Alam ni Sean kung ano ang iniisip ng matandang ito. Tiningnan niya ito ng hindi maliwanag na tingin, "Ang Lolo ay tumatanda na kaya hindi na kailangang mag-alala sa mga bagay-bagay sa negosyo. Ako na ang bahala."Napakunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Carl sa sagot ni Sean. Dahil dito ay nainis si Beatrice kaya nagsalita na naman para magreklamo, "Sean, kahit na ikaw ang namumuno sa kumpanya ngayon, huwag mong kalimutan na ang Buenavista Group ay itinatag ng iyong lolo, at may karapatan siyang makialam sa mga usaping pangkumpanya!"Itinaas ni Sean ang kanyang kilay, "Kung gayon, baka nakalimutan mo na rin na ang Buenavista Group na itinatag ng Lolo ay wala na. Ang kasalukuyang Buenavista Group ay itinayo ko."Anim na taon na ang nakalipas, hinarap ng Buenavista Group ang muntikan na nitong pagsasara kaya si Sean ay ibinalik nila rito sa Pilipinas mula sa abraod at itinalaga bilang CEO. Inutusan nila ito na iniligtas ang Buenavista Group mula sa pagkalugi at ganoon ang nangyar
Bahagyang nanliit ang mga mata ni Lara na puno ng mga kalkulasyon. Pagkapasok niya sa sasakyan, tinanong niya ang driver, "Nalaman mo na ba ang lahat?" "Nalaman ko na po, Ma'am. Si Young Master Saint po ay talagang may sakit sa pagkakataong ito at halos tumalon siya mula sa mula sa building para magpakamatay." "Pagpapatiwakal si Saint?" "Opo, Ma'am. Ang sabi ng doktor na ang mga batang tulad ni Saint na may psychological problem o mental illness, kung hindi maayos na magagamot ay sa kalaunan, tinatapos nila ang lahat gamit ang agpapatiwakal." May kung anong kislap ang sumiklab sa mga mata ni Lara. Nagpatuloy ang driver, "Ma'am, maaaring hindi na humaba ang buhay ni Young Master Saint at alam naman natin na ang pamilyang Buenavista ay palaging nag-iisa na tagapagmana. Alam din natin na si Young Master Sean ay hindi na mag-aasawa muli o kung mag-asawa man siya, hindi siya agad makakabuo ng anak. Kapag pumanaw na si Young Master Saint, ang tagapagmana ng Buenavista Group ay ka
No blood relationship — Nang tingnan ni Sean ang identification report, ang kanyang ekspresyon ay naging kumplikado. Mahirap ilarawan ang kanyang nararamdaman. Medyo handa na siya sa kinalabasan na ito. Dahil kung si Tanya ang tunay na ina ni Saint, walang dahilan para hindi nito sabihin ang totoo. Kung iisipin, mula sa anumang anggulo, sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya, maaari ni Tanya na makuha ang anumang mga benefits, hindi ba? Gayunpaman, nagtanong pa rin si Sean, “Ikaw ba talaga ang gumawa ng test?” “Oo, hindi ko nga pinapayagang tulungan ako ng aking assistant.” Nakakunot pa rin ang noo ni Sean, hindi sumagot. Inilagay niya ang identification report sa isang file bag at inihagis ito kay Zoren, pagkatapos ay tumalikod na siya upang bumalik sa silid ng ospital ni Saint. Nagtaka si Luhan, “Kanino ba ang identification report na ito?” “Sa tingin ko, ito ay kay Miss Castillo at kay Saint.” Nanlaki ang mga mata ni Luhan, “Iniisip ba ni Sean na si Miss Castillo a
Mula sa pulso, wala namang masyadong problema."Ang kasalukuyang sitwasyon ni Saitn ay medyo mabuti. Kapag siya ay magising, siguraduhin mong huwag siyang maging upset muli. Mula ngayon, hindi na siya dapat iwanang nag-iisa. Ang mga suicidal attempt ay simula pa lamang at marami pang darating sa hinaharap."Naisip ni Tanya ang isang bagay habang siya ay nagsasalita at kumuha ng maliit na bote ng gamot mula sa kanyang bag. "Kung siya ay magkaroon ng isa pang insidente sa future at hindi gumana ang sedative, bigyan mo siya nito. Isang pill lamang sa isang episode; makakatulong ito para pansamantalang ma-stabilize ang kanyang emosyon."Agad itong kinuha ni Luhan, binuksan ito at nakita na ito ay isang medicinal pill na gawa sa mga tradisyunal na herbal plants. "Ano itong...?" Hindi naglakas-loob si Tanya na sabihin na siya ang gumawa nito kaya naghanap siya ng dahilan, "Nakuha ko ito mula sa isang matandang doktor na mahilig gumawa ng herbal medicine. Napakabisa nito. Kung hindi ka
Ngunit, nang malapit na siyang makarating sa old mansion, nagbago ang kanyang isip. Noong mga nakaraang taon, nagkaroon siya ng lihim na kasal kay Sean Buenavista, na hindi pa siya nakita ng iba pang mga miyembro ng pamilyang Buenavista; kung bibigla siyang magpapakilala ngayon, masisira ba nito ang kanilang lihim na kasunduan sa kasal? Mas magiging ayaw ba si Sean na makipag-divorce dahil dito? Matapos itong pag-isipan, sinabi ni Tanya sa driver na hindi na siya tutuloy. Sa biyahe sa taxi pauwi, nakaramdam siya ng kirot sa puso nang nagbayad. Sa loob ng dalawang araw na ito, gumastos siya ng higit sa isang libo sa pamasahi ng taxi. Ang resulta, hindi pa rin naganap ang diborsyo, nakakainis! Ngunit, agad na nawala ang kanyang malungkot na pakiramdam sa tawanan na nagmumula sa loob ng bahay. Candy: "Dali, sabihin ninyo ang totoo, maganda ba ninang ninyo?" Ang tatlong maliliit na bata sa iisang tinig: "Maganda!" "Hahaha, sabihin niyo sa akin, cute ba ang ninang ninyo?" "C
"Magpa-file pa rin ako ng Divorce kaya hindi mo na kailangang mag-alala tungkol dito. Kung talagang umabot sa isang future na hindi ko talaga kaya, hihingi ako ng tulong kay Tito at Tiya."Sa huli, ito ay may kinalaman sa pamilyang Buenavista, at ayaw ni Tanya na isama sa gulo ang pamilya ni Candy.Huminga ng malalim si Candy, "Sige, pero kung mayroon kang anumang hirap, kailangan mo akong sabihan. Hindi ko kayang tulungan ka, pero may kayang gawin ang mga magulang ko."Kung ayaw magsalita si Tanya, hindi siya pipilitin ni Candy. Ang pagkakaibigan na may tamang boundaries ay nagpapagaan ng pakiramdam ng mga tao. Hindi sobrang lapit, at hindi rin sila magiging malayo; basta't kailangan mo ng tulong, nandito lang ako palagi.Tumango si Tanya bilang appreciation. "Hay... Sa tingin mo ba, sinira mo ang matchmaking temple sa iyong nakaraang buhay? Kaya ganyan ang trato sa iyo ng matchmaker sa buhay na ito? Ang mga lalaki sa paligid mo ay puro mga walanghiya, at ang asawa mo ay pangit
“Um? Anong problema?” tanong ni Tanya.Ang waiter ay nagulat sa tanong ni Tanya at napalunok nang paulit-ulit. Sa loob ng isang minuto ay hindi alam kung paano ito sasagot. Sa mga tatlong maliliit na mga batang ito, dalawa ay eksaktong kamukha ng kanilang boss, si Sean Buenavista!Sila ay simpleng mga miniature na bersyon ni Sean Buenavista! Pero si Sean ay kumakain sa katabing silid; kung sila ang kanyang mga anak, bakit hindi siya personal na kasama ng mga bata?Bukod dito, may mga bulung-bulungan na si President Sean ay isa lamang ang anak. Maaari bang ang dalawang ito ang mga illegitimate children ni President Sean? Napaisip ang waiter at ang kanyang ekspresyon ay naging mas makulay. Ngunit hindi nangahas ang waiter na magtanong nang walang ingat tungkol sa pribadong mga bagay tungkol kay President Sean. Sinumang makapagtrabaho sa Barbara's Hotel ay tikom lahat ng bibig. Nang makita ng waiter na parehong nakatingin si Candy at Tanya sa kanya, mabilis siyang nag-ayos ng saril
Si Tanya ay labis na nagulat. Bigla, natagpuan niya ang kanyang sarili na naging asawa na siya ng pinakamayamang tao sa lungsod. Kung ibang tao ang nasa kanyang sitwasyon, tiyak na matutuwa sila!Ngunit siya ay nais lamang umiyak. Habang tumataas ang estado at kapangyarihan ni Sean, mas lalong naging mahirap para sa kanya na labanan ito. Si Sean Buenavista ay makapangyarihan; kung hindi siya papayag sa diborsyo, ano ang maaari ni Tanya na gawin?Sa simula, naisip niyang gumamit ng rason at puwersa—kung tatanggi ang lalaki sa diborsyo, kakapit siya sa kanya ng walang humpay para ito na mismo ang manawa—ngunit ngayon...Matapos marinig ang sinabi ni Candy, hindi na siya naglakas-loob!“Lord naman, itigil mo na ang pang-aapi; mas mabuti pang patayin mo na ako!’ Nakita ni Candy na biglang nagbago ang mukha ni Tanya at sa tingin nito ay nagulat siya sa nalamang balita tungkol kay Sean kaya hindi na ito nagbigay ng kung ano pang kahulugan. Nagpatuloy si Candy, "Bagamat si Sean ay tul