Almira
Maaga akong gumising kinabukasan dahil kailangan kong maghanda para sa unang araw ko bilang assistant si Sir MB. Hanggang ngayon nga, hindi ako makapaniwala na natanggap ako sa trabaho. Nagkaroon ako ng pagdududa at first dahil una sa lahat, hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral. Pero sinubukan ko pa rin at maswerteng natanggap naman ako. Alam na din ni Inay na natanggap ako dahil dumaan ako kahapon sa ospital para ibalita ito sa kanya. Masaya naman ang inay lalo pa nang malaman niya ang sweldo ko kada buwan. Matapos kong magbihis at mag-ayos ay agad na akong sumakay ng jeep para makarating sa opisina. Na-brief na din ako ni Sir Gab kahapon tungkol sa mga dapat kong gawin. Pagdating ko sa opisina ay maaga ako ng kinse minutos kaya naman ginawa ko na ang trabaho ko. Una kong pinuntahan ang opisina ni Sir MB at binuksan ang aircon nito. Ayaw daw kasi ni Sir MB na hindi malamig ang opisina niya kapag dumarating siya. Naghanda na din ako ng kape sa coffeemaker habang inaayos ko ang mesa niya. Nasulyapan ko ang larawan niya na nasa mesa at hindi ko maiwasang humanga sa kakisigan niya. Nakita ko din ang family picture nila kaya napangiti ako. Mukha kasi silang masaya sa larawan. Na-miss ko tuloy ang itay at ang ate Alicia ko. Napahinga na lang ako ng malalim saka ko pinagpatuloy ang trabaho habang manaka-nakang tinitignan ang larawan ni Sir MB. “Hmmm..ang gwapo mo talaga! Kakagigil ka!” natawa na lang ako sa sinabi ko saka ako umiling Nang matapos na ako dito ay lumabas na ako ng opisina para i-check ang schedule ni Sir MB. Nakasulat iyon sa organizer at kasama sa trabaho ko ang ayusin iyon sa araw-araw. Itinuro naman sa akin iyon ni Sir Gab at masaya naman siya dahil madali daw akong matuto. Inisa-isa ko ang nakasulat sa organizer at nakita ko na medyo busy ang schedule ng amo ko ngayon. “Ang aga ah!” bati sa akin ni Sir Gab at medyo nagulat pa ako sa kanya “Sir naman eh!” sabi ko dito kaya natawa siya “Almira, bawas-bawasan mo ang pagkakape! Masyado ka ng nerbyosa!” sabi pa niya sa akin “Naayos mo na yung loob?” tanong niya sa akin and I nodded May inilagay na din na isang mesa para sa akin kung saan ako uupo. Sasagutin ko ang mga tawag at ililista ang mga nagpapa-appointment kay Sir MB kapag nandito ako sa opisina. Kapag lalabas kasi ang boss ko kasama daw ako at si Sir Gab ang bahala sa mga paperworks. “Alam mo nagtataka ako dyan kay Sir MB eh! Dati kasi ayaw niya ng assistant! Kaya nga hirap na hirap ako sa trabaho. Mabuti na lang naawa sa akin!” kwento ni Sir Gab sa akin habang binubuksan ang computer niya “Eh mabuti nga po naawa din po sa akin!” sagot ko kay Sir Gab “Ha?” “Eh kasi po nalaman po niya na wala akong permanenteng trabaho. Eh labas masok po yung anak ko sa ospital kaya kailangan ko po talaga ng trabaho!” pagk-kwento ko din sa kanya “May anak ka na?” gulat na tanong niya kaya naman napangiwi ako “Sir naman! Para namang kay laking kasalanan na may anak na ako!” biro ko dito kaya napailing pa si Sir Gab “Sorry! Well, single kasi ang nakalagay sa resume mo! So mali pala ang hinala ko!” sabi pa ni Sir Gab “Anong hinala po?” Lumingon pa si Sir Gab sa likod na parang tinitiyak niya na walang taong nakakarinig sa amin. “Akala ko kasi may gusto sayo si Sir MB kaya tanggap ka agad sa trabaho. Ni hindi ka kasi dumaan sa HR. Hindi ka nag-exam! Yun naman pala naawa lang sayo!” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Sir Gab. Si Sir MB? Magkakagusto sa akin? Parang hindi naman kapani-paniwala! “Kayo talaga sir! Lawak ng imagination mo eh!” pang-aasar ko sa kanya kaya napangisi siya Lumingon siya ulit pagkatapos ay bumaling sa akin. “Yang si Sir MB, certified babaero yan! Kaya mag-ingat ka pa rin, Almira! Friendly advice lang naman!” sabi niya sa akin kaya nagkibit-balikat na lang ako Hindi naman siguro ako papatusin ni Sir! Diyos ko naman eh wala naman siyang makikitang maganda sa akin. Tapos may anak pa ako? I’m pretty sure naman mas marami dyan na handang handa na makipaglaro sa kanya. Yung ka-level niya! At malamang hindi ako yun! Hindi naman nagtagal ay bumukas ang elevator kaya napatayo na kami ni Sir Gab. Naglakad na papasok ng opisina niya si Sir MB at grabe lang dahil ambango bango talaga niya! “Good morning sir!” sabay na sabi namin ni Sir Gab at tumango lang ito sa amin Sinenyasan na ako ni Sir Gab na sumunod sa boss namin kaya agad kong kinuha ang planner niya. Nakaupo na si Sir pagpasok ko kaya naman inuna ko ang kape niya at ang tinapay na dinaanan ko pa sa bakeshop kanina. Grabe lang talaga ang mayayaman! Pati pagkain may schedule! “What’s my schedule?” sabi dito matapos kong ilapag ang tray sa gilid niya He started to drink coffee habang pinapakinggan ang schedule niya. Wala naman siyang pinabago doon kaya okay na ang schedule niya for this day. Well depende nalang kung may biglaang pagbabago. “Get ready kasi sasama ka akin!” sabi pa nito and expected ko naman na yun since sinabi na sa akin kahapon iyon. “Noted po Sir!” sagot ko naman dito “May ipag-uutos pa po kayo?” tanong ko dito kaya naman napatingin siya sa akin ng sandali Ewan ko pero bigla yatang nagrigudon ang puso ko sa pagdantay ng mga mata niya sa akin. Sasagot na sana siya pero bigla naman bumukas ang pinto kaya medyo nagulat pa ako. “Kuya, Good morning!” sabi ng isang tinig at ng lingunin ko ito ay nakita ko ang isang lalake na kahawig ni Sir MB Napatingin din ito sa akin kaya naman ngumiti ako dito at nagbigay galang. “Good morning Sir!” “Hey beautiful! Good morning! Ako nga pala si Martin Ralph Thompson! Ang COO ng TGC!” sagot naman nito sa akin “Pleasure to meet you sir! Gusto niyo po ng coffee?” magalang na sabi ko naman dito “No thanks..” tinitigan pa niya ang ID ko at binasa ang pangalan ko “Almira! Nice meeting you!” sabi niya pa sa akin “You may go!” sabi naman ni Sir MB while looking at me with his stern face kaya naman lumabas na ako sa opisina niya Grabe ang gwapo din ni Sir Martin! Pero syempre mas gwapo pa rin si Sir MB! Tinignan ko ang relong pambisig ko at malapit na ang meeting ni Sir MB. Naghanda na ako dahil sasama ako sa kanya para kumuha ng minutes. Bumukas naman ang pinto at magkasunod na lumabas ang dalawang gwapong nilalang! Nakangiti si sir Martin habang seryoso naman ang mukha ng boss ko. Tumayo na ako at binitbit ang bag ko pati na ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Sir. Inayos ko na ito kanina dahil mahirap ng may maiwanan! “Let’s go Almira!” sabi niya kahit pa nakatayo naman na ako sa likod niya Nag-thumbs up naman si Sir Gab sa akin kaya nginitian ko ang pag-cheer niya sa akin. Dumeretso ang dalawa sa elevator at sumunod naman ako agad. Pinauna ako ni Sir MB kaya naman nasa harapan ko ang magkapatid. Agad pinindot ni Sir ang lobby habang kausap niya ang kapatid niya. “Ayusin mo ang tungkol sa problema ng Bella Dolcezza. Hindi ko na mahaharap yan since madami na akong ginagawa!” “Okay kuya, ako na ang bahala!” sagot naman ni Sir Martin sa kuya niya. Ilang negosyo ba meron ang pamilya nila at nahihirapan yatang pagkasyahin ni Sir MB ang oras niya? Pagdating namin sa lobby ay naglakad na si Sir. Sa haba ng bitis niya ay kailangan kong bilisan ang lakad para hindi ako mahuli. Nagmamadali ba siya? Maaga pa naman para sa meeting niya. Nakita ko na may kotseng huminto sa harap ng building at bumaba mula doon ang lalaking naka-uniporme ng kulay asul. Binuksan nito ang back seat at agad sumakay doon si Sir MB. Sa harap na ako sumakay dahil syempre alangan namang tumabi ako sa boss ko. “Almira, siya si Tony, driver siya sa TGC. Tony this is Almira ang assistant ko!” pakilala sa amin ni Sir MB at agad naman akong ngumiti kay Tony “Magandang araw!” Tango lang at isang ngiti ang isinagot niya sa akin saka itinuloy ang pagmamaneho. “Sabihin mo sa kanya kung saan tayo pupunta Almira!” medyo malakas ang boses ni Sir kaya naman medyo napitlag pa ako “Sorry po Sir! Ah Tony sa Hernandez golf club tayo!” sabi ko dito Medyo natakot ako sa pagsigaw ni Sir pero pinili kong kumalma. First day! One point! Hay sana hindi na madagdagan! Mukhang nakakatakot pa namang magalit si sir MB. Kay gwapo-gwapo pero napakamahal ng ngiti! Bad mood ba lagi ang nanay niya noong pinagbubuntis siya? Pagdating namin sa golf course ay dumeretso kami sa isang coffeeshop na nandito. Nilapitan namin ang isang grupo ng mga kalalakihan na siguro ay halos ka-edad lang ni Sir o mas matanda sa kanya ng konti. Apat sila sa mesa at mukhang hinihintay nila ang pagdating ni Sir MB. “Kanina pa kayo?” tanong niya sa mga ito saka siya naupo Humila na din ako ng upuan at naupo ako likod niya. “Hindi naman! Kakatapos lang naman naming maglaro!” sabi ng isang kausap ni Sir MB “Nagdadala ka na ng secretary, Bro?” tanong naman ng isa pa at nagkunwari na lang akong busy sa likod niya “Why? What’s wrong with that?” tanong naman ni Sir sa mga kausap niya Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga ito kaya naman napaangat ang mata ko sa kanila. “Secretary ba yan o…” “Stop it, Jake! Simulan na natin ito kasi may next appointment pa ako!” Putol ni Sir sa gusto sanang sabihin nung isang lalake Nagsimula na silang mag-usap at base sa topic nila, may highschool reunion ang batch nila. “Kung ano na lang ang majority, count me in! Just e-mail me the details.” sabi pa nito “Okay bro! Basta yung venue at yung food sayo na yun! Ano naman ang silbi ng hotels niyo right?!” komento naman ng isa “No problem with that, Lee! Basta give me the details at kung saan sa mga hotel namin ang prefer ng batch natin.” “Then it’s settled!” sabi nung tinawag niyang Jake Nag-usap pa sila hanggang sa umalis na kami sa lugar na iyon. Ewan ko lang pero kasi naiilang ako sa tingin ng mga kaklase ni Sir MB kaya mabuti na lang natapos agad ang meeting.AlmiraAlas sais na ng gabi nang matapos ang mga schedule ni Sir MB at awa naman ng Diyos, hindi na nasundan ang one point ko kanina.Sa totoo lang natatakot kasi akong magkamali lalo pa at mukhang perfectionist ang amo ko.Paalis na kami sa huling meeting niya at nagpapasalamat naman ako dahil naitawid ko ang isang araw kasama siya.“Tony pakidaan sa Grand.” utos niya sa driver at tumango lang ito Sa buong araw napansin ko na tipid ding magsalita itong si Tony. At mukhang okay naman ito sa boss namin.Habang nasa biyahe ay chine-check ko ang tablet na binigay sa akin ni Sir Gab. Dito nakalista ang mga appointments niya bukas pati na ang sa mga susunod na araw.Marami talaga siyang kinakausap na mga tao kaya naman palaging advance ang pag-aayos ng schedules niya.Huminto ang kotse sa harap ng isang matayog na hotel sa metro. Sa palagay ko ito ay isa din sa pag-aari ng Thompson Group of Companies.Ako na ang bumaba para pagbuksan ng pinto si Sir saka ako sumunod sa kanya nang maglak
AlmiraIsang linggo na ang nakaraan at masasabi ko na gamay ko na din ang klase ng trabaho ko kay Sir MB.Palagi akong kasama ni Sir sa mga meetings niya at kung wala naman ay nasa opisina ako doing paper works para matulungan ko naman si Sir Gab.Bago ako umuwi ay dumadaan ako sa ospital para tignan ang kalagayan ni Andrei. Kahit papano naman ay bumubuti na ang kalagayan niya lalo pa at naibibigay ang gamot na kailangan niya.Naglakas loob na akong manghiram ng pera kay Chandru, ang bumbay na nagpapautang sa lugar namin. Nalaman ko kasi mula kay inay na may notice na ang ospital na kailangan naming bawasan ang bill namin dahil kung hindi, ititigil nila ang supply ng gamot ni Andrei. At dahil nalaman ng bumbay na sa isang matatag na kumpanya ako nagtatrabaho ay pinahiram niya ako ng fifteen thousand.Agad akong nagbayad sa ospital at nagtira lang ako ng konti para sa panggastos ko at para sa bayarin sa kuryente at tubig. Ang upa na lang kay Manang Siona ang pinaghahandaan ko sa ora
MitchellIt’s been a week and I guess sanay na si Almira sa trabaho niya bilang assistant ko. I can say that she is efficient and good. Madali siyang matuto at mabilis ang pick-up niya sa mga bagay-bagay.Ang hindi ko lang gusto ay ang pagiging eye catcher niya sa mga nakakaharap ko sa meetings. Napapansin ko ang mga panakaw na tingin sa kanya ng mga lalaking ito at hindi ko iyon nagugustuhan.Well hindi naman napapansin ni Almira iyon kaya kahit papano ay nababawasan ang pag-aalala ko. She just sits and works at ni hindi niya halos tinitignan ang mga taong kausap ko.Nakikita ko na mahiyain siya. And she is so naive dahil hindi niya napapansin ang mga kakaibang tingin ng mga ito sa kanya.Pero kanina, hindi ko na napigil ang sarili ko nang makita ko nilapitan ni Gab si Almira. Hinawakan pa nito ang kamay niya at pakiramdam ko nag-init ang ulo ko dahil doon.One-way ang salamin sa office ko kaya naman nakikita ko sila pero ako, hindi. At sa paraang ito, nasisilayan ko ang magandang m
AlmiraAgad akong tumakbo papasok sa kanto namin nang marinig ko ang balita sa akin ni Aling Tale. Hindi ko lubos maisip na gagawin iyon ni Manang Siona samantalang nakiusap ako sa kanya na sa sweldo ko, babayaran ko na lahat ng utang namin sa kanya at pumayag naman siya.Nasa labas ng apartment namin si Bea na sa tingin ko ay nakikipagtalo pa kay Manang.“Wala akong pakialam!” narinig kong sigaw nito habang kinakandado niya ang pinto ng inuupahan namin“Manang Siona! Bakit naman po ninyo nilabas ang mga gamit namin!” sabi ko dito nang tuluyan na akong makalapit sa kanila“Aba mainam naman at nandito ka na! Hakutin mo na yang mga gamit ninyo at lumayas ka na dito! Bayaran mo ang utang mo sa sweldo mo kung hindi ipapakulong kita!” galit na sabi ni Manang Siona sa akin kaya naman nangatwiran ako“Manang Siona di ba po may pag-uusap na po tayo na babayaran ko naman po kayo sa sweldo ko!” “Oo Almira! Pero nalaman ko na kumuha ka pala ng pera kay Chandru! E bakit hindi mo ako binayaran
MitchellI started driving para dalhin si Almira sa lugar kung saan alam ko na magiging ligtas siya. At dahil nasa ospital pa ang anak niya, minabuti ko ng isama pati ang bestfriend niya na si Bea sa pag-alis niya sa lugar na iyon.Empleyado ko din naman si Bea at nakita ko na matagal na din siya sa kumpanya so it’s okay kung isasama ko siya kay Almira.Tahimik naman si Bea sa likod samantalang si Almira ay nakatingin lang sa bintana. I saw her wipe her tears kaya naman naninikip ang dibdib ko sa nakikita kong kalagayan niya.Mabuti na lang kanina ay sinundan ko si Almira at nakita ko kung ano ang ginawa sa kanya ng matandang yun. Pasalamat siya at marunong pa rin akong gumalang sa nakatatanda kaya pinilit kong pigilan ang galit ko.And I made a very quick decision for her! Hindi ako papayag na inaapi lang siya ng kung sino!“Kalimutan mo na ang nangyari Almira! Hindi ka na babalik sa lugar na yun!” sabi ko sa kanya kaya naman lumingon siya sa akinNagkatinginan kami at nakita ko ang
AlmiraTulala….Ganyan ako sa mga oras na ito matapos kong ihatid si Sir MB sa labas ng townhouse kung saan niya kami dinala ni Bea.Hindi ako makapaniwala na sa ganitong kagarang bahay kami dadalhin ni sir. At wala pa kaming babayarang upa ayon sa kanya kaya lalong nakakagulat.May libre pa ba sa panahon ngayon?Pero itanggi ko man, malaking bagay ito sa amin ni Bea dahil hindi na namin poproblemahin ang buwan-buwang upa.“Kurutin mo nga ako bes!” wala sa loob na sabi ko ng tumabi sa akin si Bea matapos niyang tingnan ang mga damit at sapatos na binigay ni Sir sa akin.“Aray!!!” napahiyaw ako habang si Bea naman ay natawa “Oh ayan! Hindi ka nananaginip!” napangiwi ako dahil sa sakit ng kurot nito“Ang sakit ha!!” pinandilatan ko pa siya ng mata pero tinaasan lang niya ako ng kilay“Ikaw nga eh umamin sa akin, bes!” sabi ni Bea habang hindi binababa ang nakatikwas niyang kilay“Anong umamin?”“Wala ba kayong relasyon ni Sir MB!?” hindi ko napigilan ang kamay ko at nahampas ko ng mah
AlmiraMabuti na lang maagang umalis si Sir MB dahil sa biglaang lakad niya kaya naman nakasabay ako pag-uwi kay Sir Gab bandang alas singko.Tinext ko si Bea at nalaman ko na nasa ospital na daw siya kaya naman doon na ako dumiretso.“Mama!” tawag sa akin ni Andrei nang makita niya ako kaya agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa noo“Kamusta ang baby ko?” malambing na tanong ko dito“Magaling na po ako Mama! Mama uuwi na si Andrei! Sabi ni Mama Bea, may new house tayo?” natawa ako sa sinabi ni Andrei kaya naman hinipo ko ang ulo niyaObviously naunahan na ako ni Bea na magkwento kay Inay kaya tiyak narinig ito ni Andrei.“Anak, hindi natin bahay yun! Bahay yun ng boss ni Mama at pinahiram lang sa atin!” paliwanag ko sa bata“Pero Mama pwede po si Andrei doon?” tanong pa niya ulitHe was so excited kaya medyo hinihingal siya kaya sinabihan ko siyang dahan-dahanin ang pagsasalita“Siyempre naman Anak! Kung nasaan si Mama dapat nandun din ang baby, tama ba?” tango lang ang sinagot ni
MitchellMagaan ang pakiramdam ko ngayong umaga after a heavy breakfast that I just had. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo pa at si Almira ang nagluto nito para sa akin.Siya ang unang babae na nag-effort to cook for me, well of course except Mom. And I can’t help myself dahil sobrang masaya ako for her sweet gesture.Ang sabi niya, recipe iyon ng itay niya noong nabubuhay pa ito. May maliit daw silang tindahan noon ng mga silog sa harap ng bahay ng lola niya.But when her father died, hindi na sila pinayagan ng mga tiyahin niyang magtinda doon at pinalayas pa sila sa bahay ng lola niya kaya napilitan silang mangupahan.I felt sorry for her dahil hindi naging madali ang buhay para sa kanya.“Sir!” napaangat ang ulo ko at nakita ko ang babaeng kanina pa laman ng isipan ko“Yes Almira?” tanong ko dito “May appointment po kayo in an hour! May meeting po kayo ng daddy niyo sa Le Chateau”“Okay Almira! Thanks!” I stood up and grabbed my phone and keysHindi na ako masyadong nagpapa-driv