Share

KABANATA 11

Ang labis na galit ni Tanya at ang walang katapusang hinanakit ay walang ibang mapaglabasan kaya't siya'y umiyak nang malakas.

"Sobra ka na! Hindi ba't sobra mo na akong sinaktan? Ano pa bang gusto mo? Ano ang gusto mong gawin?!"

Habang pinapanood siyang umiyak, nagulat si Sean. Bigla, may eksenang pumasok sa isipan ni Sean at naalala ang gabing iyon nang umiyak ang ina ni Saint sa ilalim niya.

Sa mga oras na iyon, walang ilaw sa kwarto, at hindi ni Sean makita nang mabuti ang mukha ng babae dahil ito’y nalalasing mula sa pag-inom ng gamot, at hindi rin nito  matandaan nang maayos ang kanyang boses. Pero nang halikan nito ang sulok ng mata ng babae, may mga luha.

Hindi nito alam kung bakit ang pag-iyak ng babae sa harapan nito ay nagpaalala tungkol sa babaeng ina ni Saint, ngunit sa sandaling iyon, humina ang puso ni Sean, napuno ng awa at sakit, at nais pa nitong abutin at tulungan si Tanya na punasan ang luha.

Ngunit sa susunod na segundo, muling nagsalubong ang dalawang kilay nito.

‘Hindi ang babaeng kaharap ko ang babaeng iyon; ang tunay na ina ni Saint ay mas maamo kaysa sa baliw na ito sa harap ko,’ ani Sean sa isipan.

Noong mga oras na iyon, halos wala nang malay si Sean, ngunit alam din nito na ang kasama ay isang maamong babae, kung maaari nga ay parang maamong pusa ang babae na hindi marunong mangalmot.

Hindi tulad ng nasa harapan nito na may mabagsik na itsura, parang isang inang tigre.

Umubo si Sean at nang muling tingnan si Tanya, naging masungit ang kanyang ekspresyon.

“Tumahimik ka!”

"Wala kang karapatang kontrolin ako! Sino ka sa tingin mo?! Wala ka bang konsiyensya sa pananakit sa akin nang ganito? Talaga bang mahilig kang manakit?! Ang konsiyensya mo ba ay kinain ng aso?! Tao ka pa ba?!”

Nakaramdam si Tanya nang sobrang galit, mas malakas ang kanyang paghagulhol habang siya’y umiiyak.

Akala ni Tanya ay makakalimutan niya ang mga paghihirap, mga sakit na dinanas, at mga hinanakit, ngunit sa pagtingin sa mukha ng lalaking kaharap ngayon, nanariwa ang lahat.

Anim na taon na ang nakalipas, siya’y nasaktan, at anim na nakalipas, nandito na naman ito para manggulo. May utang ba siya sa lalaking ito mula pa sa kanyang nakaraang buhay?!

Ngayon, hiwalay siya sa asawa, ang rehistro ng mga bata pagkapanganak ay hindi maresolba, hindi rin sila makakaalis sa lungsod, at may utang siyang 50 milyon na hindi niya alam kung paano sosolusyonan. Sobra-sobra naman yata ang kamalasan niya!

Bulag ba ang Diyos? Bakit siya lang yata ang naghihirap nang ganito?! Pakiramdam niya ay aping-api siya at hindi siya komportable sa ganoon…

Ito ang unang pagkakataon na nawalan ng kontrol si Tanya mula nang dumating ang bata. Simula nang magka-anak, siya’y nakalabas mula sa kanyang kalungkutan, ngunit sa pagkikita kay Sean ngayon, siya’y nagwawala.

Hindi alam ni Sean na si Tanya ang taong matagal na nitong hinahanap, at hindi nito maintindihan ang sinasabi ng babae.

Akala ni Sean ay dahil sa biglaang pagkautang ng malaking halaga na limampung milyon na nagpabago ng buhay ni Tanya kaya nagagalit ang babae ngayon kay Sean.

Dahil dito, lalong naiinis si Sean sa kaharap. Ang paninira sa sasakyan nito at wala man lang paghingi ng tawad ay mas lalo lang nagpagalit kay Sean. Kung hindi lang nito kailangang magtanong sa babaeng si Tanya, matagal na nitong itinapon ang babae palabas.

"Mas mabuti pang tumahimik ka!" matigas ang ekspresyon ni Sean at nagbanta, naubusan na ito ng pasensya.

“Ah—”

Si Tanya ay parang galit na kuting, nangangalit na nakatingin kay Sean, parang nais itong kagatin. Umigting ang panga ni Sean at halos mag-untugan ang mga ngipin.

"Kapag umiyak ka pa ulit, kalimutan mo nang makikita mo pa ang anak mo."

Napahinto si Tanya sa pag-iyak. “Ano... anong sinabi mo?!”

"Ayaw mo bang maniwala? Galitin mo pa ako!"

Natahimik si Tanya.

Mahalaga kay Tanya ang pera. Pero mas mahalaga ang kanyang mga anak.

Si Tanya ay mabilisan na isinara ang kanyang bibig nang mahigpit, tinakpan ito ng kanyang kamay upang pigilin ang kanyang pag-iyak! Tumingin siya kay Sean na may halo-halong pagkabigo, galit, at takot.

Si Sean ay tumitig pabalik sa kanya na may mayabang na postura, parang isang hari na nakatingin sa isang langgam.

Agad na nawala ang laban ni Tanya at siya ang unang umiwas ng tingin.

Kinalma niya ang sarili, isang alon ng takot ang sumunod sa isip...

Kung siya talaga ang lalaking iyon at isiwalat niya ang nangyari noon, ano ang gagawin niya kung makipag-agawan ang lalaking ito para sa mga bata? Tingin niya pa lang sa kalagayan ng lalaking ito sa kasalukuyang sitwasyon, mukhang maayos ang buhay nito.

Ang sasakyan nito ay nagkakahalaga ng daan-daang milyon, ano ang mangyayari kung agawin niya ang bata sa kanya? Sigurado siyang hindi niya kayang makipagkompetensya sa lalaking ito. Talagang sobrang naging padalos-dalos siya kanina, halos ibuko na niya ang sarili!

Pero kung kamukha lang pala ito ng lalaki at mali ang hinala niya?

Ang pagiging sobrang padalos-dalos niya talaga sa harapan nito ay talagang hindi maganda.

Si Tanya ay lihim na humihinga nang malalim upang kalmahin ang kanyang emosyon. Matapos nitong mapansin na kumalma na si Tanya, nagsalita si Sean.

"Sabihin mo, anong nangyari kahapon?"

Bahagyang nagtaas ng tingin si Tanya at sumagot. “Ano ba ang nangyari?”

"Sino ang nagligtas sa iyo? Pagkatapos kang maligtas, saan ka pumunta? At ano talaga ang layunin mo sa paglapit sa akin? Naghahabol ka ba para sa aking kayamanan o may banta ka sa aking buhay?"

Si Tanya ay may pagkalito sa kanyang mukha. "Kailan ko sinabi na nais kong lumapit sa iyo? Ikaw ang panay ang lapit sa akin at kinuha na lang ako bigla kahapon. Pagkatapos ay biglang nagliyab ang gusali, at tumakas ako sa kaguluhan. Hindi ko balak na maghabol sa iyong kayamanan, ni hindi ko rin..……” (Nais na kunin ang iyong buhay)

Nagdahan-dahan si Tanya habang nagsasalita; kung siya talaga ang lalaki na iyon, baka nga nanaisin niya ang buhay nito!

"Hindi mo rin?" Malalim ang tanong ni Sean, pinatutuloy ang naputol niyang sarili.

Si Tanya ay umungol at napabulong. "Hindi ko rin nais ang iyong buhay."

"Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa sinasabi mo?"

"Ano? Mainiwala ka man o hindi, totoo pa rin ang sinasabi ko!"

Pinaigting ni Sean ang panga at ang madilim na ekspresyon na tumingin kay Tanya. "Saan ka natulog kagabi?"

Kahapon ay nagpadala si Sean ng mga tao sa maliit na hotel upang hanapin siya, ngunit hindi nila siya natagpuan. Sinabi ng may-ari ng hotel na umalis ang babae nang hindi nag-check out.

Sa kasalukuyang kakayahan ni Sean, kung nais nitong maghanap ng tao sa Metro Manila at hindi nito mahanap ang hinahanap, ang ibig lamang sabihin noon ay hindi ordinaryong tao ang kayang gawing iyon na kaya itong pagtaguan.

Siyempre, hindi alam ni Tanya na si Sawyer ay sinabotahe ang surveillance. Nagtaka siya at sumagot.

"Wala kang pakialam sa kung saan ako natulog. May koneksyon ba iyon sa iyo?"

Malamig ang ekspresyon ni Sean na tumingin kay Tanya at ang puso ni Tanya ay pumiksi sa takot. Mukhang sobra itong nakakakatakot kapag nagalit.

‘Kanina nagalit lang ako at nakatuon sa paglabas ng aking emosyon. Para akong galit na tigre kung magalit. Ngayon na ako’y kumalma, ako yata ang natatakot.’

Si Tanya ay yumuko ang ulo. "Privacy ko iyon at hindi mo kailangang malaman."

“Hindi ko ba kailangang malaman o sadyang may itinatago ka lang?”

"Bakit naman ako may itatago? Wala naman akong utang na loob sa iyo...” (bukod sa pera)

Nang maisip niya ang limampung milyong na utang,  hindi na nasabi ni Tanya ang kadugtong na salita.

Bigla may pumasok sa isip niya, galit na inilabas ang kanyang cellphone, at ipinakita kay Sean ang cellphone.

"Kahapon tinanong ko ang aking anak, oo, siya nga ang nagwasak ng iyong sasakyan, pero tingnan mo, kayo ang unang nanakit. Ang pangalawang anak ko ay gumasgas ng iyong sasakyan upang ipakita ang galit para sa kanyang nakababatang kapatid."

Tumutok si Sean sa larawan sandali, nakakunot ang noo.

Sa picture, may malaking pasa sa maputing binti ng isang bata, sa simpleng pagtingin dito ay nakakaramdam ng sakit.

Nagsalita muli si Tanya, “Ang sugat na ito ay gawa ng babaeng kasama mo, siguro ay asawa mo iyon, siya ang nananakit sa mga bata! Maaari ko siyang kasuhan.”

Natahimik na si Sean.

Muling nagsabi si Tanya, “May mga surveillance cameras sa istasyon ng tren. Kung hindi ka naniniwala, maaari mong tingnan ang footage.”

Walang duda sa isip ni Sean; ang ugali ni Jazel ay malinaw sa utak nito.

Ngunit ano ang kinalaman ng maling gawa ni Jazel dito? Bakit nadamay ito sa ginawa ng babae?

"Hindi ako ang nanakit sa bata pero iyong anak mo ang ang nanira sa sasakyan ko."

Nanlaki ang mga mata ni Tanya, hindi makapagsalita. Lahat ng hinanakit ay may pinagmumulan. Kahit sa relasyon nilang dalawa, hindi siya resposibilidad nito.

"At ang sugat sa aking kamay ay ikaw rin ang may dulot," dagdag pa ni Sean.

Si Tanya ay tumingin sa kagat sa palapulsuhan ni Sean, napayuko ng ulo, at ang kanyang lakas ng loob ay lubhang humina. Hindi niya alam kung paano sumagot, nagbago na si Sean ng paksa.

“Kung ayaw mong makulong at mawala ang iyong anak, tama dapat ang isasagot mo sa akin.”

"Ano ang ipapaliwanag ko?"

“Ano talaga ang layunin mo sa paglapit sa akin? Sino ang nag-utos sa iyo?”

Si Tanya ay napabulong na may panlulumo, “Sinabi ko nga, hindi ko balak na lapitan ka at wala ring sinumang nag-utos sa akin!”

Hindi naniwala si Sean sa kanyang mga salita, “Kung hindi mo sasabihin ang totoo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.”

"Sinasabi ko ang totoo!"

Dumilim ang ekspresyon ni Sean.

"Zoren! Ibigay siya sa pulis, at huwag siyang palayain nang walang pahintulot ko."

Agad na binuksan ang pinto ng sasakyan, tumayo si Zoren sa tabi ng sasakyan.

“Miss Castillo, lumabas po kayo mula sa sasakyan.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status