Share

KABANATA 9

Sa pagbubukas ng monitor ng computer ay lumitaw ang ilang malalaking titik.

【Ang nangyari ngayon ay isang babala lamang kung maglakas-loob ka pang mang-api sa batang babae, hahanapin kita ulit! Mr. Buenavista, mag-ingat ka.】

Lahat ng empleyado ng kumpanya: “!?!?!?!?!??”

Nakatingin ang lahat sa screen ng computer at baliw na baliw na baliw, nakalimutan na nila kung nasaan sila at nagsimula nang mag tsismis.

“Naku, may taong gumawa ng problema sa computer? Sino kaya ang may ganyang lakas ng loob para makapasok sa sistema ng kumpanya natin?”

“At nagbabala pa talaga siya kay Boss natin na mag-ingat!”

“Siya siya siya… sinabi pa niyang nang-api si Boss nang batang babae!”

“...”

Sa opisina ng presidente, mahigpit na nakatitig si Sean sa screen ng computer niya, mahigpit ang pagkakakagat niya ng kanyang labi at maitim ang kanyang mukha.

Pakiramdam ni Zoren ay sasabog na ang silid na kinaroroonan nila.

Pinilit niyang suyuin si Sean.

“Boss, kalma po kayo, kalma lang po kayo. Yung sinasabi nilang nang-api kayo sa batang babae? wala pong katotohanan 'yan! Alam naman po natin ang ugali ninyo, kayo po…”

“Nasaan ba yung babaeng 'yon?!” Malamig na tanong ni Sean.

Natigilan si Zoren bago niya maunawaan na si Tanya ang tinutukoy niya ay agad na nagsalita “Hindi pa po natin siya nahanap.”

“Mga walang kwenta!” Halos masira ang bubong ng opisina dahil sa pagsigaw ni Sean.

Nag-panic si Zoren at tumulo ang malamig na pawis niya, nanginginig siya.

Ang pagiging malapit sa hari ay parang pagiging malapit sa tigre, malinaw na naipakita ito ngayon ni Sean sakanya.

Mariing na nakatitig si Sean sa screen ng computer niya at hinahanap niya si Tanya, dahil sa tingin niya ang ‘batang babae’ na nakasulat sa screen ng computer ay siya!

Alam niyang hindi siya isang mabuting tao pero hindi rin siya basta-basta nang-aapi, lalo na sa mga babae.

Ang tanging nasa isip niya ay ang ina ni Saint bukod doon, bihira siyang makipag-ugnayan sa mga babae.

Pero kahapon, nakasalamuha niya ang babaeng iyon at ikinulong pa niya!

At ang mga hacker na alaga niya ay mga dalubhasa sa larangan ng hacking ngayon, bihira silang pumalpak.

Pero sa loob lamang ng isang araw, dalawang beses na silang pumalpak.

Hindi nila mahanap ang taong nagnakaw ng negosyo niya at naghamon sa kanya.

Hindi rin nila mahanap ang babaeng nagngangalang Tanya Castillo.

Hindi niya maiwasang magduda na parehong tao ang nasa likod ng lahat ng ito at siya ang target.

Kinagat ni Sean ang kanyang labi at malamig na nagsalita,

“Kahit hukayin ang lupa, kailangan kong mahanap ang babaeng 'yan!”

“Opo opo.”

Agad na umalis si Zoren sa opisina ng presidente at sa puntong ito, ayaw na niyang makita si Sean.

Pero nang sabihin niya ang utos ni Sean nagkaroon na naman ng bagong problema.

Tumawag ang mga tauhan niya at sinabing nakabalik na ang asawa niya, Nasa gate na ng dating mansyon nito sa Quezon city at gusto niyang makipaghiwalay kay Sean!

Ang Dating mansyon neto sa Quezon City ay ang tirahan ng dating asawa ng amo niya noong hindi pa nakabalik ang amo niya mula sa ibang bansa, eto ang kanyang naging tahanan.

Nagulat si Zoren “Sigurado ka bang ang asawa niya iyon?”

“Oo, sino ba ang mangangahas magsinungaling sa harap ng amo natin? Tiyak na siya iyon.”

Nag-isip ng ilang sandali si Zoren at hindi na nag-atubiling bumalik sa opisina ng presidente.

“Boss, nakabalik na po ang asawa ninyo, at naghihintay na po siya sa Dating mansyon.”

“Sino?”

“……Ang asawa ninyo, ang legal na asawa ninyo.”

Napaisip ng ilang sandali si Sean bago niya naalala na may asawa pala siyang hindi pa niya nakikilala.

“Bakit siya bumalik?”

“Para makipaghiwalay sa inyo.”

Sean: “...”

Walang balita ang babaeng iyon sa loob ng anim na taon tapos bigla na lang siyang bumalik para makipaghiwalay sa kanya?

Wala siyang nararamdaman para sa kanya, pero…

Kung makipaghiwalay siya, paano niya lolokohin si Jazel?

“Sabihin mo sa kanya na wala ako at hindi pa ako pwedeng makipag hiwalay ngayon, kung gusto niyang makipaghiwalay ay hintayin niya akong bumalik at kung kailan ako babalik, hindi pa alam.”

Kung mabait na babae siya, nahihiya pa siyang gamitin siya.

Pero hindi naman siya isang mabuting babae, kaya hindi na rin nag-aalala si Sean na gamitin siya.

Kasama na si Zoren ni Sean sa loob ng maraming taon, kaya alam niya ang intensyon ni Sean kaya hindi na siya nagulat at nagtanong lamang.

“Hindi po sigurado kung paniniwalaan ng asawa ninyo ang mensahe, gusto niyo po bang mag-video call sa kanya para sabihin sa kanya ng personal?”

“Hindi na!”

Bakit pa siya mag-video call sa isang taong walang kwenta? Pag-aaksaya ng oras!

Kaya direktang tumanggi si Sean dahil hindi niya alam na ang asawa niya, ang babaeng gusto niyang hukayin ang lupa para mahanap.

“At isa pa, huwag mo na siyang tawaging asawa, ang asawa ko ay isa lang at wala ng iba, maliban sa kanya, wala ng iba pang karapat-dapat sa tawag na iyon.”

“...”

Alam ni Zoren na ang tinutukoy ni Sean ay ang ina ni Saint.

“Alam ko na po.”

Sa kabilang banda, nang makuha ni Tanya ang sagot ni Sean ay nagulat siya!

Hindi niya alam kung kailan babalik ang lalaki, kaya hindi niya rin alam kung kailan siya makikipaghiwalay.

Paano niya maiisama ang mga anak niya?

Hindi sumuko si Tanya at ilang beses niyang sinubukang tawagan si Sean pero hindi niya makontak, kaya malungkot siyang umalis sa dating mansyon at sobrang nalulungkot.

Dahil hindi siya makakaalis kaagad, hindi rin niya maayos ang pagpaparehistro ng mga anak niya, kaya hindi sila makakapag-aral ng normal.

At, dahil hindi siya makaalis ay hindi rin siya makahanap ng magandang na trabaho at kakaunti na lang ang pera niya.

Idagdag pa ang lalaking kamukha ni Sawyer at Sage pati narin ang utang na 50 milyon…

Lalo pang sumakit ang ulo ni Tanya kaya naman umupo muna siya sa ilalim ng isang puno.

Ayaw niyang umuwi sa ganitong kalagayan at mag-alala ang mga anak niya.

Habang iniisip niya kung ano ang gagawin niya, bigla na lang tumakbo ang isang bata na mga apat o limang taong gulang mula sa kabilang kalsada patungo sa kalsada.

Ang daan ay puno ng mga sasakyan ay bigla na lang nagkagulo, tunog ng preno, busina, sigaw, at tili…

Agad namang tumakbo ang magulang ng bata sa gitna ng kalsada at gustong buhatin ang bata pero hindi siya nakikipagtulungan.

Para siyang isang galit na hayop, sumigaw siya sa kanyang mga magulang at sumigaw sa mga tao.

Habang sumisigaw siya, bigla niyang binato ng bato ang kotse na malapit sa kanya.

Matapos niyang batuhin ang kotse ay sinimulan niyang saktan ang sarili, sinampal niya ang sarili, at kinamot ang kanyang mukha.

Pilit siyang binuhat ng kanyang ama pero nagpupumiglas siya, nangangagat siya at naglabas ng mga nakakatakot na tunog " Grrr... grrr... grrr"

Tiningnan ni Tanya ang bata at napagtanto na may mali rito kaya tumayo siya at tumakbo palapit.

Nakaalis na ang bata sa pagkakabuhat ng kanyang ama. Galit naman na at nag-aalala ang ama, namumula ang mukha niya dahil sa kalmot at sobrang nauubusan na ng pasensya.

Itinaas niya ang kanyang kamao at handa nang manampal.

Agad siyang pinigilan ni Tanya "Kalma lang kayo, huwag kayong magpadalos-dalos."

Nang sabihin niya iyon, tumingin siya sa bata matapos ay lumuhod at tumingin sa mata ng bata, binuksan niya ang kanyang mga kamay at nagpakita ng mahinahon na mukha,

"Huwag kang matakot, halika, lumapit ka sa akin. Yayakapin kita, poprotektahan kita."

Sobrang nag-aalangan ang bata na tumingin sa kanya.

Nakangiti si Tanya "Hindi kita sasaktan, huwag kang matakot na lumapit sakin."

Tiningnan siya ng bata ng ilang segundo at biglang yumuko saka kinuha ang bato sa lupa at binato siya.

Hindi nakaiwas si Tanya tumama ang bato sa ulo niya kaya naman napangiwi siya sa sakit.

Nang makita ito ng ina ng bata ay agad etong humingi nang pasensya sa kanya at hindi niya mapigilan ang pag-iyak.

“Pasensya na po Ma'am, may bipolar disorder po kasi ang anak ko at nagkakasakit po siya. Wala naman po kaming magagawa huhuhu…”

“Alam ko, okay lang, ano ang pangalan niya?”

“Francis, pero ang tawag namin sa kanya Ranran”

Sabi ni Tanya “Natakot ninyo siya kaya sana ay lumayo muna kayo, ako na ang kakausap sa kanya."

Nagtataka na nakatingin ang mag-asawang Lopez kay sa Tanya at sa huli ay sumuko na rin sila.

Wala na silang magawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status