Si Tanya ay labis na nagulat. Bigla, natagpuan niya ang kanyang sarili na naging asawa na siya ng pinakamayamang tao sa lungsod. Kung ibang tao ang nasa kanyang sitwasyon, tiyak na matutuwa sila!Ngunit siya ay nais lamang umiyak. Habang tumataas ang estado at kapangyarihan ni Sean, mas lalong naging mahirap para sa kanya na labanan ito. Si Sean Buenavista ay makapangyarihan; kung hindi siya papayag sa diborsyo, ano ang maaari ni Tanya na gawin?Sa simula, naisip niyang gumamit ng rason at puwersa—kung tatanggi ang lalaki sa diborsyo, kakapit siya sa kanya ng walang humpay para ito na mismo ang manawa—ngunit ngayon...Matapos marinig ang sinabi ni Candy, hindi na siya naglakas-loob!“Lord naman, itigil mo na ang pang-aapi; mas mabuti pang patayin mo na ako!’ Nakita ni Candy na biglang nagbago ang mukha ni Tanya at sa tingin nito ay nagulat siya sa nalamang balita tungkol kay Sean kaya hindi na ito nagbigay ng kung ano pang kahulugan. Nagpatuloy si Candy, "Bagamat si Sean ay tul
Si Howard naman na nakaupo sa tabi niya ay biglang naging makitid ang kanyang mga mata at tanging ang mga puwang lang nang mga eto ay para makita niya si Tanya. Bilang isang tipikal na playboy ay agad na nagkagusto siya kay Tanya sa unang tingin pa lamang. Ito ang kanyang "Prey" ngayong gabi. Hindi man lang niya tiningnan ang ekspresyon ni Sean, tumayo siya agad at naglakad patungo kay Tanya. "What happened to you, pretty darling??? what's the problem?" Tumayo rin sina Quinn at Alvin, ngunit bago pa man sila makapagsalita ay winagayway ni Howard ang kanyang kamay at hiniling sa kanila na umupo na lamang. "Maupo na lamang kayo. Kayong mga pangit kayo, huwag na kayong tumayo at manakot pa nang ibang tao." Quinn at Alvin: "..." Malinaw na nagkagusto agad si Howard sa babaeng nasa harap nila sa unang tingin pa lamang kaya naman ang iba ay maaari na lamang magpahayag ng panghihinayang sa kanilang mga puso. Kahit na silang lahat ay pare-parehong mga anak-mayaman at galing s
Si Sandro naman ay palakad-lakad na sa pasilyo ng halos kalahating araw, tumatawag sa telepono para ipa-check sa kanyang bodyguard ang surveillance upang malaman kung saan nagtatago si Tanya. Nang bigla niyang nakita si Tanya kaya naman ay ngumisi siya. “No need to check those useless surveillance camera, nakita ko na siya!” Kinagat ni Tanya ang kanyang labi at tumakbo palayo, patungo sa sulok. Nag-aalala kasi siya na baka matakot sina Candy at ang tatlong bata kung makikita nila ang ganitong eksena, kaya gusto niyang akitin siya sa isang sulok na parte nang resto para bigyan siya ng ilang karayom at maalis na ang panganib sa mga tao! Nang makarating siya sa sulok ay hinarangan siya ng bodyguard ni Sandro. Tumakbo naman si Sandro at hingal na hingal matapos ay biglang hinablot ang buhok ni Tanya saka nagmumura. “Ikaw na babae, nagtatangka ka pa ring tumakas!” Napangiwi si Tanya sa sakit at sinipa. Dumaplis eto kay Sandro kaya naman ay tinapakan niya lamang dulo ng sap
Bago pa man mapansin ni Tanya ang anumang kakaiba emosyon ay bumalik na agad sa normal ang ekspresyon ni Lyndon at sinabi niyang “Matagal na siyang wala ngayon dahil ang papel na ginagampanan niya ay nangangailangan ng masikretong pag-fifilm at pumirma rin siya ng kasunduan sa pagiging confidentiality contract sa crew. Hindi ko nga alam kung kailan siya babalik, hindi ko rin siya makontak.”Matapos niyang sabihin iyon ay binago niya ang usapan. “Ano ba ang nangyayari sa inyo ni Sandro?”Kumunot ang noo ni Tanya.“Nagtatrabaho ako sa isang bar nung mga oras na iyon na tagabenta ng inumin at nakataong nakatuon ang atensyon niya sa akin. Nang magkita kami nang ilang beses ay gusto niya…”Agad namang naunawaan ni Lyndon at kumunot ang noo niya.“Kilala si Sandro rito sa Maynila bilang isang manyakis at halos pinaglalaruan ang mga babae niya nang buong araw. Kung hindi dahil sa impluwensiya ng kanyang kapatid, si James Manalo ay malamang sa malamang ay binugbog na siya hanggang sa mam
Napahinto si Tanya sa kanyang paglalakad. Sa kanya ba nakikipag-usap ang lalaki?Tumingin siya pabalik kay Sean na ngayon ay nakatitig pa rin sa harap, ang kanyang postura ay hindi nagbabago, hindi siya tumitingin sa kanya.Nagha-hallucinate ba siya?Habang handa na siyang maglakad ay narinig niya siyang nagsabi ulit.“Napakaliit lamang ng pasensya ko. Kung gusto mong maglaro ng trick sa akin gamit ang larong gaya neto na puro push and pull lang ay itigil mo na ang pagsisikap mo. Bakit hindi ka na lang maging matapat at humanap ng paraan para mapalapit sa akin? What do you really want from me??”Sa puntong ito, nakumpirma ni Tanya na hindi siya hallucination lamang.Tumingin siya sa paligid, sila lang dalawa ang nasa pasilyo at siya na nga ang kausap niya.Naramdaman ni Tanya ang pag-usbong ng pagsuway sa sinabi nang lalaki. Humarap siya at naglakad patungo kay Sean saka huminto isang metro ang layo sa kanya.Tumingala siya at sinabi sa kanya:“Napakaliit din ng pasensya ko.
Titig na titig si Sean sa direksyon kung saan umalis si Tanya at hindi inaalis ang kaniyang mga tingin hanggang sa dumating si Howard. Tumabi si Howard kay Sean matapos ay nagsindi ng sigarilyo at nagtanong nang nakangisi, "What is this special situation you have with that pretty girl?" "…Nothing." "If nothing then bakit hindi ka tumulong para iligtas siya?" Hindi pangkaraniwan ang kilos niya ngayon. Kahit hindi siya mabuting tao ay tiyak na may prinsipyo siya. Dagdag pa, humihingi ng tulong ang babaeng 'yon sa teritoryo niya kaya ibig sabihin may gumagawa ng gulo doon. Pero wala siyang ginawa at diretso pa niyang pinaalis eto? Kung ibang babae 'yon ay wala siyang pakialam, pero tiyak na ipapasuri niya kay Zoren ang sitwasyon. May mali rito! Kaya sigurado si Howard na may koneksyon si Seab at ang babaeng 'yon. At tingnan mo, umalis lang ang babaeng 'yon ay may madilim na ekspresyon na agad si Sean habang naninigarilyo. Malinaw na naiinis siya. Naimpluwensyahan n
Nagtanong si Howard, "Wala bang nag-imbestiga sa kanyang background?"“Nag-utos na ako ng gagawa at napaimbestigahan na siya ngunit walang nahanap na importanteng impormasyon tungkol sa babaeng iyon.""Pero mas may sense na ganoon nga, hindi ba? Kung talagang ipinadala si Miss Castillo na sinasabi mo ng pamilya mo para lumapit sa iyo, tiyak na binago nila ang kanyang identity at gumawa pa ng fake background niya. Gayunpaman, si Saint ang sole heir ng pamilya Buenavista. Dahil mahalaga sa lolo mo ang blood relationships, kahit na hindi niya gusto si Saint, hindi niya ito sasaktan. After all, kung may mangyari kay Saint, magkakagulo ang pamilya Buenavista at wala siyang sapat na oras at lakas para isipin ka pa kung ganoon ang mangyayari. Kaya kahit na lumapit ang Miss Castillo na iyon kay Saint, sa tingin ko ay hindi niya sasaktan si Saint."Pinagpag ni Sean ang abo mula sa kanyang sigarilyo; ang mga salita ni Howard ay may katwiran kung iisipin. Nagpatuloy si Howard sa paliwanag ni
Si Quinn ay isa sa malapit na kaibigan ni Sean, at si Lyndon ay kaibigan ng kaibigan ni Quinn na sumama sa party na iyon. Alam ni Lyndon na hindi sila sa parehong antas, dahil nakita niyang si Sean ay talagang hindi umiinom; medyo nahihiya lang siya, pero hindi nawalan ng composure at patuloy na ngumiti at nagsalitang muli, “Ako si Lyndon Javier-Fernandez, ang kasalukuyang manager ng Fernandez Group. Matagal ko nang gustong makilala ka CEO Buenavista, at ngayon na nakita na kita, matapang kong susubukan na gumawa ng impresyon sa iyong harapan. Narito ang aking business card.” Pinagsikapan ni Lyndon na ilabas ang kanyang business card at inabot ito kay Sean. Sinilip ito ni Sean pero hindi umabot. Ang mukha ni Lyndon ay naging mapula sa kahihiyan, hindi alam kung paano makawala sa sitwasyong iyon nang biglang itinaas ni Sean ang kanyang kamay at tinanggap ang card. Nanigas ang ngiti ni Lyndon sa mukha at sa loob ng isang sandali ay sobrang sinalakay ng tuwa, lihim na nasiyahan. T