Share

Chapter 119: I'm Serious

Author: Mallory Isla
last update Last Updated: 2025-02-05 17:47:52

Isa lang siyang guro na nagtatrabaho bilang isang psychological counselor sa University A matapos makipag-hiwalay sa asawa.

Bigla siyang natawa sa kaniyang sarili. Kailan pa siya naging sobrang diskumpyado? Napaka-confident niya noon tulad ni Maxine, pero ngayon....

Umupo si Mavros, nilagay pabalik sa kamay ni Mariana ang mansanas pagkatapos ay seryosong tumingin sa mga mata niya.

"Hindi ito laro. Seryoso ako. Sa tingin ko ay nararamdaman mo naman iyon." sambit nito.

Nag-aalab ang mga mata ng lalaki, nagbibigay init sa mga mata ni Mariana.

"Yan yan, sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tao ka ba?" dagdag ni Mavros.

Sandaling natahimik si Mariana.

"Uhm... I-I..."

"Anomg klaseng tao ka?" muling tanong ni Mavros. Tumitig siya kay Mariana ng mahigpit, na tila ba niais nitong magsunog ng butas sa mukha ni Mariana.

"Tulad ng sinabi ng ina ni Tyson, isang diborsyadang babae na may hindi magandang record." sagot ni Mariana at saka ngumisi ng dalawang beses.

Inil
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Leila Villamor
Update plssss Ms A
goodnovel comment avatar
Espie Gopez
sana araw araw may uodate thanks po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 120: Arrest

    Sa loob ng study room ay naroon ang low pressure na nqgpapasikip ng dibdib ni Mavros. Nagsusulat ng calligraphy painting ang kanyang lolo sa desk nito, ni hindi tinqtqpunqn ng tingin ang bagong dating na apo. Matagal na oras pa bago natapos ang painting. Ibinaba ni Mr. Torres ang kanyang ballpen bago nagsalita. "Anong pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?" "Ilang mga trivial matters lang." sagot ni Mavros. "Trivial Matters? Nakikita ko na nagpapakasawa ka sa pag-ibig. Hindi kita pinagbabawalan na maging affectionate, pero dapat mong malaman ang mga bagay bagay tungkol sa babaeng iyan." saad ng matanda, ouno ng pag-aalala ang mukha nito. Ngumiti si Mavros. " Lolo. Kilalang kilala ko na siya, hindi mo na kailangan pang makinig sa ibang tao. " aniya. Ngumiti rin ang matanda. "Paano mo naman nalaman?" tanong nito. Nagkibit-balikat si Mavros. "Kung wala namang nagreklamo, bakit bigla mo na lang ako tinawagan para magpunta rito?" "Well, may taong

    Last Updated : 2025-02-19
  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 121: The Hangover

    Ngunit direktang sumandal si Mariana kay Mavros, inunat ang mga daliri at idinuro sa kanyang mukha. "Ha? Ikaw si Mavros Torres! Bakit dalawa ang ilong mo?" Nais tumitig ni Mariana sa ilong ni Mavros dahil sa kalituhan, ngunit hindi na niya kaya pang kontrolin ang kanyang tingin sa mga oras na iyon. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nakakaramdam ng hilo, kaya ibinagsak na lamang niya ang buong katawan kay Mavros. "May gusto sa akin si Mavros." aniya. "Anong sinabi mo?" magaang sabi ni Mavros. Puno ng lambing ang mga mata nito, pagkatapos ay inalalayan ang katawan ni Mariana. Ngunit humagikhik lamang si Mariana sa kaniyang tanong. Marami na rin siyang nainom, ngunut hindi siya ganoon ka-lasing kaysa kay Mariana, at malinaw pa rin ang lahat ng nangyayari para sa kay Mavros. Inangat ni Mavros ang kanyang kamay upang magtawag ng tao na tutulong sa tatlong kasama nila pabalik sa mga kwarto nito. Nais na rin niyang bumalik si Mariana sa sarili nitong silid. Ala una na ng u

    Last Updated : 2025-04-09
  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 122: Mental Hospital

    Nagbigay na ng mental evaluation report ang abogado ni Kaena bago pa ito masintensyahan, at ipinapakita sa resulta na iyon na mayroon siyang paranoia at bipolar disorder. Gayunpaman, dapat ay matagal na siyang nasintensyahan, ngunit ngayon ay direkta siyang ipinadala sa mental hospital para sa kustodiya at medical treatment. Matapos lumabas ng resulta ay siya namang pagkikita nina Mariana at Bella. "Alam kong hindi ito magiging ganoon kadali." ani Bella pagkatapos ay ngumiti. Umiling si Mariana. "Ginawa na natin ang lahat ng makakaya natin. Kung ipadala man siya sa mental hospital, dapat siyang mabuhay at makatanggap ng treatment bilang isang mental patient. Panigurado ay mas masakit iyon para sa kaniya." ani Mariana. "Ipinadala mo na ba ang anak ko sa lola niya, Miss Ramirez?" namomroblemang tanong ni Bella. Tumango si Mariana. "Naihatid na siya roon. Kapag umayos siya, pwede siyang makakuha ng deferred driving. Tutulungan kitang bantayan ang anak mo. Tutulunga

    Last Updated : 2025-04-13
  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 123: About Wounds

    Ang ilan ay nakatingin na kay Kaena at sinisigawan siya. "Isa ka bang baguhang kabayo? Isa akong puting kabayo, anong breed mo?!" "Alam mo bang may sumusunod sa 'yo? Nakasampa siya ngayon sa likod mo." Sobra na siyang nakakaramdam ng takot pagka-rinig ng mga salitang iyon kasabay ng pag-tagaktak ng pawis sa kanyang buong katawan. Kahit magmula nang siya ay makapasok sa kaniyang silid, hindi na niya magawang makapag-pahinga. Sumisigaw lahat ng mga pasyente na naroon, at pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng malay. Maraming beses na rin niyang sinabi sa mga nurse at doktor na wala naman siyang sakit sa pag-iisip, ngunit walang silbi iyon. Lumabas sa kanyang mental report na mayroon siyang bipolar disorder at persecution delusion, at tinatrato rin siya ng mga nurse na isang normal na pasyente sa ospital na iyon. Sa gabi ring iyon ay sinuutan ng straitjacket si Kaena matapos niyang bayolenteng saktan at bugbugin ang isang nurse roon. Itinali ang kanyang mga kamay at

    Last Updated : 2025-04-14
  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   CHAPTER 1: Divorce

    "Pirmahan mo 'to." Isang malamig at baritonong boses ang nagsalita sa kanyang harapan. Isang divorce agreement ang inilahad nito sa kaniya. Bahagya siyang nagulat. Iniangat niya ang tingin kay Tyson ng tahimik at mapait na ngumiti. Iyon na' yon. Kaya pala ito tumawag sa kaniya kaninang umaga upang sabihin na babalik din ito ngayong gabi dahil may importanteng sasabihin. Masaya siya buong araw sa kaalaman na uuwi ang asawa, iyon pala ay ang importante nitong sasabihin ay ito... Ang tatlong taong pagsasama sa wakas ay magtatapos na. Tahimik na kinuha ni Mariana ang divorce agreement, bahagyang nakakuyom ang kaniyang kamay at nagsalita gamit ang paos na boses matapos ng ilang sandaling katahimikan. "Kailangan ba talaga nating maghiwalay?" Sumimangot si Tyson at tinitigan ang babaeng nasa kaniyang harapan na naging Mrs. Ruiz sa loob ng tatlong taon. Mukhang iginugol niya ang buong oras sa paglilinis ng kwarto. May mga butil ng pawis sa maputi niyang noo at sa likod ng makap

    Last Updated : 2024-10-13
  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   CHAPTER 2: Even The Smallest Bird Can Peck People

    Ibinaba ni Mariana ang kaniyang mga mata habang nakikinig sa usapan sa labas ng silid. Sa ilang taon nang maikasala siya sa pamilya ng mga Ruiz, ginawa niya ang lahat para sa kaniyang biyenan, kay Mrs. Ruiz, at sa kaniyang kapatid, si Kaena. Noong kailangan operahan si Kaena pagkatapos nitong maaksidente, siya rin ang nanatili sa ospital ng ilang araw. Mas naging magalang at maingat rin siya sa kaniyang biyenan, ang ina ni Tyson. Ngunit lumabas rin ba kahit ano ang kaniyang gawin, hindi niya na mababago ang pag - uugali ng pamilyang Ruiz. Ilang sandali, tumawag si Ellie, at may pagod sa boses nito. "Mariana, hindi ka ba talaga pupunta? Naalala ko na pinakagusto mo ang mag-hunt sa kalikasan noon, hindi na babanggitin pa na madalas ka pa nakakahanap ng pagkakataon upang makipagkarera." Nagulat si Mariana. Ilang alaala ang kusang bumalik sa isip. Bago siya nagpakasal kay Tyson, gustong-gusto na niya ang mag-hunting, makipag-karera, at uminom ng alak. Matapos noon, nakilala

    Last Updated : 2024-10-13
  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   CHAPTER 3: The Woman In His Passenger Seat 

    Sa mga nagulat na mata ni Kaena, kinuha ni Mariana ang maleta at umalis nang hindi lumilingon. Pagkatapos umalis sa bahay ng pamilya Ruiz, nakita ni Mariana si Ellis na binuksan ang bintana ng kotse, sumandal at humalik sa kanya na may ngiti sa mukha, "Baby, sumakay ka sa kotse, dadalhin ka ng ate para magdiwang." Bagaman sinabi niyang magdiriwang sila, alam din ni Ellie na kakahiwalay lang ni Mariana at nasa mababang kalagayan ng damdamin, kaya dinala lang niya ito sa isang music-themed na restawran. Matapos malaman ang dahilan ng paghihiwalay ni Tyson, hindi napigilan ni Ellie na magreklamo. "Si Diana na naman? Nag hiwalay sila para sa malaking kasunduan, anong nagustuhan ni Tyson sa kanya?" Hinalo ni Mariana ang kape. "Hindi ko alam..." tamad niyang sabi. Hindi alam ni Mariana ang white moonlight ni Tyson. Nakilala lamang niya si Tyson matapos umalis ni Diana nang mag tungo ito ibang bansa. Narinig lang niya na si Diana ay napaka-mahinahon, mahusay, at maalalahanin. Nang n

    Last Updated : 2024-10-13
  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   CHAPTER 4: She is Different From What He Remembered 

    Tumigil si Mariana, kalmado ang kaniyang ekspresiyon, ngunit hindi niya binalikan ang pakikipagkamay. Bahagyang tumigas ang mukha ni Diana. Si Tyson, na nakatayo sa tabi, ay nagsalita upang tulungan siya, gamit ang mababang boses, "Alam ni Lolo ang tungkol sa atin, at inaanyayahan ka niyang maghapunan mamaya. Nakapatay ang telepono mo, kaya't pinuntahan kita." "Alam ko." tinignan ni Mariana ang kaniyang telepono, at talagang nakapatay nga iyon. Tumango siya. "I-charge ko lang ito at pupunta ako mamaya." Ang ibig sabihin niyon ay wala siyang na sumama sa kanila. Kumunot ang noo si Tyson. "Bakit hindi na lang kita hintayin..." Pinutol siya ni Mariana ng may ngiti, "Hindi, kaya kong pumunta ng mag-isa." Nang nakitang natahimik siya, tumingin si Mariana kay Diana. "At bukas ng alas nuebe, kung hindi ito abala sa inyo, samahan ninyo ako, kunin na natin ang certificate ng divorce." Hindi alam ni Tyson kung bakit, at nakaramdam siya ng kaunting inis. "Apurahan ba ito?" Seryoso

    Last Updated : 2024-10-13

Latest chapter

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 123: About Wounds

    Ang ilan ay nakatingin na kay Kaena at sinisigawan siya. "Isa ka bang baguhang kabayo? Isa akong puting kabayo, anong breed mo?!" "Alam mo bang may sumusunod sa 'yo? Nakasampa siya ngayon sa likod mo." Sobra na siyang nakakaramdam ng takot pagka-rinig ng mga salitang iyon kasabay ng pag-tagaktak ng pawis sa kanyang buong katawan. Kahit magmula nang siya ay makapasok sa kaniyang silid, hindi na niya magawang makapag-pahinga. Sumisigaw lahat ng mga pasyente na naroon, at pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng malay. Maraming beses na rin niyang sinabi sa mga nurse at doktor na wala naman siyang sakit sa pag-iisip, ngunit walang silbi iyon. Lumabas sa kanyang mental report na mayroon siyang bipolar disorder at persecution delusion, at tinatrato rin siya ng mga nurse na isang normal na pasyente sa ospital na iyon. Sa gabi ring iyon ay sinuutan ng straitjacket si Kaena matapos niyang bayolenteng saktan at bugbugin ang isang nurse roon. Itinali ang kanyang mga kamay at

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 122: Mental Hospital

    Nagbigay na ng mental evaluation report ang abogado ni Kaena bago pa ito masintensyahan, at ipinapakita sa resulta na iyon na mayroon siyang paranoia at bipolar disorder. Gayunpaman, dapat ay matagal na siyang nasintensyahan, ngunit ngayon ay direkta siyang ipinadala sa mental hospital para sa kustodiya at medical treatment. Matapos lumabas ng resulta ay siya namang pagkikita nina Mariana at Bella. "Alam kong hindi ito magiging ganoon kadali." ani Bella pagkatapos ay ngumiti. Umiling si Mariana. "Ginawa na natin ang lahat ng makakaya natin. Kung ipadala man siya sa mental hospital, dapat siyang mabuhay at makatanggap ng treatment bilang isang mental patient. Panigurado ay mas masakit iyon para sa kaniya." ani Mariana. "Ipinadala mo na ba ang anak ko sa lola niya, Miss Ramirez?" namomroblemang tanong ni Bella. Tumango si Mariana. "Naihatid na siya roon. Kapag umayos siya, pwede siyang makakuha ng deferred driving. Tutulungan kitang bantayan ang anak mo. Tutulunga

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 121: The Hangover

    Ngunit direktang sumandal si Mariana kay Mavros, inunat ang mga daliri at idinuro sa kanyang mukha. "Ha? Ikaw si Mavros Torres! Bakit dalawa ang ilong mo?" Nais tumitig ni Mariana sa ilong ni Mavros dahil sa kalituhan, ngunit hindi na niya kaya pang kontrolin ang kanyang tingin sa mga oras na iyon. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nakakaramdam ng hilo, kaya ibinagsak na lamang niya ang buong katawan kay Mavros. "May gusto sa akin si Mavros." aniya. "Anong sinabi mo?" magaang sabi ni Mavros. Puno ng lambing ang mga mata nito, pagkatapos ay inalalayan ang katawan ni Mariana. Ngunit humagikhik lamang si Mariana sa kaniyang tanong. Marami na rin siyang nainom, ngunut hindi siya ganoon ka-lasing kaysa kay Mariana, at malinaw pa rin ang lahat ng nangyayari para sa kay Mavros. Inangat ni Mavros ang kanyang kamay upang magtawag ng tao na tutulong sa tatlong kasama nila pabalik sa mga kwarto nito. Nais na rin niyang bumalik si Mariana sa sarili nitong silid. Ala una na ng u

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 120: Arrest

    Sa loob ng study room ay naroon ang low pressure na nqgpapasikip ng dibdib ni Mavros. Nagsusulat ng calligraphy painting ang kanyang lolo sa desk nito, ni hindi tinqtqpunqn ng tingin ang bagong dating na apo. Matagal na oras pa bago natapos ang painting. Ibinaba ni Mr. Torres ang kanyang ballpen bago nagsalita. "Anong pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?" "Ilang mga trivial matters lang." sagot ni Mavros. "Trivial Matters? Nakikita ko na nagpapakasawa ka sa pag-ibig. Hindi kita pinagbabawalan na maging affectionate, pero dapat mong malaman ang mga bagay bagay tungkol sa babaeng iyan." saad ng matanda, ouno ng pag-aalala ang mukha nito. Ngumiti si Mavros. " Lolo. Kilalang kilala ko na siya, hindi mo na kailangan pang makinig sa ibang tao. " aniya. Ngumiti rin ang matanda. "Paano mo naman nalaman?" tanong nito. Nagkibit-balikat si Mavros. "Kung wala namang nagreklamo, bakit bigla mo na lang ako tinawagan para magpunta rito?" "Well, may taong

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 119: I'm Serious

    Isa lang siyang guro na nagtatrabaho bilang isang psychological counselor sa University A matapos makipag-hiwalay sa asawa. Bigla siyang natawa sa kaniyang sarili. Kailan pa siya naging sobrang diskumpyado? Napaka-confident niya noon tulad ni Maxine, pero ngayon.... Umupo si Mavros, nilagay pabalik sa kamay ni Mariana ang mansanas pagkatapos ay seryosong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ito laro. Seryoso ako. Sa tingin ko ay nararamdaman mo naman iyon." sambit nito. Nag-aalab ang mga mata ng lalaki, nagbibigay init sa mga mata ni Mariana. "Yan yan, sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tao ka ba?" dagdag ni Mavros. Sandaling natahimik si Mariana. "Uhm... I-I..." "Anomg klaseng tao ka?" muling tanong ni Mavros. Tumitig siya kay Mariana ng mahigpit, na tila ba niais nitong magsunog ng butas sa mukha ni Mariana. "Tulad ng sinabi ng ina ni Tyson, isang diborsyadang babae na may hindi magandang record." sagot ni Mariana at saka ngumisi ng dalawang beses. Inil

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 118: Love

    Nakita ni Tyson ang naging reaksyon ni Mavros at hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita pa ulit. Nagising na lamang siya sa mga katagang binitiwan ng kanyang ina. Tila siya ay biglang na-udyok na halos makalimutan na niya kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan. "Mariana, hahayaan kong humingi ng tawad si Kaena sa 'yo, o di kaya' y bayaran ka. Pwede kang magsabi ng numero, at gagawin ko ang makakaya ko para lang makontento ka." Malamig ang mukha ni Mariana nang tumingin kay Tyson, "Hindi na, umalis na kayo." malamig ang tono ng boses ni Mariana na hindi tulad ng dati. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Tyson, bumagsak ang kanyang ekspresyon at maging ang mukha ng kaniyang ina at ni Diana ay bigla ring nag-iba. Hinfi nila inasahan na magiging ganito katigas si Mariana. "Kung ayaw mo talaga ay hindi ka na namin pipilitin pa. Huwag kang iiyak at magmamakaawa sa amin pagkatapos." saad ng ina ni Tyson pagkatapos ay tumingin ng matalim kay Mariana. Tahimik

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 117

    Nalilitong tumingin si Mariana kay Mavros. May nasabi ba siyang mali? "Well, lalabas na muna ako." saad ng nurse at saka umalis. Nang makaalis ito ay galit na nilingom ni Mariana ang lalaki. "I-ikaw talaga.." "Ano bang nangyari sa akin kanina? Narinig mo ba kung ano ang sinabi niya?" ani Mavros pagkatapos ay tumingin kay Mariana nang may ibang ibig sabihin. Binasa pa nito ang sulok ng mga labi. Galit namang tinalikuran ni Mariana si Mavros at hindi ito pinansin. Sobra siyang nahihiga. Nahuli silang dalawa ni Mavros, at inakala pa ng nurse na may relasyon silang dalawa. Labis na namula ang pisngi ni Mariana, mas mapula pa sa lagnat. Ang mas nakakainis pa ay talagang lumapit pa sa kanya ang lalaki at agad na ngumiti sa kanya. Alam nito na hirap siyang itagilid ang sarili, galit na galit si Mariana na talagang inunat pa niya ang mga braso at sinapak ang balikat ni Mavros. Naglikha pa ito ng tunog sa sobrang lakas at maging Mariana ay nagulat. "Bakit hindi ka umiwas!"

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 116: Fever Again

    "Hindi nga siya nakinig, pero hindi ka naman pwedeng tumayo na lang at panuorin siyang mamatay! Umaasa rin si Kaena sa 'yo. Niloko ng bitch na iyon ang kanyang asawa at tinangay ang napakaraming pera! Nakaasa sa 'yo ang kapatid mo. Paano mo nasisikmurang hindi siya tulungan!" dinuro ng ina ni Tyson ang ilong ng anak habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Tyson, kapatid mo naman siya kahit papaano. Maaapektuhan rin nito ang reputasyon ng pamilya Ruiz. Maraming tao na ang nangutya sa sa pamilya niyo noon. Natatakot ako na sa pagkakataong ito ay..." payo ni Diana kay Tyson.Hindi natatakot si Diana para kay Kaena, natatakot siya sa sarili niyang reputasyon.Tumingin ang ina ni Tyson kay Diana na may pasasalamat, "Mabait ka talaga, Diana, may konsiderasyon at maalalahanin." sambit nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Tyson. Alam niya ang totoo. Kung nag-iisa lang sana si Mariana, madali lang itong maresolba, ngunit ngayon ay nariyan si Mavros at tinatarget nito ang kanilang pamilya."Sa k

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 115: Discharge from Hospital

    Pumasok si Mariana sa elevator at huminga ng malalim. Hindi na siya isang paslit. Dapat ay kalmado lang siya. Nang akmang sasara na ang elevator ay isang kamay ang humarang dito uoang hindi tuluyang sumara. Pumasok si Mavros at dahan-dahan siyang nilapitan. Dala dala ng mataas na pigura nito ang amoy ng cedar. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Tila napuno na ng amoy ni Mavros ang buong elevator. Namula ang pisngi ni Mariana. Hinawakan niya ito at naramdaman na sobrang init niyon. Nag-aalala namang tumingin sa kanya si Mavros, "Nailipat mo na ba ang pera?" tanong nito at saka inilapat rin ang kamay sa noo ni Mariana, "Hindi ka na mainit." dagdag nito. Natigilan si Mariana at tila nakalimutang huminga. Mainit at malakas ang palad ng lalaki hanggang sa inalis ito sa pagkakadampi sa kanyang noo. Sinundan ng mga mata ni Mariana ang kamay na iyon habang inihuhulog sa loob ng bulsa ng suot nitong trouser. "Wala na akong lagnat." ani Mariana. "Alam ko.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status