Namumula at nanlalaki ang mga mata ni Sean na medyo nakakatakot kaya naman ay medyo nanginig sa takot si Tanya habang nagpapaliwanag. "Binigyan ko lang siya nang acupuncture para mas mapadali siyang makatulog nang mahimbing. Sobrang sakit niya nang nararamdaman niya ngayon dahil gusto nang matulog ng katawan niya ngunit lumalaban padin ang isip niya. Parang nakikipaglaban siya sa sarili niya at ang matinding pakikibaka na ito ay nakakasama sa kanya, maaari pa itong magdulot ng mas panganib at malubhang problema." Matagal na tinitigan ni Sean si Tanya na tila ba sinusuri at nang makita niyang hindi eto nagsisinungaling ay sa wakas, binitiwan niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ni Tanya. Huminga nang malalim si Tanya at dali-daling hinanda ang mga karayom na gagamitin. Di nagtagal matapos magsagawa nang acupuncture ni Tanya ay bumalik na sa normal ang tibok ng puso ni Saint. Huminga ng maluwag si Luhan “Thanks god, he's heart rate is back to normal right now." Inilagay ni Tanya
Nalungkot naman si Tanya sa narinig "Hindi din ba siya nag-aaral?""No… not yet, hindi namin siya maenroll ng normal na eskwelahan dahil sa kondisyon nya.""Pero.... nasubukan niyo na bang ipasok siya sa isang Mental Care Facility?"Umiling si Luhan "We didn't have a change to do that.""Eh, Hypnotism?-?""Sinubukan na namin pero hindi nagtagumpay."Tanya: "……"Sabi ni Luhan "Si Saint, he's so different to other child, masyado siyang matalino. Hindi mo siya matatrato na parang normal na bata lamang. Matalino siya, sensitibo, at napaka-alerto."Tiningnan ulit ni Tanya ang ward at nag-isip sandali saka sinabing..."Alam ko kung bakit niyo ako tinawag dito pero kasi hindi ako doktor. Natuto lang ako ng kaunting traditional medicine mula sa aking pamilya sa bundok at sa tuwing may libreng oras naman ako ay nagbasa ako ng ilang libro tungkol sa child psychology. Kaya naman, huwag sana kayong umasa ng masyado sa kakayahan ko. Nagkataon lang talaga na nagawa kong pakalmahin si Franci
Si Sean ay prenteng nakaupo sa tabi ng kama ng anak niyang si Saint sa ospital, mahigpit niyang hawak ang maliit na kamay ni Saint. Lumapit si Luhan para aliwin siya. "Huwag ka ng masyadong mag-alala kuya Sean sa ngayon, wala naman ng malubhang problema si Saint" Gumalaw ang lalamunan ni Sean at napalinga-linga, hindi nakikita si Tanya kaya naman ay nagtanong siya kay Luhan "Where is she?" "Nagmamadali siyang umalis dahil may importante daw siyang gagawin." Tumaas ang mga kilay ni Sean "Did she go somewhere!?!" "Oo, sabi niya may kailangan siyang asikasuhin." Kumunot ang noo ni Sean "……" Sabi ni Luhan "She has freedom, kuya Sean. Hindi natin siya maitatali o makukulong sa isang lugar. Bukod pa rito, we need her help na ilagaan at bantayan si Saint. Kung ikukulong natin siya para na rin nating pinuputol ang ugnayan natin sa kanya. Kung talagang puputulin natin ang ugnayan, makakapagtiwala ka ba sa kanya na aalagaan niya nang maayos si Saint?" Kung ang mga nakaraang araw
Parang ganun pa rin kaganda ang mansyon na eto, kung ano ang mansyon na eto noong bago pa siya umalis ay ganon pa rin eto ngayon, halos walang pinagbago.Pero bukod sa mga taong nagbago na.Ang hirap isipin na minsa'y nanirahan siya rito ng halos tatlong taon, siya ang nagiging taga-tanggap ng mga bisita sa lugar na ito, siya ang nagmamanage ng mansyon na ito.Ngayon ay wala na siyang halaga rito, isa namang siyang mahalagang bisita.Minsan nga'y sumagi sa isipan niyang manirahan dito habang buhay niya at na-imagine pa niya ang isa sa mga eksena ng kanyang pagtanda, na ang mansyong ito ay napapaligiran ng mga anak nila ni Sean Buenavista…Pero iba ang naging resulta… hay, ang buhay nga naman ay parang dula, pinaglalaruan ang nang tadhana.Naramdaman ni Tanya na para bang may pagbara sa kanyang puso kaya agad siyang nagbawi nang kanyang tingin.Kinuha niya ang kanyang tasa ng tsaa matapos ay uminom ng ilang lagok habang tahimik na naghintay na bumalik si Sean Buenavista para ma
Pumasok ang isang katulong. "Miss Castillo pinapasabi ni sir Buenavista na may aasikasuhin siya ngayon kaya sana at ipagpaliban ninyo muna ang usapan niya tungkol sa divorce. Sinabi niya ding tatawag nalang daw siya sayo bukas." Kumunot ang noo ni Tanya dahil rito "Si Sean Buenavista ba ang narito kanina?" "Opo, siya po." Dali-daling hinabol ni Tanya ang lalaki palabas at nakita pa niya ang sasakyan ni Sean. Sumigaw siya habang tumatakbo "Hoy! itigil mo ang sasakyan! Sean Buenavista! tumigil ka..." Pero ang itim na mamahaling sasakyan ay parang isang mabilis na dragon at agad siyang iniwan. Nang makarating siya sa gate ng villa ay hindi na niya makita ang mga ilaw ng sasakyan. Sobrang galit na galit si Tanya at halos hindi na siya makahinga sa galit at pagod. Ano ba ang problema? Pirma lang naman ang kailangan niya sa lalaki? wala namang pagtatalo sa ari-arian ang dalawa kaya bakit ba sobrang hirap kunin nang iisang pirma niya? Kahit na may importante siyang aasikas
“At dahil hindi nagsasalita si Mommy, pinapatunayan nito na ayaw niyang malaman natin. Mas maganda kung kakalma muna tayo dahil marami pang pagkakataon para sa paghihiganti sa future, hindi ba?”Mahigpit na nakakuyom ang maliit na mga kamao ni Sage. “Pero hindi ko kayang pigilin! Ang bait-bait ni Mommy! Paano nila siya pinagtatangkaan ng ganyan! Dati, nag-iisa at walang magawa si Mommy, at palagi na lang siyang nabu-bully! Ngayon na tatlo na tayong nandito at kasama ni Mommy, hindi natin siya puwedeng pabayaan lang na pasanin ang hirap!”“Kailangan nating tiisin ito para kay Mommy! Kahit umalis tayo ng Metro Manila, puwede pa rin tayong makabawi sa mga kaaway natin sa susunod. Sa ngayon, si Sean Buenavista ang pokus! Babalik si Mommy para makipaghiwalay sa kanya, kaya kailangan nating tulungan si Mommy na makuha ang divorce na iyon!”Naisip ng maliit na si Samuel na tama si Kuya nitong si Sawyer. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at nagtanong ng mahinahon, “Ayaw ba niyang makipagh
Kinabukasan, nagising si Tanya ng maaga. Tiningnan niya sa kanyang cellphone kung may missed call ba o message ngunit wala naman siyang natanggap mula kay Sean. Hindi siya nagmamadali, sa katunayan, past six pa lang naman ng umagang iyon kaya alam niyang hindi pa huli. Ngunit para lang maging sigurado, tinawagan niya ang lumang mansyon sa Green Meadows muna. Ang sagot na nakuha niya ay may kailangan gawin si Sean sa umaga, at ang usaping diborsiyo ay naka-iskedyul para sa hapon. Basta't nakakatanggap siya ng tamang impormasyon, ayos lang; hapon na kung hapon ang appointment. Nag-ayos si Tanya at nag-iwan ng note para sa tatlong maliliit na bata bago umalis. Mayroon siyang libreng oras sa umaga at nais niyang samantalahin ang pagkakataong makipagkita sa kanyang dalawang matalik na kaibigan. Matapos ang insidente ilang taon na ang nakakalipas, nakatanggap sina Candy at Nancy ng maraming batikos dahil sa pagsuporta sa kanya. Nariyan pa na nakatanggap pa ng mga anonymous na bulak
Alam ni Sean kung ano ang iniisip ng matandang ito. Tiningnan niya ito ng hindi maliwanag na tingin, "Ang Lolo ay tumatanda na kaya hindi na kailangang mag-alala sa mga bagay-bagay sa negosyo. Ako na ang bahala."Napakunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Carl sa sagot ni Sean. Dahil dito ay nainis si Beatrice kaya nagsalita na naman para magreklamo, "Sean, kahit na ikaw ang namumuno sa kumpanya ngayon, huwag mong kalimutan na ang Buenavista Group ay itinatag ng iyong lolo, at may karapatan siyang makialam sa mga usaping pangkumpanya!"Itinaas ni Sean ang kanyang kilay, "Kung gayon, baka nakalimutan mo na rin na ang Buenavista Group na itinatag ng Lolo ay wala na. Ang kasalukuyang Buenavista Group ay itinayo ko."Anim na taon na ang nakalipas, hinarap ng Buenavista Group ang muntikan na nitong pagsasara kaya si Sean ay ibinalik nila rito sa Pilipinas mula sa abraod at itinalaga bilang CEO. Inutusan nila ito na iniligtas ang Buenavista Group mula sa pagkalugi at ganoon ang nangyar