Lumingon ang dalawang lalaki dahil sa ingay na narinig at bago pa nila makita nang malinaw ang mukha ng taong tumawag ng atensyon nila, sila ay naatake mula sa likuran at tinamaan ng sunod-sunod na mga palo. Ang dalawa ay agad na nawalan ng malay sa lugar din na iyon. Si Sage ay kumalma lamang nang makita niyang sumakay si Tanya sa taxi at umalis. Kung hindi dahil sa payo ng kanyang Kuya Sawyer na lihim na protektahan ang kanilang Mommy at huwag magpakita maliban kung talagang kinakailangan, sigurado siyang tumakbo siya kanina para ipagtanggol ang Mommy! Ang kapal ng mga taong iyon na saktan ang kanyang mahal na Mommy, hindi na ba nila gustong mabuhay? Matapos umalis si Tanya, tumalikod si Sage upang hanapin si Jazel. Si Jazel ay natapilok at namamaga ang paa kaya hindi ito makatayo. Mabilis na lumapit si Sage sa direksyon ni Jazel at nagsimulang humiyaw mula sa isang distansya habang mabilis na tumatakbo papasalubong sa babae. "Ale, tumabi ka, tumabi ka, nasa daan ka! Matatama
Sa parehong oras, ang Forbes Mansion kung saan kasalukuyang nakatira si Sean kasama ang anak na si Saint. Ang malaking villa ay malamig ang pakiramdam at walang sigla. Si Sean umakyat sa itaas dala ang noodles na siyang mismo ang may gawa. Nakita niya si Saint na nakaupo pa rin sa tabi ng bintana, nakatingin sa pinto kung saan siya pumasok. Ang maliit na pigura ng bata ay nakatitig sa pinto, parang may hinihintay. Si Sean ay nakakaramdam ng kirot sa kanyang puso habang minamasdan ang bata kaya lumapit siya sa anak, "Saint, kumain ka muna ng noodles mo." Hindi kumilos si Saint, nakatitig pa rin ng may pananabik sa pinto. Inilapag ni Sean ang noodles sa isang maliit na mesa sa kanyang harapan, "Kung hindi ka kakain, malulungkot si Mommy kapag nalaman niyang nagpapagutom ka." Isang kislap ang lumitaw sa mga mata ni Saint habang tinitingnan si Sean at nagtanong ito, may sigla sa boses, "Sa tingin mo, malalaman ni Mommy na hindi ako kumakain?" "Oo, may malalim na koneksyon ang
Nang marinig ito ni Jazel, agad na humupa ang kanyang puso na nag-aalala. Mukhang tama siya; hindi gusto ni Sean ang babaeng iyon. Ang babaeng iyon ang nagtangkang akitin lang si Sean. Ang totoo, malandi lang talaga ang babaeng iyon at hindi makuntento sa buhay nito kaya nais pang akitin si Sean! Nagsimula si Jazel na umarte, “Tiyak na hindi niya naintindihan ang relasyon natin. Nagdala siya ng mga tao para bugbugin ako at halos sirain ang aking mukha, Sean…”Binaliktad ni Jazel ang katotohanan. Nais niyang iwanan ang masamang impresyon sa puso ni Sean tungkol kay Tanya. At gusto ring iparamdam kay Sean ang awa sa kanya. Mas mabuti kung iuutos ni Sean na baliin ang mga binti ng babaeng iyon para sa kanya!Gumawa siya ng napakaraming bagay para kay Sean tapos ay hindi pa rin siya nakahalík man lang dito kaya anong karapatan ng babaeng iyon?"Saan ang iyong bodyguard? Sinaktan ka niya, at walang ginawa ang iyong bodyguard?" tanong ni Sean."Nasaktan ang aking bodyguard ng mga tao n
Si Sean ay nagsalubong na naman ang mga kilay, natahimik ng isang sandali at saka nagsalita, "I-withdraw ang limampung milyong naipuhunan sa pamilya ng mga Manalo. Sabihin mo rin sa ama ni Jazel na si James Manalo, ang ayoko sa lahat ay binibilog ang ulo ko." Nagsinungaling si Jazel sa kanya ng paulit-ulit, ginagawa ba nilang tanga si Sean na kaya nilang paikutin sa kanilang mga palad? Alam ni Zoren na galit si Sean at tumango ito, "Naiintindihan ko, Boss. Copy." Nang bumalik sa silid ng ospital ni Saint, ang galit sa mga mata ni Sean ay agad na nawala. Tanging pag-aalala para sa anak at kawalang magawa ang natira sa mga mata niya. Wala pa ring malay si Saint at maingat na hinagod ni Sean ang kanyang maliit na mukha. "Mommy..." bulong ni Saint sa kanyang pagtulog. Mas lalong sumakit ang puso ni Sean. Ang babae ba na iyon ay walang puso? Kailan siya babalik? Miss na miss na ito ng anak nila; kung babalik siya, tiyak na magiging mas mabuti si Saint. Ito ang iyong laman at d
Kinabukasan, maagang nagising si Tanya. Hindi pa rin niya alam na may naghahanap na pala sa kanya. Pagdilat niya ng mga mata, tumawag siya sa Green Meadows subdivision kung saan nakatira siya dati at nagtatanong kung nakabalik na si Sean Buenavista sa bahay na iyon. Nang makatanggap ng negatibong sagot, nakaramdam si Tanya ng pananakit ng ulo.Kailan ba mapapawalang bisa ang kasal na ito?! Walang pag-asa, hindi niya na talaga makita ang anumang pag-asa!“Haay…”Napabuntong hininga si Tanya, nakaramdam ng pagkabahala. Maaga pa, kaya nanatili siya sa kama, nag-scroll sa kanyang cellphone, umaasang makakita ng anumang bakas ni Sean, pero sa halip, nakita niya ang abiso ng nawawalang tao ng pamilya Lopez.Hindi mahanap ng pamilya Lopez si Tanya at walang pag-asa na nag-post ng missing person notice online. Ang mga pangunahing media at istasyon ng telebisyon ay nag-broadcast ng impormasyon, nag-aalala na hindi niya ito makikita.Sa kabutihang palad, hindi kasama sa impormasyon ang kany
Si Jazel naman ay sinisi ang lahat ng pagkakamaling nangyari kay Tanya at nagsimulang pagmumurahin ang babae. "Napakalandi nang babaeng iyan! Nagawa nya pang maglamyerda at naglakad-lakad pa siya sa labas. Hindi ba niya natatakot na baka maghanap ako ng tao para patayin siya?!"Sabi ni Sandro sa pamangkin "Jazel, narinig ko na nasa ospital din na eto si Sean. Sa tingin mo ba ay pumunta siya rito sa ospital para hanapin si Sean?" Nang marinig ito ay nanlaki ang mga mata ni Jazel. "Walang hiya talaga yang malandi nayan! paano niya pa naiisip na akitin si Sean!? Sinabi na nga ni Sean na hindi niya gusto ang malandi na yan ngunit patuloy pa rin siyang nagpupumilit sa kanya. Sobrang kapal ng mukha!" "Tito, Ilayo mo na siya rito at turuan ng leksyon! Una, sirain mo ang pagmukha niya tapos ipa-rape mo siya sa iba at kapag tapos na kayong maglaro sa kanya, ibenta mo siya sa mga Bar o kaya sa mga kakilala mong mahihilig sa babae para hindi ko na siya makita kailanman sa buhay ko!" Na
Si Zoren naman ay nagmamadaling lumabas ng sasakyan para iligtas sana si Tanya pero nang makita niyang wala nang malay si Sandro ay kumalma na siya. Nang tumingin siya sa windshield at kay Sandro na sobrang gulo ng buhok at nakababang pantalon, hindi na niya napigilang sabihin kay Sean "Talagang walang hiya ang Sandro na'to; ayoko ngang aminin na kilala ko siya, So embarrassing!" Itinaas ni Sean ang kanyang mga paningin para tumingin sa labas at malamig na sinabi. "Dahil gusto niyang hindi magdamit, Let him run without any clothes, three lapses. Sa buong Maynila ang gusto ko" Nanginginig ang labi ni Zoren; tatakbo ng hubad sa ganitong lamig? Ang tapang naman. Pero he deserves that, he's an asshole. Ang tunay na lalaki ay hindi dapat mambabastos ng babae at lalong ang paggamit ng puwersa ay hindi dapat ipagmalaki! Lumabas ng sasakyan si Zoren para tulungan si Tanya. Nang buksan ni Tanya ang pinto ng sasakyan saka tumalon palabas matapos ay sabik na sabik na tumakbo n
Napaisip naman si Zoren, tila ba ay naagaw na ng mga malambot na halik ni Tanya ang matigas na puso nang amo nya?Sa katunayan ay gusto talaga ni Zoren na tumigil na ang kanyang Amo sa paghahanap ng tunay na ina ni Saint. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila at halos six years na silang naghahanap sa babae ngunit wala talaga silang matagpuang ina ni Saint at napakaliit na rin ang possibilities na makita pa nila eto.At kahit naman talagang makita nila ang ina ni Saint, paano nalang kung nag-asawa na pala eto nang iba? what if she even had a child sa ibang lalaki?Sa pagkakilala niya sa Amo niyang si Sean, hindi niya kailanman kayang pilitin ang babae na iyon na makipagdivorce sa naging asawa nito para lang pakasalan sya.Maraming taon nang kasama ni Zoren si Sean, Nasa punto na sila ng katotohanang maaari na nga niyang matawag itong ‘Brother’ sa halip na ‘Boss’ para lang maipakita kung gaano kalapit ang kanilang relasyon sa kanyang Amo.Mayroon silang pagkakaibigan na halos nasa p