Nalilitong tumingin si Mariana kay Mavros. May nasabi ba siyang mali? "Well, lalabas na muna ako." saad ng nurse at saka umalis. Nang makaalis ito ay galit na nilingom ni Mariana ang lalaki. "I-ikaw talaga.." "Ano bang nangyari sa akin kanina? Narinig mo ba kung ano ang sinabi niya?" ani Mavros pagkatapos ay tumingin kay Mariana nang may ibang ibig sabihin. Binasa pa nito ang sulok ng mga labi. Galit namang tinalikuran ni Mariana si Mavros at hindi ito pinansin. Sobra siyang nahihiga. Nahuli silang dalawa ni Mavros, at inakala pa ng nurse na may relasyon silang dalawa. Labis na namula ang pisngi ni Mariana, mas mapula pa sa lagnat. Ang mas nakakainis pa ay talagang lumapit pa sa kanya ang lalaki at agad na ngumiti sa kanya. Alam nito na hirap siyang itagilid ang sarili, galit na galit si Mariana na talagang inunat pa niya ang mga braso at sinapak ang balikat ni Mavros. Naglikha pa ito ng tunog sa sobrang lakas at maging Mariana ay nagulat. "Bakit hindi ka umiwas!"
Nakita ni Tyson ang naging reaksyon ni Mavros at hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita pa ulit. Nagising na lamang siya sa mga katagang binitiwan ng kanyang ina. Tila siya ay biglang na-udyok na halos makalimutan na niya kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan. "Mariana, hahayaan kong humingi ng tawad si Kaena sa 'yo, o di kaya' y bayaran ka. Pwede kang magsabi ng numero, at gagawin ko ang makakaya ko para lang makontento ka." Malamig ang mukha ni Mariana nang tumingin kay Tyson, "Hindi na, umalis na kayo." malamig ang tono ng boses ni Mariana na hindi tulad ng dati. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Tyson, bumagsak ang kanyang ekspresyon at maging ang mukha ng kaniyang ina at ni Diana ay bigla ring nag-iba. Hinfi nila inasahan na magiging ganito katigas si Mariana. "Kung ayaw mo talaga ay hindi ka na namin pipilitin pa. Huwag kang iiyak at magmamakaawa sa amin pagkatapos." saad ng ina ni Tyson pagkatapos ay tumingin ng matalim kay Mariana. Tahimik
Isa lang siyang guro na nagtatrabaho bilang isang psychological counselor sa University A matapos makipag-hiwalay sa asawa. Bigla siyang natawa sa kaniyang sarili. Kailan pa siya naging sobrang diskumpyado? Napaka-confident niya noon tulad ni Maxine, pero ngayon.... Umupo si Mavros, nilagay pabalik sa kamay ni Mariana ang mansanas pagkatapos ay seryosong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ito laro. Seryoso ako. Sa tingin ko ay nararamdaman mo naman iyon." sambit nito. Nag-aalab ang mga mata ng lalaki, nagbibigay init sa mga mata ni Mariana. "Yan yan, sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tao ka ba?" dagdag ni Mavros. Sandaling natahimik si Mariana. "Uhm... I-I..." "Anomg klaseng tao ka?" muling tanong ni Mavros. Tumitig siya kay Mariana ng mahigpit, na tila ba niais nitong magsunog ng butas sa mukha ni Mariana. "Tulad ng sinabi ng ina ni Tyson, isang diborsyadang babae na may hindi magandang record." sagot ni Mariana at saka ngumisi ng dalawang beses. Inil
"Pirmahan mo 'to." Isang malamig at baritonong boses ang nagsalita sa kanyang harapan. Isang divorce agreement ang inilahad nito sa kaniya. Bahagya siyang nagulat. Iniangat niya ang tingin kay Tyson ng tahimik at mapait na ngumiti. Iyon na' yon. Kaya pala ito tumawag sa kaniya kaninang umaga upang sabihin na babalik din ito ngayong gabi dahil may importanteng sasabihin. Masaya siya buong araw sa kaalaman na uuwi ang asawa, iyon pala ay ang importante nitong sasabihin ay ito... Ang tatlong taong pagsasama sa wakas ay magtatapos na. Tahimik na kinuha ni Mariana ang divorce agreement, bahagyang nakakuyom ang kaniyang kamay at nagsalita gamit ang paos na boses matapos ng ilang sandaling katahimikan. "Kailangan ba talaga nating maghiwalay?" Sumimangot si Tyson at tinitigan ang babaeng nasa kaniyang harapan na naging Mrs. Ruiz sa loob ng tatlong taon. Mukhang iginugol niya ang buong oras sa paglilinis ng kwarto. May mga butil ng pawis sa maputi niyang noo at sa likod ng makap
Ibinaba ni Mariana ang kaniyang mga mata habang nakikinig sa usapan sa labas ng silid. Sa ilang taon nang maikasala siya sa pamilya ng mga Ruiz, ginawa niya ang lahat para sa kaniyang biyenan, kay Mrs. Ruiz, at sa kaniyang kapatid, si Kaena. Noong kailangan operahan si Kaena pagkatapos nitong maaksidente, siya rin ang nanatili sa ospital ng ilang araw. Mas naging magalang at maingat rin siya sa kaniyang biyenan, ang ina ni Tyson. Ngunit lumabas rin ba kahit ano ang kaniyang gawin, hindi niya na mababago ang pag - uugali ng pamilyang Ruiz. Ilang sandali, tumawag si Ellie, at may pagod sa boses nito. "Mariana, hindi ka ba talaga pupunta? Naalala ko na pinakagusto mo ang mag-hunt sa kalikasan noon, hindi na babanggitin pa na madalas ka pa nakakahanap ng pagkakataon upang makipagkarera." Nagulat si Mariana. Ilang alaala ang kusang bumalik sa isip. Bago siya nagpakasal kay Tyson, gustong-gusto na niya ang mag-hunting, makipag-karera, at uminom ng alak. Matapos noon, nakilala
Sa mga nagulat na mata ni Kaena, kinuha ni Mariana ang maleta at umalis nang hindi lumilingon. Pagkatapos umalis sa bahay ng pamilya Ruiz, nakita ni Mariana si Ellis na binuksan ang bintana ng kotse, sumandal at humalik sa kanya na may ngiti sa mukha, "Baby, sumakay ka sa kotse, dadalhin ka ng ate para magdiwang." Bagaman sinabi niyang magdiriwang sila, alam din ni Ellie na kakahiwalay lang ni Mariana at nasa mababang kalagayan ng damdamin, kaya dinala lang niya ito sa isang music-themed na restawran. Matapos malaman ang dahilan ng paghihiwalay ni Tyson, hindi napigilan ni Ellie na magreklamo. "Si Diana na naman? Nag hiwalay sila para sa malaking kasunduan, anong nagustuhan ni Tyson sa kanya?" Hinalo ni Mariana ang kape. "Hindi ko alam..." tamad niyang sabi. Hindi alam ni Mariana ang white moonlight ni Tyson. Nakilala lamang niya si Tyson matapos umalis ni Diana nang mag tungo ito ibang bansa. Narinig lang niya na si Diana ay napaka-mahinahon, mahusay, at maalalahanin. Nang n
Tumigil si Mariana, kalmado ang kaniyang ekspresiyon, ngunit hindi niya binalikan ang pakikipagkamay. Bahagyang tumigas ang mukha ni Diana. Si Tyson, na nakatayo sa tabi, ay nagsalita upang tulungan siya, gamit ang mababang boses, "Alam ni Lolo ang tungkol sa atin, at inaanyayahan ka niyang maghapunan mamaya. Nakapatay ang telepono mo, kaya't pinuntahan kita." "Alam ko." tinignan ni Mariana ang kaniyang telepono, at talagang nakapatay nga iyon. Tumango siya. "I-charge ko lang ito at pupunta ako mamaya." Ang ibig sabihin niyon ay wala siyang na sumama sa kanila. Kumunot ang noo si Tyson. "Bakit hindi na lang kita hintayin..." Pinutol siya ni Mariana ng may ngiti, "Hindi, kaya kong pumunta ng mag-isa." Nang nakitang natahimik siya, tumingin si Mariana kay Diana. "At bukas ng alas nuebe, kung hindi ito abala sa inyo, samahan ninyo ako, kunin na natin ang certificate ng divorce." Hindi alam ni Tyson kung bakit, at nakaramdam siya ng kaunting inis. "Apurahan ba ito?" Seryoso
Tulad ng kaniyang inaakala, isang pares ng maiinit na kamay ang humawak sa kaniya. Inikot ni Tyson ang kaniyang ulo at si Diana ay nakatingin sa kaniya nang may pag-aalala. "Tyson, hindi komportable ang tiyan mo? Gusto mong humigop ng kaunting sabaw?" Iniling ni Tyson ang kaniyang ulo. Matapos batiin ni Mariana ang matanda, humila siya ng upuan at kalmadong umupo, hindi pinapansin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawa. Ngunit masungit na ngumuso si Mr. Ruiz. Kapag kumakain ang pamilya Ruiz, palagi silang nag-iingat na huwag makipag-usap habang kumakain. Wala masyadong gana si Mariana, pero nakipagtulungan lang siya sa matanda at kumain ng kaunti nang walang gaanong pakialam.Pagkatapos ng hapunan, hinila siya ni Mr. Ruiz. "Narinig ko ang tungkol sa inyo ni Tyson, Mariana, huwag kang mag-alala, ang pamilya naming Ruiz ay tanging ikaw lamang ang kinikilala bilang aming manugang."Tumingin siya kay Diana at Tyson, na medyo matigas ang mga mukha, "Kahit na may umalis sa pamilya R
Isa lang siyang guro na nagtatrabaho bilang isang psychological counselor sa University A matapos makipag-hiwalay sa asawa. Bigla siyang natawa sa kaniyang sarili. Kailan pa siya naging sobrang diskumpyado? Napaka-confident niya noon tulad ni Maxine, pero ngayon.... Umupo si Mavros, nilagay pabalik sa kamay ni Mariana ang mansanas pagkatapos ay seryosong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ito laro. Seryoso ako. Sa tingin ko ay nararamdaman mo naman iyon." sambit nito. Nag-aalab ang mga mata ng lalaki, nagbibigay init sa mga mata ni Mariana. "Yan yan, sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tao ka ba?" dagdag ni Mavros. Sandaling natahimik si Mariana. "Uhm... I-I..." "Anomg klaseng tao ka?" muling tanong ni Mavros. Tumitig siya kay Mariana ng mahigpit, na tila ba niais nitong magsunog ng butas sa mukha ni Mariana. "Tulad ng sinabi ng ina ni Tyson, isang diborsyadang babae na may hindi magandang record." sagot ni Mariana at saka ngumisi ng dalawang beses. Inil
Nakita ni Tyson ang naging reaksyon ni Mavros at hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita pa ulit. Nagising na lamang siya sa mga katagang binitiwan ng kanyang ina. Tila siya ay biglang na-udyok na halos makalimutan na niya kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan. "Mariana, hahayaan kong humingi ng tawad si Kaena sa 'yo, o di kaya' y bayaran ka. Pwede kang magsabi ng numero, at gagawin ko ang makakaya ko para lang makontento ka." Malamig ang mukha ni Mariana nang tumingin kay Tyson, "Hindi na, umalis na kayo." malamig ang tono ng boses ni Mariana na hindi tulad ng dati. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Tyson, bumagsak ang kanyang ekspresyon at maging ang mukha ng kaniyang ina at ni Diana ay bigla ring nag-iba. Hinfi nila inasahan na magiging ganito katigas si Mariana. "Kung ayaw mo talaga ay hindi ka na namin pipilitin pa. Huwag kang iiyak at magmamakaawa sa amin pagkatapos." saad ng ina ni Tyson pagkatapos ay tumingin ng matalim kay Mariana. Tahimik
Nalilitong tumingin si Mariana kay Mavros. May nasabi ba siyang mali? "Well, lalabas na muna ako." saad ng nurse at saka umalis. Nang makaalis ito ay galit na nilingom ni Mariana ang lalaki. "I-ikaw talaga.." "Ano bang nangyari sa akin kanina? Narinig mo ba kung ano ang sinabi niya?" ani Mavros pagkatapos ay tumingin kay Mariana nang may ibang ibig sabihin. Binasa pa nito ang sulok ng mga labi. Galit namang tinalikuran ni Mariana si Mavros at hindi ito pinansin. Sobra siyang nahihiga. Nahuli silang dalawa ni Mavros, at inakala pa ng nurse na may relasyon silang dalawa. Labis na namula ang pisngi ni Mariana, mas mapula pa sa lagnat. Ang mas nakakainis pa ay talagang lumapit pa sa kanya ang lalaki at agad na ngumiti sa kanya. Alam nito na hirap siyang itagilid ang sarili, galit na galit si Mariana na talagang inunat pa niya ang mga braso at sinapak ang balikat ni Mavros. Naglikha pa ito ng tunog sa sobrang lakas at maging Mariana ay nagulat. "Bakit hindi ka umiwas!"
"Hindi nga siya nakinig, pero hindi ka naman pwedeng tumayo na lang at panuorin siyang mamatay! Umaasa rin si Kaena sa 'yo. Niloko ng bitch na iyon ang kanyang asawa at tinangay ang napakaraming pera! Nakaasa sa 'yo ang kapatid mo. Paano mo nasisikmurang hindi siya tulungan!" dinuro ng ina ni Tyson ang ilong ng anak habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Tyson, kapatid mo naman siya kahit papaano. Maaapektuhan rin nito ang reputasyon ng pamilya Ruiz. Maraming tao na ang nangutya sa sa pamilya niyo noon. Natatakot ako na sa pagkakataong ito ay..." payo ni Diana kay Tyson.Hindi natatakot si Diana para kay Kaena, natatakot siya sa sarili niyang reputasyon.Tumingin ang ina ni Tyson kay Diana na may pasasalamat, "Mabait ka talaga, Diana, may konsiderasyon at maalalahanin." sambit nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Tyson. Alam niya ang totoo. Kung nag-iisa lang sana si Mariana, madali lang itong maresolba, ngunit ngayon ay nariyan si Mavros at tinatarget nito ang kanilang pamilya."Sa k
Pumasok si Mariana sa elevator at huminga ng malalim. Hindi na siya isang paslit. Dapat ay kalmado lang siya. Nang akmang sasara na ang elevator ay isang kamay ang humarang dito uoang hindi tuluyang sumara. Pumasok si Mavros at dahan-dahan siyang nilapitan. Dala dala ng mataas na pigura nito ang amoy ng cedar. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Tila napuno na ng amoy ni Mavros ang buong elevator. Namula ang pisngi ni Mariana. Hinawakan niya ito at naramdaman na sobrang init niyon. Nag-aalala namang tumingin sa kanya si Mavros, "Nailipat mo na ba ang pera?" tanong nito at saka inilapat rin ang kamay sa noo ni Mariana, "Hindi ka na mainit." dagdag nito. Natigilan si Mariana at tila nakalimutang huminga. Mainit at malakas ang palad ng lalaki hanggang sa inalis ito sa pagkakadampi sa kanyang noo. Sinundan ng mga mata ni Mariana ang kamay na iyon habang inihuhulog sa loob ng bulsa ng suot nitong trouser. "Wala na akong lagnat." ani Mariana. "Alam ko.
Tiningnan ni Ashley ang likod ni Kaena habang tumatakas ito at bahagyang natigilan ng ilang sandali. Lumubog ang kanyang mga mata, at tila may nanumbalik sa kanyang alaala at agad na tumakbo palayo. Hindi na nagkaroon ng oras si Kaena para ligpitin ang kanyang schoolbag. Mabilis siyang tumakbo palabas ng gate ng eskwelahan, nagpara ng sasakyan at dumiretso pauwi. Nang makita siya ng kanyang ina na kauuwi lamang ay labis itong nagtaka, "Kaena, wala ka bang klase ngayong hapon? Bakit umuwi ka na? Gumawa n rin ako ng appointment kasama sina Mrs. Regala at Mrs. Chua para maglaro ng mahjong mamaya." Natatarantang tumingin si Kaena sa kanyang ina, "Mama! Anong gagawin ko? Papunta na ang mga pulis para arestuhin ako!" "Ano bang sinasabi mo? Bakit naman pupunta ang mga pulis para arestuhin ka?" natatakang tanong ng kanyang ina. Ngunit nang makita ng masyado ang natatarantang mukha ng anak ay mabilis niya rin itong naintindihan. "Ano na namang ginawa mo?!" dagdag nito. "Mama! Iyong
Ngumisi si Mariana, "Matagal na panahon na akong kinamumuhian ni Kaena. Dapat ay mas kilala mo siya kaysa sa akin. Kahit papaano ay tinuruan mo naman siya noon. Gustong gusto niyang makipaglaro. Kahit na nakuha mo talaga ang thesis ko, hindi ka niya tutulungan. Gusto lang niyang makipagkasundo sa akin. Pagkatapos niyang makuha ang gusto niya, paano pa siya magkakaroon ng pakialam sa 'yo? " Bumuhos ang luha sa mga mata ni Bella at mahigpit niyang kinagat ang kanyang mga labi," Kasalanan ko ito. Nakinig ako sa kanya at dinukot kita. Kasalanan lahat ng ito. " "Anong nangyari sa litrato na iyon?" naalala ni Mariana na ang litrato na iyon ang rason kung bakit siya naloko noong araw na iyon. Saglit na natahimik si Mariana, itinikom ang kanyang mga labi bago nagsalita, "May taong gumawa niyon para kay Kaena. May inutusan siya para lapitan si Maxine, at dinala siya para kumuha ng litrato. Kalahating totoo at hindi ang nakapaloob sa larawan na iyon." ani Bella. Namutla ang kanyang mukha
Tinignan ni Mavros si Mariana na masunuring humihigop ng sabaw habang nakaupo sa kama, at ang tanging bagay na nasa kanyang alaala ay ang pigura ni Mariana na bumabagsak sa gitna ng ulan. Nahimatay si Mariana sa bumubuhos na ulan, at nakaramdaman naman si Mavros ng kawalan ng laman sa kanyang puso. Tahimik na naglakad si Mavros sa bintana at tumingin sa berdeng damuhan na nasa likod ng ospital. Mayroong ilang mga kapansin-pansin na mga usbong roon, at ang mga usbong na iyon ay malapit nang mamukadkad. Palihim na naglakad ang isang pasyente sa damuhan na iyon at iniunat ang kanyang kamay para kurutin ang tangkay ng isang bulaklak. Bumilis ang tibok ng puso ni Mavros at naging malungkot ang kanyang mukha. May isang batang babae na naliligo sa dugo at nahulog sa isang pool na puno rin ng dugo. Isa pang batang babae ang naghihirap nang husto at tuluyang nahimatay. Dahil sa eksenang iyon ay hindi niya magawang tumayo. Hinawakan niya ang dingding gamit ang isang kamay at idiniin ang
Hindi maganda ang ekspresyon na nasa mukha ni Mavros, "Ayos ka lang ba?" kinakabahang tanong niya kay Maxine. "Ayos lang naman ako, kuya, kumuha lang kami ng litrato sa coffee shop, ano bang nangyari?" medyo nag-aalalang sambit ni Maxine. Huminga ng malalim si Mavros, "Si Mariana, umalis siya para iligtas ka." "Iligtas ako? Anong ibig mong sabihin?" nanlaki ang mga mata ni Maxine. Mabilis namang binuksan ni Mavros ang pinto ng sasakyan, "Huli na, pumasok ka muna sa kotse!" Agad na pumasok si Maxine sa loob ng sasakyan, at sinabi rin ni Mavros sa kanya ang nangyari pagkatapos nitong sumakay. "Ano?! Paano nangyari iyon? Low battery ang telepono ko at nakapatay, hindi ko nasagot ang tawag!" gulat na inilabas ni Maxine ang kanyang telepono. Nakaupo sa passenger's seat ang assistant ni Mavros, naghahanap ito ng impormasyon sa lisensyadong plaka ng sasakyang lulan ni Mariana. Kumuyom ang mga kamao ni Mavros. Natanggap niya ang tawag ni Mariana habang nasa kalagitnaan siya ng me