Kinabukasan, maagang nagising si Tanya. Hindi pa rin niya alam na may naghahanap na pala sa kanya. Pagdilat niya ng mga mata, tumawag siya sa Green Meadows subdivision kung saan nakatira siya dati at nagtatanong kung nakabalik na si Sean Buenavista sa bahay na iyon. Nang makatanggap ng negatibong sagot, nakaramdam si Tanya ng pananakit ng ulo.Kailan ba mapapawalang bisa ang kasal na ito?! Walang pag-asa, hindi niya na talaga makita ang anumang pag-asa!“Haay…”Napabuntong hininga si Tanya, nakaramdam ng pagkabahala. Maaga pa, kaya nanatili siya sa kama, nag-scroll sa kanyang cellphone, umaasang makakita ng anumang bakas ni Sean, pero sa halip, nakita niya ang abiso ng nawawalang tao ng pamilya Lopez.Hindi mahanap ng pamilya Lopez si Tanya at walang pag-asa na nag-post ng missing person notice online. Ang mga pangunahing media at istasyon ng telebisyon ay nag-broadcast ng impormasyon, nag-aalala na hindi niya ito makikita.Sa kabutihang palad, hindi kasama sa impormasyon ang kany
Si Jazel naman ay sinisi ang lahat ng pagkakamaling nangyari kay Tanya at nagsimulang pagmumurahin ang babae. "Napakalandi nang babaeng iyan! Nagawa nya pang maglamyerda at naglakad-lakad pa siya sa labas. Hindi ba niya natatakot na baka maghanap ako ng tao para patayin siya?!"Sabi ni Sandro sa pamangkin "Jazel, narinig ko na nasa ospital din na eto si Sean. Sa tingin mo ba ay pumunta siya rito sa ospital para hanapin si Sean?" Nang marinig ito ay nanlaki ang mga mata ni Jazel. "Walang hiya talaga yang malandi nayan! paano niya pa naiisip na akitin si Sean!? Sinabi na nga ni Sean na hindi niya gusto ang malandi na yan ngunit patuloy pa rin siyang nagpupumilit sa kanya. Sobrang kapal ng mukha!" "Tito, Ilayo mo na siya rito at turuan ng leksyon! Una, sirain mo ang pagmukha niya tapos ipa-rape mo siya sa iba at kapag tapos na kayong maglaro sa kanya, ibenta mo siya sa mga Bar o kaya sa mga kakilala mong mahihilig sa babae para hindi ko na siya makita kailanman sa buhay ko!" Na
Si Zoren naman ay nagmamadaling lumabas ng sasakyan para iligtas sana si Tanya pero nang makita niyang wala nang malay si Sandro ay kumalma na siya. Nang tumingin siya sa windshield at kay Sandro na sobrang gulo ng buhok at nakababang pantalon, hindi na niya napigilang sabihin kay Sean "Talagang walang hiya ang Sandro na'to; ayoko ngang aminin na kilala ko siya, So embarrassing!" Itinaas ni Sean ang kanyang mga paningin para tumingin sa labas at malamig na sinabi. "Dahil gusto niyang hindi magdamit, Let him run without any clothes, three lapses. Sa buong Maynila ang gusto ko" Nanginginig ang labi ni Zoren; tatakbo ng hubad sa ganitong lamig? Ang tapang naman. Pero he deserves that, he's an asshole. Ang tunay na lalaki ay hindi dapat mambabastos ng babae at lalong ang paggamit ng puwersa ay hindi dapat ipagmalaki! Lumabas ng sasakyan si Zoren para tulungan si Tanya. Nang buksan ni Tanya ang pinto ng sasakyan saka tumalon palabas matapos ay sabik na sabik na tumakbo n
Napaisip naman si Zoren, tila ba ay naagaw na ng mga malambot na halik ni Tanya ang matigas na puso nang amo nya?Sa katunayan ay gusto talaga ni Zoren na tumigil na ang kanyang Amo sa paghahanap ng tunay na ina ni Saint. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila at halos six years na silang naghahanap sa babae ngunit wala talaga silang matagpuang ina ni Saint at napakaliit na rin ang possibilities na makita pa nila eto.At kahit naman talagang makita nila ang ina ni Saint, paano nalang kung nag-asawa na pala eto nang iba? what if she even had a child sa ibang lalaki?Sa pagkakilala niya sa Amo niyang si Sean, hindi niya kailanman kayang pilitin ang babae na iyon na makipagdivorce sa naging asawa nito para lang pakasalan sya.Maraming taon nang kasama ni Zoren si Sean, Nasa punto na sila ng katotohanang maaari na nga niyang matawag itong ‘Brother’ sa halip na ‘Boss’ para lang maipakita kung gaano kalapit ang kanilang relasyon sa kanyang Amo.Mayroon silang pagkakaibigan na halos nasa p
Natigilan si Tanya sa nangyari: "?!" Madilim ang naging ekspresyon ni Sean at hindi niya binigyan ng pagkakataong magkapagreact ang babae, agad niya itong hinila siya papasok sa isang bakanteng kwarto sa tabi lamang ng ward nang batang si Francis. He pinned her against the doors, matapos non ay dumapo ang dalawang kamay ni Sean sa dingding dahilan upang mapagitnaan ni Sean at nang pinto si Tanya. Tumingin siya pababa matapos non ay tinitigan siya ng maigi. Nakadikit ng mahigpit ang likod ni Tanya sa pinto kaya kahit sinusubukan niyang umatras ay wala siyang mahanap na paraan para gawin iyon. Kaya naman ay naitaas na lang niya ang likod niya at nag-aalangang tumingin kay Sean. "Ano... ano ba ang gusto mo?!" Ngayon na ba siya sasabog sa galit sa kanya? Darating na ba ang bagyong kinakatakutan niya? Hinihingi na ba niya sa kanya ang pera? "..." Tahimik si Sean at nakatingin lang ng diretso sa kanya na may mga kumplikadong ekspresyon. Hindi niya alam kung ang babaeng
“Saint, kumalma ka please, Calm down…” Nanatili lang na tahimik si Saint habang nakatayo sa tabi ng bintana at nakatitig lang sa kanyang daddy. Nagmamadaling nagsilapitan ang mga Pediatric Doctors na nakadurty sa ospital sa loob nang silid ni Saint kung saan may nagkakagulo, nagkukumpulan sila roon sa pintuan at hindi nangahas na madaling lumapit. Tahimik na tinanong ni Luhan ang batang babaeng nars. “Ano ba talaga ang nangyari rito?” Umiyak ang nars at sinabinh “Hindi ko rin po alam. Nagbabantay lang ako sa tabi ng kama niya kanina tapos nang makita kong nagising siya ay nagmadali akong tanungin kung nauuhaw ba siya, pero hindi siya sumagot at tumitig lang siya sa akin at nang mga sandali iyon ay bigla nalang siyang nagwala…” Malamig na nagsalita si Saint. “Sabi ko na kasi ang mommy ko lang ang gusto kong makasama!" “Saint, Let Daddy explain everything to you, okay? Siya lang kasi ang nurse na nakita namin ni Tito Luhan mo para pansamantalang tingnan ka habang wala a
Namumula at nanlalaki ang mga mata ni Sean na medyo nakakatakot kaya naman ay medyo nanginig sa takot si Tanya habang nagpapaliwanag. "Binigyan ko lang siya nang acupuncture para mas mapadali siyang makatulog nang mahimbing. Sobrang sakit niya nang nararamdaman niya ngayon dahil gusto nang matulog ng katawan niya ngunit lumalaban padin ang isip niya. Parang nakikipaglaban siya sa sarili niya at ang matinding pakikibaka na ito ay nakakasama sa kanya, maaari pa itong magdulot ng mas panganib at malubhang problema." Matagal na tinitigan ni Sean si Tanya na tila ba sinusuri at nang makita niyang hindi eto nagsisinungaling ay sa wakas, binitiwan niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ni Tanya. Huminga nang malalim si Tanya at dali-daling hinanda ang mga karayom na gagamitin. Di nagtagal matapos magsagawa nang acupuncture ni Tanya ay bumalik na sa normal ang tibok ng puso ni Saint. Huminga ng maluwag si Luhan “Thanks god, he's heart rate is back to normal right now." Inilagay ni Tanya
Nalungkot naman si Tanya sa narinig "Hindi din ba siya nag-aaral?""No… not yet, hindi namin siya maenroll ng normal na eskwelahan dahil sa kondisyon nya.""Pero.... nasubukan niyo na bang ipasok siya sa isang Mental Care Facility?"Umiling si Luhan "We didn't have a change to do that.""Eh, Hypnotism?-?""Sinubukan na namin pero hindi nagtagumpay."Tanya: "……"Sabi ni Luhan "Si Saint, he's so different to other child, masyado siyang matalino. Hindi mo siya matatrato na parang normal na bata lamang. Matalino siya, sensitibo, at napaka-alerto."Tiningnan ulit ni Tanya ang ward at nag-isip sandali saka sinabing..."Alam ko kung bakit niyo ako tinawag dito pero kasi hindi ako doktor. Natuto lang ako ng kaunting traditional medicine mula sa aking pamilya sa bundok at sa tuwing may libreng oras naman ako ay nagbasa ako ng ilang libro tungkol sa child psychology. Kaya naman, huwag sana kayong umasa ng masyado sa kakayahan ko. Nagkataon lang talaga na nagawa kong pakalmahin si Franci
Natapos nang magsalita si Sage at umalis. Sa sandaling lumabas siya mula sa banyo, agad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Humuhuni ng kaunting melodiya, bumalik siya sa private room kung nasaan ang kanyang mommy at mga kapatid. Napakaganda ng kanyang mood.Nang makita nina Tanya at Candy si Sage na bumalik, lubos silang nagulat,“Sage, kailan ka galing?”"Kakalabas ko lang. Gusto kong hanapin si Mommy, pero sinabi ng taong nakasalubong ko sa labas na bumalik na si Mommy, kaya hindi ako nagpunta ng malayo."Noon, hindi gaanong nababahala si Tanya sa pag-alis ni Sage, ngunit ang isipin na narito ang 'isang tao' na iyon ay nagpapabilis ng kanyang puso na halos tumalon na ito. Kung makikita si Sage ng lalaking iyon, hindi ba niya malalaman ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak?Tumitig si Tanya kay Sage, "Hindi ka pamilyar sa lugar na ito; paano ka nakatakbo nang mag-isa? Ikaw..."Bago siya makapagsalita nang buo, lumapit si Sage sa kanya at 'nagpatak' ng hàlik sa kanyang pi
Dalawang tao ang nagtinginan sa isa't isa, isa ay malaki at isa ay maliit. Ang noo ni Sean ay kunot na kunot habang nakatingin sa batang kaharap; kung hindi dahil sa kanyang mga mata na parang nagniningning, maaring naisipan ni Sean na siya ay si Saint.Ang kanyang mga kilay at mata ay eksaktong kahawig ng kay Saint. Kapag si Saint ay nakasuot ng maskara, siya ay ganito rin ang itsura.Ngunit madalas na nakakunot ang noo at hindi nagkakaroon ng ganitong ekspresyon si Saint kapag nahaharap ito sa mga nakakagulat na sitwayon. “Wow wow wow, tao na gawa sa cake! Mukhang napaka-masarap!” Sabi ni Sage habang tumatakbo papunta kay Sean. Hindi alintana nito kung saan sila. Kumuha ito ng isang dakot ng cake at pinasok ito sa kanyang bibig. Talagang masarap ang cake na ito; talagang nagugutom si Sage! Hinawakan ni Sean ang kamay ni Sage na kukuha uli ng cake, “Hindi ka puwedeng kumain ng cake na ito.”Gusto ni Sage na pilitin itong ipasok ang cake sa kanyang bibig, pero ang kanyang laka
Kanina, noong mapansin na matagal na si Tanya na nanawala at hindi pa bumabalik, palihim na umalis si Sage para hanapin ang ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ni Sage sina Sean at Tanya na nag-uusap sa dulo ng pasilyo. Nagtago siya sa malayo, hindi marinig kung ano ang sinasabi nila, pero nakita niyang hindi maganda ang ekspresyon ng Mommy niya.Kaya nahulaan niya na ang Sean na ito ay maaaring inaaway ang kanyang mahal na mommy. Kung inaapi mo ang mommy ko, huwag kang umasa na magiging masaya ka.Kaya ang maliit na bata ay nagpunta upang hanapin si Sean upang ilabas ang kanyang galit. Umupo siya sa tabi ng pinto at sandaling nag-isip, nakikinig sa masiglang usapan sa loob, kung saan may isang tao na paulit-ulit na nagsasabing "birthday boy".Suminghal ang maliit na bata; may nagdiriwang ng kaarawan, huh? Nakita ni Sage ang isang waiter na nagtutulak ng cart ng cake mula sa malayo, at ang madilim na mata ni Sean ay may kung ano na nagliwanag, nagmamadali siyang lumapit
Si Quinn ay isa sa malapit na kaibigan ni Sean, at si Lyndon ay kaibigan ng kaibigan ni Quinn na sumama sa party na iyon. Alam ni Lyndon na hindi sila sa parehong antas, dahil nakita niyang si Sean ay talagang hindi umiinom; medyo nahihiya lang siya, pero hindi nawalan ng composure at patuloy na ngumiti at nagsalitang muli, “Ako si Lyndon Javier-Fernandez, ang kasalukuyang manager ng Fernandez Group. Matagal ko nang gustong makilala ka CEO Buenavista, at ngayon na nakita na kita, matapang kong susubukan na gumawa ng impresyon sa iyong harapan. Narito ang aking business card.” Pinagsikapan ni Lyndon na ilabas ang kanyang business card at inabot ito kay Sean. Sinilip ito ni Sean pero hindi umabot. Ang mukha ni Lyndon ay naging mapula sa kahihiyan, hindi alam kung paano makawala sa sitwasyong iyon nang biglang itinaas ni Sean ang kanyang kamay at tinanggap ang card. Nanigas ang ngiti ni Lyndon sa mukha at sa loob ng isang sandali ay sobrang sinalakay ng tuwa, lihim na nasiyahan. T
Nagtanong si Howard, "Wala bang nag-imbestiga sa kanyang background?"“Nag-utos na ako ng gagawa at napaimbestigahan na siya ngunit walang nahanap na importanteng impormasyon tungkol sa babaeng iyon.""Pero mas may sense na ganoon nga, hindi ba? Kung talagang ipinadala si Miss Castillo na sinasabi mo ng pamilya mo para lumapit sa iyo, tiyak na binago nila ang kanyang identity at gumawa pa ng fake background niya. Gayunpaman, si Saint ang sole heir ng pamilya Buenavista. Dahil mahalaga sa lolo mo ang blood relationships, kahit na hindi niya gusto si Saint, hindi niya ito sasaktan. After all, kung may mangyari kay Saint, magkakagulo ang pamilya Buenavista at wala siyang sapat na oras at lakas para isipin ka pa kung ganoon ang mangyayari. Kaya kahit na lumapit ang Miss Castillo na iyon kay Saint, sa tingin ko ay hindi niya sasaktan si Saint."Pinagpag ni Sean ang abo mula sa kanyang sigarilyo; ang mga salita ni Howard ay may katwiran kung iisipin. Nagpatuloy si Howard sa paliwanag ni
Titig na titig si Sean sa direksyon kung saan umalis si Tanya at hindi inaalis ang kaniyang mga tingin hanggang sa dumating si Howard. Tumabi si Howard kay Sean matapos ay nagsindi ng sigarilyo at nagtanong nang nakangisi, "What is this special situation you have with that pretty girl?" "…Nothing." "If nothing then bakit hindi ka tumulong para iligtas siya?" Hindi pangkaraniwan ang kilos niya ngayon. Kahit hindi siya mabuting tao ay tiyak na may prinsipyo siya. Dagdag pa, humihingi ng tulong ang babaeng 'yon sa teritoryo niya kaya ibig sabihin may gumagawa ng gulo doon. Pero wala siyang ginawa at diretso pa niyang pinaalis eto? Kung ibang babae 'yon ay wala siyang pakialam, pero tiyak na ipapasuri niya kay Zoren ang sitwasyon. May mali rito! Kaya sigurado si Howard na may koneksyon si Seab at ang babaeng 'yon. At tingnan mo, umalis lang ang babaeng 'yon ay may madilim na ekspresyon na agad si Sean habang naninigarilyo. Malinaw na naiinis siya. Naimpluwensyahan n
Napahinto si Tanya sa kanyang paglalakad. Sa kanya ba nakikipag-usap ang lalaki?Tumingin siya pabalik kay Sean na ngayon ay nakatitig pa rin sa harap, ang kanyang postura ay hindi nagbabago, hindi siya tumitingin sa kanya.Nagha-hallucinate ba siya?Habang handa na siyang maglakad ay narinig niya siyang nagsabi ulit.“Napakaliit lamang ng pasensya ko. Kung gusto mong maglaro ng trick sa akin gamit ang larong gaya neto na puro push and pull lang ay itigil mo na ang pagsisikap mo. Bakit hindi ka na lang maging matapat at humanap ng paraan para mapalapit sa akin? What do you really want from me??”Sa puntong ito, nakumpirma ni Tanya na hindi siya hallucination lamang.Tumingin siya sa paligid, sila lang dalawa ang nasa pasilyo at siya na nga ang kausap niya.Naramdaman ni Tanya ang pag-usbong ng pagsuway sa sinabi nang lalaki. Humarap siya at naglakad patungo kay Sean saka huminto isang metro ang layo sa kanya.Tumingala siya at sinabi sa kanya:“Napakaliit din ng pasensya ko.
Bago pa man mapansin ni Tanya ang anumang kakaiba emosyon ay bumalik na agad sa normal ang ekspresyon ni Lyndon at sinabi niyang “Matagal na siyang wala ngayon dahil ang papel na ginagampanan niya ay nangangailangan ng masikretong pag-fifilm at pumirma rin siya ng kasunduan sa pagiging confidentiality contract sa crew. Hindi ko nga alam kung kailan siya babalik, hindi ko rin siya makontak.”Matapos niyang sabihin iyon ay binago niya ang usapan. “Ano ba ang nangyayari sa inyo ni Sandro?”Kumunot ang noo ni Tanya.“Nagtatrabaho ako sa isang bar nung mga oras na iyon na tagabenta ng inumin at nakataong nakatuon ang atensyon niya sa akin. Nang magkita kami nang ilang beses ay gusto niya…”Agad namang naunawaan ni Lyndon at kumunot ang noo niya.“Kilala si Sandro rito sa Maynila bilang isang manyakis at halos pinaglalaruan ang mga babae niya nang buong araw. Kung hindi dahil sa impluwensiya ng kanyang kapatid, si James Manalo ay malamang sa malamang ay binugbog na siya hanggang sa mam
Si Sandro naman ay palakad-lakad na sa pasilyo ng halos kalahating araw, tumatawag sa telepono para ipa-check sa kanyang bodyguard ang surveillance upang malaman kung saan nagtatago si Tanya. Nang bigla niyang nakita si Tanya kaya naman ay ngumisi siya. “No need to check those useless surveillance camera, nakita ko na siya!” Kinagat ni Tanya ang kanyang labi at tumakbo palayo, patungo sa sulok. Nag-aalala kasi siya na baka matakot sina Candy at ang tatlong bata kung makikita nila ang ganitong eksena, kaya gusto niyang akitin siya sa isang sulok na parte nang resto para bigyan siya ng ilang karayom at maalis na ang panganib sa mga tao! Nang makarating siya sa sulok ay hinarangan siya ng bodyguard ni Sandro. Tumakbo naman si Sandro at hingal na hingal matapos ay biglang hinablot ang buhok ni Tanya saka nagmumura. “Ikaw na babae, nagtatangka ka pa ring tumakas!” Napangiwi si Tanya sa sakit at sinipa. Dumaplis eto kay Sandro kaya naman ay tinapakan niya lamang dulo ng sap