Share

KABANATA 5

Si Sean ay napatingin kay Tanya nang makapasok siya sa conference room, isang kakaibang kislap ang dumaan sa kanyang mga mata.

Hindi dahil sa sobrang ganda niya kundi dahil ang babaeng ito ay nagbibigay sakanya ng isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag…

Para bang nakita na niya ito sa isang lugar.

Pero tumingin siyang mabuti, hindi niya maalala kung saan niya ito nakita?

Naka-poker face na naglakad si Sean papunta sa mesa at umupo.

Nakita niyang nakatitig si Tanya sa kanya na parang nakatingin ito sa isang kaaway kaya kumunot ang kanyang noo.

Ang anak niya ang sumira sa kanyang sasakyan pero hindi siya nagmakaawa, naglakas loob pa etong tingnan siya ng ganito.

Maliit siya, pero malaki ang kanyang lakas ng loob gaya ng kanyang anak!

"Bakit mo pinag-utos sa anak mo na sirain ang sasakyan ko?"

Pagbukas ni Sean ng bibig niya at agad niyang sinisi si Tanya.

Si Tanya ay nakakuyom ng kanyang mga kamao at nakatitig sa kanya. Dahil sa emosyon nararamdaman ay nanginginig ang kanyang buong katawan.

Ngunit nang marinig niya ang sinabi nito ay napakunot ang kanyang noo, hindi ba siya kilala nito?

Hindi ba niya nakita ang kanyang mukha ng gabing iyon o nagpapanggap lang siya?

Dahil hindi siya sigurado kung ang taong nasa harap niya ay ang malupit na lalaki bumaboy sakanya ay hindi sya naglakas nang loob na kumilos.

Pinilit niyang kinontrol ang kanyang emosyon at nagtanong ng may pag-aalinlangan "Ikaw... hindi mo ba ako kilala?"

"Hindi."

"Hindi mo ako kilala?"

"Sa tingin mo ba dapat kitang makilala?"

Tanya: "..."

Ano ba ang nangyayari?

Talagang kamukha niya ang kanyang mga anak na sina Sawyer at Sage ngunit hindi man eksaktong magkapareho pero halos walong-pung porsyento ay magkahawig sila.

Pero sinabi niyang hindi niya siya kilala at hindi siya mukhang nagsisinungaling.

At ang kanyang boses, hindi rin masyadong kahawig ng malupit na lalaki iyon, sa pagkakatanda nya.

Tinitigan pa rin ni Tanya si Sean ng ilang sandali at hindi siya nagalit kaagad sa binata, naisip nyang ang lahat ng tao sa mundo ay may ilong at dalawang mata kaya maraming magkakahawig.

Pinatatag niya ang kanyang loob, kumunot ang kanyang noo at sinimulan munang lutasin ang problema sa harap niya.

"Kung hindi mo ako kilala, bakit mo ako dinala dito? Ilegal ang ginagawa ninyo!"

Naging madilim ang mukha ni Sean at kaya naman pinaalala ni Zoren sa dalaga ang unang sinabi neto.

"Sinabi na ng boss ko miss, dahil nga sinira ng anak mo ang sasakyan ng boss ko kanina"

"Ano?" Hindi makapaniwala si Tanya sa sinabi nang lalaki.

"Nagkakamali ba kayo? Galing kami sa ibang lugar at ngayon lang kami nakarating rito sa Maynila, paano makaka oras ang anak ko para sirain ang sasakyan ninyo? Kami..."

"Ipakita mo sa kanya ang CCTV!" Naiinip na pinutol ni Sean ang kanyang sinasabi.

Pagkatapos, nagsimula nang mag-play ang mga pangyayari sa istasyon ng tren sa malaking screen ng conference room.

Kahit na nakasuot ng sumbrelo si Sage sa video ay nakilala agad siya ni Tanya.

Hindi niya alam kung paano nasira ang apat na gulong pero ang mga gasgas sa sasakyan ay gawa talaga ng kanyang anak na si Sage!

"Ito... ako... pasensya na, hindi ko alam ang tungkol dito... ang batang nakasumbrelo sa video ay anak ko nga pero masunurin at mabait siya, hindi niya kailanman sisirain ang sasakyan ninyo ng walang dahilan! siguradong may dahilan kung bakit niya ginawa ang ganyang bagay."

Patuloy na pinagmamasdan ni Sean ang kanyang ekspresyon, nakikita niyang hindi siya nagsisinungaling at natahimik siya nang ilang sandali saka pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita.

"Marunong din maglaro ng dinamita ang anak mo, alam mo ba 'yon?"

"Maglaro ng dinamita? Imposible masyadong bata pa siya para maglaro ng ganoong mapanganib na bagay."

"Pero ang apat na gulong na 'yan ay siya ang nagpaputok gamit ang isang maliliit na dinamita."

Nanlaki ang mga mata ni Tanya at pagkatapos ay kumunot ang kanyang noo, Naintindihan na nya ang mangyayari at  nagmamadaling nagpaliwanag.

"Alam ko na! Nagkakamali ka! hindi iyon mga dinamita, maliliit na paputok ang mga iyon, mahilig maglaro ng paputok si Sage kasama ang kanyang lolo at binigyan siya ng lolo niya ng ilang paputok nang pumunta kami rito sa Maynila. Pasensya ka na, hindi ko alam na ganoon kalakas ang lakas ng pasabog na iyon, kung alam ko lang ay hindi ko siya hahayaang magdala nang ganon"

Taos-puso ang sinabi ni Tanya at hindi siya mukhang nagsisinungaling.

Tinitigan ni Sean si Tanya ng ilang sandali bago naniwala sa sinabi niya.

Pareho ang nilalaman ang ng paputok at dinamita, may lakas ng pagsabog ang paputok at marami sa mga matatandang manggagawa sa kanayunan ang may mahusay na kasanayan.

Bukod dito, nalaman din ni Zoren na sila ay isang ordinaryong pamilya lamang at hindi dapat sila magkaroon ng kakayahang makapinsala sa kanya.

Nag-isip siya ng sobra.

Binaba ni Sean ang kanyang pag-aalala at pagkatapos ay nawalan na siya ng interes kay Tanya.

Sinabi niya kay Zoren "Ikaw na ang bahala."

Tumingin siya sa kanyang telepono para tingnan ang mga mensahe at hindi na pinansin si Tanya.

Inilabas ni Zoren ang kasunduan sa kabayaran na kanyang inihanda kanina.

"Ms. Castillo, dahil inaamin mo na anak mo nga ang batang iyon at mayroon na tayong matibay na ebidensya na siya ang gumawa ng kaguluhang iyon ay kailangan n'yong magbayad sa mga pinsala"

Kaawa-awa ang babae na mag-isang nag-aalaga sa kanyang mga anak pero hindi ito dahilan para patawarin niya siya.

Hindi naman pilantropiko si Sean, hindi niya hahayaang masira ang kanyang sasakyan na nagkakahalaga ng ilang milyon at hindi makakakuha nang kabayadan sa pinsala.

Ang kaguluhan na nagawa nang anak ay ang mga magulang ang dapat sumalo, ito ang kapalit ng isang ina na hindi napangaral ang anak nang mabuti.

Malungkot ang ekspresyon ni Tanya kahit na naniniwala siyang hindi sisirain ni Sage ang mga bagay ng walang dahilan, mali talaga ang pagsira niya sa sasakyan ng iba.

Nagtatanong si Tanya ng may pag-aalinlangan "Gusto niya ba ng pera?"

"Limampung milyon."

"Ano?!?!" Tumaas ang boses ni Tanya ng ilang beses "Limampung milyon? Bakit ganun kalaki? gusto niya bang magnakaw nalang ako!?"

Zoren: "?!"

Si Sean na nagrereply ng mensahe: "..."

"Kung ayaw mong magkasundo sa gantong paraan ay mapipilitan kaming mag-report ka sa pulis." Nagalit na si Sean.

Agad na nagsalita si Tanya "Hindi pwedeng mag-report sa pulis!"

Ngayon ay mayroon na tayong matibay na ebidensya at wala eto sa panig ni Sage kung mag-report sila sa pulis ay siguradong kakasuhan nila ako bilang tagapag-alaga, kung makulong ako paano na ang mga anak niya?

"Kung ganoon, nagkakahalaga ba ng limampung milyon ang sasakyan?"

"Oo, ito ang kasalukuyang halaga ng sasakyan."

Tinanggap ni Tanya ang dokumento mula kay Zoren at tiningnan ito, nagkibit-balikat.

"Ako... ok lang sakin makipagkasundo at okay lang magbayad ako. Ngunit, ako... wala akong ganung karaming pera, pwede bang bawasan?"

Hindi naglakas loob si Zoren na magdesisyon, at tumingin kay Sean.

Tinitigan ni Sean si Tanya at malamig na nagsalita "Magkano ang kaya mong bayaran?"

Nag-aalangan si Tanya "5... 5,000 okay lang ba?"

Sean: "..."

Zoren: "..."

Limampung milyon, limang libo, diretsong tinanggal ang apat na zero.

"Mag-report ka sa pulis! Ibigay mo na sa pulis ang problema na to!"

Tumayo si Sean at aalis na, malinaw na ayaw niyang sayangin ang oras niya kay Tanya

Nagpanic si Tanya at agad siyang tinawag si Sean "Teka lang!"

Hindi siya pinansin ni Sean at hindi siya tumigil.

Kinagat ni Tanya ang kanyang labi at nag-isip.

"Kung gusto mo ng pera, magtanggal ka muna nang mga damit!"

Hindi naintindihan ni Sean ang sinasabi nito at napatigil siya saka tumingin pabalik "Ano?"

"Magtanggal ka! Tanggalin mo ang iyong suit at shirt mo, hubarin mo lahat!"

Sean: "..."

Lahat ng tao sa paligid ati Zoren: "!!!!!"

Maraming babae ang nang-aakit sa kanilang CEO, pero ang ganito ka-diretso at sinabihan agad ang CEO nila na magtanggal ng damit ay siya ang pinaka-una!

At saka, sa harap pa ng napakaraming tao!?!?

Ang babaeng ito ay hindi lang maganda, matapang din siya!

Mahigpit na nakatikom ang mga labi ni Sean at madilim na ang kanyang mukha, tiningnan niya si Tanya at sinabi ng isa-isa.

"Alam mo ba ang sinasabi mo?"

Natakot si Tanya sa galit sa kanyang mga

mata at napalunok siya sabay nagsabi ng may matigas na ulo.

"Sinabi ko na kung gusto mo ng pera, magtanggal ka muna."

Limampung milyon, kahit mamatay siya, hindi niya makukuha pero hindi rin siya pwedeng makulong, kaya gusto niyang kumpirmahin kung siya ba talaga ang lalaking iyon!

Kung siya nga, gagamitin niya ang gabing iyon para bayaran ang limampung milyon!

Noong una, nangako siyang gagawin siyang pinakamayaman at pinakamasayang babae sa mundo, hindi niya kailangan ang kaligayahang ibinibigay niya.

Kailangan lang niyang matapos ang bagay na ito!

Tungkol naman sa mga anaka...

Hindi niya alam na nagkaanak siya sa kanya at hindi pa niya sila kukunin sa ngayon.

Kapag naghiwalay na siya kay Sean ay agad niyang dadalhin ang mga anak palayo sa Maynila at itatago ito sila sakanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status