Share

KABANATA 8

Samantala, dinala na ng tatlong bata ang kanilang inang si Tanya sa kanilang bagong tirahan.

Hindi nila siya nakita nang lumabas sila mula sa pagligo kamakailan at bukas ang pinto ng silid nila kaya naman ay sobra ang pag-aalala nila para sa ina.

Tiningnan ni Sawyer ang CCTV at nakita na siya ay dinukot kaya agad siyang nagpunta para iligtas siya!

Hindi alam ni Tanya na ang tatlong anak niya ang nagligtas sa kanya at natatakot pa rin siya sa nangyari.

Nang marinig niya ang alarma ay agad siyang tumakbo patungo sa pinto at nang buksan niya ito ay bumukas ito kaya naman bumaba na siya di inaasahang nakita niya ang tatlong anak niya.

Agad na silang sumakay ng taxi pauwi.

Natahimik si Tanya at tinanong sila.

"Bakit kayo biglang nandoon?"

Sabi ni Sawyer "Nakita naming wala ka Mommy sa kwarto at narinig namin sa may-ari ng motel sa baba na dinukot ka daw nang mga lalaki kaya hinanap ka namin gamit ang location mo. Nang makarating kami roon ay bumaba ka na. Mommy, ano ba ang nangyari?"

Hindi na nag-isip pa si Tanya, lumingon siya kay Sage at nagsalubong ang kilay niya.

"Sage, sabihin mo sa Mommy ang totoo. Bakit mo ginagawang gasgas ang sasakyan ng iba?"

Kumurap-kurap si Sage.

"Sila ba yung dalawang lalaki at babae na nagdukot sa'yo?"

"Anong lalaki at babae?"

Galit na sabi ni Sage "Kung alam ko lang na gagawa pa sila ng gulo ay dapat hindi ko na sila pinatawad sa istasyon ng tren! Ang galing nilang gumawa ng gulo, halatang naghahanap ng away! Mommy, wag mo nang isipin 'yan, ako na ang bahala sa kanila!"

Nang matapos magsalita si Sage ay nagsimula siyang maglakad palabas habang nakakuyom ang kamao.

Ngunit hinawakan siya ni Tanya at pinaupo sa upuan tsaka nagsalita ng seryoso.

"Ano ba ang nangyari sa istasyon ng tren?"

Nag-pout si Sage dahil alam niyang hindi na niya ito maitago kaya naman sinabi niya ang nangyari.

Nang marinig ito ni Tanya ang sagot ni Sage ay nanlaki ang mga mata niya!

Hindi niya alam na nangyari ang ganito!

Niyakap ni Tanya si Samuel at tiningnan ang mga sugat niya.

Nang makita niya ang pasa sa katawan ni Samuel na hindi pa nawawala ay sobrang naawa si Tanya.

Naiiyak niyang tinanong si Samuel "Masakit ba?"

Napakabait ni Samuel at dahil nakita niyang nalulungkot si Tanya ay agad siyang gumawa ng paraan upang magpagaan ng loob nang ina.

"Hindi na po, hindi na po masakit. Mommy, wag ka pong malungkot, tingnan mo oh kaya ko na pong tumalon-talon."

Nang matapos magsalita si Samuel ay tumalon siya mula sa pagkakayakap sa kanya at tumalon pa ulit ng dalawang beses sa harap niya para patunayang okay na siya.

Tiningnan ni Tanya ang masunuring si Samuel at hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.

Inulit niyang niyakap si Samuel atsaka hinahaplos ang ulo niya at sobrang nalulungkot.

Sa tatlong anak niya.

Dahil may pagka espesyal ang sitwasyon ni Samuel kaya naman bukod sa pantay na pagmamahal niya para sa tatlo ay mas lamang ang pag-aalala niya kay Samuel.

"Pasensya na Samuel, hindi kita naalagaan ng maayos kaya nagkaroon ka ng problema."

Umiling si Samuel "Hindi po, sabi nung tita sa baba, ang puti at ang taba ko daw halatang inaalagaan ako ng maayos ni Mommy."

Mahigpit na niyakap ni Tanya si Samuel at niyakap siya ng matagal.

Pagkatapos ay binuksan niya ang maleta at kinuha ang kanyang gawang gamot at inilagay sa pasa.

Pagkatapos ay kinausap niya si Sage, pinuri siya kung saan dapat purihin at pinagalitan kung saan dapat pagalitan.

Halimbawa, dapat maging matapang ang isang lalaki at hindi dapat magsimula ng gulo, pero hindi rin dapat matakot, tama na pinagtanggol niya ang kapatid niya kaya karapat-dapat siyang purihin.

Pero hindi tama na tumakbo siya para ayusin ang problema at ginagawang gasgasan ang sasakyan ng iba pero hindi niya sinabi kay Mommy.

At…

Mahigpit na binigyang diin ni Tanya ang tungkol sa mga paputok at sinabi kay Sage na huwag na huwag na siyang maglaro ng mga iyon.

Hindi niya alam na hindi iyon mga paputok kundi mga maliliit na bomba na ginawa mismo ng anak niyang si Sage.

Para hindi magalit ang Mommy niya ay tumango ng tumango si Sage at nagpakita ng pagiging masunurin.

Tungkol naman sa paglipat ng tirahan, nag-imbento si Sawyer ng dahilan at naniwala naman si Tanya.

Pagkatapos ay tinanong ulit ni Sawyer "Ginulo ka ba nila?"

Naalala ni Tanya ang 50 milyon na hinihingi sa kanya at kumunot ang noo niya. Ayaw niyang mag-alala ang tatlong anak niya, kaya nagsinungaling siya na lamang siya.

"Wala, tapos na ang lahat. Sige na, maglaro na kayo, pupunta lang ako sa banyo."

Pumunta si Tanya sa banyo at nagpulong ang tatlong bata sa silid-tulugan.

Sabi ni Sawyer "Hindi ganun kadali ang nangyari, hindi pa tapos ang lahat. Kung hindi, hindi nila ikinulong si Mommy."

Nakakuyom ang kamao ni Sage.

"Gusto nilang matapos, pero ayoko pa! Ang mahal naming Mommy, hahayaan lang ba natin silang basta-basta na lang siya saktan?! Kuya, ikaw at si Samuel samahan niyo si Mommy dito sa bahay at ako na ang bahala sa kanila! Kailangan nilang malaman ang kahihinatnan ng pananakit sa Mommy natin!"

Handa nang umalis si Sawyer pero pinigilan siya ni Sage.

"Huwag ka nang pumunta ngayon, ako na lang."

"Ikaw? May mga bodyguard yung dalawang lalaki at babae na 'yun, baka hindi mo sila makalaban."

Nakatitig si Sawyer sa kanyang maliit na tablet, maliit siya pero puno ng plano ang mga mata niya.

Tumahimik siya ng ilang segundo at dahan-dahang nagsalita,

"Sabi ni Mommy, nasa panahon na tayo ng batas kaya dapat tayong sumunod sa batas, gagamitin natin ang legal na paraan para maghiganti kay Mommy."

“……”

Samantala, hindi alam ni Tanya na nakatuon na naman ang tatlong bata kay Sean.

 Nang gabing iyon, hindi siya makatulog. Ang 50 milyong bayad sa pinsala ay hindi siya pinapatulog kakaisip rito.

Kahit patayin siya ngayon ay hindi talaga niya maibibigay ang 50 milyon!

At nang maisip niya ang mukha ng lalaki mas tumaas ang presyon ng dugo niya, sobrang kamukha niya talaga ang dalawa niyang anak na si Sawyer at Sage.

Ibig sabihin, posible na siya yung lalaki nung araw na iyon!

Nang maisip niya iyon… gusto niyang patayin siya!

Pero, hindi siya 100% na sigurado  kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin…

Hindi siya nakatulog buong gabi at nang sumunod na umaga, nakahanap na ng solusyon si Tanya.

Hindi niya maibibigay ang 50 milyon at may panganib na maagaw ang mga anak niya ng lalaki, kaya kailangan niyang makipaghiwalay kay Sean atsaka aalis muna siya dito upang humanap ng paraan para makabayad.

Kaya naman ay bumangon na si Tanya saka naghilamos, nag-iwan ng sulat, at nagbilin sa tatlong bata na manatili lamang sa kwarto at huwag maglakad-lakad matapos noon ay lumabas siya.

Sumakay siya ng taxi, at dumiretso sa tirahan ni Sean para makipaghiwalay sa kanya.

……

Samantala, nagkagulo na sa panig ni Sean.

Maaga pa lang ay nakatanggap na siya ng balita.

Ang gusali na sinuri niya kahapon ay binili ng iba sa mas mataas na presyo nang magdamagan!

Ang ilang lupa na gusto niyang bilhin ay nakuha ng iba sa loob lang din nang magdamag!

At ang ilang kontrata na dapat na lalagdaan niya ay lahat iyon ay naagaw na ng iba!

Sa paunang pagtatantya ang pagkalugi ni Sean ay halos umabot sa bilyun-bilyong dolyar.

Hindi iyon ang dahilan ng pagkainis ni Sean dahil mayaman naman siya, hindi naman malaking problema ang pagkalugi ng ilang bilyong dolyar.

Ang tunay na dahilan ng kanyang pagkainis ay malinaw na mayroong sumasabotahe sa kanya!

Sa loob ng maraming taon, siya ay nangunguna sa larangan ng negosyo at kapag tumikhim siya, ang buong ekonomiya ay nanginginig na sa takot.

Walang sinuman ang nangahas na hamunin siya at walang sinuman ang nangahas na magsalita ng malakas sa harap niya!

Pero…

kahit ang pinakamahusay niyang hacker ay hindi mahanap kung sino ang taong iyon!

Kaya nagalit siya at wala siyang mailabas na galit.

Masama ang loob ng amo kaya naapektuhan ang mga empleyado.

Ang buong Buenavista Corporation ay nalilipungan ng madidilim na ulap na puno nang galit ni Sean.

Si Zoren ay abala at halos sumabog na ang telepono niya.

Hindi pa nila maunawaan ang sitwasyon, ang mga computer sa buong kumpanya ay nag-crash na naman, dapat silang abala pero ngayon ay nakaupo lang sila sa kanilang mga upuan, at nagkatinginan.

Hindi nila alam kung ano ang gagawin, wala silang magawa.

"Mga walang kwentang tao ba ang mga nasa technical Department?!" Galit na galit si Sean.

Nag-aalala na si Zoren at nagpapawis ang noo niya, patuloy niyang inuutusan ang technical Department.

Halos maiyak na ang mga tao sa technical Department, hindi rin sila mga ordinaryong tao pero ngayon nakaharap sila sa isang dalubhasa!

"Okay na okay na, pwede na pong buksan ang computer!"

Matapos ang ilang sandali, nagbukas na rin ang computer at nagpunas ng pawis ang mga tao sa technical Department.

Pero, nang mag-on ang screen, nagulat ang lahat!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status