Si Sean ay prenteng nakaupo sa tabi ng kama ng anak niyang si Saint sa ospital, mahigpit niyang hawak ang maliit na kamay ni Saint. Lumapit si Luhan para aliwin siya. "Huwag ka ng masyadong mag-alala kuya Sean sa ngayon, wala naman ng malubhang problema si Saint" Gumalaw ang lalamunan ni Sean at napalinga-linga, hindi nakikita si Tanya kaya naman ay nagtanong siya kay Luhan "Where is she?" "Nagmamadali siyang umalis dahil may importante daw siyang gagawin." Tumaas ang mga kilay ni Sean "Did she go somewhere!?!" "Oo, sabi niya may kailangan siyang asikasuhin." Kumunot ang noo ni Sean "……" Sabi ni Luhan "She has freedom, kuya Sean. Hindi natin siya maitatali o makukulong sa isang lugar. Bukod pa rito, we need her help na ilagaan at bantayan si Saint. Kung ikukulong natin siya para na rin nating pinuputol ang ugnayan natin sa kanya. Kung talagang puputulin natin ang ugnayan, makakapagtiwala ka ba sa kanya na aalagaan niya nang maayos si Saint?" Kung ang mga nakaraang araw
Parang ganun pa rin kaganda ang mansyon na eto, kung ano ang mansyon na eto noong bago pa siya umalis ay ganon pa rin eto ngayon, halos walang pinagbago.Pero bukod sa mga taong nagbago na.Ang hirap isipin na minsa'y nanirahan siya rito ng halos tatlong taon, siya ang nagiging taga-tanggap ng mga bisita sa lugar na ito, siya ang nagmamanage ng mansyon na ito.Ngayon ay wala na siyang halaga rito, isa namang siyang mahalagang bisita.Minsan nga'y sumagi sa isipan niyang manirahan dito habang buhay niya at na-imagine pa niya ang isa sa mga eksena ng kanyang pagtanda, na ang mansyong ito ay napapaligiran ng mga anak nila ni Sean Buenavista…Pero iba ang naging resulta… hay, ang buhay nga naman ay parang dula, pinaglalaruan ang nang tadhana.Naramdaman ni Tanya na para bang may pagbara sa kanyang puso kaya agad siyang nagbawi nang kanyang tingin.Kinuha niya ang kanyang tasa ng tsaa matapos ay uminom ng ilang lagok habang tahimik na naghintay na bumalik si Sean Buenavista para ma
Pumasok ang isang katulong. "Miss Castillo pinapasabi ni sir Buenavista na may aasikasuhin siya ngayon kaya sana at ipagpaliban ninyo muna ang usapan niya tungkol sa divorce. Sinabi niya ding tatawag nalang daw siya sayo bukas." Kumunot ang noo ni Tanya dahil rito "Si Sean Buenavista ba ang narito kanina?" "Opo, siya po." Dali-daling hinabol ni Tanya ang lalaki palabas at nakita pa niya ang sasakyan ni Sean. Sumigaw siya habang tumatakbo "Hoy! itigil mo ang sasakyan! Sean Buenavista! tumigil ka..." Pero ang itim na mamahaling sasakyan ay parang isang mabilis na dragon at agad siyang iniwan. Nang makarating siya sa gate ng villa ay hindi na niya makita ang mga ilaw ng sasakyan. Sobrang galit na galit si Tanya at halos hindi na siya makahinga sa galit at pagod. Ano ba ang problema? Pirma lang naman ang kailangan niya sa lalaki? wala namang pagtatalo sa ari-arian ang dalawa kaya bakit ba sobrang hirap kunin nang iisang pirma niya? Kahit na may importante siyang aasikas
“At dahil hindi nagsasalita si Mommy, pinapatunayan nito na ayaw niyang malaman natin. Mas maganda kung kakalma muna tayo dahil marami pang pagkakataon para sa paghihiganti sa future, hindi ba?”Mahigpit na nakakuyom ang maliit na mga kamao ni Sage. “Pero hindi ko kayang pigilin! Ang bait-bait ni Mommy! Paano nila siya pinagtatangkaan ng ganyan! Dati, nag-iisa at walang magawa si Mommy, at palagi na lang siyang nabu-bully! Ngayon na tatlo na tayong nandito at kasama ni Mommy, hindi natin siya puwedeng pabayaan lang na pasanin ang hirap!”“Kailangan nating tiisin ito para kay Mommy! Kahit umalis tayo ng Metro Manila, puwede pa rin tayong makabawi sa mga kaaway natin sa susunod. Sa ngayon, si Sean Buenavista ang pokus! Babalik si Mommy para makipaghiwalay sa kanya, kaya kailangan nating tulungan si Mommy na makuha ang divorce na iyon!”Naisip ng maliit na si Samuel na tama si Kuya nitong si Sawyer. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at nagtanong ng mahinahon, “Ayaw ba niyang makipagh
Kinabukasan, nagising si Tanya ng maaga. Tiningnan niya sa kanyang cellphone kung may missed call ba o message ngunit wala naman siyang natanggap mula kay Sean. Hindi siya nagmamadali, sa katunayan, past six pa lang naman ng umagang iyon kaya alam niyang hindi pa huli. Ngunit para lang maging sigurado, tinawagan niya ang lumang mansyon sa Green Meadows muna. Ang sagot na nakuha niya ay may kailangan gawin si Sean sa umaga, at ang usaping diborsiyo ay naka-iskedyul para sa hapon. Basta't nakakatanggap siya ng tamang impormasyon, ayos lang; hapon na kung hapon ang appointment. Nag-ayos si Tanya at nag-iwan ng note para sa tatlong maliliit na bata bago umalis. Mayroon siyang libreng oras sa umaga at nais niyang samantalahin ang pagkakataong makipagkita sa kanyang dalawang matalik na kaibigan. Matapos ang insidente ilang taon na ang nakakalipas, nakatanggap sina Candy at Nancy ng maraming batikos dahil sa pagsuporta sa kanya. Nariyan pa na nakatanggap pa ng mga anonymous na bulak
Alam ni Sean kung ano ang iniisip ng matandang ito. Tiningnan niya ito ng hindi maliwanag na tingin, "Ang Lolo ay tumatanda na kaya hindi na kailangang mag-alala sa mga bagay-bagay sa negosyo. Ako na ang bahala."Napakunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Carl sa sagot ni Sean. Dahil dito ay nainis si Beatrice kaya nagsalita na naman para magreklamo, "Sean, kahit na ikaw ang namumuno sa kumpanya ngayon, huwag mong kalimutan na ang Buenavista Group ay itinatag ng iyong lolo, at may karapatan siyang makialam sa mga usaping pangkumpanya!"Itinaas ni Sean ang kanyang kilay, "Kung gayon, baka nakalimutan mo na rin na ang Buenavista Group na itinatag ng Lolo ay wala na. Ang kasalukuyang Buenavista Group ay itinayo ko."Anim na taon na ang nakalipas, hinarap ng Buenavista Group ang muntikan na nitong pagsasara kaya si Sean ay ibinalik nila rito sa Pilipinas mula sa abraod at itinalaga bilang CEO. Inutusan nila ito na iniligtas ang Buenavista Group mula sa pagkalugi at ganoon ang nangyar
Bahagyang nanliit ang mga mata ni Lara na puno ng mga kalkulasyon. Pagkapasok niya sa sasakyan, tinanong niya ang driver, "Nalaman mo na ba ang lahat?" "Nalaman ko na po, Ma'am. Si Young Master Saint po ay talagang may sakit sa pagkakataong ito at halos tumalon siya mula sa mula sa building para magpakamatay." "Pagpapatiwakal si Saint?" "Opo, Ma'am. Ang sabi ng doktor na ang mga batang tulad ni Saint na may psychological problem o mental illness, kung hindi maayos na magagamot ay sa kalaunan, tinatapos nila ang lahat gamit ang agpapatiwakal." May kung anong kislap ang sumiklab sa mga mata ni Lara. Nagpatuloy ang driver, "Ma'am, maaaring hindi na humaba ang buhay ni Young Master Saint at alam naman natin na ang pamilyang Buenavista ay palaging nag-iisa na tagapagmana. Alam din natin na si Young Master Sean ay hindi na mag-aasawa muli o kung mag-asawa man siya, hindi siya agad makakabuo ng anak. Kapag pumanaw na si Young Master Saint, ang tagapagmana ng Buenavista Group ay ka
No blood relationship — Nang tingnan ni Sean ang identification report, ang kanyang ekspresyon ay naging kumplikado. Mahirap ilarawan ang kanyang nararamdaman. Medyo handa na siya sa kinalabasan na ito. Dahil kung si Tanya ang tunay na ina ni Saint, walang dahilan para hindi nito sabihin ang totoo. Kung iisipin, mula sa anumang anggulo, sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya, maaari ni Tanya na makuha ang anumang mga benefits, hindi ba? Gayunpaman, nagtanong pa rin si Sean, “Ikaw ba talaga ang gumawa ng test?” “Oo, hindi ko nga pinapayagang tulungan ako ng aking assistant.” Nakakunot pa rin ang noo ni Sean, hindi sumagot. Inilagay niya ang identification report sa isang file bag at inihagis ito kay Zoren, pagkatapos ay tumalikod na siya upang bumalik sa silid ng ospital ni Saint. Nagtaka si Luhan, “Kanino ba ang identification report na ito?” “Sa tingin ko, ito ay kay Miss Castillo at kay Saint.” Nanlaki ang mga mata ni Luhan, “Iniisip ba ni Sean na si Miss Castillo a