Share

KABANATA 6

Malinaw na malinaw ang pagkakaintindi ni Sean sa sinabi nang babae, akala niya ay nilalandi siya ni Tanya sa publiko.

"Walang hiya! Hindi ko makatwiran ang sinasabi mo!"

Nanlaki ang mga mata ni Tanya. Alam niyang nagkakamali siya, kaya nagmadali siyang magpaliwanag.

"Nagkakamali ka! Gusto ko lang tingnan ang iyong..."

Gusto nyang makita ang balikat neto kung may kagat.

Noong panahong iyon, nawalan siya ng malay dahil sa sakit ngunit nagising ding muli dahil sa sakit. Hindi na niya matiis kaya naman ay kumagat siya ng mahigpit at madiin sa balikat nang lalake...

Napakasakit ng kagat niya nang gabing iyon, kung sa normal na tao ay magkakaroon pa ito ng peklat.

Kung may kagat siya sa balikat niya, mapapatunayan niyang siya ang lalaking iyon!

Pero bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay biglaang tumunog ang telepono ni Sean. Kinuha niya ang telepono at sinagot eto "Magsalita ka"

Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng tao sa kabilang linya, pero agad nagbago ang ekspresyon nang lalaki.

"Babalik ako kaagad."

Ibinaba niya ang telepono at nagmamadaling lumabas hindi na eto kalmado dahil bakas ang pagkabalisa ang mga mata niya.

Nakita ito ni Zoren at alam niyang may problema ang anak nang boss niya.

Sa mundong ito, ang nagpapapanic lang sa kanyang amo ay ang anak nito at ang babaeng anim na taon na ang nakalilipas ngunit hindi parin nila nahahanap.

Ang anak nang amo nya ay ang tunay na anak ni Sean at ang babaeng nawala anim na taon na ang nakakalipas ang siyempre, ang ina ng anak na hindi pa rin mahanap ni Sean.

Nagbago rin ang ekspresyon ni Zoren at nagmamadaling sumunod siya kay Sean.

"Boss, anong gagawin namin kay Miss Castillo?"

Hindi lumingon si Sean "Ibigay mo siya sa pulis!"

Natakot si Tanya, hindi na niya naisip na patunayan ang pagkakakilanlan niya kaya nagmamadaling sumunod siya,

"Hindi mo ako pwedeng ibigay sa pulis! May tatlong anak ako sa bahay at wala silang ama. Kung maaresto ako ng pulis, walang mag-aalaga sa kanila.

"Inaamin kong mali ang pagsira ng aking mga anak sa iyong sasakyan kaya pasensya na. Humihingi ako ng tawad! Pero limang taong gulang lang ang mga anak ko, hindi talaga sila pwedeng mawalan ng ina"

Lumingon si Sean at tumingin kay Tanya... Alam niyang higit sa lahat kung gaano kaawa-awa ang mga batang walang ina!

Katulad ng kanyang anak na si Saint.

Naawa si Sean pero hindi niya balak na palampasin siya kaagad.

"Ikulong mo muna siya dito at aasikasuhin ko siya mamaya!"

Nag-aalala si Tanya "Hindi mo rin ako pwedeng ikulong dito! Naghihintay ang mga anak ko sa akin sa maliit na hotel, ako... bang!"

Isinara ng mahigpit ang pinto ng silid at nilock eto.

Namumula ang mga mata ni Tanya dahil sa pag-aalala. Wala siyang dalang telepono at ang mga anak niya ay nasa maliit na hotel pa rin, paano kung may masamang tao na makaharap sa kanila?

"Palabasin mo ako! Ilegal ang pagkulong sa akin rito! Palabasin niyo ako..."

Kahit anong sigaw niya, walang nakikinig.

...

Ang pinakamagara at malaking mansyon sa buong Makati ay pagmamay-ari ni Sean.

Nagmamadaling umuwi si Sean, hindi pa niya natatanggal ang kanyang damit at sapatos ay dumiretso agad siya sa silid ng anak niya sa ikalawang palapag.

Nagmamadaling sumunod ang tagapag-alaga netong si Benjamin

Nag-aalala si Sean sa anak niya "Ano ba ang nangyari?!"

Agad na sinabi ng matandang tagapag-alaga ang nangyari "Maayos naman kanina si Sir Saint pero biglang dumating si Ma'am Jazel kanina upang magdala ng mga regalo at umakyat sa itaas para hanapin si Sir Saint. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na pangyayari o ang sinabi niya kay sir Saint pero biglang nagalit eto at nasaktan pa si ma'm Jazel"

May isang anino na dumaan sa mga mata ni Sean at bumilis ang kanyang mga hakbang.

"Nasaktan ba siya?"

"Hindi pa sigurado. Hindi kami pinapalapit ni Sir Saint."

"Bang!"

"Dong!"

"Pirili-barala—"

Nakarating lang si Sean sa pintuan ng kwarto nang kanyang anak, narinig na niya ang mga tunog ng pagbasag ng mga bagay sa loob.

Mas lalo siyang nag-alala.

Binuksan niya ang pintuan at dali-daling pumasok.

"Saint..."

Isang plorera ang tumama sa kanya, mabilis namang umilag si Sean rito. Lumipad ang plorera sa tabi ng kanyang tainga at diretsong lumipad palabas ng silid bumagsak sa sahig sa unang palapag kaya naman nagkadurog-durog eto.

Naging puti ang mukha ni Benjamin dahil sa takot, nakatayo kasi siya sa pintuan na ngayon ay hindi na makagalaw dahil sa takot.

Hindi na bago kay Sean ang ganitong mga bagay. Lumakad siya papasok sa silid at matiyaga niyang tiningnan ang kanyang galit na anak, dahan-dahang lumapit rito upang aluin.

"Saint, bakit ka naman nagagalit?"

Mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ni Saint at nakakunot ang kanyang maliliit na kilay, tumataas at bumababa ang kanyang dibdib.

Madilim ang kanyang mukha at halatadong puno ng galit. Ang kanyang galit ay katulad ng kay Sean kahit ang kanyang aura ay pareho rin sa Ama.

Halatang-halata na anak niya talaga ang bata!

Dahan-dahang lumapit si Sean sa anak at nais sa niyang yakapin ang kanyang anak pero tinanggihan ni Saint ang kanyang yakap niya. Lumayo eto at tumayo siya dalawang metro mula sa kanyang ama habang malamig na tinititigan siya.

"Magpapakasal ka na ba?"

Nagulat si Sean "Sino ang nagsabi sa iyo?"

Hindi sumagot si Saint at titig na titig lang sa kanya.

Naalala ni Sean si Jazel "Sinabi ba ni Jazel iyon?"

Kumunot ang noo ni Saint: "……"

Naunawaan ni Sean ang nangyayari. Nagsalita siya ng may madilim na mukha.

"Huwag kang maniwala sa kanyang mga kalokohan! Hindi balak ni Daddy na humanap ng stepmother para sa iyo. Sa loob ng maraming taon, hindi kailanman sumuko si Daddy sa paghahanap sa iyong tunay na Mommy, alam mo iyan, Saint."

"Hindi mo siya pakakasalan?"

"Hindi!"

"Sigurado ka?"

"Siguradong Sigurado!"

Nang marinig ito ni Saint ay bahagyang humupa ang kanyang galit "Hindi ko siya gusto."

"Hindi ko rin siya gusto," sabi ni Sean.

"May balita ka na ba tungkol sa Mommy ko?" tanong ni Saint.

"Wala pa, pero huwag kang mag-alala. Kapag may balita na, ako ay ikaw ang unang kong pagsasabihan" sagot ni Sean sa anak.

May pagmamahal at galit si Sean sa babaeng iyon!

Noong panahong iyon, naging gamot siya para kay Sean at hindi direkta iniligtas siya nito mula sa pagkakalason ng katawan, Nagpapasalamat siya sa kanya.

Bukod pa rito ay may pagkatradisyonal ang kanyang pananaw, naniniwala siyang iisang tao lang ang para sa buhay niya. Dahil naging magkasama na sila kahit pa isang gabi lang ay siya lang ang kinokonsidera niyang para sa kanya, hindi siya mabubuhay kung wala siya!

Kaya gusto niyang hanapin ang babae at pakasalan siya, makasama siya habang buhay at mamuhay ng masaya magpakailanman.

Pero nang maglaon at biglang lumitaw si Saint kaya mas lalo niyang minahal ang babae, pero naging dahilan din ito upang magalit siya sa kanya.

Siya lang ang naging kasama niya sa kama at si Saint na anak nila, Ito ang bunga ng kanilang pagmamahal kaya paano niya maatim na basta-basta etong iiwanan!?!?!

Kung hindi pa natuklasan ni Jazel si Saint ay mamamatay sana si Saint sa kanyang pintuan!

Iniwan siya ng babae na iyon at iniwan din niya ang kanilang anak!

Napakasama niya!

Sinisi ni Sean ang babae sa kanyang puso.

Nang makita niyang medyo humupa na ang galit ni Saint.Lumapit siya, lumuhod, at hinawakan ang pisngi ng kanyang anak. Sabay malumanay na kanyang tininig.

"Saint, gusto ni Daddy na mahanap siya gaya ng gusto mo. Nais kong lumitaw siya sa harap natin ngayon, ngunit may mga bagay na hindi puwedeng pilitin. Hindi natin siya basta maaasam at makakamit."

Maaaring hindi ito kapani-paniwala ngunit ang dalawang lalaki ay itinuturing na na pinakamahalaga sa mundo ang babaeng iyon at ngayon ay parehong mas nag-iisa at mas kaawa-awa kaysa sa babaeng matagal na nilang hinahanap!

Pareho silang iniwan ng parehong babae!

Mahigpit na nakakunot ang noo ni Saint

"Bakit ayaw sa iyo ni Mommy o ayaw niya sa akin? Hindi ka ba sapat na mabuti o hindi ako sapat na mabuti?"

Umiling si Sean "Kakapanganak palang sayo nang umalis siya. Paano magiging kasalanan mo iyon? Napakabuting bata mo."

"Kung gayon, dahil hindi ka sapat na mabuti, tama ba? Baka pinahirapan mo siya kaya siya umalis?"

"Ano..." Nais sanang tumutol ni Sean ngunit nakaramdam siya na parang may malaki siyang pagkakasala.

Bagamat may mga dahilan sa nangyari noon, wala siyang pagkakataong pumunta sa kwarto dahil sa ilalim ng mga kalagayang nang oras na iyon. Kung hindi niya siya iniwang magisa sa kwarto at baka mamamatay ang dalaga doon.

Ngunit nang mga oras nayon ay talagang nagpunyagi at lumaban ang dalaga noon.

Maaari itong maturing na pang-aapi sa Ina ni Saint kung tutuusin.

Hindi niya alam kung umalis siya ng palihim dahil dito...

Mali siya, alam niya iyon.

Totoong nais niyang ituwid ang pagkakamali niya para makasama siya nang maayos sa natitirang bahagi ng kanilang buhay.

"Saint... nagkaroon kami ng ilang di pagkakaunawaan ng iyong Mommy ngunit maniwala ka sa akin, sinabi ko sa kanya noon na gagawin ko siya ang pinakamasaya at pinakamahalagang babae sa mundo ngunit nawala pa rin siya... Miss mo siya at sobrang miss ko na rin siya."

Tumuloy si Saint sa pagtitig kay Sean ng ilang sandali, pagkatapos ay umiwas at umupo sa tabi ng bintana habang sabik na nakatingin sa pintuan ng villa.

Madalas siyang umupo doon kapag nag-iisa siya sa bahay.

Umaasa lamang na isang araw, kapag biglang lumitaw ang kanyang Mommy, siya ang unang makakita sa kanya.

Tumingin si Sean sa malungkot na likod ng kanyang anak at nakaramdam ng sakit sa kanyang puso.

Tuwing nangyayari ito, hindi niya maiwasang sisihin siya sa kanyang isip.

Patay na ba ang babae, nasaan na ba siya?

Sobra na ang sakit na nararamdaman ng anak nila dahil sa sobrang pangungulila sa kanya ngunit hindi pa rin siya bumabalik.

Iniwan kami nang hindi manlang inaalala ang mararamdaman, wala ba siyang nararamdaman na pangungulila at kahabagan sa puso?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status