit papano tipid ako sa pamasahe. May humintong taxi sa harap ng hotel pagkatapos ay pinagbuksan pa ako ng guard ng pinto. Nakasakay na ako pero hindi pa umaandar ang taxi dahil may sasakyan pa sa harap niya. Habang naghihintay ay naulinigan ko ang pag-uusap ng dalawang guard na naka-duty. “Pabata ng bata ang mga babae ni Sir ah!” sabi ng isa kaya naman nakita ko kung paano tumawa ang guard na tumawag sa akin kanina Ako ba ang pinag-uusapan nila? “Bata itong isang ito! Baka mga bente- dos bente-tres lang yan!” dagdag pa nung gwardya “Maganda ha! Natural na ganda! Napayuko na lang ako dahil ayaw ko namang patulan ang mga tsismosong ito. Kalalaking tao mga tsismoso! Bakit hindi na lang kaya sila magtrabaho? Mabuti na lang umalis na ang taxi dahil ayaw ko ng marinig ang mga sinasabi nila. Naalala ko ang sinabi ni Sir Gab tungkol sa pagkababaero ni Sir MB. Hindi din siguro ito lingid sa kaalaman ng mga guwardya kaya tuloy inakala nila na babae ako ni Sir MB! Seryoso ba sila? Ilang saglit pa ay narating na namin ang lugar kung saan ako nakatira. Sa bungad na lang ako nagpababa dahil hindi naman kakasya ang taxi sa daang papasok sa amin. “Salamat po!” sabi ko na lang sa driver bago siya umalis Naglakad na ako papasok at nakita ko naman na nakaabang si Bea sa akin. “Bes! Ginabi ka yata?” tanong niya agad sa akin “Ang daming meeting ni Sir!” maiksing sagot ko sa kanya Binuksan ko ang pinto ng apartment at kasunod ko naman agad si Bea. “Bakit kasama ka ba niya?” tanong niya sa akin nang makaupo na ito sa sofa “Oo. Sabi ni Sir Gab isa daw yun sa trabaho ko!” “Ay napakaswerte mo naman bes! Araw-araw kasama mo si Sir MB!” kinikilig na sabi ni Bea “Kamusta ang inay doon?” nakisuyo ako kay Bea na dalawin niya sana ang inay sa ospital dahil hindi ako makakadaan ngayong araw dahil na rin sa schedule ni Sir “Ayos naman siya dun. Sabi nga niya huwag mo daw siyang intindihin.” sagot naman ni Bea “Eh si Andrei? Hinanap ba niya ako?” naalala ko ang anak ko dahil hindi ko siya nakita ngayon pero kailangan kong magtrabaho para sa kanya “Maganda naman ang aura ni Andrei. Hindi ka naman niya hinanap dahil nasabi na pala ng nanay mo na kailangan mong magtrabaho.” kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag Matalino ang anak ko kaya naman alam ko na naiintindihan niya ako. “Kumain ka na ba? May ulam pa sa bahay.” sabi ni Bea kaya naman hindi ko mapigilang ngumiti Hindi man ako pinalad sa ibang bagay, nandyan naman ang kaibigan ko na handa akong damayan at tulungan. “Tapos na bes! Kumain kami si Sir bago niya ako ipahatid!” ngumisi naman si Bea sa sinabi ko kaya umiling ako dito “Swerte mo talaga!” sabi nalang niya at tama naman siya doon Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na si Bea para makapagpahinga na din kami. May pasok din siya bukas at ganun din ako. Naglinis na ako ng katawan saka ako nagbihis para makatulog na. Bukas panibagong araw na naman ang haharapin ko pero lahat, gagawin ko para kay Andrei. Kailangan niyang mabuhay! Hindi niya dapat pinagdadaanan ito. Gusto ko maranasan din niya kung paano maging normal na bata. Yung malayang nakakapaglaro at hindi yung nakakulong sa kama at ospital. Nagdasal muna ako para sa anak ko. Humingi ako ng awa para sa kanya at nangako akong gagawin ko ang lahat para mabuhay siya.AlmiraIsang linggo na ang nakaraan at masasabi ko na gamay ko na din ang klase ng trabaho ko kay Sir MB.Palagi akong kasama ni Sir sa mga meetings niya at kung wala naman ay nasa opisina ako doing paper works para matulungan ko naman si Sir Gab.Bago ako umuwi ay dumadaan ako sa ospital para tignan ang kalagayan ni Andrei. Kahit papano naman ay bumubuti na ang kalagayan niya lalo pa at naibibigay ang gamot na kailangan niya.Naglakas loob na akong manghiram ng pera kay Chandru, ang bumbay na nagpapautang sa lugar namin. Nalaman ko kasi mula kay inay na may notice na ang ospital na kailangan naming bawasan ang bill namin dahil kung hindi, ititigil nila ang supply ng gamot ni Andrei. At dahil nalaman ng bumbay na sa isang matatag na kumpanya ako nagtatrabaho ay pinahiram niya ako ng fifteen thousand.Agad akong nagbayad sa ospital at nagtira lang ako ng konti para sa panggastos ko at para sa bayarin sa kuryente at tubig. Ang upa na lang kay Manang Siona ang pinaghahandaan ko sa ora
MitchellIt’s been a week and I guess sanay na si Almira sa trabaho niya bilang assistant ko. I can say that she is efficient and good. Madali siyang matuto at mabilis ang pick-up niya sa mga bagay-bagay.Ang hindi ko lang gusto ay ang pagiging eye catcher niya sa mga nakakaharap ko sa meetings. Napapansin ko ang mga panakaw na tingin sa kanya ng mga lalaking ito at hindi ko iyon nagugustuhan.Well hindi naman napapansin ni Almira iyon kaya kahit papano ay nababawasan ang pag-aalala ko. She just sits and works at ni hindi niya halos tinitignan ang mga taong kausap ko.Nakikita ko na mahiyain siya. And she is so naive dahil hindi niya napapansin ang mga kakaibang tingin ng mga ito sa kanya.Pero kanina, hindi ko na napigil ang sarili ko nang makita ko nilapitan ni Gab si Almira. Hinawakan pa nito ang kamay niya at pakiramdam ko nag-init ang ulo ko dahil doon.One-way ang salamin sa office ko kaya naman nakikita ko sila pero ako, hindi. At sa paraang ito, nasisilayan ko ang magandang m
AlmiraAgad akong tumakbo papasok sa kanto namin nang marinig ko ang balita sa akin ni Aling Tale. Hindi ko lubos maisip na gagawin iyon ni Manang Siona samantalang nakiusap ako sa kanya na sa sweldo ko, babayaran ko na lahat ng utang namin sa kanya at pumayag naman siya.Nasa labas ng apartment namin si Bea na sa tingin ko ay nakikipagtalo pa kay Manang.“Wala akong pakialam!” narinig kong sigaw nito habang kinakandado niya ang pinto ng inuupahan namin“Manang Siona! Bakit naman po ninyo nilabas ang mga gamit namin!” sabi ko dito nang tuluyan na akong makalapit sa kanila“Aba mainam naman at nandito ka na! Hakutin mo na yang mga gamit ninyo at lumayas ka na dito! Bayaran mo ang utang mo sa sweldo mo kung hindi ipapakulong kita!” galit na sabi ni Manang Siona sa akin kaya naman nangatwiran ako“Manang Siona di ba po may pag-uusap na po tayo na babayaran ko naman po kayo sa sweldo ko!” “Oo Almira! Pero nalaman ko na kumuha ka pala ng pera kay Chandru! E bakit hindi mo ako binayaran
MitchellI started driving para dalhin si Almira sa lugar kung saan alam ko na magiging ligtas siya. At dahil nasa ospital pa ang anak niya, minabuti ko ng isama pati ang bestfriend niya na si Bea sa pag-alis niya sa lugar na iyon.Empleyado ko din naman si Bea at nakita ko na matagal na din siya sa kumpanya so it’s okay kung isasama ko siya kay Almira.Tahimik naman si Bea sa likod samantalang si Almira ay nakatingin lang sa bintana. I saw her wipe her tears kaya naman naninikip ang dibdib ko sa nakikita kong kalagayan niya.Mabuti na lang kanina ay sinundan ko si Almira at nakita ko kung ano ang ginawa sa kanya ng matandang yun. Pasalamat siya at marunong pa rin akong gumalang sa nakatatanda kaya pinilit kong pigilan ang galit ko.And I made a very quick decision for her! Hindi ako papayag na inaapi lang siya ng kung sino!“Kalimutan mo na ang nangyari Almira! Hindi ka na babalik sa lugar na yun!” sabi ko sa kanya kaya naman lumingon siya sa akinNagkatinginan kami at nakita ko ang
AlmiraTulala….Ganyan ako sa mga oras na ito matapos kong ihatid si Sir MB sa labas ng townhouse kung saan niya kami dinala ni Bea.Hindi ako makapaniwala na sa ganitong kagarang bahay kami dadalhin ni sir. At wala pa kaming babayarang upa ayon sa kanya kaya lalong nakakagulat.May libre pa ba sa panahon ngayon?Pero itanggi ko man, malaking bagay ito sa amin ni Bea dahil hindi na namin poproblemahin ang buwan-buwang upa.“Kurutin mo nga ako bes!” wala sa loob na sabi ko ng tumabi sa akin si Bea matapos niyang tingnan ang mga damit at sapatos na binigay ni Sir sa akin.“Aray!!!” napahiyaw ako habang si Bea naman ay natawa “Oh ayan! Hindi ka nananaginip!” napangiwi ako dahil sa sakit ng kurot nito“Ang sakit ha!!” pinandilatan ko pa siya ng mata pero tinaasan lang niya ako ng kilay“Ikaw nga eh umamin sa akin, bes!” sabi ni Bea habang hindi binababa ang nakatikwas niyang kilay“Anong umamin?”“Wala ba kayong relasyon ni Sir MB!?” hindi ko napigilan ang kamay ko at nahampas ko ng mah
AlmiraMabuti na lang maagang umalis si Sir MB dahil sa biglaang lakad niya kaya naman nakasabay ako pag-uwi kay Sir Gab bandang alas singko.Tinext ko si Bea at nalaman ko na nasa ospital na daw siya kaya naman doon na ako dumiretso.“Mama!” tawag sa akin ni Andrei nang makita niya ako kaya agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa noo“Kamusta ang baby ko?” malambing na tanong ko dito“Magaling na po ako Mama! Mama uuwi na si Andrei! Sabi ni Mama Bea, may new house tayo?” natawa ako sa sinabi ni Andrei kaya naman hinipo ko ang ulo niyaObviously naunahan na ako ni Bea na magkwento kay Inay kaya tiyak narinig ito ni Andrei.“Anak, hindi natin bahay yun! Bahay yun ng boss ni Mama at pinahiram lang sa atin!” paliwanag ko sa bata“Pero Mama pwede po si Andrei doon?” tanong pa niya ulitHe was so excited kaya medyo hinihingal siya kaya sinabihan ko siyang dahan-dahanin ang pagsasalita“Siyempre naman Anak! Kung nasaan si Mama dapat nandun din ang baby, tama ba?” tango lang ang sinagot ni
MitchellMagaan ang pakiramdam ko ngayong umaga after a heavy breakfast that I just had. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo pa at si Almira ang nagluto nito para sa akin.Siya ang unang babae na nag-effort to cook for me, well of course except Mom. And I can’t help myself dahil sobrang masaya ako for her sweet gesture.Ang sabi niya, recipe iyon ng itay niya noong nabubuhay pa ito. May maliit daw silang tindahan noon ng mga silog sa harap ng bahay ng lola niya.But when her father died, hindi na sila pinayagan ng mga tiyahin niyang magtinda doon at pinalayas pa sila sa bahay ng lola niya kaya napilitan silang mangupahan.I felt sorry for her dahil hindi naging madali ang buhay para sa kanya.“Sir!” napaangat ang ulo ko at nakita ko ang babaeng kanina pa laman ng isipan ko“Yes Almira?” tanong ko dito “May appointment po kayo in an hour! May meeting po kayo ng daddy niyo sa Le Chateau”“Okay Almira! Thanks!” I stood up and grabbed my phone and keysHindi na ako masyadong nagpapa-driv
AlmiraKinakabahan ako ngayong umaga dahil sa bagong trabaho na idinagdag sa akin ni Sir MB. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Ipagluluto ko siya ng almusal sa umaga at sabay na kaming papasok sa opisina.Malapit lang naman ang townhouse niya sa Grand Hotel kung saan located ang penthouse niya. Alam ko naman na pwede akong tumanggi pero hindi ko ginawa at yun ang pinagsisisihan ko dahil kabado bente talaga ako ngayon. Idagdag mo pa ang pakiusap sa akin ng Mommy niya na si Ma’am Ria kaya lalo akong nahihiya na hindi ito tanggapin. Sabi kasi niya, tiyakin ko daw na nakakakain sa oras si Sir.Mabait si Ma’am Ria pati na ang asawa niya na si Sir Marcus. Namana siguro ni Sir MB ang kabaitan niya sa mga ito. At their age kitang-kita mo na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Sana all, hindi ba?‘Talaga ba Almira?’Napailing na lang ako sa pagtatalo ng utak ko! Pero naisip ko naman maliit na bagay lang ito kung tutuusin sa dami ng naitulong sa akin ni Sir. Ako pa nga an
AlmiraMasaya akong nakatanaw sa mga anak ko na naglalaro sa dalampasigan habang nakabantay naman sa kanila si Mitchell at si Menggay.Nakaupo ako sa shed dahil buntis na naman ako sa pangatlong anak namin ni Michell. Dahil two years lang ang pagitan ni Matthew at ng kambal ay nagpalipas muna kami ni Michell ng apat na taon bago namin sundan ang kambal.Anim na buwan na ang tiyan ko and this time, it’a only a single pregnancy. And it is a girl!Napagusapan din namin ni Michell na this will be the last time na magbubuntis ako. Ang gusto naman ni Michell ay mag-focus ako sa sarili ko at kapag malaki na ang mga bata, pwede daw akong bumalik ulit sa pagt-trabaho.But then I declined his offer at sinabi ko na mas gusto kong alagaan ang pamilya ko. Hindi naman kasi natatapos ang responsibilidad ng magulang kaya mas gusto ko na masubaybayan ko ang mga bata habang lumalaki sila.John Matthew is now six years old at sa pasukan ay mag-aaral na siya as as Kindergarten student.At his age ay ma
MichellHindi na ako mapakali the moment na ipasok si Almira sa operating room. Tatlong oras na sila sa loob kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko lalo at wala pang lumalabas sa kwartong yun.Uupo ako sandali, pero tatayo din ako agad dahil kinakabahan talaga ako.“Kuya, sit down! Hilong-hilo na ako sa iyo!” reklamo ni Dylan sa akin pero hindi ko siya pinansin“Kuha ba kita ng kape?” tanong ni Josh pero binatukan agad siya ni Helious“Aray! Bakit ba!” angil tuloy ni Josh kay Helious“Nag-iisip ka ba? Ninenerbyos na nga yang tao, papainumin mo pa ng kape?” sabi ni Helious kay Josh“Huwag kayong maingay! Baka palabasin tayo dito!” suway ni Dylan sa dalawang bugok na tila magdidiskusyon paUupo na sana ako pero bumukas na ang operating room at nilabas mula doon si Almira na hanggang ngayon ay tulog pa.Nilapitan ko siya agad at sinabi ng nurse na dadalhin na sa kwarto niya ang asawa ko.Sumabay na kami habang tulak-tulak ng mga nurse ang kama ni Almira. Inilipat siya sa kama the mo
AlmiraGender reveal namin ngayon sa mansion and everyone is excited sa party na inorganize ko. I am currently in my sixth month at nagpapasalamat naman ako na hindi naging mahirap ang pinagdaanan ko habang nagbubuntis.Wala din akong naranasang spottings palibhasa palaging nakabantay sa akin si Michell. Nagpagawa ako ng tatlong arko made of balloons which is colored blue, pink, and a combination of blue and pink.May nakahanda na din na dalawang confetti bomb na papuputukin ni Michell mamaya in time for the reveal.At gaya ng inaasahan ko, nandito ang lahat ng mga taong mahahalaga sa amin ni Michell.Even Tita Connie and her family ay nandito dahil gusto nilang makibahagi sa masayang okasyon na ito.Hindi alam ni Michell ang gender ng anak namin at sinadya ko iyon para mas maging exciting ang aming party.Mabuti na lang, cooperative naman ang asawa ko at hindi na niya pinagpilitan ang kagustuhan niyang malaman na agad ang gender ng kambal.“Okay, ready na ba ang lahat?” tanong ko
AlmiraMagkahawak kamay kaming bumaba ni Michell sa hagdan nang umagang iyon.Walang pagsidlan ang aming kaligayahan matapos naming mag-test pagkagising namin kaninang umaga.Actually kagabi pa gusto magtest ni Michell pero ipinaliwanag ko sa kanya na mas accurate kasi ang resulta kapag sa umaga ito ginawa.At kaninang umaga nga ginawa namin ang test. Pinatakan ko ng urine sample ang tatlong pregnancy test kits at matiyaga naming hinintay ang resulta.And when it came out with two lines, naghihiyaw si Michell sa sobrang saya niya. Niyakap niya ako ng mahigpit saka niya pinaliguan ng halik ang mukha ko.Niyakap niya ako ng mahigpit at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang excitement ni Michell.“Thank you so much sweetie! You made me the happiest man!” bulong niya sa akinMasaya kaming bumaba at naabutan namin si Daddy at Mommy na nasa sala at nilalaro si Matthew.Dito na sila natulog kagabi dahil nami-miss daw nila ang apo nila. “Nandyan na pala kayo! Mag-almusal na tayo!” sab
AlmiraSecond birthday ngayon ni Matthew kaya naman hindi na magkamayaw dito sa mansion kung saan kami lumipat isang linggo matapos ang kasal namin ni Michell.Wedding gift niya daw ito sa akin at hindi ko napigilang maging emosyonal upon seeing it for the first time.Fully furnished na din ito kaya naman okay na ang lahat noong lumipat kami. May househelp na din kaya naman wala na akong masabi kay Michell dahil inayos na niya ang lahat para sa amin.Alas tres ang party at dahil ang anak palang ni Kuya Dustin at Bea ang bata on both sides ay napagkasunduan namin na mag-invite ng mga bata na galing sa bahay-ampunan.Nakaayos na ang lahat at nandito na din ang mga clowns na magpapalaro mamaya para sa bata. Magpe-perform din sila ng magic show kaya sigurado ako na matutuwa ang mga batang dadalo dito.May mga photo booths din na nakahanda as well as stalls of ice cream and cotton candy.Dumating na din sina Dylan, Helious at Josh para tulungan si Michell sa paghahanda para sa ibang kakai
MichellAraw ng kasal namin ngayon ni Almira at kahit hindi ako naniniwala sa mga pamahiin ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ni Mommy na manatili ako sa penthouse, three days before our wedding.Sa telepono ko lang nakakausap ang mag-ina ko at kahit mahirap, kinaya ko dahil na rin sa takot na baka nga hindi matuloy ang kasal namin ni Almira.Maaga kaming nagising ng tatlong bugok dahil dito sila natulog sa penthouse. Nag-order ng almusal si Dylan sa chef ng hotel at nag-almusal muna kami bago kami naligo at nagbihis.Alas- diyes ng umaga ang kasal and I can’t help but to be excited! Finally, ikakasal na kami ni Almira!Wala ng makakapigil!“Ready ka na kuya?” tanong sa akin ni Dylan ng sumilip siya sa kwarto ko“I am? Kayo? Okay na?” tanong ko naman dito“Yes kuya! We better go baka mtraffic tayo!” babala pa ni DylanIt’s eight-thirty in the morning kaya naman nagmadali na ako dahil ayoko namang maunahan pa ako ni Almira sa simbahan.Nasa sala na kami nang ayain ka
MichellNakatayo ako sa harap ng lote kung saan nakatayo ang mansion namin ni Almira. Nabili ko ang loteng ito two years ago before our wedding at nagsimula na ang construction nito bago pa siya mawala sa akin dahil sa pag-aakalang patay na siya.Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagkawala niya ay ipinagtuloy ko pa rin ang pagtatayo nito.Isang taon ang binuno ng mga tauhan ni Helious para maipatayo ito. At lahat ng gusto ko ay nasunod naman. Ngayong malapit na akong ikasal ay nagpatawag ako ng mga tao para ayusin itong muli.Gusto ko, after ng kasal namin ay dito na kami lilipat. Malapit-lapit naman ito sa mansion ng parents ko kaya magiging madali kung gusto nila kaming dalawin.This will be my gift to Almira after our wedding. This will be our home! Our paradise! Our lovenest!My phone rang and I smiled when I saw that it was Almira.“Hey sweetie!” sabi ko sa kanyaAng alam ko ay nasa labas ito ngayon dahil magkikita-kita sila nila Charlotte at Joebell.“Where are you?” malamb
AlmiraMeeting namin ngayon with the wedding planner na kinuha ni Michell para sa kasal namin at kitang-kita talaga ang excitement sa mga mata ni Michell.Sa office ni Michell ang meeting dahil after that ay may mga kailangan pa siyang pirmahan sa opisina. Mamaya din namin kikitain si Tita Sophia sa Bella Dolcezza para masukatan ako ng gown dahil ito ang gusto niya even two years ago.Kaninang umaga nga, medyo na-late pa kaming bumaba kaya hindi na naman kami nakaligtas sa pang-aasar ng mga kapatid ni Michell.At dahil good mood naman siya, hindi na niya pinatulan ang mga kapatid niya.Naiwan si Matthew kay Mommy dahil lalabas din daw sila mamaya dahil gustong ipag- shopping ni daddy ang unang apo niya.Manifesting for baby number two nga daw, sabi pa ni daddy kaya napailing na lang ako habang namumula ang mukha ko.Mahirap magbuntis at nang ikwento ko kay Michell ang mga karanasan ko habang pinagbubuntis ko si Matthew ay nababasa ko sa mga mata niya ang panghihinayang. Maybe because
AlmiraHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nandito ako sa banyo. Nakapag-shower na ako at nakapagbihis na din pero hindi pa ako makalabas lalo at nasa labas na ng kwarto si Michell.Nasa kwarto ng parents ni Michell si Matthew at ito ang unang beses na magsosolo kami ni Michell sa iisang kwarto matapos naming maghiwalay for two years.Although alam ko sa sarili ko na wala naman talagang naganap sa amin ni Jake at tanging si Michell lang ang naka-angkin sa akin, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.Huminga ako ng malalim saka ako lumabas ng banyo. Nasa kama na si Michell dahil nauna na siyang mag-shower sa akin kanina. Nakaharap siya sa TV habang hawak ang remote pero nakita ko na agad siyang tumingin sa direksyon ko when he felt my presence.Naupo ako sa vanity mirror and I started doing my skin care routine after blow-drying my hair at mula sa salamin, nakikita ko ang pagsunod ni Michell sa bawat galaw ko.Nang matapos na ako ay lumapit na ako sa kama at sumampa doon. Niya