Natapos nang magsalita si Sage at umalis. Sa sandaling lumabas siya mula sa banyo, agad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Humuhuni ng kaunting melodiya, bumalik siya sa private room kung nasaan ang kanyang mommy at mga kapatid. Napakaganda ng kanyang mood.Nang makita nina Tanya at Candy si Sage na bumalik, lubos silang nagulat,“Sage, kailan ka galing?”"Kakalabas ko lang. Gusto kong hanapin si Mommy, pero sinabi ng taong nakasalubong ko sa labas na bumalik na si Mommy, kaya hindi ako nagpunta ng malayo."Noon, hindi gaanong nababahala si Tanya sa pag-alis ni Sage, ngunit ang isipin na narito ang 'isang tao' na iyon ay nagpapabilis ng kanyang puso na halos tumalon na ito. Kung makikita si Sage ng lalaking iyon, hindi ba niya malalaman ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak?Tumitig si Tanya kay Sage, "Hindi ka pamilyar sa lugar na ito; paano ka nakatakbo nang mag-isa? Ikaw..."Bago siya makapagsalita nang buo, lumapit si Sage sa kanya at 'nagpatak' ng hàlik sa kanyang pi
"Maniwala ka sa akin! Pananagutan kita, gagawin kitang pinakamasaya at pinaka mataas na babae sa mundo!"Ang matatag na pangako ng lalaki ay nag-eecho sa kanyang mga tainga ngunit napailing-iling nalang si Tanya dahil dito."Huwag, huwag... ah..." biglaan ang pagkilos nang lalaki kaya naman ay napasigaw si Tanya dahil sa sakit at nawalan ng malay.Nang magising siya, wala na ang lalaki sa tabi niya, ngunit ang aroma ng kanilang ginawa kagabi ay nanatili pa rin.Ang mga nagkakalat ng tissue paper at magugulong damit sa sahig ang nagpapatunay sa kanilang kamakailang nagawa.Kinagat ni Tanya ang kanyang labi at mahigpit na hinawakan ang kumot, ang kanyang mga paningin ay nagsimulang lumabo…Siya ay may asawa at kahapon ay pumunta siya sa paliparan para sana salubungin ang kanyang asawa, ngunit bago pa man niya ito makita ay nawala na ang kanyang kadalisayan!Ano ba ito?Pagtataksil?Isa na ba etong panloloko sa asawa siya?Paano siya mabubuhay na malinis ang konsensya mula ngayon?
Anim na taon ang nakalipas, Sa istasyon ng Tren ng sa kung saan sa Maynila. Si Tanya kasama ang kanyang tatlong anak na lalaki, ay lumabas mula sa istasyon ng tren na agad na nakakuha ng atensyon ng lahat. Ang kanyang simpleng at komportableng pananamit kahit pa walang kolorete sa mukha ay naglalabas ito ng hindi maikakailang kagandahan. Ang bawat ngiti at kunot ng noo ni Tanya ay nakakaakit sa mga nakatingin.Ang kanyang mga anak naman ay nagsisi-gwapuhan at kaibig-ibig, ang kanilang malalaking mata na sumisilip mula sa ilalim ng kanilang mga sumbrero ay kumikinang at bilugan. Ang kanilang mahabang pilikmata ay kumukurap, at nakakatunaw ng mga puso sa kanilang kagandahan. "Isa pang kasong lokohin ang mga tao para magkakaroon ng mga anak!" bulong ng karamihan. Hindi naman eto pinansin ni Tanya, nakatayo lang sila sa labasan ng istasyon at nakatingin sa pamilyar ngunit medyo kakaibang paligid.Ang kanyang puso ay puno ng halo-halong emosyon. Noong panahong iyon, ang akusas
Matapos naman tumakbo ni Sage pahabol kay Jazel ay hindi na nagawa pang pigilan ni Sawyer ang kanyang kapatid kaya naman inalalayan niya ng may pag-aalala si Samuel. “Sabihin mo sa Kuya, saan may masakit?” “Dito… at dito rin” umiiyak na sabi ni Samuel habang tinuturo ang kanyang puwit at binti. Itinaas ni Sawyer ang pantalon ni Samuel at tinignan ang mga binti nito. Nagulat naman siya nang makita ang malaking pasa sa binti at puwitan ng kapatid nya. Kulay lila eto at sobrang halata! Kinuyom ni Sawyer ang kanyang kamao at nag-init ang ulo niya sa galit. Ayaw niyang palabasin ang kapatid para makaiwas sa gulo, pero ngayon hindi na siya makakapagpigil. Sino ba ang nangahas na saktan si Samuel? Parang wala siyang kapatid?! “Okay na Samuel, Hihipan na lang ito ni kuya para naman hindi na sumakit pa” Nalulungkot na tumango si Samuel sabay sabing “…. Oo.” Samantala, hinabol na ni Sage si Jazel na palabas na nang istasyon ng tren ngayon. Nakita niyang papasok na sana ito sa
Samantala, ilang oras lang at nagkita na rin si Sage at si Tanya.Walang kaalam-alam si Tanya sa kung ang nangyari sa labas nang istasyon ng tren at lalong-lalo na, hindi rin niya alam na ang kanyang anak na si Sage ay nakagawa nang isang malaking gulo. Habang nakatingin sa Masiglang tumatakbong na si Sage, nawala naman na ang pag aalala na bakas na bakas sa mukha ni Tanya kanina pa "Sage, saan ka ba nagpunta? Kanina kapa hinahanap ni Mommy" Nang makita ni Sage ang reaksyon ng kanyang ina ay hinuha neto na hindi pa alam nng kanyang ina ang mga nangyari sa labas kaya naman napangiti nalang siya "Mommy, huwag kang mag-alala. Unang beses ko lang kasi dito kaya lumabas ako para tingnan ang paligid. Mommy, ang ingay at ang saya pala dito!" "Oo naman, isa ito sa pinakamalalaking lungsod dito sa bansa natin! Pero maraming tao dito kaya naman huwag kang maglalakad-lakad mag-isa. Baka ma-kidnap ka, paano na ako na mommy mo at ang mga kapatid mo?" Pinapalo ni Sage ang kanyang dibdib at
Si Sean ay napatingin kay Tanya nang makapasok siya sa conference room, isang kakaibang kislap ang dumaan sa kanyang mga mata. Hindi dahil sa sobrang ganda niya kundi dahil ang babaeng ito ay nagbibigay sakanya ng isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag… Para bang nakita na niya ito sa isang lugar. Pero tumingin siyang mabuti, hindi niya maalala kung saan niya ito nakita? Naka-poker face na naglakad si Sean papunta sa mesa at umupo. Nakita niyang nakatitig si Tanya sa kanya na parang nakatingin ito sa isang kaaway kaya kumunot ang kanyang noo. Ang anak niya ang sumira sa kanyang sasakyan pero hindi siya nagmakaawa, naglakas loob pa etong tingnan siya ng ganito. Maliit siya, pero malaki ang kanyang lakas ng loob gaya ng kanyang anak! "Bakit mo pinag-utos sa anak mo na sirain ang sasakyan ko?" Pagbukas ni Sean ng bibig niya at agad niyang sinisi si Tanya. Si Tanya ay nakakuyom ng kanyang mga kamao at nakatitig sa kanya. Dahil sa emosyon nararamdaman ay nanginginig
Malinaw na malinaw ang pagkakaintindi ni Sean sa sinabi nang babae, akala niya ay nilalandi siya ni Tanya sa publiko. "Walang hiya! Hindi ko makatwiran ang sinasabi mo!" Nanlaki ang mga mata ni Tanya. Alam niyang nagkakamali siya, kaya nagmadali siyang magpaliwanag. "Nagkakamali ka! Gusto ko lang tingnan ang iyong..."Gusto nyang makita ang balikat neto kung may kagat. Noong panahong iyon, nawalan siya ng malay dahil sa sakit ngunit nagising ding muli dahil sa sakit. Hindi na niya matiis kaya naman ay kumagat siya ng mahigpit at madiin sa balikat nang lalake... Napakasakit ng kagat niya nang gabing iyon, kung sa normal na tao ay magkakaroon pa ito ng peklat. Kung may kagat siya sa balikat niya, mapapatunayan niyang siya ang lalaking iyon! Pero bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay biglaang tumunog ang telepono ni Sean. Kinuha niya ang telepono at sinagot eto "Magsalita ka" Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng tao sa kabilang linya, pero agad nagbago ang e
"Pinakamamahal ko…”“Lumabas ka na, gusto kong mapag-isa”“…” Napabuntong-hininga si Sean at pansamantalang umalis. Pagkalabas niya ng silid ay agad nagbago ang kanyang ekspresyon.Papatanungin na sana niya si Jazel kung saan nagpunta nang biglang lumitaw si Jazel sa sala sa ibaba, namumula ang mga mata neto.Nang makita siyang lumabas mula sa silid kanyang pinakamamahal na anak ay agad siyang lumapit at nagtanong nang may pag-aalala.“Sean, kamusta na ang lagay ni Saint?” Malamig ang mukha ni Sean pero hindi siya nagalit. Tanda nyang si Jazel ang nagligtas sa buhay ng kanyang pinakamamahal na anak!Noong bata pa, si Jazel ang nakakita sa pinakamamahal niyang anak sa labas ng bahay, kaya nakaligtas siya. Nagduda rin siya noon, bakit nagkataon na si Jazel pa ang nakakita sa kanyang anak.Posible bang sinadya ni Jazel na itago ang tunay na ina ng kanyang anak at pagkatapos ay ibinigay ang sanggol sa pintuan ng kanilang bahay upang palabasin na nagkunwaring naligtas net