Tumigil si Mariana, kalmado ang kaniyang ekspresiyon, ngunit hindi niya binalikan ang pakikipagkamay.
Bahagyang tumigas ang mukha ni Diana. Si Tyson, na nakatayo sa tabi, ay nagsalita upang tulungan siya, gamit ang mababang boses, "Alam ni Lolo ang tungkol sa atin, at inaanyayahan ka niyang maghapunan mamaya. Nakapatay ang telepono mo, kaya't pinuntahan kita." "Alam ko." tinignan ni Mariana ang kaniyang telepono, at talagang nakapatay nga iyon. Tumango siya. "I-charge ko lang ito at pupunta ako mamaya." Ang ibig sabihin niyon ay wala siyang na sumama sa kanila. Kumunot ang noo si Tyson. "Bakit hindi na lang kita hintayin..." Pinutol siya ni Mariana ng may ngiti, "Hindi, kaya kong pumunta ng mag-isa." Nang nakitang natahimik siya, tumingin si Mariana kay Diana. "At bukas ng alas nuebe, kung hindi ito abala sa inyo, samahan ninyo ako, kunin na natin ang certificate ng divorce." Hindi alam ni Tyson kung bakit, at nakaramdam siya ng kaunting inis. "Apurahan ba ito?" Seryoso namang tumango si Mariana. "Oo, nag - aapura ako." Tila nabulunan si Tyson sa sinabi niya, at may bahagyang lungkot sa mukha, pagkatapos ay hinila niya si Diana palayo. Pagkatapos maglakad ng ilang hakbang, biglang may sinabi si Diana na malapit kay Tyson, humarap siya at lumapit sa kanya, ang mga mata niya ay malambing, "Miss Ramirez, kahit papaano, may utang na loob ako sa iyo." Bahagyang nalito si Mariana. "Salamat sa anong bagay?" Nilingon ni Diana ang lalaking naghihintay sa kaniya sa hindi kalayuan. Inipit nito ang takas na buhok sa kaniyang tainga at matamis na ngumiti, tila may naalala at saka bumuntong hininga, "Noon, nag hiwalay kami ni Tyson ng hindi inaasahan. Pagkatapos kong bumalik, akala ko ay hindi na kami muling magkakasama pa. Alam kong mahal na mahal mo siya. At kung hindi dahil sa tulong mo, baka hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong magsama." "Mali ka." iniangat ni Mariana ang kaniyang tingin. "Hiniwalayan ko siya hindi para tulungan ka. Wala akong ganong kalawak na pag-iisip. Iniwan ko siya dahil ayaw ko na siyang mahalin, at hindi ko na siya mamahalin." Ginugol niya ang tatlong taon na sinusubukang maging mabuting Mrs. Ruiz, pero nabigo siya. Sa loob ng tatlong taon na ito, baka manalo siya ng jackpot sa pamamagitan ng pagbili ng tiket sa lotto, pero hindi niya mapapapamahal si Tyson sa kanya, kaya bakit pa niya pipilitin. Simula nang magpasya siyang makipag hiwalay, dapat ay binitiwan na niya ito. Marami siyang ginawa para kay Tyson, pero bilang kapalit ay nagdala lamang siya ng ibang babae sa kanya, ngunit hindi naman nakaramdam si Mariana ng anumang pagsisisi. Bahagyang nagulat si Diana. Nag-isip si Mariana, ibinaba niya ang kilay. "Kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa, wala akong pakialam." Malamig niyang sambit. Ang oras ng hapunan ay alas-otso y medya, at kakalipas lang ng alas-siete nang dumating si Mariana sa apartment. Marahil dahil umalis siya sa pamilya Ruiz, nakaramdam ng ginhawa si Mariana. Naligo siya at nag-charge ng kanyang cellphone, at maaga pa. Pinili ni Mariana ang kulay pulang rosas na bestida na gusto niya sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naglagay siya ng contact lens at naglagay ng kolorete. Ito ay isang bagay na halos hindi niya nagawa sa pamilya Ruiz. Noong una siyang ikinasal, naglalagay din siya ng makeup, pero hindi gusto ng ina ni Tyson na parang dwende siya at hindi sapat ang kanyang kabutihan, at hindi man lang siya pinansin ni Tyson. Ngayon ay gumagawa siya ng kahit anong gusto niya, at natural na pinipili ang mga gusto niya. Pagkatapos magbihis at maglagay ng makeup, sumakay ng sasakyan si Mariana papunta sa lumang bahay ng pamilyang Ruiz. "Madam, pakiusap, dito po ang daan." Medyo nagulat ang katulong nang makita ang hitsura ni Mariana, ngunit magalang pa ring inimbitahan siya na pumasok para kumain. Nang marinig na hindi niya binago ang mga salita, alam ni Mariana sa kanyang puso na marahil ay ayaw ng matandang Ruiz na makipaghiwalay siya kay Tyson. Sigurado 'yon. Nang pumasok siya, bukod kay Tyson, naroon din si Diana sa hapag. Ang matandang Ruiz ay may malungkot na mukha at hindi nagsasalita. Ang atmospera ay mukhang medyo malungkot. Nang makita siya, bahagyang humupa ang ekspresyon ng matandang Ruiz, ngumiti ito at malumanay siyang binati, "Mariana, halika na, matagal ka nang hindi kumakain kasama si lolo." Wala sa sariling inangat ni Tyson ang kaniyang ulo, ang kanyang mga mata ay napadako kay Mariana, at biglang kumabog ang kanyang puso. Inalis ni Mariana ang kanyang salamin, at lumantad ang kanyang makitid at bahagyang nakataas na mga mata ng phoenix. May kumikislap na liwanag sa kanyang mga mata, kasabay ng kulay rosas na pula, kaakit-akit at mayabang. At ang kanyang impresyon sa babae na susunod lamang at sasang-ayon... ay ganap ng magkaiba...Tulad ng kaniyang inaakala, isang pares ng maiinit na kamay ang humawak sa kaniya. Inikot ni Tyson ang kaniyang ulo at si Diana ay nakatingin sa kaniya nang may pag-aalala. "Tyson, hindi komportable ang tiyan mo? Gusto mong humigop ng kaunting sabaw?" Iniling ni Tyson ang kaniyang ulo. Matapos batiin ni Mariana ang matanda, humila siya ng upuan at kalmadong umupo, hindi pinapansin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawa. Ngunit masungit na ngumuso si Mr. Ruiz. Kapag kumakain ang pamilya Ruiz, palagi silang nag-iingat na huwag makipag-usap habang kumakain. Wala masyadong gana si Mariana, pero nakipagtulungan lang siya sa matanda at kumain ng kaunti nang walang gaanong pakialam.Pagkatapos ng hapunan, hinila siya ni Mr. Ruiz. "Narinig ko ang tungkol sa inyo ni Tyson, Mariana, huwag kang mag-alala, ang pamilya naming Ruiz ay tanging ikaw lamang ang kinikilala bilang aming manugang."Tumingin siya kay Diana at Tyson, na medyo matigas ang mga mukha, "Kahit na may umalis sa pamilya R
Mabigat na ibinaba ni Mr. Ruiz ang tasa ng tsaa, malayo ang tingin ng kanyang mga mata. "Pagkatapos niyang magpakasal, naging masungit at walang pakialam ang iyong ina sa kanya. Kapag siya'y may sakit at hindi komportable, lagi siyang nagpapahanap ng doktor. Anuman ang gustuhin at mahalin ni Kaena, lagi siyang ginagawang tanga! Tuwing ikaw ay umuuwi ng late, hindi siya naghihintay at hindi siya naghahanda ng pagkain para sa iyo. Noong taong iyon, nagkasakit ka sa tiyan dahil kay Diana, at nasunog ang kaniyang mga kamay sa paggawa ng sabaw para sa iyo." sabi niya sa medyo malungkot na tono. Bumuntong hininga siya. "Nang mamatay ang kaniyang ama at tumira sa pamilya Martinez, hindi niya ginawa ang mga bagay na ito. Tyson, ang daming ginawa ni Mariana para sa'yo, hiniling ang lahat ng gusto mo, pero si Diana ay nagbigay lang sa iyo ng isang lagok ng sabaw, at naramdaman mo na ito ay maasikaso at nakakaantig?"Nakinig si Tyson, ang kaniyang mga kamay ay unti-unting kumuyom, at ang dilim
Bahagyang kumurap ang mga pilikmata ni Mariana. Kung hindi niya nakasama si Tyson, magiging na psychologist sana siya. Gayunpaman pagkatapos ng ilang taon, kahit na wala siyang nakaligtaan sa kanyang propesyonal na larangan, makakabalik pa ba siya sa kanyang espesyalidad? Nakita rin ni Propesor Glen ang kanyang pag-aalinlangan at pinakalma siya, "Hindi naman ito urgent, ngunit kung ikaw ay interesado, ang guro ay natural na handang tumulong sayo." sambit niya sa mahinahong boses. "Salamat, Propesor." Nakaramdam ng init si Mariana sa kaniyang puso. Sa mga nakalipas na taon, wala siyang naging oras na bisitahin ang propesor. Hindi inaasahan, naaalala pa rin ni Propesor Glen ang kanyang mga estudyante.Tinanong ni Mariana ang kalagayan ni Propesor Glen nang may pag-aalala. Matapos makipag-usap kay Propesor Glen ng mahabang oras, Si Propesor Glen ay masigasig na nag-anyaya sa kanya na kumain. Hindi umalis si Mariana sa pamilya Glen hanggang hapon.Dahil pupunta pa siya para mag-hunt
Kinuha ni Mariana ang hunting rifle, ngunit siya'y napabuntong-hininga sa kanyang puso, "Anong halimaw!"Matapos magpalit ng damit ni Mavros at mag-empake ng lahat, pumasok ang mga mangangaso sa hunting ground ayon sa mga bilin ng coach sa field.Siyempre, karamihan sa kanila ay dumating lang para sa pangalan ni Mavros Torres, at ang mga hindi magaling manghuli ay nanatili sa kampo para manood.Kasama na doon ay sina Tyson at Diana. Inihanda ng pamilya Torres ang mga telescope at iba't ibang uri ng alak at meryenda, at nag-alaga sila ng maraming usa sa likod, kaya hindi nakakayamot ang walang ginagawa.Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay interesado pa rin sa sitwasyon ng pangangaso sa field, at lahat sila ay kumuha ng mga teleskopyo upang manood.Naalala ni Tyson ang sinabi ni Mariana, ibinaba ang kanyang mga mata at pinulot ang teleskopyo.Mayroong isang malaking damuhan sa hunting ground, malinaw ang hangin at usok, malawak ang kalangitan at lupa, si Mariana ay nakasakay sa kabayo,
Nang tumingala si Mariana, isang pares ng magagandang mata na parang bulaklak ng peach ang kanyang nakita.Ang lalaki ay mukhang napaka-romantiko at guwapo, ngunit ang kanyang ugali ay napaka-mahinahon, at ang kanyang ngiti ay mas inosente at kaakit-akit.Hindi kilala ni Mariana ang ganitong lalaki sa kanyang alaala, at si Ellie ay tumingin din sa kanya nang may pagdududa.Si Jasver Besonia ay pamilyar na pamilyar sa kanila. Ngumiti siya at inilagay ang prinosesong itim na gansa sa tabi nilang dalawa, "Ang pangalan ko ay Jasver Besonia, ako ang kusinero ng Third Master. Ang dalaga ang humuli ng itim na gansang ito. Inutusan ako ng Third Master na lutuin ito at dalhin sa inyo. Pakiusap subukan niyo." magiliw ntong pagpapakilala. Kusinero? Itinaas ni Mariana ang kanyang mga mata. Paano magkakaroon ng kusinero na may relo na nagkakahalaga ng milyon?"Jasver, lahat ba ng mga kusinero ng Third Master ninyo ay ganito kayaman?" Biglang sambit ni Ellie. Pinagsilbihan ni Jasver ang dalawa p
Ang barbecue party ay tumagal ng mahigit tatlong oras. Sa panahon ng salu-salo, nag-iinuman at nag-toast ang mga tao, at napaka-komportable nito.Sa gitna ng salu-salo, umalis si Mariana at pinili ang sarili niyang mga premyo kasama ang mga tauhan.Ayon sa mga patakaran ni Mavros, maaari niyang dalhin ang kabayo o iba pang mga alagang hayop na gusto niya.Bagaman mas gusto ni Mariana ang mga kabayo, sa wakas ay pinili niya ang isang usa.Sa hindi niya namamalayang isip, naramdaman niyang hindi angkop ang mga kabayo na alagaan bilang mga alagang hayop. Nang lumabas siya pagkatapos pumili ng mga premyo, hinarang siya ng isang guwardya. "Miss Ramirez, inaanyayahan ka ng aming Ikatlong Master." magalang nitong sabi. Siyempre, wala namang pangalawang Ikatlong Master dito.Kaya tanging si Mavros lang.Sinundan ni Mariana ang guwardiya papunta sa ikalawang palapag. Ang lalaki ay nakaupo nang maginhawa sa isang silya malapit sa bintana. Si Jasver ay masigasig na naghahalo ng alak. Ang mga ye
Kahit matagal na taon nang kasama ni Jasver si Mavros, siya pa rin ang personal na kusinero nito kahit papaano, at ang kaniyang pagkatao ay misteryoso. Hindi pa siya nakikita ni Tyson at ng iba pa. Narinig lang nila siyang bumati kina Ellie at Mariana sa pamikyar na tono, at saka siya dumaan sa kanilang lahat, "Malamig at mahamog dito, ihahatid ko na lang kayo, mga binibini." sambit niya ng may ngiti. Biglang nanabik si Ellie. Ang kalaban ng kalaban ko ay kaibigan ko. Maaari na niyang sampalin ang mga mukha nina Tyson at Diana, mga bastardo. Agad na lumiwanag ang kanyang mga mata, “Salamat, kuya,” sabi niya sa mapanuksong boses.Hindi mapigilan ni Mariana na ngumiti, ngunit alam niya sa kaniyang puso na katauhan ni Jasver ay hindi ganito ka-alalahanin. Malamang ay si Mavros ang nag-utos at nagpadala sa kaniya. Sumunod siya kay Ellie sa sasakyan, nakatingin sa pabilyon na nakatago sa anino, at iniisip ang isang pabor na hinihingi ng lalaki, naging mahaba ang kaniyang tingin. "Miss R
Ang bahay na ipinangako sa kaniya ni Tyson, at ang mga pormalidad para sa bahay ay na-iproseso na. Kahit na gusto ni Tyson na maging mapag-alaga na anak at apo at payagan ang kanyang mga biyenan na lumipat, dapat ay pumayag siya dito.Bukod pa rito, ang bahay na ito ang tanging lugar kung saan siya at si Tyson ay namuhay nang magkasama bago ang kasal.Sabi nga, hindi lang naman iyon kundi hindi siya sineryoso ni Tyson. Walang pakialam si Mariana kung minahal ba siya ni Tyson o hindi, ngunit dapat ay itinuring naman siyang tao ni Tyson kahit papaano. Hindi isang... alagang hayop.. Nang ilang tao ang masigasig na nag-uusap tungkol sa kasal, nakita ng ina ni Tyson si Mariana mula sa gilid ng kanyang mata, at bigla na lang nagbago ang kanyang mukha.Ang iba pang tao ay tumingin din sa kaniya. Hindi napigilan ni Kaena na magmura, "Sobrang malas! Bakit nandito siya?"Sa huli, lumapit si Diana upang batiin siya nang naaangkop, itinatago ang kahihiyan sa kanyang mga mata, "Miss Ramirez, a
"Talaga bang hindi mo alam kung ano ang sinasabi ko? Kung ganoon ay iibahin ko ang tanong ko sa tanong na mas madali mong maintindihan. Sinulat mo ba talaga ang papel na iyon?" diretsong tumingin si Mariana kay Bella, malapit na tinitignan ang magihing reaksyon nito. Sa kasamaang palad, umiwas ng tungin sa kanya si Bella at umikot para magpanggap na kukuha ng tubig. "Siyempre ako ang sumulat niyon. Mahigit isang buwan kong isinulat ang thesis na iyon." ani Bella. "Kalahating buwan kong isinulat ang papel na ito, ngunut ngayon ay lumabas ito nang nakapangalan na sa iyo. Ilang araw ang nakalipas, ipinadala ko ito sa Journal of Psychology. Hindi pa ito nakikita, pero nakita ko na ang anunsyo ng eskwelahan. Parehong pareho ang papel mo sa isinulat ko, ultimo ang title ay hindi napalitan. Ang mas interesring pa ay maging ang references at notes doon ay hindi rin nabago. Ang direksyon ng talakayan ay tinalakay din mula kay Nova Castro. Sa tingin mo ba hindi ko dapat itanong ng malin
Sa sandaling lumabas siya, isang ngiti ang lumitas sa kaniyang labi. Narinig niya ang lahat. Pagkatapos ng klase, dumating sa eskwelahan si Mavros para sunduin si Maxine, at kasunod ni Maxine ay si Mariana. Matapos ang huling pagdiriwang ng kaarawan, naging mas malapit sa isa't isa ang relasyon nina Mariana at Mavros. Kahit na hindi pa nila nililinaw ang lahat, masyado pa ring manipis ang papel na nakaharang sa kanilang dalawa. Lalo na kung kasama si Maxine na gustong - gustong sumali sa katuwaan, palaging sumusubok na maglapitin silang dalawa. "Ate Mariana, nitong mga nakaraan ay palaging nagtatanong si kuya sa akin tungkol sa 'yo sa tuwing tumatawag siya. Tinanong ko nga siya kung bakit hindi ka na lang niya tawagan ng diretso, pero hindi niya ako sinagot. Sa tibgin ko ay nahihiya lang ang kuya ko! " "Hindi totoo' yan." nagpanggap na galit si Mavros. "Hindi ako nagsasabi ng hindi totoo!" ani Maxine. Lumapit si Maxine mula sa backseat at inilapit ang bibig sa tainga ni Ma
Nagbago ng matindi ang itura ni Diana at agad na tinulungan si Tyson upang makatayo, "Tyson, ano bang ginagawa mo?" Kumakatok ang kanyang asawa sa pintuan ng ibang babae sa harap niya. Ano ba 'yan, nakakahiya! "Hindi." lasing na talaga si Tyson at namumula na ang buong mukha, ngunit tumanggi oa rin itong umalis. "Ito ang bahay ni Miss Ramirez, dapat ay mahimasmasan ka na." naging mababa ang tono ni Diana. Ngunit isa pa rin siyang babae kahit papano, at di hamak na matangkad si Tyson at mabigat, nakahawak rin ito sa pinto ng apartment ni Mariana at ayaw talagang umalis." Pagkatapos ng ilang sandali ay nawalan ng lakas ang pagod na mga braso ni Diana at malakas na bumagsak si Tyson sa sahig. Ni man lang nagising si Tyson dahil sa pagbagsak, at patuloy lang ito sa pagbulong ng kung ano-ano, "Mariana! Buksan mo ang pinto! Buksan mo ang pinto!" "Tyson! Tignan mo akong mabuti!" lumakas ang tinig ni Diana at malamig na tumingin kay Tyson. Halata namang wala ka talagang m
Ikinuyom ni Maxine ang kanyang mga kamao, "Si ate Mariana..." sambit niya sa nanginginig na boses. "Oo, si Ate Mariana, inabot niya ang kamay niya sa 'yo, at nakasakay ka bangka na' yon. Lumulutang bangka na iyon sa ibabaw ng dagat, at hinangin ka palayo. Naaalala mo pa ba kung bakit ka lumitaw sa dagat?" "May, may hinahanap ako." "Okay, nakita mo na siya, kasama mo na siya. Ngayon may kasama kang dalawang tao, si Mariana ang isa at ang isa naman ay ang taong hinahanap mo." Kumunot ang noo ni Maxine, "Hindi, hindi, isang tao lang naroon." Ilang sandaling natigilan si Mariana, "Sige, hindi mo nahanap ang tao na iyon, patuloy na lumulutang ang bangka na sinasakyan mo, at nakita mong napakaraming bangka ang lumutang sa paligid na papalit sa maliit na bangka na sinasakyan mo. Ano sa tingin mo ang gusto nilang gawin?" agad niyang tanong. "Pagpatay!" matalim ang boses ni Maxine, "Gusto nilang pumatay ng tao!" "Sa pagkakataon na ito ay nakaamoy ka ng isang halimuyak, na
"Dumating ang mga pulis at dinakip si Tyson kanina lang, sinasabi nila na nag-trespass daw siya!" balisang sambit ni Diana. "Hindi ba ay nandito lang naman si Tyson sa bahay ng buong oras. Paano siya makakapag-trespass?" "Pagkatapos ng hapunan, wala na sa katinuan si Tyson. Lumabas siya mag-ida noong bago mag-alas onse. Tinanong ko siya pero hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta." naalala ni Diana ang talunang mukha ni Tyson kanina, at agad siyang nagkaroon ng hinuha. Maaari kayang doon ito nagtungo? Sa A University. Nakatanggap ng mensahe si Mariana sa kaniyang email mula kay Nova Castro. Mula nang basahin ni Nova Castro ang papel niya noong nakaraan, madalas nang mag-usap ang dalawa sa email tungkol sa mga research sa sikolohiya. Tungkol sa publication ng papel
Palagi niyang nararamdaman na may nananakit sa kanya, at lahat ng nakikita niya ay masamang tao. Ngunit palagi niyang nararamdaman na hindi ito kasing simple lang ng pagkidnap. "Matagal kong hinanap si Max matapos siyang dukutin. Nang sa wakas ay natagpuan ko na siya, para siyang isang baliw noong araw na iyon, at hindi niya ako nakilala. Ilang araw siyang nag-collapse at umiiyak tuwing gabi dahil sa sobrang takot." Bahagyang kumunot ang noo ni Mariana, "Anong nangyari? Hindi kaya si Maxine ay..." Walang magawang ngumiti si Mavros, "Hindi, nakita lang niya ang mga taong iyon na nagpapahirap ng mga tao, nakinig siya sa lahat ng uri ng pqg-daing, at hinarap ang mga dugo na nasa lupa. Sinabi niya sa psychologist na sa sandaling ipinikit niya ang mga mata niya, nakikita niya ang dugo at ang buong mundo ay kulay pula. Pagkatapos, tuluyan siyang nag-collapse at na-coma sa loob ng ilang araw. Nang magising
Ang pamilya Ruiz ay hindi mapayapa nang gabing iyon dahil nakarinig si Kaena ng isang bulung-bulungan. Mabilis niyang itinutok ang screen ng kanyang telepono sa tatlong tao sa hapag kainan, "Mama! Kuya, hipag, tingnan ninyo!" Sa screen, isang lalaki at isang babae ang sumasayaw. Niyakap nila ang isa't isa, at lumilipad ang palda ng babae. Maraming tao ang sumasayaw sa paligid nila, ngunit nakita pa rin ni Tyson na ito ay sina Mariana at Mavros sa isang sulyap lang. Nanginig ang kanyang hawak na mga chopstick para sa pagpulot ng pagkain, at tahimik siyang uminom ng isang higop ng sabaw. Nakita ni Diana ang kanyang ekspresyon. "Hindi naman ito isang kakaiba na bagay. Hindi ba ay palagi naman silang magkasama?" sambit niya nang may iniisip. Inihagis ng ina ni Tyson ang mga chopstick sa galit at malamig na bumuntong hininga. "Kung ako ang tatanungin mo, hiniwalayan ka kaagad ni Mariana at hinahalik-halikan niya ang pamilya Torres. Hindi ka pa rin naniniwala na niloko ka niya
"Kung sina Miss Serrano at ang iba pang mga babae ay magpapatuloy sa pag-tsimis at pagsabi ng walang katuturan, kakailangin ko muna kayong paalisin." "Tara na." naglakad palayo sina Miss Serrano nang may malungkot na mukha. Ipinagpatuloy ni Mariana na ibaba ang kanyang ulo. Hindi talaga niya alam kung oaani niya dapat harapin si Mavros at kung ano ang sinabi niya. Tumitig siya sa sulok ng kaniyang palda at sa tip ng kaniyang mga sapatos, hindi alam kung ano ang eksoresyon ang gagawin. "Muntik ka na naman nasangkit sa gulo. Ayos ka lang ba?" marahang tanong ni Mavros. Nang makitang hindi tumugon si Mariana, tinawag niya itong muli. "Yan Yan?" "Ah? Nakikinig ako. Ayos lang ako." sabit niya nang wala sa kaniyang isip. Ang gusot na sinulid sa kanyang dibdib ay nagkasabit sa lahat ng direksyon. Habang pinag-iisipan niya ito, mas lumalaki ang sinulid. Ano ang ibig sabihin ni Mavros? "Bakit natutulala ka? Mamaya ay magsisimula na ang handaan. Pwede ko bang anyayahan si Yan
Malaya tulad ng isang ibon ang tumutugtog sa loob ng bulwagan, malambing na magaan na musika, ang piramide ng mga baso ng alak ay kumikinang sa ilalim ng liwanag, at ang mga batang babae sa bulwagan ay nag-uusap at nagtatawanan sa mga mamahaling mga bestida. Nakatayo sila sa ilalim ng spotlight, at ang mga alahas sa kanilang mga katawan ay pinalamutian sila ng pinaka nakakasilaw na liwanag. Si Mariana sa isang sulok ay nakasuot ng masikip na itim na velvet na damit. Bilang isang namumukod-tanging Filipino dress designer noong ika-20 siglo, perpektong na-highlight ng damit na ito ang klasikal na pagka-elegante ng mga babaeng pilipino. Siya ay hindi kailanman nagsuot ng anumang nakasisilaw na alahas, ngunit nakasuot lamang ng isang esmeralda na kwintas, na puno ng kagandahan. Si Maxine sa tabi niya ay nakasuot ng prinsesa na bestida at may hawak na panghimagas sa kanyang mga kamay. Bagaman siya ang host ng isang normal na piging, ang kanyang mga mata ay puno ng hindi nararapat