Share

KABANATA 2

Penulis: Pubuti
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-13 16:45:31
Anim na taon ang nakalipas, Sa istasyon ng Tren ng sa kung saan sa  Maynila.

Si Tanya kasama ang kanyang tatlong anak na lalaki, ay lumabas mula sa istasyon ng tren na agad na nakakuha ng atensyon ng lahat.

Ang kanyang simpleng at komportableng pananamit kahit pa walang kolorete sa mukha ay naglalabas ito ng hindi maikakailang kagandahan. Ang bawat ngiti at kunot ng noo ni Tanya ay nakakaakit sa mga nakatingin.

Ang kanyang mga anak naman ay nagsisi-gwapuhan at kaibig-ibig, ang kanilang malalaking mata na sumisilip mula sa ilalim ng kanilang mga sumbrero ay kumikinang at bilugan. Ang kanilang mahabang pilikmata ay kumukurap, at nakakatunaw ng mga puso sa kanilang kagandahan.

"Isa pang kasong lokohin ang mga tao para magkakaroon ng mga anak!" bulong ng karamihan.

Hindi naman eto pinansin ni Tanya, nakatayo lang sila  sa labasan ng istasyon at nakatingin sa pamilyar ngunit medyo kakaibang paligid.

Ang kanyang puso ay puno ng halo-halong emosyon.

Noong panahong iyon, ang akusasyon ni Sean na 'hindi siya tapat' ay nagtulak nang pansin ng lahat sakanya.

Isang buwan pagkatapos nang pagkakamaling iyon ay natuklasan niyang siya ay buntis at nagpapatunay lang ito sa paratang sa kanya.

Ang mga tsismis at bulung-bulungan ay halos lunurin siya nang mga panahong iyon.  Ang kanyang mga magulang na pag-aampon sa kanya ay nandidiri sa iskandalong kinasangkutan niya at nakikitang wala na siyang silbi kaya naman pinutol nila ang ugnayan sa kanya at pinalayas siya sa kanilang bahay.

Alam niya na ang anak ay bunga sa isang pagkakamali at sa lalaking hindi niya man lang kilala. Naisip niyang magpa-abort ngunit pagkatapos ng maraming pag-iisip, hindi niya kayang magawa.

Ito ay laman at dugo niya!

Pinili siya ng anak upang maging ina, ito ay tadhana kaya kahit gaano kahirap, kailangan niyang manganak at palakihin ang anak na dinadala niya.

Natatakot na sya na baka makaapekto ang reputasyon niya sa kinabukasan ng kanyang anak kaya naman umalis siya sa Maynila at nanirahan sa kanayunan.

Napakahirap para sa isang buntis na babae na mabuhay nang mag-isa at ang paghahanap ng trabaho ang unang hadlang rito.

 Maraming employer na nakikita siyang buntis, ay nag-dadalawang isip na kunin siya.

Ngunit hindi niya kayang hindi magtrabaho, kailangan niya ng pera. Kailangan niyang kumain, pumunta sa ospital para manganak, bumili ng gatas at mga gamit sa paaralan para sa kanyang anak.

Sa wakas, nakahanap siya ng trabaho sa isang restawran.

Nagtrabaho siya nang mas mahirap kaysa sa sinuman dahil natatakot siya na matanggal sa trabaho at kailanman ay hindi sya nag pahinga magtrabaho na humantong sa malnutrisyon at pagkapagod.

Sa ika-siyam na buwan ng kanyang pagbubuntis, nahimatay siya habang pauwi mula sa trabaho.

Nakakagulat dahil nang magising siya, siya at ang kanyang mga anak ay nasa isang kubo sa ilalim nang bundok.

Hindi pa rin niya alam kung ano ang nangyari noong araw na iyon.

Sino ang nagsagawa ng Cesarean section sa kanya?  Sino ang nagdala sa kanya at sa kanyang mga anak sa kalaliman ng bundok?  Bakit nila dinala nila rito?

Ang mga tao namang nagligtas sa kanila ay nagsabi na nakita lang nila sila nang hindi sinasadya at naawa sila sa kanila kaya dinala siya sa kanilang tahanan.

Nandoon sila ng limang taon. Namumuhay nang mapayapa, masaya, at walang problema.

Ngunit habang tumatanda ang kanyang mga anak, kailangan niyang isaalang-alang ang kanilang edukasyon at kinabukasan.

Ang mga bundok ay mabuti ngunit maliban sa kanilang mga tagapagligtas, walang ibang tao.  Kapag wala na sila, ang kanyang mga anak lang ang matitira...

Ang kanyang mga anak ay dumating sa mundong ito, hindi dapat sila mabuhay ng isang buhay na hindi kilala.

Nararapat nilang makita ang kagandahan ng mundo.

Pagkatapos ng maraming pag-iisip, nagpaalam siya sa kanyang mga tagapagligtas at dinala ang kanyang mga anak pababa mula sa bundok.

Ayaw man niyang pumunta sa Manila dahil hindi niya nakakalimutan ang nangyari anim na taon na ang nakalilipas.

Ngunit nang magparehistro siya para sa kanyang mga anak, natuklasan niyang siya ay kasal pa rin.

Nagulat siya!

Malinaw na nilagdaan niya ang mga papeles sa diborsyo!

Hindi niya maintindihan ang dahilan, ngunit ang problema ay naroon na.

Dahil kasal pa rin siya, kung irereistro niya ang kanyang mga anak ay ang pangalan ni Sean ang awtomatikong lalabas bilang ama.

Ang pamilya Buenavista ay makapangyarihan at ayaw rin sa kanya ni Sean, hindi siya kailanman kusang magiging ama!

Kaya bago niya irehistro ang kanyang mga anak, kailangan niyang makipaghiwalay.

Pumunta siya sa Maynila sa pagkakataong ito para makipaghiwalay kay Sean.

Wala siyang sama ng loob kay Sean, siya ang unang nagkamali sa kanya. Sinabi niyang hindi siya tapat at tama naman siya.

Kung kailangan niyang sisihin ang isang tao, iyon ay ang lalaking nagnakaw ng kanyang kadalisayan noong gabing iyon!

Sinasabi nila na ang bibig ng isang lalaki ay isang kasangkapan ng isang sinungaling at totoo iyon.

Noong panahong iyon, ang lalaking iyon ay patuloy na nagsasabi na gagawin niyang pinakamasaya at pinakamamahal na babae sa mundo.

Ano ang nangyari?

Ha!

Nasira siya ng lalaking iyon!

Iniisip ang lahat ng kawalang-katarungan... gusto niyang patayin siya!

"Mommy, kailangan kong umihi," biglang hinila ni Samuel ang kanyang damit at nahihiyang nagsalita.

Naibalik ni Tanya ang kanyang mga iniisip. Nakatingin siya sa kanyang tatlong anak, agad na nag-init ang kanyang puso.

Ang nangyari noon ay talagang nagpagulo sa kanyang buhay ngunit nakuha niya naman ang mga anak na ito kaya sulit ito!

Ang kanyang tatlong anak ay ang kanyang karangalan!

Si Sawyer ay isang maliit na ginoo, hindi siya masyadong nagsasalita ngunit mayroon siyang aura ng isang nakatatandang kapatid. Matalino siya at may mataas na emosyonal na katalinuhan, ang bawat salita at kilos niya ay parang isang lider.

Si Sage naman ay kabaligtaran ni Sawyer. Masigla, masungit, at mahilig makipag-away.  Ang kanyang mga interes ay pakikipaglaban!  Ang kanyang mga libangan naman ay pakikipaglaban!  Ang kanyang mga pangarap ay pakikipaglaban!

Ang kanyang pangunahing pangarap ay makipaglaban sa pinakamalakas, upang hindi matalo!

Si Samuel naman ay isang maliit na iyakin. Siya ay likas na duwag, hindi kasing talino nina Sawyer at Sage ngunit siya ay isang maliit na mapagmahal. Napaka sensitibo niya at sa murang edad, marunong na siyang magluto, at ang kanyang pagkain ay ang napakasarap.

Mayroon din siyang natural na talento sa fashion.  Ang pabango na ginagamit niya ngayon ay personal na ginawa ni Samuel.

Bigyan mo siya ng ilang prutas o isang palumpon ng mga bulaklak at makakagawa siya agad ng isang natatanging pabango.  Walang mga kemikal o panlilinlang tanging ang mahinang amoy ng mga bulaklak at prutas, sariwa at natural.

At may talento rin si Samuel sa pagdidisenyo. Madali siyang nakakagawa ng mga disenyo para sa damit at alahas.

Naisip ni Tanya nang higit sa isang beses na sinumang magpakasal sa kanyang Samuel ay magiging napakaswerte.

Ngumiti si Tanya kay Samuel, puno ang kanyang mukha ay ng lambing.

"Sige, dadalhin ka ni Mommy. Sawyer, Sage kailangan ba ninyong pumunta rin sa banyo?"

Sabay-sabay na umiling sina Sawyer at Sage "Hindi!"

"Kung gayon, maghintay kayo rito para kay Mommy at sa kapatid ninyo, huwag kayong maglakad-lakad, dadalhin ko si Samuel sa banyo."

"Sige."

Hinawakan ni Tanya ang kamay ni Samuel at naglakad patungo sa banyo.  Sa pasukan, lumuhod siya at nagbilin sa kanya,

"Samuel, pumunta ka sa banyo ng mga lalaki at pupunta si Mommy sa banyo ng mga babae.  Kung mauna kang lumabas, maghintay ka rito para kay Mommy."

"Sige." Tumango nang masunurin si Samuel at gamit ang kanyang mga maiikling binti, tumakbo siya sa banyo ng mga lalaki.

Pinanood ni Tanya ang likod ni Samuel at ngumiti, pagkatapos ay lumingon para pumunta sa banyo ng mga babae.

Di nagtagal, lumabas si Samuel.

Hindi siya naglakad-lakad, masunurin siyang tumayo sa labas ng banyo at naghintay kay Tanya.

Bigla, isang grupo ng mga bodyguards ang nakapalibot sa isang babaeng nakasuot ng magagandang damit, papalapit sa kanila.

Ang babae ay nakasuot ng malalaking salaming pang-araw, ang kanyang lipstick ay matingkad na pula at sumisigaw siya sa mga taong nasa paligid niya, mukhang galit na galit,

"Huwag na kayong kumuha ng mga maliliit na script sa susunod. Ang pagpunta sa bundok para mag-film, sobrang hassle ng pag-uwi! wala ngang eroplano, kailangan pang sumakay ng tren!  Tama ba sa katayuan ko ang sumakay ng tren? Tingnan mo ang mga tao sa tren puro silang mahirap at walang modo, nakakasuka!"

Malakas ang boses ni Jazel kaya nagsimulang mag-kunot noo ang lahat.

Ang kanyang manager ay patuloy na tumatango at inaalo siya, ang mga bodyguards ay bastos na pinaalis ang mga tao sa daan sa magkabilang panig.

"Lumayo kayo!  Lumayo kayo!  Lumayo kayo!"

Nagulat si Samuel dahil bago pa siya maka-iwas ay malakas siyang naitulak.

Napaupo siya at kanyang puwet ay nasaktan, nagsimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata pero hindi siya naglakas-loob na magsalita.

"Anak nang! sino 'to?  Umalis ka sa daan!" matigas na sabi ni Jazel.

Natakot si Samuel sa nakita niyang eksena at umupo siya sa sahig. Tinakpan ang kanyang bibig at ang kanyang mga mata ay malabo dahil sa luha habang nakatingin kay Jazel at hindi naglakas-loob na gumalaw.

Kumunot ang noo ni Jazel nang nakita niya si Samuel at naalala niya ang isang tinik sa kanyang puso.

Ang tinik na iyon ay kasing laki ng batang ito.

Kinamumuhian niya ito nang husto.

"Umalis ka sa daan! nakaupo ka pa rin diyan, hindi mo ba alam na mali ang pagharang mo sa daan ng mga tao?!  Paano ka pinalaki ng mga magulang mo?  Walang modo, walang disiplina!"

Matapos niyang sabihin iyon, sinipa ni Jazel si Samuel  nang malakas gamit ang kanyang sapatos, pagkatapos ay umalis na siya.

Umiyak nang malakas si Samuel.

"Mommy, kuya, masakit, huhuhu..."

Hindi pa nakakalabas si Tanya mula sa banyo at narinig nina Sawyer at Sage ang ingay kaya nagmadali silang lumapit agad at nagtanong.

"Ano nangyari, Samuel?  Ano ang nangyari?"

Nakita ni Samuel ang kanyang mga kapatid kaya mas lalo siyang umiyak. Ang kanyang maliit na balikat ay umuugoy, hindi niya maayos na masabi ang mga salita,

"Yung... yung tiya... sinipa... sinipa ako... kuya, masakit... huhuhu..."

Narinig ni Sage ito at agad na nag-alab ang kanyang galit.  Bina-bully ang kanyang kapatid, akala ba niya patay na siya?!

"Kuya, bantayan mo si Samuel hahanapin ko siya para magbayad!"

Natapos magsalita si Sage ay tumakbo siya palayo, mabilis na nawala sa karamihan.

Si Sawyer na mas matanda ay mas kalmado. Alam niyang hindi maganda ang mag-away sa publiko, kaya pinilit niyang pakalmahin si Samuel.

"Samuel huwag kang umiyak, okay?  Narito ako, protektahan kita."

Pinunasan ni Sawyer ang mga luha ni Samuel at at hinaplos ang kanyang likod.

"Kuya, masakit..." umiiyak pa rin si Samuel at hindi pa rin niya makalimutan ang sakit ng sipa.

"Alam ko, Samuel, pero okay na tayo ngayon. Huwag kang mag-alala, hindi na kita pababayaan."

Sa gitna ng kaguluhan, si Tanya ay lumabas na mula sa banyo.  Nakita niya ang kanyang mga anak, at agad na lumapit sa kanila.

"Samuel! anak ko, anong nangyari?"

Nakita ni Samuel ang kanyang ina at mas lalong umiyak.  "Mommy, sinipa ako ng masamang ate!  Masakit!"

Tiningnan ni Tanya ang kanyang anak, ang kanyang puso ay napuno ng galit at awa "Huwag kang mag-alala, Samuel, Sj mommy ang bahala."

Tumingin si Tanya sa paligid, hinahanap ang babaeng nang-api sa kanyang anak.  Nakita niya ang isang grupo ng mga bodyguards na naglalakad palayo at sa gitna nila ay ang babaeng nakasuot ng salamin na si Jazel

"Jazel" sigaw ni Tanya at naglakad patungo sa kanya.

Narinig ang boses ni Tanya  kaya huminto si Jazel at lumingon.  Nakita niya si Tanya at nagtaas ng kilay.

"Ikaw? Ano naman ang kailangan mo?"

"Bakit mo sinipa ang anak ko?" tanong ni Tanya gamit ang kanyang boses ay kalmado ngunit may awtoridad.

"Anak mo? Hindi ko alam kung sino 'yan. Sinipa ko lang ang batang nakaharang sa daan ko.  Ano bang pakialam mo?" sagot ni Jazel na may halong paghamak.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo?  Ang bata ay nag-iisa lang at hindi ka naman nakaharang sa daan. Bakit mo siya sinipa?" galit na sabi ni Tanya

"Bakit? Dahil gusto ko. Ano bang magagawa mo?" sagot ni Jazel at nagsimulang maglakad palayo.

"Hindi pa tayo tapos" sabi ni Tanya at hinabol si Jazel.

"Tumawag ka ng pulis, kung gusto mo. Hindi ako natatakot sa iyo," sagot ni Jazel at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi ako tatawag ng pulis.  Pero hindi ka pa tapos sa akin" sabi ni Tanya at hinigpitan ang hawak sa kanyang bag.

"Ano bang gagawin mo?  Susuntukin mo ba ako?" pangungutya ni Jazel tumigil siya at humarap kay Tanya.

"Hindi ako nananakit ng babae.  Pero hindi ka pa tapos sa akin," sabi ni Tanya at naglabas ng isang maliit na bote mula sa kanyang bag.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ni Jazel

"Ito ay isang espesyal na pabango.  Ginawa ito ng aking anak," sagot ni Tanya at binuksan ang bote.

"Pabango? Ano naman ang gagawin mo?" tanong ni Jazel at nagsimulang mag-alala.

"Ibubuhos ko ito sa iyo," sagot ni Tanya at binuksan ang bote.

"Huwag!  Huwag!" sigaw ni Jazel at nagsimulang umatras.

Ngunit huli na dahil ibinuhos ni Tanya ang pabango sa damit ni Jazel

"A-ano ba 'yan?!" sigaw ni Jazel at nagsimulang amoyin ang kanyang damit.

"Ito ay isang espesyal na pabango. Hindi mo ito mapapaalis at hindi ka na makakalimot sa akin" sabi ni Tanya at ngumiti nang mapait.

"Ikaw..." nagagalit na sabi ni Jazel at nagsimulang maglakad palayo.

"Huwag kang mag-alala," sabi ni Tanya "Makikita mo rin ang epekto nito."

At pagkatapos ay naglakad si Tanya palayo, kasama ang kanyang mga anak.

Ang pabango ay isang espesyal na timpla ng mga prutas at bulaklak na ginawa ni Samuel.  Hindi ito nakikita o naamoy ng mga ordinaryong tao, pero maaari itong maamoy ng mga taong may masamang intensyon.

At ang epekto nito ay hindi kaagad makikita. Pero sa paglipas ng panahon, mararamdaman rini ni Jazel ang epekto nito.

Ang pabango ay isang simbolo ng paghihiganti ni Tanya. Hindi siya nananakit ng babae pero hindi niya hahayaang makaligtas ang mga taong nang-api sa kanya at sa kanyang mga anak.

Ang kwento ay magpapatuloy ngunit ang hinaharap ay hindi pa alam. Pero isang bagay ang sigurado, Si Tanya ay hindi na ang mahina at walang-magawa na babae na nakilala natin noon.  Siya ay isang ina na handang gawin ang lahat para sa kanyang mga anak at siya ay may kapangyarihan na hindi dapat maliitin.

Bab terkait

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 3

    Matapos naman tumakbo ni Sage pahabol kay Jazel ay hindi na nagawa pang pigilan ni Sawyer ang kanyang kapatid kaya naman inalalayan niya ng may pag-aalala si Samuel. “Sabihin mo sa Kuya, saan may masakit?” “Dito… at dito rin” umiiyak na sabi ni Samuel habang tinuturo ang kanyang puwit at binti. Itinaas ni Sawyer ang pantalon ni Samuel at tinignan ang mga binti nito. Nagulat naman siya nang makita ang malaking pasa sa binti at puwitan ng kapatid nya. Kulay lila eto at sobrang halata! Kinuyom ni Sawyer ang kanyang kamao at nag-init ang ulo niya sa galit. Ayaw niyang palabasin ang kapatid para makaiwas sa gulo, pero ngayon hindi na siya makakapagpigil. Sino ba ang nangahas na saktan si Samuel? Parang wala siyang kapatid?! “Okay na Samuel, Hihipan na lang ito ni kuya para naman hindi na sumakit pa” Nalulungkot na tumango si Samuel sabay sabing “…. Oo.” Samantala, hinabol na ni Sage si Jazel na palabas na nang istasyon ng tren ngayon. Nakita niyang papasok na sana ito sa

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 4

    Samantala, ilang oras lang at nagkita na rin si Sage at si Tanya.Walang kaalam-alam si Tanya sa kung ang nangyari sa labas nang istasyon ng tren at lalong-lalo na, hindi rin niya alam na ang kanyang anak na si Sage ay nakagawa nang isang malaking gulo.  Habang nakatingin sa Masiglang tumatakbong na si Sage, nawala naman na ang pag aalala na bakas na bakas sa mukha ni Tanya kanina pa "Sage, saan ka ba nagpunta? Kanina kapa hinahanap ni Mommy" Nang makita ni Sage ang reaksyon ng kanyang ina ay hinuha neto na hindi pa alam nng kanyang ina ang mga nangyari sa labas kaya naman napangiti nalang siya "Mommy, huwag kang mag-alala. Unang beses ko lang kasi dito kaya lumabas ako para tingnan ang paligid. Mommy, ang ingay at ang saya pala dito!" "Oo naman, isa ito sa pinakamalalaking lungsod dito sa bansa natin! Pero maraming tao dito kaya naman huwag kang maglalakad-lakad mag-isa. Baka ma-kidnap ka, paano na ako na mommy mo at ang mga kapatid mo?" Pinapalo ni Sage ang kanyang dibdib at

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 5

    Si Sean ay napatingin kay Tanya nang makapasok siya sa conference room, isang kakaibang kislap ang dumaan sa kanyang mga mata. Hindi dahil sa sobrang ganda niya kundi dahil ang babaeng ito ay nagbibigay sakanya ng isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag… Para bang nakita na niya ito sa isang lugar. Pero tumingin siyang mabuti, hindi niya maalala kung saan niya ito nakita? Naka-poker face na naglakad si Sean papunta sa mesa at umupo. Nakita niyang nakatitig si Tanya sa kanya na parang nakatingin ito sa isang kaaway kaya kumunot ang kanyang noo. Ang anak niya ang sumira sa kanyang sasakyan pero hindi siya nagmakaawa, naglakas loob pa etong tingnan siya ng ganito. Maliit siya, pero malaki ang kanyang lakas ng loob gaya ng kanyang anak! "Bakit mo pinag-utos sa anak mo na sirain ang sasakyan ko?" Pagbukas ni Sean ng bibig niya at agad niyang sinisi si Tanya. Si Tanya ay nakakuyom ng kanyang mga kamao at nakatitig sa kanya. Dahil sa emosyon nararamdaman ay nanginginig

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 6

    Malinaw na malinaw ang pagkakaintindi ni Sean sa sinabi nang babae, akala niya ay nilalandi siya ni Tanya sa publiko. "Walang hiya! Hindi ko makatwiran ang sinasabi mo!" Nanlaki ang mga mata ni Tanya. Alam niyang nagkakamali siya, kaya nagmadali siyang magpaliwanag. "Nagkakamali ka! Gusto ko lang tingnan ang iyong..."Gusto nyang makita ang balikat neto kung may kagat. Noong panahong iyon, nawalan siya ng malay dahil sa sakit ngunit nagising ding muli dahil sa sakit. Hindi na niya matiis kaya naman ay kumagat siya ng mahigpit at madiin sa balikat nang lalake... Napakasakit ng kagat niya nang gabing iyon, kung sa normal na tao ay magkakaroon pa ito ng peklat. Kung may kagat siya sa balikat niya, mapapatunayan niyang siya ang lalaking iyon! Pero bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay biglaang tumunog ang telepono ni Sean. Kinuha niya ang telepono at sinagot eto "Magsalita ka" Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng tao sa kabilang linya, pero agad nagbago ang e

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 7

    "Pinakamamahal ko…”“Lumabas ka na, gusto kong mapag-isa”“…”  Napabuntong-hininga si Sean at pansamantalang umalis. Pagkalabas niya ng silid ay agad nagbago ang kanyang ekspresyon.Papatanungin na sana niya si Jazel kung saan nagpunta nang biglang lumitaw si Jazel sa sala sa ibaba, namumula ang mga mata neto.Nang makita siyang lumabas mula sa silid kanyang pinakamamahal na anak ay agad siyang lumapit at nagtanong nang may pag-aalala.“Sean, kamusta na ang lagay ni Saint?” Malamig ang mukha ni Sean pero hindi siya nagalit.  Tanda nyang si Jazel ang nagligtas sa buhay ng kanyang pinakamamahal na anak!Noong bata pa, si Jazel ang nakakita sa pinakamamahal niyang anak sa labas ng bahay, kaya nakaligtas siya. Nagduda rin siya noon, bakit nagkataon na si Jazel pa ang nakakita sa kanyang anak.Posible bang sinadya ni Jazel na itago ang tunay na ina ng kanyang anak at pagkatapos ay ibinigay ang sanggol sa pintuan ng kanilang bahay upang palabasin na nagkunwaring naligtas net

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 8

    Samantala, dinala na ng tatlong bata ang kanilang inang si Tanya sa kanilang bagong tirahan. Hindi nila siya nakita nang lumabas sila mula sa pagligo kamakailan at bukas ang pinto ng silid nila kaya naman ay sobra ang pag-aalala nila para sa ina. Tiningnan ni Sawyer ang CCTV at nakita na siya ay dinukot kaya agad siyang nagpunta para iligtas siya! Hindi alam ni Tanya na ang tatlong anak niya ang nagligtas sa kanya at natatakot pa rin siya sa nangyari. Nang marinig niya ang alarma ay agad siyang tumakbo patungo sa pinto at nang buksan niya ito ay bumukas ito kaya naman bumaba na siya di inaasahang nakita niya ang tatlong anak niya. Agad na silang sumakay ng taxi pauwi. Natahimik si Tanya at tinanong sila. "Bakit kayo biglang nandoon?" Sabi ni Sawyer "Nakita naming wala ka Mommy sa kwarto at narinig namin sa may-ari ng motel sa baba na dinukot ka daw nang mga lalaki kaya hinanap ka namin gamit ang location mo. Nang makarating kami roon ay bumaba ka na. Mommy, ano ba ang n

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 9

    Sa pagbubukas ng monitor ng computer ay lumitaw ang ilang malalaking titik. 【Ang nangyari ngayon ay isang babala lamang kung maglakas-loob ka pang mang-api sa batang babae, hahanapin kita ulit! Mr. Buenavista, mag-ingat ka.】 Lahat ng empleyado ng kumpanya: “!?!?!?!?!??” Nakatingin ang lahat sa screen ng computer at baliw na baliw na baliw, nakalimutan na nila kung nasaan sila at nagsimula nang mag tsismis. “Naku, may taong gumawa ng problema sa computer? Sino kaya ang may ganyang lakas ng loob para makapasok sa sistema ng kumpanya natin?” “At nagbabala pa talaga siya kay Boss natin na mag-ingat!” “Siya siya siya… sinabi pa niyang nang-api si Boss nang batang babae!” “...” Sa opisina ng presidente, mahigpit na nakatitig si Sean sa screen ng computer niya, mahigpit ang pagkakakagat niya ng kanyang labi at maitim ang kanyang mukha. Pakiramdam ni Zoren ay sasabog na ang silid na kinaroroonan nila. Pinilit niyang suyuin si Sean. “Boss, kalma po kayo, kalma lang po kayo

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 10

    Hindi alam ni Tanya kung ano ang sinabi niya ngunit ilang minuto ang lumipas at kusa nang lumapit sa kanya ang batang lalaki. Mahigpit na niyakap nito ang kanyang leeg at isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang balikat habang umiiyak. Dinala ni Tanya ang bata sa isang parke sa tabi, umupo sila sa damuhan at nakipag usap sa bata. Matapos ang kalahating oras ay nakatulog ang bata sa kanyang mga bisig. Nang makita ito ng pamilya ni Lopez ay naglakad na sila papalapit puno nang labis na nagulat ang kanilang mukha. “Kapag nagkakasakit ang batang ito ay palagi siyang pinapakialaman ng sedative kaya hindi namin inaasahan na kahit wala pang gamot na kailangan ay kumalma eto” Sabi ni Tanya: “Ang bipolar disorder ay isang uri ng mania at depression, kadalasang sanhi ito ng mga problema sa isip. Ang gamot ay makakatulong lamang ngunit mahalaga rin na makipag-usap sa kanya at pumasok sa kanyang mundo ng isip. Karaniwan kasi na nagkakasakit siya kapag siya ay na-stress at sobrang kulang

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13

Bab terbaru

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 50

    Natapos nang magsalita si Sage at umalis. Sa sandaling lumabas siya mula sa banyo, agad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Humuhuni ng kaunting melodiya, bumalik siya sa private room kung nasaan ang kanyang mommy at mga kapatid. Napakaganda ng kanyang mood.Nang makita nina Tanya at Candy si Sage na bumalik, lubos silang nagulat,“Sage, kailan ka galing?”"Kakalabas ko lang. Gusto kong hanapin si Mommy, pero sinabi ng taong nakasalubong ko sa labas na bumalik na si Mommy, kaya hindi ako nagpunta ng malayo."Noon, hindi gaanong nababahala si Tanya sa pag-alis ni Sage, ngunit ang isipin na narito ang 'isang tao' na iyon ay nagpapabilis ng kanyang puso na halos tumalon na ito. Kung makikita si Sage ng lalaking iyon, hindi ba niya malalaman ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak?Tumitig si Tanya kay Sage, "Hindi ka pamilyar sa lugar na ito; paano ka nakatakbo nang mag-isa? Ikaw..."Bago siya makapagsalita nang buo, lumapit si Sage sa kanya at 'nagpatak' ng hàlik sa kanyang pi

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 49

    Dalawang tao ang nagtinginan sa isa't isa, isa ay malaki at isa ay maliit. Ang noo ni Sean ay kunot na kunot habang nakatingin sa batang kaharap; kung hindi dahil sa kanyang mga mata na parang nagniningning, maaring naisipan ni Sean na siya ay si Saint.Ang kanyang mga kilay at mata ay eksaktong kahawig ng kay Saint. Kapag si Saint ay nakasuot ng maskara, siya ay ganito rin ang itsura.Ngunit madalas na nakakunot ang noo at hindi nagkakaroon ng ganitong ekspresyon si Saint kapag nahaharap ito sa mga nakakagulat na sitwayon. “Wow wow wow, tao na gawa sa cake! Mukhang napaka-masarap!” Sabi ni Sage habang tumatakbo papunta kay Sean. Hindi alintana nito kung saan sila. Kumuha ito ng isang dakot ng cake at pinasok ito sa kanyang bibig. Talagang masarap ang cake na ito; talagang nagugutom si Sage! Hinawakan ni Sean ang kamay ni Sage na kukuha uli ng cake, “Hindi ka puwedeng kumain ng cake na ito.”Gusto ni Sage na pilitin itong ipasok ang cake sa kanyang bibig, pero ang kanyang laka

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 48

    Kanina, noong mapansin na matagal na si Tanya na nanawala at hindi pa bumabalik, palihim na umalis si Sage para hanapin ang ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ni Sage sina Sean at Tanya na nag-uusap sa dulo ng pasilyo. Nagtago siya sa malayo, hindi marinig kung ano ang sinasabi nila, pero nakita niyang hindi maganda ang ekspresyon ng Mommy niya.Kaya nahulaan niya na ang Sean na ito ay maaaring inaaway ang kanyang mahal na mommy. Kung inaapi mo ang mommy ko, huwag kang umasa na magiging masaya ka.Kaya ang maliit na bata ay nagpunta upang hanapin si Sean upang ilabas ang kanyang galit. Umupo siya sa tabi ng pinto at sandaling nag-isip, nakikinig sa masiglang usapan sa loob, kung saan may isang tao na paulit-ulit na nagsasabing "birthday boy".Suminghal ang maliit na bata; may nagdiriwang ng kaarawan, huh? Nakita ni Sage ang isang waiter na nagtutulak ng cart ng cake mula sa malayo, at ang madilim na mata ni Sean ay may kung ano na nagliwanag, nagmamadali siyang lumapit

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 47

    Si Quinn ay isa sa malapit na kaibigan ni Sean, at si Lyndon ay kaibigan ng kaibigan ni Quinn na sumama sa party na iyon. Alam ni Lyndon na hindi sila sa parehong antas, dahil nakita niyang si Sean ay talagang hindi umiinom; medyo nahihiya lang siya, pero hindi nawalan ng composure at patuloy na ngumiti at nagsalitang muli, “Ako si Lyndon Javier-Fernandez, ang kasalukuyang manager ng Fernandez Group. Matagal ko nang gustong makilala ka CEO Buenavista, at ngayon na nakita na kita, matapang kong susubukan na gumawa ng impresyon sa iyong harapan. Narito ang aking business card.” Pinagsikapan ni Lyndon na ilabas ang kanyang business card at inabot ito kay Sean. Sinilip ito ni Sean pero hindi umabot. Ang mukha ni Lyndon ay naging mapula sa kahihiyan, hindi alam kung paano makawala sa sitwasyong iyon nang biglang itinaas ni Sean ang kanyang kamay at tinanggap ang card. Nanigas ang ngiti ni Lyndon sa mukha at sa loob ng isang sandali ay sobrang sinalakay ng tuwa, lihim na nasiyahan. T

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 46

    Nagtanong si Howard, "Wala bang nag-imbestiga sa kanyang background?"“Nag-utos na ako ng gagawa at napaimbestigahan na siya ngunit walang nahanap na importanteng impormasyon tungkol sa babaeng iyon.""Pero mas may sense na ganoon nga, hindi ba? Kung talagang ipinadala si Miss Castillo na sinasabi mo ng pamilya mo para lumapit sa iyo, tiyak na binago nila ang kanyang identity at gumawa pa ng fake background niya. Gayunpaman, si Saint ang sole heir ng pamilya Buenavista. Dahil mahalaga sa lolo mo ang blood relationships, kahit na hindi niya gusto si Saint, hindi niya ito sasaktan. After all, kung may mangyari kay Saint, magkakagulo ang pamilya Buenavista at wala siyang sapat na oras at lakas para isipin ka pa kung ganoon ang mangyayari. Kaya kahit na lumapit ang Miss Castillo na iyon kay Saint, sa tingin ko ay hindi niya sasaktan si Saint."Pinagpag ni Sean ang abo mula sa kanyang sigarilyo; ang mga salita ni Howard ay may katwiran kung iisipin. Nagpatuloy si Howard sa paliwanag ni

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 45  

    Titig na titig si Sean sa direksyon kung saan umalis si Tanya at hindi inaalis ang kaniyang mga tingin hanggang sa dumating si Howard. Tumabi si Howard kay Sean matapos ay nagsindi ng sigarilyo at nagtanong nang nakangisi, "What is this special situation you have with that pretty girl?" "…Nothing." "If nothing then bakit hindi ka tumulong para iligtas siya?" Hindi pangkaraniwan ang kilos niya ngayon. Kahit hindi siya mabuting tao ay tiyak na may prinsipyo siya. Dagdag pa, humihingi ng tulong ang babaeng 'yon sa teritoryo niya kaya ibig sabihin may gumagawa ng gulo doon. Pero wala siyang ginawa at diretso pa niyang pinaalis eto? Kung ibang babae 'yon ay wala siyang pakialam, pero tiyak na ipapasuri niya kay Zoren ang sitwasyon. May mali rito! Kaya sigurado si Howard na may koneksyon si Seab at ang babaeng 'yon. At tingnan mo, umalis lang ang babaeng 'yon ay may madilim na ekspresyon na agad si Sean habang naninigarilyo. Malinaw na naiinis siya. Naimpluwensyahan n

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 44

    Napahinto si Tanya sa kanyang paglalakad. Sa kanya ba nakikipag-usap ang lalaki?Tumingin siya pabalik kay Sean na ngayon ay nakatitig pa rin sa harap, ang kanyang postura ay hindi nagbabago, hindi siya tumitingin sa kanya.Nagha-hallucinate ba siya?Habang handa na siyang maglakad ay narinig niya siyang nagsabi ulit.“Napakaliit lamang ng pasensya ko. Kung gusto mong maglaro ng trick sa akin gamit ang larong gaya neto na puro push and pull lang ay itigil mo na ang pagsisikap mo. Bakit hindi ka na lang maging matapat at humanap ng paraan para mapalapit sa akin? What do you really want from me??”Sa puntong ito, nakumpirma ni Tanya na hindi siya hallucination lamang.Tumingin siya sa paligid, sila lang dalawa ang nasa pasilyo at siya na nga ang kausap niya.Naramdaman ni Tanya ang pag-usbong ng pagsuway sa sinabi nang lalaki. Humarap siya at naglakad patungo kay Sean saka huminto isang metro ang layo sa kanya.Tumingala siya at sinabi sa kanya:“Napakaliit din ng pasensya ko.

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 43  

    Bago pa man mapansin ni Tanya ang anumang kakaiba emosyon ay bumalik na agad sa normal ang ekspresyon ni Lyndon at sinabi niyang “Matagal na siyang wala ngayon dahil ang papel na ginagampanan niya ay nangangailangan ng masikretong  pag-fifilm at pumirma rin siya ng kasunduan sa pagiging confidentiality contract sa crew. Hindi ko nga alam kung kailan siya babalik, hindi ko rin siya makontak.”Matapos niyang sabihin iyon ay binago niya ang usapan. “Ano ba ang nangyayari sa inyo ni Sandro?”Kumunot ang noo ni Tanya.“Nagtatrabaho ako sa isang bar nung mga oras na iyon na tagabenta ng inumin at nakataong nakatuon ang atensyon niya sa akin. Nang magkita kami nang ilang beses ay gusto niya…”Agad namang naunawaan ni Lyndon at kumunot ang noo niya.“Kilala si Sandro rito sa Maynila bilang isang manyakis at halos pinaglalaruan ang mga babae niya nang buong araw. Kung hindi dahil sa impluwensiya ng kanyang kapatid, si James Manalo ay malamang sa malamang ay binugbog na siya hanggang sa mam

  • Surprise Comeback: His Ex Wife Gave Birth to Quadruplet Babies   KABANATA 42

    Si Sandro naman ay palakad-lakad na sa pasilyo ng halos kalahating araw, tumatawag sa telepono para ipa-check sa kanyang bodyguard ang surveillance upang malaman kung saan nagtatago si Tanya. Nang bigla niyang nakita si Tanya kaya naman ay ngumisi siya. “No need to check those useless surveillance camera, nakita ko na siya!” Kinagat ni Tanya ang kanyang labi at tumakbo palayo, patungo sa sulok. Nag-aalala kasi siya na baka matakot sina Candy at ang tatlong bata kung makikita nila ang ganitong eksena, kaya gusto niyang akitin siya sa isang sulok na parte nang resto para bigyan siya ng ilang karayom at maalis na ang panganib sa mga tao! Nang makarating siya sa sulok ay hinarangan siya ng bodyguard ni Sandro. Tumakbo naman si Sandro at hingal na hingal matapos ay biglang hinablot ang buhok ni Tanya saka nagmumura. “Ikaw na babae, nagtatangka ka pa ring tumakas!” Napangiwi si Tanya sa sakit at sinipa. Dumaplis eto kay Sandro kaya naman ay tinapakan niya lamang dulo ng sap

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status