Share

CHAPTER 2: Even The Smallest Bird Can Peck People

Napayuko si Mariana at tumingin na lamang sa sahig habang nakikinig sa usapan sa labas ng kwarto na kaniyang kinaroroonan. 

Sa ilang taon na napabilang siya sa pamilya ng mga Ruiz, ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sa kaniyang biyenan, kay Mrs. Ruiz, at sa kapatid ng kaniyang asawa, si Kaena. 

Noong kailangan operahan si Kaena pagkatapos nitong maaksidente, siya lamang ang nanatili sa ospital ng ilang araw. Mas naging magalang at maingat rin siya sa kaniyang biyenan, ang ina ni Tyson. 

Ngunit kahit ano pala ang kaniyang gawin, hindi niya mababago ang pag - uugali ng pamilyang Ruiz. 

Ilang sandali pa siyang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula kay Ellie, at rinig na rinig niya ang pagod sa boses nito:

"Mariana, hindi ka ba talaga pupunta? Naalala ko na pinakagusto mo ang mag-hunt noon pa, madalas ka pa nga nakakahanap ng pagkakataon na makipagkarera." 

Nagulat si Mariana. 

Ilang alaala ng kaniyang nakaraan ang unti-unting bumuhos sa kaniyang isip. 

    

Bago siya nagpakasal kay Tyson, gustong-gusto na niya ang mag-hunting, makipag-karera, at minsan ay uminom ng alak. Matapos noon ay nakilala niya si Tyson at ang pamilya nina Ellie, ang pamilya Martinez, at doon siya nahulog kay Tyson sa unang tingin. 

    

Nang mahulog kay Tyson, napag-alaman niya na ang mga tipong babae ni Tyson ay maamo at banal. 

Doon na niya natutong bitawan ang mga bagay na kaniyang nakasanayan. 

Tatlong taon na ang nakalipas, at halos makalimutan na niya ang itsura niya at kung kung ano siya noon... 

   

Sa kabilang linya, pilit pa rin siyang hinihikayat ni Ellie: "Mariana, kung ayaw mong ipaalam kay Tyson, puwede mo namang hindi sabihin. Hindi mo kailangan isuko pa lahat ng ito dahil lang sa lalaki. Isa pa.." 

"Hiwalay na kami." 

Marahang pagputol ni Mariana. 

Mukhang nagulat si Ellie dahil sa bigla itong natigilan sa kabilang linya, maya maya ay narinig niya itong huminga ng malalim: "Natauhan ka ba o baliw lang talaga si Tyson?" 

Napangiti si Mariana sa sinambit ng kaibigan. "Siya ang nag-alok no'n, at pumayag ako." 

Muling natigilan si Ellie, ngunit hindi niya maiwasang isipin na bulag talaga si Tyson. Ang babaeng katulad ni Mariana, kailangan pang magsunog ng insenso ng pamilya Ruiz noon para pakasalan siya, tapos ngayon ay hiwalay na sila?

"Kung ganoon ay congrats, baby." may pagkasabik sa tono ng boses ni Ellie: "Susunduin kita maya maya, at magdidiwang tayo." 

    

Humalakhak si Mariana at pinutol na ang tawag pagkatapos. 

    

Tinignan niya ang master bedroom ng walang anumang bakas ng double room. Pagkalipas ng tatlong taong pagpapakasal, tila mag-isa na ang may-ari ng silid na ito. 

Oras na talaga para tapusin ito. 

Nagtungo si Mariana sa isang guest room upang ayusin at kunin ang kaniyang mga gamit. Wala naman siya gaanong damit doon. Pagkatapos kasi niyang ikasal, nawalan na siya ng oras upang mag-ayos pa ng gamit, kaya inayos niya ang mga iyon ng mabilis. 

    

Hinubad niya ang suot na singsing at inilapag iyon sa loob ng aparador na kaharap lamang ng kama. Habang pinagmamasdan iyon ay mahirap sabihin para kay Mariana kung iyon ba ay pagsisisi o kaginhawaan para kaniya. 

    

Lumabas siya ng silid pagkatapos, bitbit ang kaniyang maleta. Nang dumaan siya sa sala, buong akala niya ay siya ang unang magsasalita at magdedesisyon sa dati niyang biyenan. Ngunit hindi niya inaasahan na si Kaena ang unang magsasalita gamit ang sarkasmong tono. 

    

"May mga taong handa ng umalis, pero hindi man lang nila iniisip ang kanilang sariling moralidad. Ilang taon din silang kumapit sa bahay namin, para lang sa pera. Katulad lang ng mga maya na naghahangad na lumipad sa mga sanga...." 

    

Tumigil si Mariana at dinampot ang isang baso na may lamang tubig ng walang pag aalinlangan at ibinuhos ang lahat ng laman nito kay Kaena. 

    

Umagos ang tubig mula sa ulo ni Kaena hanggang sa paa nito. Galit na galit namang nagsalita muli si Kaena dahil sa kaniyang ginawa:

"Mariana, nababaliw ka na ba? Ang lakas ng loob mong buhusan ako ng tubig..." 

Marahang pinunasan ni Mariana ang tumalsik na tubig sa kaniyang mga daliri, sinulyapan niya si Kaena at sinabi sa mahinang boses:

"Wala ka namang dapat ikatakot. Kahit ang pinakamaliit na ibon ay puwedeng tumuka ng tao." 

Napanganga si Kaena sa gulat, marahil ay hindi makapaniwala na ang babaeng nasa harap niya ay ang Mariana na inaalipin ng lahat.

Tila naging interesado si Mariana nang makita ang gulat sa mukha ni Kaena. 

    

Pagkatapos ng tatlong taon, kahit gaano pa kasama ang ugali nina Kaena at ang ina nito, lagi pa rin niyang sinusubukan na gawin ang lahat para mapasaya ang mga ito ng walang reklamo. 

Wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mahinahon at mabait, at nakikinig sa kanilang sarkastikong pangaral at panglalait. 

Pagkatapos magtiis ng mahabang panahon, marahil ay nakalimutan na ng lahat na si Mariana ay isang palaban, at masiyahing tao kahit ilang beses nilang apak - apakan.

Tumawa siya ng marahan. 

Tiniis niya iyon lahat sa mahabang panahon, at hindi na niya kaya pang magtiis ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status