Share

KABANATA 7

"Pinakamamahal ko…”

“Lumabas ka na, gusto kong mapag-isa”

“…”

Napabuntong-hininga si Sean at pansamantalang umalis.

Pagkalabas niya ng silid ay agad nagbago ang kanyang ekspresyon.

Papatanungin na sana niya si Jazel kung saan nagpunta nang biglang lumitaw si Jazel sa sala sa ibaba, namumula ang mga mata neto.

Nang makita siyang lumabas mula sa silid kanyang pinakamamahal na anak ay agad siyang lumapit at nagtanong nang may pag-aalala.

“Sean, kamusta na ang lagay ni Saint?”

Malamig ang mukha ni Sean pero hindi siya nagalit.

Tanda nyang si Jazel ang nagligtas sa buhay ng kanyang pinakamamahal na anak!

Noong bata pa, si Jazel ang nakakita sa pinakamamahal niyang anak sa labas ng bahay, kaya nakaligtas siya.

Nagduda rin siya noon, bakit nagkataon na si Jazel pa ang nakakita sa kanyang anak.

Posible bang sinadya ni Jazel na itago ang tunay na ina ng kanyang anak at pagkatapos ay ibinigay ang sanggol sa pintuan ng kanilang bahay upang palabasin na nagkunwaring naligtas neto ang anak niya para pasalamatan siya?

Maraming ganitong eksena sa mga nobela at telebisyon.

Pero nag-imbestiga siya ng mabuti at natuklasan niyang sinadya nga ni Jazel na makita ang pinakamamahal nyang si Saint.

Wala ring kinalaman si Jazel sa pagkawala ng ina ng kanyang anak!

Kaya kahit na hindi niya gusto si Jazel ay palagi siyang may paggalang sa kanya. At para punan ang kawalan ng pagmamahal sa ina ng anak niyang si Saint at hindi niya pinipigilan si Jazel na bumisita sa bahay para makita si Saint.

Kaya siguro nag-akala ang lahat na gusto niya si Jazel. May mga tsismis pa ngang nagsasabing si Jazel ang tunay na ina ng pinakamamahal nyang anak.

Alam lang ng mga tao sa paligid niya ang totoo. Ang ina lang ng kanyang anak ang nasa puso niya at hindi niya kayang makasama si Jazel, hindi rin siya nagbigay ng kahit anong pag-asa sa kanya!

Tulad ng sinabi niya sa kanyang anak, hindi niya gusto si Jazel.

Bumaba si Sean sa hagdan, malamig ang mukha nya at nang makita niya ang puting benda sa braso ni Jazel ay napasabi siyang “Pasensya na, nasaktan ka ng anak ko”

Agad na nagsalita si Jazel: “Okay lang ako, nag-aalala lang ako kay Saint. Ano ba ang nangyari sa kanya?  Nagalit siya sa akin nang makita niya ako ngayon, dahil ba kasi matagal akong nawala dahil sa trabaho ko kaya nakalimutan na niya ako?”

Mukhang nag-aalala talaga si Jazel sa anak niya, ngunit nagkukunwari etong walang alam kung bakit ganon ang inasta ni Saint!

Tiningnan siya ni Sean, alam niyang dahil sa sinabi niya sa anak neto na pakakasalan niya siya, kaya nagalit ang bata at nagwala.

Malamig niyang sinabi, “Hindi, namimiss niya ang tunay niyang ina.”

Nang marinig niya ang iyon ay palihim na kinuyom ni Jazel ang kamao niya. Alam niyang parehong nagmamahal si Sean at ang anak nitong si Saint sa iisang babae at naiinggit siya rito!

Noong nakita niya ang ang anak ni Sean na si Saint ay halos masaya siya.

Sa wakas, may pagkakataon na siyang makalapit kay Sean!

Noon, gusto niyang nagpasalamat si Sean sakanya at gusto nyang gumawa nang paraan upang mapalapit rito kaya sinabi niya na masama sa paglaki ng bata ang pagiging nag iisang magulang nito kaya naman suwestyon nya ay gusto niyang pakasalan si Sean.

Kahit na maging asawa niya lang sa papel ang lalaki ay okay lang sa kanya.

Pero sinabi agad ni Sean na hindi pa siya nakakakuha ng diborsyo sa kanyang asawa.

Kung mag-aasawa ulit siya, magiging bigamy iyon.

Kaya hindi sila pwede magpakasal.

Pwede lang siyang magbigay ng ibang bayad.

Talagang galit siya noon!

Dahil hindi niya makuha ang gusto nang kanyang puso at hindi rin makuha ang gusto nyang posisyon, nakakainis diba? Nakakapanghina dibaba?

Ang tatlong taong pinaka-kinamumuhian niya sa buong buhay niya ay ang tunay na ina ng Saint, ang asawa ni Sean, at kasama narin si Saint rito!

Gusto niyang patayin silang tatlo!

Naghihinanakit si Jazel sa kanyang puso pero nagkunwari nalang siyang nag-aalala “Kasalanan ko ito, hindi ko naibigay kay Saint ang pagmamahal ng isang ina, kaya naisip niya ang tunay niyang ina at nagkasakit.”

“Hindi mo kasalanan, normal lang sa mga bata na ma-miss ang kanilang mga ina. Hindi ikaw ang tunay niyang ina, kahit gaano ka pa ka-sipag, hindi mo maibibigay sa kanya ang pagmamahal na gusto niya.”

Talagang nagsasabi ng totoo ang CEO ng Buenavista at nagkagulo na naman ang puso ni Jazel.

Hindi siya ang tunay na ina ni Saint at totoong hindi na ito mababago pa!

Gusto na sanang magsalita si Jazel pero nagsalita ulit si Sean.

“Hindi maganda ang kalagayan ni Saint ngayon kaya huwag ka na munang bumisita sa bahay ko kung walang importanteng bagay, kung kailangan mong pumunta, tawagan mo muna ako.”

Nanlaki ang mga mata ni Jazel: “???!!!”

Dahil sa kaguluhan ni Saint ay hindi na siya makakapasok sa bahay ni Sean?!

Ano ang pagkakaiba niya sa ibang mga babaeng naghahangad kay Sean?

Hindi pwede! hindi pwede! hindi pwede!

“Sean, ako…”

“Ang kalusugan ni Saint ang pinakamahalaga, iyan ang desisyon ko!” Malamig na sinabi ni Sean at direktang pinatalsik siya.

Ito ang parusa sa pagsisinungaling niya sa harap ng pinakamamahal niyang anak.

Malinaw niyang sinabi na hindi niya siya pakakasalan, pero naglakas-loob pa siyang magsinungaling at guluhin ang anak nya!

Bukod pa rito, ayaw naman talaga niyang pumupunta si Jazel sa bahay niya.

Nagagalit si Jazel pero dahil mukhang galit na galit si Sean ay hindi niya siya tumanggi pa kaya umalis nalang muna siya.

Sinabi ni Sean sa katiwala: “Kung bumisita siya ulit, huwag mo siyang papasukin, tawagan mo muna ako.”

“Opo!”

Ilang sandali lang ay nagmamadaling dumating si Luhan.

Si Luhan ay kaibigan ni Sean at isang doktor din.

Nag-usap sila tungkol sa kalagayan ni Saint.

Nang marinig ni Luhan ang buong kwento kwento, sinabi rin niyang huwag nang palapitin pa si Jazel kay Saint sa ngayon at dagdag pa niya: “Base sa nakita ko kay Saint ngayon ay lumalala na ang kanyang bipolar disorder, hindi maganda kung magpapatuloy pa ito.”

“Pero tinatanggap naman niya ng gamot.”

“Hindi lang naman sa gamot ang problema, nasa isip niya din ang problema. Sobrang lakas ng attachment ng bata sa kanyang ina kung maibabalik lang ang kanyang ina at pag nakasama niya eto ay mawawala na ang problema.”

Nagsindi ng sigarilyo si Sean at mukhang naiinis.

Kung kaya niyang hanapin ang ina ng bata, bakit pa siya mag-aalala?

Minsan nga, hinanap niya ang isang babaeng kamukha ng ina ng anak nya at pinapunta niya sa bahay pero matalino ang bata at nakilala niya agad na hindi ito totoo.

Nagalit pa siya ng sobra.

Naiintindihan ni Luhan ang sitwasyon niya at napabuntong-hininga “Kung hindi, kumuha ka na lang ng child psychologist na isang eksperto sa gantong field at kasambahay para palagi siyang kasama ni Saint. Kung hindi siya tatanggi sa babae at makakausap niya ang bata ay makakapasok siya sa isip ng bata at matutulungan niyang maayos ang kanyang trauma. Kahit hindi maayos, palagi siyang nakabantay kay Saint upang maiwasan na lumala ang sakit niya at para narin maiwasan na mangyari ulit ang nangyari ngayon, at least may kasama siya kapag nagkasakit siya.”

Tumango si Sean “May kilala ka bang angkop para dito?”

“Wala pa, pero kung okay lang sa'yo na may ibang babae na palagi sa bahay mo ay pwede akong maghanap.”

“Huwag mo akong isipin para lang ang lahat nang ito sa anak ko”

Para sa anak niya, kahit ang buhay niya ibigay niya lalo na ang ibang bagay, kaya niya tiisin.

“Sige, hahanap ako pag-uwi ko.”

“Okay.”

Biglang tumunog ang telepono ni Sean “Sir, hindi maganda ang nangyayari rito! tumakas si Miss Castillo!”

“Tumakas?!”

“Oo, biglang tumunog ang fire alarm ng building at nagmamadaling lumabas ang lahat, nagkagulo at nakatakas si Miss Castillo.”

“Hindi niyo man lang kaya bantayan ng maayos ang isang babae, mga walang kwenta!”

Naiinis na talaga si Sean dahil sa nangyari ay mas lalo siyang nagalit siya.

Hinila niya ang kanyang necktie, at seryosong nagtanong

“Bakit tumunog ang fire alarm? Ano ang dahilan?”

“May naglagay ng smoke bomb sa basement, kaya tumunog ang fire alarm, pero hindi namin makita kung sino ang naglagay, at nasira ang… ang CCTV.”

Nang marinig iyon ay nagdilim ang mga mata ni Sean.

Naglagay ng smoke bomb para iligtas siya, at sinira pa ang CCTV, ibig sabihin ay may tumutulong sa kanya.

Kanina lang, hindi na siya nagduda pero mukhang nagkamali siya.

“Hanapin ang lokasyon niya at dakpin siya at ibalik ulit doon!”

“Masusunod!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status