Share

KABANATA 12

Si Tanya ay kinabahan. "Sinasabi ko ang totoo tapos hindi mo ako pinaniniwalaan, ano ba talaga ang gusto mong marinig? Ano ang gusto mong sabihin ko? Wala akong intensyon na lumapit sa iyo, at walang nagtuturo sa akin! Kung pwede lang talaga, gusto kong manatiling malayong-malayo sa 'yo hangga't maaari. Mas mabuti nang huwag na tayong magkita muli sa ating buhay!"

Ang ekspresyon ni Sean ay dumilim at mariin ang titig sa kanya. "Hindi ba sinabi mo na hindi mo ako kilala? Bakit gusto mong manatiling malayo at huwag nang makita ako muli sa natitirang bahagi ng iyong buhay? May galit ka ba sa akin?"

Napagtanto ni Tanya na may nasabi siyang hindi dapat, ang kanyang mahahabang pilikmata ay kumurap-kurap nang labis sa isang sandali habang pansamantala siyang nag-iisip ng sagot.

"Hindi ako galit sa 'yo, ano!"

"Anong ibig sabihin ng mga sinabi mo kanina kung ganoon?"

"I... iniisip kong pangit ka, kaya't ayaw kong makita ka. Kapag nakikita kita, naaalala ko ang Hari ng Impiyerno, kaya't gusto kong manatiling malayo sa iyo."

Muli na namang walang masabi si Sean.

Nakabukas  ang pinto ng sasakyan, at ilang bodyguard ang nakatayo sa tabi ng sasakyan, ang kanilang mga ekspresyon ay naging hindi maipinta sa bawat pagdinig sa mga salita ni Tanya. Bagaman sinasabi ng marami na si Sean ang buhay na Hari ng Impiyerno, ang babaeng ito ang unang naglakas-loob na sabihin ito nang direkta sa mukha ng lalaki.

Bukod dito, tinawag pa ni Tanya na pangit si Sean, ha!

"Dalhin siya sa bilangguan, hayaan siyang magutom ng tatlong araw, at huwag siyang papakainin nang walang pahintulot ko. Maaari lang siyang pakawalan kapag handa na siyang makipag-cooperate."

Pagkasabi nito, inalis ni Sean ang kanyang mga tingin kay Tanya, na ayaw nang tingnan pa ang babae.  Agad na kinubabae Tanya ng dalawang bodyguard mula sa sasakyan.

Nalito si Tanya; ano ang mangyayari sa kanyang mga anak kung talagang dadalhin siya sa kulungan? Sa matinding desperasyon, sinabi niya,

"Hoy, ikaw na lalaki ka! Hindi mo ako maaaring ikulong. Ako ang asawa ni Sean Buenavista!"

Biglang binuksan ni Sean ang kanyang mga mata, nakakunot ang noo habang tinitingnan si Tanya.

Si Zoren at ang mga bodyguard ay nanlaki ang mga mata at nagpabalik-balik ang tingin sa kanila.

Si Tanya ay humagikhik, pinipilit ang sarili na sabihin, "Asawa talaga ako ni Sean Buenavista. Kung hindi mo ako pinaniniwalaan, pwede mo akong paimbestigahan. Kilala mo ang pamilya Buenavista, di ba? Ang pinakamakapangyarihang pamilya sa Metro at halos tinitingala ng maraming tao sa lungsod. Kahit na baldado si Sean Buenavista at hindi pabor sa pamilyang Buenavista, isa pa rin siyang miyembro ng pamilyang Buenavista. Asawa niya ako kung hindi mo alam, kaya't miyembro pa rin ako ng pamilya Buenavista. Kung sasaktan mo ako, parang sinaktan mo na rin si Sean, at ang pananakit kay Sean ay katumbas ng pananakit sa pamilyang Buenavista. Mahalaga sa mga malalaking pamilya ang kanilang katayuan at bawal na madawit sa kung anong scandal o gulo; ilang buhay ba ang mayroon ka na sapat para harapin ng pamilyang Buenavista?"

Si Sean ay natulala na lang kay Tanya.

Nang makita niyang tahimik si Sean, nagpatuloy si Tanya, "Sasabihin ko sa iyo, si Sean Buenavista, siya... talagang mahal na mahal niya ako! Mahal na mahal niya ako kaya pinipigilan niyang malayo sa akin! Hindi niya kayang mawala ako sa paningin niya! Kung maglakas-loob kang saktan ako, hindi ka niya palalampasin!"

Si Sean: "..."

Ang mga bodyguard: "..."

Ang katahimikan sa sandaling ito ay nakabibingi!

Nasa harap ni Tanya si Sean, ngunit hindi niya ito nakilala at naglakas-loob pang sabihin na mahal niya ito, at mahal na mahal siya nang sobra-sobra. Sinuman ang makarinig nito ay iisipin na ito ay isang kasinungalingan, at napaka-kahihiya pa.

Kung sinabi lang ni Tanya na siya ang kanyang asawa, maaaring maniwala pa si Sean nang kaunti; ngayon, hindi siya naniniwala kahit sa kung anong gusto nitong sabihin. Nakalapat nang mariin ang kanyang mga labi, at ang kanyang pagkadigusto ay halata na kitang-kita ng lahat.

Hindi siya nagka-interes na ilantad ang mga kasinungalingan ni Tanya, kahit hindi siya tumingin sa babae ay malamig niyang sinabi, "Get her out of here!"

"Hoy! Ikaw... ugh..."

Tinakpan ng mga bodyguard ang bibig ni Tanya at hinila siya mula sa sasakyan, dadalhin siya sa himpilan ng mga pulis.

Si Zoren ay nagmamadali sa pagdala ng video ng surveillance, inutusan ang mga bodyguards na huminto, "Sandali lang, teka!"

Pumasok si Zoren sa sasakyan at ibinaba ang kanyang boses para hindi marinig ng iba ang sasabihin, “Sir, nakita ko na ang babae na binanggit ni Dr. Luhan. Lumalabas na siya ang Miss Castillo na hinahanap namin! Tingnan mo, napatahan niya si Francis!"

Si Sean: "?!"

Matapos kunin ang tablet at tingnan ito ng ilang sandali, itinuwid ni Sean ang kanyang ulo upang tingnan si Tanya sa labas ng sasakyan, at ang kanyang ekspresyon ay naging kumplikado.

Talaga namang hindi niya inaasahang ang babae na gustong agarang makita ni Luhan ay nasa harapan na niya mismo!

Si Francis ay pamangkin ng kanyang matalik na kaibigan na si Howard. Dalawang taon na ang nakakaraan, si Francis ay na-kidnap at nagkaroon ng trauma dahil doon, at mayroon ding bipolar disorder ang bata. Sa bawat atake ng episodes ng bata, ang kanyang kondisyon ay katulad kay Saint na kanyang anak.

Ang pamilyang Lopez, tulad niya, ay kumunsulta ng maraming pediatric experts, ngunit wala ni isa ang nagbigay ng solusyon.

Hindi niya inaasahan na masosolusyonan ito ni Tanya.

Ang babaeng ito...

Kung hindi dahil sa nakaraang insidente, tiyak na iniimbitahan niya itong umuwi para tulungan sa pag-aalaga kay Saint.

Ngunit ngayon, maraming bagay ang tumatakbo sa isip niya.

Ang isyu ni Francis ay pakiramdam niya ay isang set-up, para makalapit sa kanya at kay Saint, sadyang nagpapanggap ba itong babae para makita niya?

Pagkatapos ng lahat, maraming bagay ang nangyari mula nang lumitaw ang babae; tiyak na hindi ito kasing simple ng kanyang ipinapakita.

Tahimik si Sean sa loob ng ilang sandali at malamig na sinabi, "Let her go for now."

Gusto niyang mas masusing obserbahan si Tanya.

Kung intensyonal siyang malapit sa kanya, sa pagkakataong ito na pakawalan siya, siguradong makakahanap ng paraan ang babaeng ito upang muling lumitaw sa kanyang harapan.

Kapag dinala si Tanya kay Saint, kailangan niyang tiyakin na wala itong masamang intensyon!

Noong biglang binitiwan si Tanya ng mga bodyguards, naramdaman ang kaunting pagkamangha habang mapagmatiyag na tumingin sa sasakyan.

Baka nakumpirma na ng lalaking ito na siya ang asawa ni Sean, kaya natatakot na siguro? Dapat ay ganoon nga!

Mukhang bagaman si Sean ay may kapansanan at hindi pabor sa pamilyang Buenavista, kapaki-pakinabang pa rin ang pangalan ng lalaking iyon sa ganitong sitwasyon.

Pagkatapos ng lahat, ang pamilyang Buenavista ay bigatin at makapangyarihan, ang nangungunang mayaman at sikat napamilya sa Metro Manila!

Hindi na nag-isip pa si Tanya at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Sa kubling lugar, may isang mataas na lalaki na halos mukhang multo ang nagmamasid sa nangyayari. Isang masamang ngisi ang nakabitin sa kanyang mga labi habang bulong niya,

"Magandang palabas, magandang palabas, hehehe..."

Parang napansin ni Sean ang hindi pangkaraniwang tingin; ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at sumilip sa labas ngunit walang nakitang kahina-hinalang bagay.

"Ano ang problema, Sir?"

"Wala, umalis na tayo."

......

Samantala, nang umuwi si Tanya sa kanyang tahanan, agad niyang naamoy ang masarap na amoy sa pagpasok pa lang sa pinto. Si Samuel ay nakatayo sa isang maliit na stool na nagluluto ng egg fried rice.

Pagkatapos ilabas ang kanyang inis kanina, pakiramdam niya ay mas magaan na ang kanyang kalooban; bagaman hindi siya nagtagumpay sa pagkuha ng diborsyo, hindi na siya sobrang galit.

Partikular na nang makita ang anak, hindi niya kayang magalit. Ang mga batang ito ang kanyang pinagmulan ng kanyang kasiyahan; kahit maisip at makita niya lang ang mga bata, puno ng tamis ang kanyang puso.

"Samuel," masayang binati ni Tanya ang kanyang anak.

Lumingon si Samuel, nakita si Tanya, at masayang sumagot sa bata na boses, "Mommy."

Ang "Mommy" na iyon ay napaka tamis sa pandinig na agad na natunaw ang puso ni Tanya.

Pumasok siya sa kusina at hinalikan si Samuel, sabi, "Maglaro ka na, anak. Si Mommy na ang bahala rito."

"Ayos na po, tapos na. Dapat magmadali na po si Mommy na ayusin ang dining table kasi handa na ang lunch natin!"

Habang nagsasalita ang maliit na si Samuel, maingat nitong pinatay ang apoy at inilipat ang fried rice sa isang plato.

Ang gintong itlog ay nakabalot sa kanin, kasama ang shrimp balls, ham, diced meat, carrots, at green beans sa loob. Talagang mukhang masarap.

Narinig nina Sawyer at Sage ang ingay at lumabas, mabilis na tumakbo nang makita si Tanya.

Tinanong ni Sawyer, "Natapos mo na ba ang dapat mong gawin, Mommy?"

Nagpahayag siya ng kabiguan, "Hindi pa, e.  Maaaring kailangan pa nating manatili rito sa Metro Manila nang ilang araw pa."

"Bakit po hindi naayos iyong gagawin ninyo, Mommy?"

"Dahil ang taong kailangan kong makita ay nasa business trip; wala siya sa Manila. Kailangan kong maghintay hanggang siya ay bumalik bago ako makagawa ng anumang bagay."

Hindi niya sinabi sa mga bata ang layunin ng paglalakbay na ito.

Hindi alam ng mga bata ang tungkol sa pagkatao ni Sean. Ayaw niyang malaman ng kanyang mga anak ang mga pangyayari sa nakaraan. Pagkatapos ng lahat, mga bata pa ang tatlo at kanilang responsibilidad ay lumaki na masaya at malusog. Ang mga alalahanin ng matatanda ay hindi dapat maging pasanin ng mga bata.

"Okay lang, huwag mong alalahanin ang mga problema ni Mommy; kumain na tayo!"

"Sige."

Pagkatapos ng tanghalian, ang tatlong bata ay natulog ng hapon, samantalang si Tanya ay umupo sa kama at nagbibilang ng perang natira sa kanya.

Ngayon ay mas naging kaunti ang pera niya at mas mababa na sa sampung libo sa kabuuan.

Ang hirap-hirap niya naman…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status