Share

Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies
Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies
Author: Pubuti

KABANATA 1

"Maniwala ka sa akin! Pananagutan kita, gagawin kitang pinakamasaya at pinaka mataas na babae sa mundo!"

Ang matatag na pangako ng lalaki ay nag-eecho sa kanyang mga tainga ngunit napailing-iling nalang si Tanya dahil dito.

"Huwag, huwag... ah..." biglaan ang pagkilos nang lalaki kaya naman ay napasigaw si Tanya dahil sa sakit at nawalan ng malay.

Nang magising siya, wala na ang lalaki sa tabi niya, ngunit ang aroma ng kanilang ginawa kagabi ay nanatili pa rin.

Ang mga nagkakalat ng tissue paper at magugulong damit sa sahig ang nagpapatunay sa kanilang kamakailang nagawa.

Kinagat ni Tanya ang kanyang labi at mahigpit na hinawakan ang kumot, ang kanyang mga paningin ay nagsimulang lumabo…

Siya ay may asawa at kahapon ay pumunta siya sa paliparan para sana salubungin ang kanyang asawa, ngunit bago pa man niya ito makita ay nawala na ang kanyang kadalisayan!

Ano ba ito?

Pagtataksil?

Isa na ba etong panloloko sa asawa siya?

Paano siya mabubuhay na malinis ang konsensya mula ngayon?

Paano niya haharapin ang kanyang asawa?

Kung sasabihin niya rito na pumunta siya sa paliparan para salubungin siya, ngunit nagkaroon ng isang kaguluhan sa paliparan. Nang nasa gitna nang kaguluhan ay may  humila sa kanya na isang lalaki at dinala siya sa isang madilim na silid at nangyari ang hindi kanais-nais na pangyayari…

Maniniwala ba sa kanya ang asawa nya?

Tatanggapin pa rin ba siya neto?

Magpapatuloy pa ba ang kanilang pagsasama?

Hindi mapigilan ni Tanya ang kanyang mga luha at patuloy itong tumulo.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang nagawa sa nakaraang buhay para maparusahan siya ng tadhana.

Lumaki siyang walang ama at ina dahilan upang ang kanyang buhay sa pagkabata ay napuno ng kaguluhan.

Ninais niyang baguhin ang kanyang kapalaran sa pamamagitan ng pag-aaral at sa wakas ay nakapasok siya sa kanyang pangarap na unibersidad ngunit pinilit siyang magpakasal ng kanyang mga magulang na umampon sa kanya.

Ang dapat sanang ikakasal ay ang kanyang kapatid na babae na si Tricia, ngunit dahil ang mapapangasawa neto ay may kapansanan ay siya ang napili upang ipalit.

Hindi kayang tiisin ng kanyang mga magulang na mahirapan ang kanilang tunay na anak na babae at hindi rin naman nila matatanggihan ang malaking dote na ibibigay nang mapapangasawa neto kaya ginamit nila ang kanilang mga taon ng pag-aalaga sa kanya upang pilitin siyang magpakasal rito kapalit nang kapatid nya.

Noong mga panahong iyon, mula sa pag-aayos ng kanyang pag-alis sa paaralan hanggang sa pakikipag-ugnayan at kasal.

Walang sinuman ang nagtanong sa kanyang opinyon.

Walang sinuman ang nagtanong kung gusto niya ba o hindi.

Ginawa nila ang kanilang gusto at winasak nila ang kanyang pag-aaral pati narin ang kanyang kinabukasan.

Umiyak siya, nagalit siya ngunit sa huli ay sumuko siya sa katotohanan.

Sinasabi nila na ang pag-aasawa ng isang babae ay isang bagong simula at maganda na ring makatakas siya sa malamig na pamilyang iyon, kaya naman ay nagpakasal na siya at gagawin niya na lang ay maging mabuting asawa sa pakakasalan.

Sa nakalipas na dalawang taon, Ang kanyang asawang si Sean ay patuloy na nagpapagaling sa kanyang karamdaman sa ibang bansa kaya naman siya ay nag-iisa lamang sa loob ng dalawang taon iyon, nag-iisa at walang ibang iniisip.

Ito ang kanyang pagsasakripisyo para sa kanyang pag-aaral at kinabukasan. Ito ang kanyang bagong simula at pinahahalagahan niya ito ng sobra.

Ngunit ngayon…

Nangyari ang mapang taksil na pangyayaring ito sa mismong araw pa na bumalik ang kanyang asawang si Sean, ano nalang ang gagawin niya?

"Ding-ding-ding..."

Biglang tumunog ang kanyang telepono, tawag ito mula sa kasambahay nila sa kanilang bahay.

"Ma’am, tinawag ka ni Sir. Bumalik na sya sa mansyon." bumilis naman ang tibok ng puso ni Tanya, kinakabahan siya at natatakot sa narinig.

"Nakabalik na ba siya?"

"Oo, bumalik na si Sir at nakita niyang wala ka sa bahay kaya umalis ulit siya ngunit bago siya umalis ay nagbilin siya na bumalik ka para pumirma, ang ginoo... gusto niyang makipaghiwalay sa iyo, Ma’am."

Nagsimula nang mag-ingay ang utak ni Tanya at para bang netong sumabog.

Gusto na siyang hiwalayan ni nang asawa nyang si Sean?!

Alam niya na hindi masaya si Sean sa kanilang pagsasama, hindi nga siya dumalo sa mismong kasal nila at hindi rin siya nagpakita pagkatapos neto.

Dalawang taon na rin silang kasal ngunit hindi pa rin sila nagkikita, at hindi pa nila alam ang hitsura ng isa't isa.

Ngunit kahit nakalipas na dalawang taon na ganun ang pagsasama nila, naging mabuti ang pakikitungo ni Sean sa kanya!

Hindi siya nagkulang sa pagkain, damit, gamit, at kapag may sakit siya, binibilin siya nito sa mga kasambahay na alagaan siya. Kahit pa magkalayo man sila, nararamdaman niya ang kanyang pag-aalala.

Alam niyang hindi gusto ni Sean ang kanilang pamilya nya pati nga rin siya ay hindi niyo gusto. Ang akala nya ay basta maging mabuting asawa lang siya ay magiging katulad na sila ng ibang mag-asawang nagmamahalan, mag-aalaga sa isa't isa, at magkasama nilang tatahakin ang kanilang buhay.

Hindi pala ganun iyon…

"Ma’am, huwag kang masyadong malungkot. Binigay sa iyo ni Sir ang bahay na ito, kasama ng dalawang mamahaling sasakyan at maraming maraming pera"

Masayang turan ng kasambahay, ngunit paano hindi malungkot si Tanya?

Halos mamatay na siya sa kalungkutan. Ang kanyang buhay ay talagang mapakasama na at hindi na niya kayang sumama pa.

Ngunit ano pa ang karapatan niyang tumanggi sa asawa nya?

Nawala na ang kanyang kadalisayan, hindi na siya karapat-dapat pa para sa asawa nya.

Huminga ng malalim si Tanya at mahina niyang sinabi "Alam ko na, babalik na ako agad para pumirma."

Pagkatapos noon ay ibinaba na niya ang telepono at pinilit niyang labanan ang kanyang panghihina, nagbihis siya at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.

Pag alis niya ay biglang lumitaw ang dose-dosenang itim na mamahaling sasakyan sa labas ng paliparan.

Sabay-sabay na bumaba ang mga bodyguards na nakasuot ng itim at pinalibutan ang paliparan.

Magalang na binuksan ng isang lalaki ang pinto ng sasakyan at bumaba si Sean.

Nakasuot ito nang isang magarang sapatos, mamahaling damit na pang lalaki at isang limitadong relo...

Ito ang mga senyales at mga pangunahing gamit ng isang matagumpay na lalaki na sa buhay.

Matangkad siya, matikas ang mukha at ang mukhang malakas din eto. Malamig at may awtoridad ang pustura neto dahilan upang katakutan!

Lahat ay nakatingin sa kanya, at maingat na pinagmamasdan siya.

Hindi pinansin ni Sean ang mga ito at naglakad lamang patungo sa kwartong pinagtulungan nila.

Kagabi kasi ay may nakain siyang kung anong kemikal na nakahalo sa pagkain niya at hinabol niya ang gumawa nito kaya rin nagkaroon sa gitna ng kaguluhan. Dahil din sa kemikal na iyon ay nasinira niya ang pinakaiingatan ng isang dalaga hindi niya man lang kilala, nahatak niya lang ito dahil sa sobrang paghihirap.

Pagkatapos ay natakot siya na baka makarating ang kanyang mga kaaway sa lugar na iyon at mapahamak ang dalaga kasama nya kaya naman umalis muna siya. Ngunit bumalik din sya nang mawala ang na panganib na nakaamba.

Iyon ang unang gabi ng dalaga at sinabi niya rito kagabi na pananagutan niya ito at gagawin niyang pinakamasayang babae sa mundo.

Mayroon siyang isang salita kaya ginagawa niya ang kanyang sinasabi.

Hindi pa nakakarating si Sean sa kwartong iyon nang tumakbo ang kanang kamay nyang si Zoren patungo sa kanya.

"Boss, may tumawag galing mansyon. Nakauwi na raw ang asawa mo, pero... parang may kasama etong ibang lalaki kagabi, halata ang mga marka sa katawan niya. Sabi pa ng mayordomo sa mansyon na madalas na lumalabas ang asawa mo tuwing gabi at hindi na umuuwi… At kapag lasing ay nagsasalita siya eto ng kung anu-ano. Minsan nga, sa bar ay sinabi niya na ikaw ay isang may kapansanan at hindi ka karapat-dapat sa kanya. Sinabi niya pa na ang pagpapakasal mo sa kanya ay..."

"Ano?!"

"... ay parang isang palaka na gustong kumain ng isang sisne."

"Ha!"

Kinagat ni Sean ang kanyang labi at naging malamig ang kanyang mukha.

Ang asawa niyang iyon ay pinilit lang sa kanya ng pamilya Buenavista dalawang taon na ang nakakalipas upang pigilan ang kanyang kapangyarihan. Hindi niya ito nakita kahit isang beses at hindi rin siya bumalik sa araw ng kanilang kasal.

Ngayon na matatag na ang kanyang posisyon at nasa kamay na niya ang kapangyarihan. Hindi na niya kailangan ang tali na pilit sumasakal sa kanya, kaya ang unang bagay na ginawa niya nang bumalik siya ay ang makipaghiwalay sa kanyang asawa.

Hindi siya walang puso, dahil wala naman silang nararamdaman para sa isa't isa!

Ang paghihiwalay ay magiging maganda para sa kanya, isang etong paglaya at bilang kapalit ng kanyang dalawang taon na kabataan, binigyan niya siya ng maraming kabayaran.

Isang mamahaling bahay, dalawang mamahaling sasakyan, at isang tseke na nagkakahalaga ng sampung bilyon.

Ngunit hindi niya inaasahan na siya pala ay isang babaeng hindi marangal!

Kung gayon, hindi siya karapat-dapat sa kanyang kabayaran.

"Kanselahin ang dating kasunduan sa paghihiwalay at gumawa ng bagong kasunduan! Nagkaroon siya ng ibang lalaki habang may asawa pa sya, hindi siya marangal, kaya dapat ay wala siyang makuha ni piso!"

"Opo!"

Nakarating naman na si Sean sa pintuan ng kwarto.

Pinigilan niya muna ang kanyang galit at inayos ang kanyang damit, saka binuksan ang pinto ng kwarto.

Gusto niyang makita siya nang babae sa pinakamabait at pinaka magalang niyang pustura.

Isang tao, isang buhay ang  hinawakan na niya. At ito ang dalaga kaya naman ay siya lang ang gusto niyang makasama sa buong buhay niya.

Pero…

Walang tao sa loob, Umalis na ba siya?

Hinanap eto ni Sean sa buong kwarto kasama na ang paliparan ngunit hindi niya ito makita.

Kumunot ang kanyang noo "Ipaalam sa lahat nang trabahador rito, Sa anumang paraan at anuman ang halaga, dapat ninyong mahanap ang babaeng kasama ko sa kwartong ito!"

Kailangan niyang mahanap ang dalaga at tuparin ang kanyang pangako!

Gagawin niya siyang pinakamasaya at pinakamamahal na babae sa mundo!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status