Share

KABANATA 3

Matapos naman tumakbo ni Sage pahabol kay Jazel ay hindi na nagawa pang pigilan ni Sawyer ang kanyang kapatid kaya naman inalalayan niya ng may pag-aalala si Samuel.

“Sabihin mo sa Kuya, saan may masakit?”

“Dito… at dito rin” umiiyak na sabi ni Samuel habang tinuturo ang kanyang puwit at binti.

Itinaas ni Sawyer ang pantalon ni Samuel at tinignan ang mga binti nito. Nagulat naman siya nang makita ang malaking pasa sa binti at puwitan ng kapatid nya. Kulay lila eto at sobrang halata!

Kinuyom ni Sawyer ang kanyang kamao at nag-init ang ulo niya sa galit.

Ayaw niyang palabasin ang kapatid para makaiwas sa gulo, pero ngayon hindi na siya makakapagpigil.

Sino ba ang nangahas na saktan si Samuel? Parang wala siyang kapatid?!

“Okay na Samuel, Hihipan na lang ito ni kuya para naman hindi na sumakit pa”

Nalulungkot na tumango si Samuel sabay sabing “…. Oo.”

Samantala, hinabol na ni Sage si Jazel na palabas na nang istasyon ng tren ngayon.

Nakita niyang papasok na sana ito sa kotse, kaya naman agad siyang tumakbo at humarang sa harap ni Jazel kaya naman galit na galit ito sakanya.

“Pangit na babae! sinong nagbigay sa’yo ng lakas ng loob para saktan ang kapatid ko?”

Pangit na babae?

Naningkit ang mga mata ni Jazel at tumingin kay Sage.

Gusto niyang sampalin ito!

Pero dahil nasa kotse si Sean ay kailangan niyang magpakita ng magandang asal sa harap rito. Kailangan niyang magpanggap na gusto niya ang mga bata.

Kaya naman, pinandilatan niya ng mata si Sage at pabulong na nagbanta “Sino ba ang sinasabi mong pangit?!”

“Ikaw nga! Hindi ka lang pangit, matanda ka na rin! masama ka pa! Pangit, matanda, at masama, wala ka nang pag-asa!”

Matapos sabihin iyon, kinuha niya ang maliit na kutsilyo sa bulsa niya at nagsimulang maglakad-lakad sa paligid ng mamahaling kotse habang ikinikiskis ang hawak na kutsilyo.

Kitang kita niya ang malalaking gasgas sa itim na kotse kaya naman nagalit si Jazel kay Sage.

“Itigil mo na iyan, bata ka! Alam mo ba kung kaninong kotse iyan? Hindi ka ba natatakot mamatay?!”

Sinubukan siyang pigilan ni Jazel pero umiwas si Sage kaya naman hinabol siya nito. Paikot ikot na naglakad-lakad si Sage at habol-habol siya ni Jazel sa paligid ng kotse, parang naglalaro lang sila nang habulan.

Nasa loob ng kotse si Sean, siya kasi ang magsusundo kay Jazel.

Nang makita niya ang nangyayari, kumunot ang noo niya at sinabi kay Zoren na “Bumaba ka at tingnan mo.”

“Opo.”

Bababa na sana si Zoren  sa kotse nang biglang—

“Boom!”

“Boom!”

“Boom!”

“Boom!”

Pagkatapos ng apat na malalakas na pagsabog ay namang biglang lumubog ang kotseng sasakyan dapat ni Jazel.

“Aaaaahhhh!” Ang sigaw ni Jazel ay umalingangaw sa buong lugar.

Kumunot ang noo ni Sean at bumaba ng kotse.

Nang makita niya ang nangyari, nagngangalit siya.

 “….”

Ang apat na gulong ng kotse ay nakahiwalay na sa kotse, at naglalabas ng usok habang gumugulong sa paligid.

Ang mamahaling kotse ay para nang patay na aso, nakahandusay lamang sa lupa!

Isang batang lalaki naman ang nakita nya na hindi pa umabot sa kanyang baywang, nakasuot ito ng sumbrelo.

lIto ay nagmamayabang sa harap ni Jazel.

“Ngayon lang ako dumating kaya hindi kita ko eto seseryosohin. Pero kung sasaktan mo ulit ang kapatid ko, hindi na ako magdadalawang-isip! Pangit! Matanda! Masama! Hmp!”

Sean: “….”

Ang bata pa niya, pero nagmamayabang na siyang parang may-ari ng mundo. Sino ba ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?

At hindi pa raw siya seryoso sa lagay na to?

Kung seryoso na siya, gaano kaya kalakas ang magagawa niya?

Kanino ba etong anak at bakit ganyan siya ka-pasaway at ka-yabang?!

Hindi alam ng bata na may nakasagupa na siya iba bukod kay Jazel, matapos niyang babalaan si Jazel ay tumalikod na siya at naglakad palayo.

Ngunit biglang hinawakan ng isang tao ang kanyang kwelyo, at biglang nawala ang kanyang mga paa sa lupa.

Kumunot ang noo ni Sage at sumipa-sipa habang nagrereklamo “Sino ka ba?! Bitawan mo ako!”

Madilim ang mukha ni Sean at binuhat niya si Sage at pinihit ito para makita siya.

“Sino kaba sa inaakala mo para gawin ang ganong bagay?” Ang tono niya ay sobrang lamig at maawtoridad.

“Si…” Hindi natapos ni Sage ang sasabihin niya, at natigilan siya!

Ay! teka, ang lalaking ito. Bakit kamukha ng Kuya at niya?

Parang mas malaking bersyon nila eto!

Hindi kaya siya ba ang kanilang ama na nag-iwan sa kanila?

Pero, hindi ba patay na ang kanilang ama?

Sabi ng Mommy nila ay hindi maganda ang kapalaran ng tatay nila noon at namatay ito sa murang edad.

Siguro, kamukha lang siya!

Napaisip si Sage at kumurap-kurap ang kanyang mahabang pilikmata sabay mayabang na  mayabang na nagsalita.

“Dahil kamukha mo ang tatay ko, papatawarin kita. Bitawan mo na ako, kung hindi— hindi na ako magdadalawang-isip! Sinasabi ko sa’yo, nakakatakot ako kapag nagagalit!”

Nagawa pa niyang ngumisi kay Sean.

"Natatakot ka ba?"

Mas lalong naging malamig ang mukha ni Sean.

Bata pa siya ngunit mataas na ang tingin sa sarili!

Kung hindi dahil sa mga mata nito na halos kamukha ng anak niyang si Saint kaya lumambot ang puso niya. Kung hindi ay! kanina pa niya ito ipinagbigay-alam sa pulis!

“Alam mo ba na ang ginawa mo ngayon ay labag sa batas?”

“Ang pangit, matanda at masamang babae na iyan ang unang nang-asar sa akin!”

Biglang nabanggit ang pangalan ni Jazel

 “….”

Sino ang matanda, sino ang pangit, sino ang masama? Aaaahhhh!

Malamig na pangangaral ni Sean sa bata “Anuman ang dahilan, mali parin ang ginawa mo!”

Kumunot ang noo ni Sage “Hindi ka naman ang tatay ko, bakit ka nakikialam? Sino ka ba?”

Hindi nagustuhan ni Sean ang sinabi nang bata “Nasaan ang mga magulang mo?”

Hindi siya nakikipagtalo sa bata, pero hindi niya hahayaang makaligtas ang mga magulang nito.

Bagong bili lang niya ang kotse na ito na halos limangpong milyon ang halaga at sa unang araw palang nang pagkakabili ay nakapira-piraso na ito, kailangan niyang magkaroon ng paliwanag.

At isa pa...

Ang apat na gulong na umuusok pa ay parang pinasabog ng isang bomba.

Kaya ba talagang maglalaro ng bomba ang isang bata?

O may nag-utos sa kanya para saktan siya?

Para sa kaligtasan, kailangan niyang malaman ang katotohanan.

Nang marinig ni Sage na hahanapin ang kanyang mga magulang, medyo nag-aalala siya.

Pare-pareho ang mga bata sa buong mundo, lahat sila takot sa mga magulang!

Ganoon din si Sage.

Hindi siya natatakot sa langit o sa lupa maski kahit kay Satana o sa kapatid nya, pero natatakot siya sa Nanay niya!

Hindi siya sinasaktan ng Nanay niya, hindi siya natatakot na bugbugin siya ng Nanay niya, pero natatakot siya na malungkot ang Nanay niya dahil sa kanya.

Nawala ang dating pagmamayabang ni Sage at napanguso siya.

“Kung gusto mo, hanapin mo ang tatay ko, abala ang Nanay ko ngayon at wala siyang oras para makita ka.”

Iniba naman ni Sean ang mga tingin matapos sabihin ni Sage eto, kung sabagay. Ayaw nya ding makasagupa ang isang babae.

"Asaan ang tatay mo?"

"Tatay ko? nasa impyerno na nasa pinaka ilalim, dali puntahan mo na"

Sean: "....."

Sinamantala ni Jazel ang pagkakataon para magsalita,

“Ang walang modo naman ng batang ito! Sean! sinumpa ka niya, gusto ka niyang ipadala sa impyerno! Tingnan mo kung gaano kaluma ang damit niya, halatang galing sa mahirap na pamilya! Ang mga tao sa bundok ay masama ang ugali, walang modo! Kung ako sa’yo, huwag mo nang makita ang mga magulang niya, ipakulong mo na lang sila, at bigyan mo sila ng habambuhay na pagkakulong, para maparusahan sila!”

“Ha! Wala akong modo? Ikaw ba meron? Ang tanda-tanda mo na nga pero nang-aapi ka ng limang taong gulang, paano ka tinuruan ng Nanay mo?!” Hindi sumuko si Sage

Ang tanda-tanda na?

Gusto nang sumabog sa galit ni Jazel “Dalawampu’t walong taong gulang lang ako!”

“Ha? Talaga ba? Hindi halata, akala ko ay eighty-eight ka na.”

“Ikaw…”

“Manahimik ka! kung hindi, tutulungan ko ang Nanay mong disiplinahin ka!”

Matapos sabihin iyon ni Sage ay biglang tumunog ang kanyang relo.

Tinawag siya ng kanyang mahal na Nanay.

Sigurado siyang nag-aalala na ang Nanay niya dahil hindi niya nakita ito sa banyo.

Hindi niya kayang mapaghintay ang kanyang mahal na Nanay, kaya naman tumingin siya kay Sean.

“May gagawin pa ako, kaya hindi na kita makakasamang maglaro pa, paalam na!”

Matapos sabihin iyon ni Sage at saka sinipa niya ang kanyang mga paa ni Sean matapos nin ay iniangat ang kanyang kamay.

Lumabas ang isang jacket sa kanyang suot-suot na jacket at inihagis sa lalaki.

“Iyang jacket, regalo ko sa inyo! Walang anuman!” Matapos sabihin iyon ng bata ay dali dali na siyang tumakbo at nawala ang kanyang maliit na pigura sa karamihan ng tao.

Tiningnan ni Sean ang jacket na inihagis nang bata at mas lalong dumilim ang mukha niya.

“Alamin mo ang impormasyon ng bata iyon at dalhin mo ang mga magulang niya sa akin! tingnan mo rin kung paano sumabog ang apat na gulong nang sasakyan!”

“Opo!” Agad na tinawag ni Zoren ang mga bodyguard para pumasok sa airport.

Lumingon si Sean kay Jazel at hindi siya nagustuhan ang nangyari ngayon.

“Bakit niya sinabing inaapi mo ang kapatid niya?”

Nagpalit ng ekspresyon si Jazel at nagpanggap na walang-alam.

“Bakit ko naman aapihin ang bata na iyon? Ang kapatid niya ang nakakita sa akin na mayaman ako kaya gusto niyang mang-blackmail, hindi ka ba naniniwala? Tanungin mo ang manager ko"

"Ang bata pa niya pero marunong nang magsinungaling, halatang hindi maganda ang pagpapalaki nang mga magulang niya at galing sa mahirap na pamilya. Ang mga tao sa bundok ay masama ang ugali, walang modo, walang pinagaralan! Kung ako sa’yo, huwag mo nang makita ang mga magulang niya, ipakulong mo na lang sila, at bigyan mo sila ng habambuhay na pagkakulong, para maparusahan sila!”

Malamig na tiningnan siya ni Sean at hindi siya pinansin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status