Mitchell Blake Thompson
It is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan. Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family. “Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom. Even at their age they still look good together and are still in love with each other. “Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse. We grew up with her cooking and she is the best! “Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga kina Mom and Dad. Dad’s friends are here with their own family. I can remember when we were kids, pag nagsama sama ang mga bata ay sobrang ingay at hindi na magkamayaw talaga. “Kuya Mitchell!” bati sa akin ni Hyacinth, Tito Lucian and Tita Thea’s older daughter. Halos siya ang kasabayan namin lumaki noon since one year lang ang tanda namin sa kanya ni Maegan. “Hey!” sabi ko saka ko siya niyakap “Wala pa ba si Maegan?” tanong niya “Hindi ka na nasanay dun!” sabi ko at saka ako uminom ng wine “Always late!” natatawa naman si Hyacinth. Just like me she is now handling the Pharmaceutical business of the Segovia’s under his Dad. On the other side nakita ko si Mason, Regina and Martin, chatting with Dylan. Ang panganay na anak ni Tito Drake and Tita Valeen. Just like us, he is now starting to manage the business of their family. Present din of course si Dwight. Ang pasaway na kapatid ni Dylan. Hindi ko alam kung ano ang piangkakaabalahan nito ngayon but definitely not business. He hates that. And with him is Helious, Tito Hendrix and Tita Sophia’s eldest son. Nasa isang table naman si Daryll ang bunsong kapatid ni Dylan together with Miguel, ang kapatid ni Hyacinth. And Hera, ang prinsesa ng mga Saavedra. Hindi ko pa nakikita si Tito Xavier and tita Max. Baka parating palang sila with their children. They are blessed with three children namely, Josh, Alyssa and Marco. I was busy roaming around hanggang sa maagaw ng paningin ko ang isa sa mga waitress na nagsisilbi sa hall. She’s wearing a uniform that fits her curves. Her hair is tied into a bun kaya mas lalo mong makikita ang ganda ng mukha niya. Seryoso lang siya habang umiikot at nagse serve ng wine sa mga bisita and I can’t help but to follow her movements. Bumalik siya sa gilid ng hall ng maubos ang dala niyang wine. Sa palagay ko maglalagay siya ulit. I saw how she massaged her thighs bago uli inabot ang tray na may wine. Mukhang masakit na ang binti niya kakalakad because of her heels pero kailangan niyang tapusin ang trabaho. I can’t believe myself that all night wala akong sinundan ng tingin kung hindi siya. I even called the staff of our hotel para malaman ko kung ano ang pangalan ng babaeng ito dahil out the blue bigla na lang itong nawala kagabi. “Sir hindi po siya naka register as an employee of the hotel. Palagay ko po, she just came for extra work since kinulang po tayo ng tao kagabi.” paliwanag ng secretary ko Nahilot ko ang sentido ko dahil hindi talaga ako pinatulog ng babaeng ito kagabi. At the age of 28, marami na din akong naging karanasan sa mga babae pero hindi muna ako nakikipagrelasyon. One night stand..and that’s it. Goodbye pagkatapos, and that is how I roll. “Do anything to find her, alamin niyo kung sino siya at kung saan ko siya makikita!” utos ko sa secretary ko “O bakit na naman mainit ang ulo mo?” tanong ng kapatid ko pagpasok niya sa opisina. May dala itong papeles at inilapag niya iyon sa mesa ko Umiling ako at hindi ko siya pinansin. “Samahan mo na ako sa meeting! Sa malapit lang naman yon!” yaya sa akin ni Martin “Okay tara na! Magsanay ka na kasi! Palagi mo nalang akong iniistorbo!” inis na sabi ko sa kapatid ko pero hanggang doon lang naman yun. Of course, I still need to guide my siblings. Umalis na kami ng office at nakarating kami sa isang mall. May restaurant kasi sa loob noon at doon gaganapin ang meeting. The meeting started immediately dahil nandun na ang mga taong kausap ni Martin. Hinayaan ko lang naman ang kapatid ko at nakinig lang and all I can say is my brother is good. Kayang kaya na niya! Napatingin ako sa labas when I saw a familiar face walking. “Dammit!” bulong ko pero narinig iyon ng kapatid ko “What’s wrong kuya?” “Nothing! Just continue with this, I’ll call you okay!” sabi ko sa kapatid ko at saka ako lumabas agad ng restaurant Sinundan ko ang babaeng laman ng isip ko mula kagabi hanggang ngayon. Naglakad siya palabas ng mall while wearing a different uniform. Ilan ba ang trabaho ng babaeng ito? Hindi ko siya hiniwalayan but I kept my distance, though. Hindi ako papayag na hindi ko malaman kung saan siya pupunta. My heart was beating fast. Sumakay siya ng jeep at agad naman akong sumunod. Mabuti nalang may bakante pang upuan. Tulala lang siyang nakatingin sa harap. Ni hindi nga ata ako napansin. Hindi kagaya ng ibang pasahero na nakatingin sa akin at hindi makapaniwala na sumakay ako ng jeep na naka amerikana. Narinig ko ang malungkot na buntonghininga ng babae. I can see pain in her eyes na para bang gusto ko siyang yakapin at ikulong sa mga bisig ko. Nagbayad siya ng pamasahe at dahil wala naman akong alam kung magkano ang pamasahe ay basta nalang ako kumuha ng isang libo sa wallet ko at inabot sa katabi ko. “Aba! Baka walang isukli sa iyo ang driver! Wala ka bang barya dyan?” tanong sa akin ng ale na katabi ko Napakamot ako sa ulo saka ko sinabing wala. “Dapat pala nag-taxi ka nalang!” singit naman ng isang pasahero “O bayad daw kuya!” Sabi ng babae sabay abot ng isang libo ko “Lintik na! Wala bang barya?!” sigaw ng driver Napa angat ang tingin ko at nakita ko na nakatingin na sa akin ang babaeng nasa harap ko. That was our first eye contact. She has beautiful brown eyes na nababalot ng lungkot and I can say that just by staring at her. Pakiramdam ko isang oras kaming nagkatinginan but in reality it was just for a while. Maybe the time just stopped ng magtama ang paningin namin. “Wala daw po!” sagot ng babae sa driver “It’s okay po manong. Keep the change!” sabi ko para hindi na ako kulitin ng driver “Yun naman pala!” masaya namang sabi ng driver “Galante!” komento naman ng iba Paglingon ko ay wala na sa harap ko ang babaeng sinusundan ko. Mukhang bumaba na ng hindi ko namamalayan! “S**t!” sabi ko at sa ako mabilis na bumaba Natanaw ko na patawid ang babae kaya agad akong tumakbo para muli siyang sundan. She went inside the hospital. Kaya ba siya malungkot dahil may malapit sa puso niya na nandito? She walked straight at sa isang ward na puno ng mga pasyente siya nagpunta. Nagtago ako para hindi niya ako makita dahil tiyak na mag iisip ito kung bakit ako nandito. Nasa dulo ang kama ng pasyenteng pinuntahan niya at ng magawa kong sumilip, isang batang lalake, which I think is 3 years old ang nakahiga doon. Hinaplos niya ang noo ng bata at saka ito hinalikan. ‘is she married?’ “Mama!” narinig kong tawag ng bata “Kamusta ka na baby? Okay ka na ba?” malambing na tanong niya sa bata Natawa naman ako ng pagak sa sarili ko. All the while ang babaeng sinundan ko pala ay may anak at maaring may asawa na! Napailing ako at saka ako lumabas ng ward. I’m sure my brother will mock me kapag nalaman niya ang ginawa ko ngayong araw. Palabas na ako ng bigla ay may nakabangga akong babae na nagmamadali sa pagpasok. Medyo natakot pa ito at humingi ng paumanhin sa akin. “Naku sir pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!” sabi naman nito at ng magtama ang paningin namin, nakilala niya ako. “Sir Mitchell?” tanong niya sa akin “You know me?” balik tanong ko dito “Ay opo naman po. Nagt trabaho po ako sa hotel niyo.” kwento niya “I see. I’ll go ahead!” paalam ko naman dito pero tinawag niya ako uli “Ano pong ginagawa niyo dito?” Tinaasan ko ito ng kilay to send her the message na hindi ko siya kailangan sagutin sa tanong niya. Pero nagulat ako at sinagot ko pa rin. “May dinalaw lang ako. How about you?” tanong ko din sa kanila “Nandito po kasi yung anak ng bestfriend ko. Naka confine po. Sinama ko nga po kagabi sa event ni Sir Thompson yung kaibigan ko para kahit papano maka extra kasi kulang daw po sa tao. Malaki po kasi gastusin sa ospital.” That caught my attention. Malakas ang kutob ko na siya ang babaeng sinusundan ko. “Wala ba siyang permanenteng trabaho?” tanong ko sa empleyado ko “Wala po eh. Natanggal po kasi sila sa factory kasi contractual lang sila. Need po niya ng work lalo at single mother po siya.” Tumango ako. Ibig sabihin, nabuntis lang ito? Hindi ko alam kung bakit talaga ako nagkaroon ng interes sa babaeng ito gayung may anak na pala ito. Am I going nuts? “Tell her to bring her resume tomorrow. Kailangan ko ng assistant. Kung interesado siya, I can give her a job!” Tumalikod na ako at iniwan ang empleyado ko na hindi na ata kumurap sa sinabi ko. ‘i’m fucking doomed!’Almira“Bes, sigurado ka ba?” nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko na si Bea nang sabihin nito sa akin ang tungkol sa trabahong inaalok ng boss nilaNoong isang gabi kasi ay isinama ako ni Bea para umekstra sa pinapasukan niyang hotel bilang serbidora sa isang party. Kinulang daw kasi sa tao at dahil kilala niya ako ay agad naman akong pinayagang magtrabaho noong gabi na yun.Nakakagulat lang dahil pinababalik daw ako ng Boss niya at ang nakakapagtaka pa dun ay assistant daw ang kailangan ng Boss niya.“Oo nga Bes! Nagtaka din ako pero siguro kasi naawa sayo si Sir MB.” sagot naman sa akin ni Bea“Paanong naawa?” “E ayun na nga! Nakita ko nga kasi kanina si Sir MB na galing dito. Mukhang may dinalaw din siya. Tapos tinanong niya ako kung ano ginagawa ko dito, ayun sinabi ko na dadalawin ko yung anak mo.” mahabang paliwanag ni Bea“Tapos sinabi ko na isinama kita sa event kagabi kasi need mo ng work dahil may sakit ang anak mo tapos single mother ka pa, kaya sabi niya kung interesad
Mitchell I woke up at ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko nang maupo ako sa kama. Mukhang naparami ang nainom ko kagabi sa hindi ko malamang dahilan and I really hate hangovers! Nandito ako sa hotel room kung saan ko dinadala ang mga babaeng ikinakama ko. Hindi ko sila pwedeng dalhin sa penthouse dahil ayaw ko ng complications. Ayokong malaman nila kung saan talaga ako nakatira. Naramdaman ko ang paggalaw ng kabilang side ng kama and I was so surprised nang makita ko na nandito pa rin si Eileen. And babaeng nakilala ko kagabi sa bar at naka one night stand ko. She opened her eyes and smiled at me seductively. “Good morning!” sabi niya pa with her husky voice pero tinaasan ko lang ito ng kilay “What are you still doing here? I think I made myself clear na dapat hindi ka aabutan ng umaga dito?” inis na sabi ko sa kanya saka ako tumayo matapos kong magtapis ng twalya “Ganyan ka ba talaga ka-insensitive? I mean, pagkatapos mo akong gamitin kagabi, ni kape hindi mo man lang ako
AlmiraMaaga akong gumising kinabukasan dahil kailangan kong maghanda para sa unang araw ko bilang assistant si Sir MB.Hanggang ngayon nga, hindi ako makapaniwala na natanggap ako sa trabaho. Nagkaroon ako ng pagdududa at first dahil una sa lahat, hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral. Pero sinubukan ko pa rin at maswerteng natanggap naman ako.Alam na din ni Inay na natanggap ako dahil dumaan ako kahapon sa ospital para ibalita ito sa kanya. Masaya naman ang inay lalo pa nang malaman niya ang sweldo ko kada buwan.Matapos kong magbihis at mag-ayos ay agad na akong sumakay ng jeep para makarating sa opisina. Na-brief na din ako ni Sir Gab kahapon tungkol sa mga dapat kong gawin.Pagdating ko sa opisina ay maaga ako ng kinse minutos kaya naman ginawa ko na ang trabaho ko.Una kong pinuntahan ang opisina ni Sir MB at binuksan ang aircon nito. Ayaw daw kasi ni Sir MB na hindi malamig ang opisina niya kapag dumarating siya.Naghanda na din ako ng kape sa coffeemaker habang inaayos k
AlmiraAlas sais na ng gabi nang matapos ang mga schedule ni Sir MB at awa naman ng Diyos, hindi na nasundan ang one point ko kanina.Sa totoo lang natatakot kasi akong magkamali lalo pa at mukhang perfectionist ang amo ko.Paalis na kami sa huling meeting niya at nagpapasalamat naman ako dahil naitawid ko ang isang araw kasama siya.“Tony pakidaan sa Grand.” utos niya sa driver at tumango lang ito Sa buong araw napansin ko na tipid ding magsalita itong si Tony. At mukhang okay naman ito sa boss namin.Habang nasa biyahe ay chine-check ko ang tablet na binigay sa akin ni Sir Gab. Dito nakalista ang mga appointments niya bukas pati na ang sa mga susunod na araw.Marami talaga siyang kinakausap na mga tao kaya naman palaging advance ang pag-aayos ng schedules niya.Huminto ang kotse sa harap ng isang matayog na hotel sa metro. Sa palagay ko ito ay isa din sa pag-aari ng Thompson Group of Companies.Ako na ang bumaba para pagbuksan ng pinto si Sir saka ako sumunod sa kanya nang maglak
AlmiraIsang linggo na ang nakaraan at masasabi ko na gamay ko na din ang klase ng trabaho ko kay Sir MB.Palagi akong kasama ni Sir sa mga meetings niya at kung wala naman ay nasa opisina ako doing paper works para matulungan ko naman si Sir Gab.Bago ako umuwi ay dumadaan ako sa ospital para tignan ang kalagayan ni Andrei. Kahit papano naman ay bumubuti na ang kalagayan niya lalo pa at naibibigay ang gamot na kailangan niya.Naglakas loob na akong manghiram ng pera kay Chandru, ang bumbay na nagpapautang sa lugar namin. Nalaman ko kasi mula kay inay na may notice na ang ospital na kailangan naming bawasan ang bill namin dahil kung hindi, ititigil nila ang supply ng gamot ni Andrei. At dahil nalaman ng bumbay na sa isang matatag na kumpanya ako nagtatrabaho ay pinahiram niya ako ng fifteen thousand.Agad akong nagbayad sa ospital at nagtira lang ako ng konti para sa panggastos ko at para sa bayarin sa kuryente at tubig. Ang upa na lang kay Manang Siona ang pinaghahandaan ko sa ora
MitchellIt’s been a week and I guess sanay na si Almira sa trabaho niya bilang assistant ko. I can say that she is efficient and good. Madali siyang matuto at mabilis ang pick-up niya sa mga bagay-bagay.Ang hindi ko lang gusto ay ang pagiging eye catcher niya sa mga nakakaharap ko sa meetings. Napapansin ko ang mga panakaw na tingin sa kanya ng mga lalaking ito at hindi ko iyon nagugustuhan.Well hindi naman napapansin ni Almira iyon kaya kahit papano ay nababawasan ang pag-aalala ko. She just sits and works at ni hindi niya halos tinitignan ang mga taong kausap ko.Nakikita ko na mahiyain siya. And she is so naive dahil hindi niya napapansin ang mga kakaibang tingin ng mga ito sa kanya.Pero kanina, hindi ko na napigil ang sarili ko nang makita ko nilapitan ni Gab si Almira. Hinawakan pa nito ang kamay niya at pakiramdam ko nag-init ang ulo ko dahil doon.One-way ang salamin sa office ko kaya naman nakikita ko sila pero ako, hindi. At sa paraang ito, nasisilayan ko ang magandang m
AlmiraAgad akong tumakbo papasok sa kanto namin nang marinig ko ang balita sa akin ni Aling Tale. Hindi ko lubos maisip na gagawin iyon ni Manang Siona samantalang nakiusap ako sa kanya na sa sweldo ko, babayaran ko na lahat ng utang namin sa kanya at pumayag naman siya.Nasa labas ng apartment namin si Bea na sa tingin ko ay nakikipagtalo pa kay Manang.“Wala akong pakialam!” narinig kong sigaw nito habang kinakandado niya ang pinto ng inuupahan namin“Manang Siona! Bakit naman po ninyo nilabas ang mga gamit namin!” sabi ko dito nang tuluyan na akong makalapit sa kanila“Aba mainam naman at nandito ka na! Hakutin mo na yang mga gamit ninyo at lumayas ka na dito! Bayaran mo ang utang mo sa sweldo mo kung hindi ipapakulong kita!” galit na sabi ni Manang Siona sa akin kaya naman nangatwiran ako“Manang Siona di ba po may pag-uusap na po tayo na babayaran ko naman po kayo sa sweldo ko!” “Oo Almira! Pero nalaman ko na kumuha ka pala ng pera kay Chandru! E bakit hindi mo ako binayaran
MitchellI started driving para dalhin si Almira sa lugar kung saan alam ko na magiging ligtas siya. At dahil nasa ospital pa ang anak niya, minabuti ko ng isama pati ang bestfriend niya na si Bea sa pag-alis niya sa lugar na iyon.Empleyado ko din naman si Bea at nakita ko na matagal na din siya sa kumpanya so it’s okay kung isasama ko siya kay Almira.Tahimik naman si Bea sa likod samantalang si Almira ay nakatingin lang sa bintana. I saw her wipe her tears kaya naman naninikip ang dibdib ko sa nakikita kong kalagayan niya.Mabuti na lang kanina ay sinundan ko si Almira at nakita ko kung ano ang ginawa sa kanya ng matandang yun. Pasalamat siya at marunong pa rin akong gumalang sa nakatatanda kaya pinilit kong pigilan ang galit ko.And I made a very quick decision for her! Hindi ako papayag na inaapi lang siya ng kung sino!“Kalimutan mo na ang nangyari Almira! Hindi ka na babalik sa lugar na yun!” sabi ko sa kanya kaya naman lumingon siya sa akinNagkatinginan kami at nakita ko ang
AlmiraMasaya akong nakatanaw sa mga anak ko na naglalaro sa dalampasigan habang nakabantay naman sa kanila si Mitchell at si Menggay.Nakaupo ako sa shed dahil buntis na naman ako sa pangatlong anak namin ni Michell. Dahil two years lang ang pagitan ni Matthew at ng kambal ay nagpalipas muna kami ni Michell ng apat na taon bago namin sundan ang kambal.Anim na buwan na ang tiyan ko and this time, it’a only a single pregnancy. And it is a girl!Napagusapan din namin ni Michell na this will be the last time na magbubuntis ako. Ang gusto naman ni Michell ay mag-focus ako sa sarili ko at kapag malaki na ang mga bata, pwede daw akong bumalik ulit sa pagt-trabaho.But then I declined his offer at sinabi ko na mas gusto kong alagaan ang pamilya ko. Hindi naman kasi natatapos ang responsibilidad ng magulang kaya mas gusto ko na masubaybayan ko ang mga bata habang lumalaki sila.John Matthew is now six years old at sa pasukan ay mag-aaral na siya as as Kindergarten student.At his age ay ma
MichellHindi na ako mapakali the moment na ipasok si Almira sa operating room. Tatlong oras na sila sa loob kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko lalo at wala pang lumalabas sa kwartong yun.Uupo ako sandali, pero tatayo din ako agad dahil kinakabahan talaga ako.“Kuya, sit down! Hilong-hilo na ako sa iyo!” reklamo ni Dylan sa akin pero hindi ko siya pinansin“Kuha ba kita ng kape?” tanong ni Josh pero binatukan agad siya ni Helious“Aray! Bakit ba!” angil tuloy ni Josh kay Helious“Nag-iisip ka ba? Ninenerbyos na nga yang tao, papainumin mo pa ng kape?” sabi ni Helious kay Josh“Huwag kayong maingay! Baka palabasin tayo dito!” suway ni Dylan sa dalawang bugok na tila magdidiskusyon paUupo na sana ako pero bumukas na ang operating room at nilabas mula doon si Almira na hanggang ngayon ay tulog pa.Nilapitan ko siya agad at sinabi ng nurse na dadalhin na sa kwarto niya ang asawa ko.Sumabay na kami habang tulak-tulak ng mga nurse ang kama ni Almira. Inilipat siya sa kama the mo
AlmiraGender reveal namin ngayon sa mansion and everyone is excited sa party na inorganize ko. I am currently in my sixth month at nagpapasalamat naman ako na hindi naging mahirap ang pinagdaanan ko habang nagbubuntis.Wala din akong naranasang spottings palibhasa palaging nakabantay sa akin si Michell. Nagpagawa ako ng tatlong arko made of balloons which is colored blue, pink, and a combination of blue and pink.May nakahanda na din na dalawang confetti bomb na papuputukin ni Michell mamaya in time for the reveal.At gaya ng inaasahan ko, nandito ang lahat ng mga taong mahahalaga sa amin ni Michell.Even Tita Connie and her family ay nandito dahil gusto nilang makibahagi sa masayang okasyon na ito.Hindi alam ni Michell ang gender ng anak namin at sinadya ko iyon para mas maging exciting ang aming party.Mabuti na lang, cooperative naman ang asawa ko at hindi na niya pinagpilitan ang kagustuhan niyang malaman na agad ang gender ng kambal.“Okay, ready na ba ang lahat?” tanong ko
AlmiraMagkahawak kamay kaming bumaba ni Michell sa hagdan nang umagang iyon.Walang pagsidlan ang aming kaligayahan matapos naming mag-test pagkagising namin kaninang umaga.Actually kagabi pa gusto magtest ni Michell pero ipinaliwanag ko sa kanya na mas accurate kasi ang resulta kapag sa umaga ito ginawa.At kaninang umaga nga ginawa namin ang test. Pinatakan ko ng urine sample ang tatlong pregnancy test kits at matiyaga naming hinintay ang resulta.And when it came out with two lines, naghihiyaw si Michell sa sobrang saya niya. Niyakap niya ako ng mahigpit saka niya pinaliguan ng halik ang mukha ko.Niyakap niya ako ng mahigpit at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang excitement ni Michell.“Thank you so much sweetie! You made me the happiest man!” bulong niya sa akinMasaya kaming bumaba at naabutan namin si Daddy at Mommy na nasa sala at nilalaro si Matthew.Dito na sila natulog kagabi dahil nami-miss daw nila ang apo nila. “Nandyan na pala kayo! Mag-almusal na tayo!” sab
AlmiraSecond birthday ngayon ni Matthew kaya naman hindi na magkamayaw dito sa mansion kung saan kami lumipat isang linggo matapos ang kasal namin ni Michell.Wedding gift niya daw ito sa akin at hindi ko napigilang maging emosyonal upon seeing it for the first time.Fully furnished na din ito kaya naman okay na ang lahat noong lumipat kami. May househelp na din kaya naman wala na akong masabi kay Michell dahil inayos na niya ang lahat para sa amin.Alas tres ang party at dahil ang anak palang ni Kuya Dustin at Bea ang bata on both sides ay napagkasunduan namin na mag-invite ng mga bata na galing sa bahay-ampunan.Nakaayos na ang lahat at nandito na din ang mga clowns na magpapalaro mamaya para sa bata. Magpe-perform din sila ng magic show kaya sigurado ako na matutuwa ang mga batang dadalo dito.May mga photo booths din na nakahanda as well as stalls of ice cream and cotton candy.Dumating na din sina Dylan, Helious at Josh para tulungan si Michell sa paghahanda para sa ibang kakai
MichellAraw ng kasal namin ngayon ni Almira at kahit hindi ako naniniwala sa mga pamahiin ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ni Mommy na manatili ako sa penthouse, three days before our wedding.Sa telepono ko lang nakakausap ang mag-ina ko at kahit mahirap, kinaya ko dahil na rin sa takot na baka nga hindi matuloy ang kasal namin ni Almira.Maaga kaming nagising ng tatlong bugok dahil dito sila natulog sa penthouse. Nag-order ng almusal si Dylan sa chef ng hotel at nag-almusal muna kami bago kami naligo at nagbihis.Alas- diyes ng umaga ang kasal and I can’t help but to be excited! Finally, ikakasal na kami ni Almira!Wala ng makakapigil!“Ready ka na kuya?” tanong sa akin ni Dylan ng sumilip siya sa kwarto ko“I am? Kayo? Okay na?” tanong ko naman dito“Yes kuya! We better go baka mtraffic tayo!” babala pa ni DylanIt’s eight-thirty in the morning kaya naman nagmadali na ako dahil ayoko namang maunahan pa ako ni Almira sa simbahan.Nasa sala na kami nang ayain ka
MichellNakatayo ako sa harap ng lote kung saan nakatayo ang mansion namin ni Almira. Nabili ko ang loteng ito two years ago before our wedding at nagsimula na ang construction nito bago pa siya mawala sa akin dahil sa pag-aakalang patay na siya.Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagkawala niya ay ipinagtuloy ko pa rin ang pagtatayo nito.Isang taon ang binuno ng mga tauhan ni Helious para maipatayo ito. At lahat ng gusto ko ay nasunod naman. Ngayong malapit na akong ikasal ay nagpatawag ako ng mga tao para ayusin itong muli.Gusto ko, after ng kasal namin ay dito na kami lilipat. Malapit-lapit naman ito sa mansion ng parents ko kaya magiging madali kung gusto nila kaming dalawin.This will be my gift to Almira after our wedding. This will be our home! Our paradise! Our lovenest!My phone rang and I smiled when I saw that it was Almira.“Hey sweetie!” sabi ko sa kanyaAng alam ko ay nasa labas ito ngayon dahil magkikita-kita sila nila Charlotte at Joebell.“Where are you?” malamb
AlmiraMeeting namin ngayon with the wedding planner na kinuha ni Michell para sa kasal namin at kitang-kita talaga ang excitement sa mga mata ni Michell.Sa office ni Michell ang meeting dahil after that ay may mga kailangan pa siyang pirmahan sa opisina. Mamaya din namin kikitain si Tita Sophia sa Bella Dolcezza para masukatan ako ng gown dahil ito ang gusto niya even two years ago.Kaninang umaga nga, medyo na-late pa kaming bumaba kaya hindi na naman kami nakaligtas sa pang-aasar ng mga kapatid ni Michell.At dahil good mood naman siya, hindi na niya pinatulan ang mga kapatid niya.Naiwan si Matthew kay Mommy dahil lalabas din daw sila mamaya dahil gustong ipag- shopping ni daddy ang unang apo niya.Manifesting for baby number two nga daw, sabi pa ni daddy kaya napailing na lang ako habang namumula ang mukha ko.Mahirap magbuntis at nang ikwento ko kay Michell ang mga karanasan ko habang pinagbubuntis ko si Matthew ay nababasa ko sa mga mata niya ang panghihinayang. Maybe because
AlmiraHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nandito ako sa banyo. Nakapag-shower na ako at nakapagbihis na din pero hindi pa ako makalabas lalo at nasa labas na ng kwarto si Michell.Nasa kwarto ng parents ni Michell si Matthew at ito ang unang beses na magsosolo kami ni Michell sa iisang kwarto matapos naming maghiwalay for two years.Although alam ko sa sarili ko na wala naman talagang naganap sa amin ni Jake at tanging si Michell lang ang naka-angkin sa akin, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.Huminga ako ng malalim saka ako lumabas ng banyo. Nasa kama na si Michell dahil nauna na siyang mag-shower sa akin kanina. Nakaharap siya sa TV habang hawak ang remote pero nakita ko na agad siyang tumingin sa direksyon ko when he felt my presence.Naupo ako sa vanity mirror and I started doing my skin care routine after blow-drying my hair at mula sa salamin, nakikita ko ang pagsunod ni Michell sa bawat galaw ko.Nang matapos na ako ay lumapit na ako sa kama at sumampa doon. Niya