Share

KABANATA 4

Samantala, ilang oras lang at nagkita na rin si Sage at si Tanya.

Walang kaalam-alam si Tanya sa kung ang nangyari sa labas nang istasyon ng tren at lalong-lalo na, hindi rin niya alam na ang kanyang anak na si Sage ay nakagawa nang isang malaking gulo.

Habang nakatingin sa Masiglang tumatakbong na si Sage, nawala naman na ang pag aalala na bakas na bakas sa mukha ni Tanya kanina pa "Sage, saan ka ba nagpunta? Kanina kapa hinahanap ni Mommy"

Nang makita ni Sage ang reaksyon ng kanyang ina ay hinuha neto na hindi pa alam nng kanyang ina ang mga nangyari sa labas kaya naman napangiti nalang siya "Mommy, huwag kang mag-alala. Unang beses ko lang kasi dito kaya lumabas ako para tingnan ang paligid. Mommy, ang ingay at ang saya pala dito!"

"Oo naman, isa ito sa pinakamalalaking lungsod dito sa bansa natin! Pero maraming tao dito kaya naman huwag kang maglalakad-lakad mag-isa. Baka ma-kidnap ka, paano na ako na mommy mo at ang mga kapatid mo?"

Pinapalo ni Sage ang kanyang dibdib at mayabang na sinabi "Huwag kang mag-alala, Mommy. Kung makakasalubong ng mga kidnapper si Sage, sila ang dapat mag-alala! Hindi ba nila alam kung sino ang Mommy ko? Sobrang talino ko, kaya hindi ako ma-kidnap!"

"Ang daldal mo talaga," sabi ni Tanya pero wala namang galit sa kanyang mukha, puro pagmamahal lang.

Nagpa-cute si Sage "Sige na Mommy, huwag ka nang mag-alala. Tingnan mo, ligtas naman akong nakabalik. Mommy, kumain nalang tayo gutom na gutom na ako, sigurado akong gutom na rin ang kuya at si Samuel."

Nag-aalala si Sage na baka bumalik ang masamang babae at magalit ang kanyang ina.

Napangiti naman si Tanya "Sige, dadalhin ko kayo sa masarap na kainan."

"Opo," sabay-sabay na tumango ang tatlong bata.

Kinuha ni Sawyer ang maleta nang kanyang ina na si Tanya "Mommy, ako na po."

Kinuha naman ni Sage ang bag ni Tanya "Ang mga babae dapat magpapaganda lang habang kaming mga lalaki na ang gagawa ng mabibigat na trabaho."

Inilahad din ni Samuel ang kanyang kamay sa kanyang ina "Mommy, hawakan mo po ang kamay ko at tutulungan kita maglakad"

Para siyang isang prinsesa na pinapaligiran ng pagmamahal.

Nakangiti siya at masaya habang hawak ang kamay ni Samuel, lumabas sila sa istasyon ng tren.

Walang nakapansin sa apat na may isang pares ng mga mata pala ang nakatingin sa kanila mula sa malayo...

Nakangiti ang taong iyon pero ang ngiti niya ay parang multo, nakakatakot at mapanlinlang.

…..

Hindi naman komportable na  maglakad-lakad na may dala-dalang maleta kaya naman nagpagpasyahan ni Tanya na kumuha muna nang sa isang maliit na kwarto sa motel malapit sa istasyon ng tren.

Wala pa siyang trabaho, kaya kaunti lang ang pera niya at hindi siya makakapag-check in sa magandang hotel.

Plano niyang hiwalayan muna si Sean at saka ililipat ang mga papeles ng kanyang mga anak. Pagkatapos ay aalis na sila sa Maynila kasama ang mga anak niya.

Maghahanap siya ng isang lungsod na may magandang klima at doon maghahanap ng trabaho.

"Mommy, dito na po ba tayo matutulog?" tanong ni Sawyer

Alam ni Tanya na may pagka-maarte ang kanyang panganay pagdating sa kalinisan kaya naman napasabi nalang sya nang "Kaunti lang ang dalang pera ni Mommy mo ngayon, kaya hindi tayo makakapag-check in sa magandang hotel. Pasensya na Sawyer, pero magiging maayos din ang lahat. Linisin ko na lang ang kwarto at palitan ang mga kumot. Sandali lang naman tayo dito, pagkatapos ko ayusin ang lahat ay lilipat na tayo."

Naiisip ni Sawyer ang kanyang mga bilyong dolyar na nasa bangko niya at medyo naiinis siya dahil parang wala etong kwenta.

Mahal na mahal niya ang kanyang ina pero minsan ay hindi niya napipigilang maiinis dahil medyo may pagka-bobo lang ito sa ibang aspeto.

Dalawang taon na ang nakalipas nang dalhin niya ang kanyang unang kita sa kanyang ina.  Nagulat ang kanyang ina nang makita ang sampung libong dolyar na hawak neto.

Hindi siya makapaniwala na isang batang tulad nya ay ang makakakita ng ganoon karaming pera. Akala niya ay isang bagong uri ng panloloko ng mga kidnapper eto na ginagamit ang sampung libong dolyar bilang pain para ma-kidnap ang mga bata.

Dahil dito, hindi siya makatulog ng maayos at nag-aalala.  Nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa mga panahong iyon.

Pagkatapos ay kumita siya ulit ng isang milyong dolyar!

Pero nag-atubili siya ng matagal bago sabihin sa kanyang ina dahil natatakot siyang mag-isip ng kung anu-ano ang kanyang ina.

Patuloy siyang kumikita ng mas maraming pera at lahat ng pera niya ay nasa bangko niya at wala siyang pagkakataong gastusin ito.

Nang bumaba siya mula sa bundok upang kumuha nang pera sa bangko dahil nakita niyang wala talagang pera ang kanyang ina, kaya palihim niyang ibinigay kay Sage ang limang libong dolyar at sinabi na nanalo sila sa raffle sa isang tindahan sa paanan ng bundok!

Tiningnan ni Sawyer ang kanyang walang muwang na ina at bumuntong-hininga siya sa kanyang puso.

Pagkatapos, mapagmahal niyang sinabi "Mommy, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano.  Nagtanong lang ako ngunit hindi ko naman ayaw dito.  Basta kasama kita, masaya na ako kahit saan."

Nakangiti si Tanya dahil sa narinig "Ang mabuti kong anak.  Huwag kayong mag-alala, magtatrabaho nang mabuti si Mommy niyo para maibigay ko sa inyo ang lahat ng pangangailangan niyo!"

"Opo! Mommy! laban lang!"

"Ang galing ni Mommy!"

Nagbubunyi ang dalawa nya pang anak.

Mas lumaki ang ngiti ni Tanya dahil rito "Sige na, ilagay na natin ang mga gamit rito at kakain na tayo."

"Opo!"

Pagkatapos nilang kumain, nagpunta sa banyo ang tatlong bata para maghilamos at maghugas ng kamay. Nagpapalit naman si Tanya ng mga kumot.

"Tok tok tok." Biglang may kumatok.

Akala ni Tanya ay ang mga tauhan ng motel ang kumatok kaya binuksan niya ang pinto, "May kailangan p..."

"Dalhin niyo!"

Hindi pa tapos magsalita si Tanya nang biglang sumugod ang dalawang lalaki at hinawakan siya.

Nagulat si Tanya sa nangyari "Sino kayo? Ano ba ang gusto niyo? Bitawan niyo ako! Kayo...  uuuh..."

Tinakpan ang bibig ni Tanya at dinala siya palabas ng motel.

Mabilis na dinala si Tanya sa isang malaking gusali matapos non ay sa isang opisina.

Nandoon si Sean.

Isa siyang workaholic.  Bukod sa kanyang anak, ang trabaho lang ang interesante para sa kanya!

Pagkatapos niyang ihatid si Jazel sa bahay ay agad siyang pumunta sa gusaling ito para magsaliksik.  Plano niyang bilhin ang gusaling ito.

Nagbabasa ng mga dokumento si Sean sa kanyang opisina nang kumatok si Zoren.

"Boss, nalaman na namin.  Ang apat na gulong ay pinasabog gamit ang mga micro-explosive pero ang bata ay ordinaryong tao lang. Namatay ang kanyang ama noong bata pa siya, at lumaki silang magkakapatid kasama ang kanilang ina sa isang nayon.  Ngayon lang sila pumunta sa Maynila at wala namang kakaiba sa kanilang pamilya.  Dinala na ng mga tauhan natin ang ina ng bata rito at nasa conference room na siya"

Kumunot ang noo ni Sean.

Maliliit na pampasabog?

Ibinaba niya ang mga dokumento at tumayo. Naglakad siya papunta sa conference room.

Sumunod si Zoren, Kilala niya si Sean.

Ang mga explosive na ito ay pinasabog lang ang mga gulong pero hindi nasira ang buong sasakyan at hindi nasaktan ang mga tao sa loob neto. Ibig sabihin ay nasa tamang tanya explosives ang ginamit at maingat na kinontrol ang dami!

Hindi kaya ng isang bata na gawin ang ganong iyon.

Naghihinala ang kanyang amo na may ibang tao sa likod ng bata.

Maraming tao ang gustong patayin si Sean sa mga nakalipas na taon, kaya kailangan niyang mag-ingat.

Nasa conference room si Tanya at naguguluhan pa rin siya.

Hindi pa niya alam kung ano ang nangyayari. Dama nyang lalamunan na niya ang kanyang puso dahil sa mabilis na pagtibok nito sa ang kanyang dibdib.

"Sino kayo? Bakit niyo ako dinala dito? Kayo..."

"Kreeerk" Biglang bumukas ang pinto ng conference room.

Si Sean ang nangunguna sa lahat at naglalakad siya na para bang galit na galit.

Parang hari siya!

Napakataas niya, halos isang metro at siyam ang taas. Kaya agad siyang nakita ni Tanya.

Pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mga mata!

Tiningnan niya ulit ang lalaki at nagulat siya!

Ang lalaking ito ay kamukhang-kamukha ng kanyang mga anak.

Siya ba ang ama ng kanyang mga anak?

Siya ba ang lalaking sumira sa kanyang buhay noon?

Dahil dito, nagkulubot ang noo ni Tanya at hindi sinasadyang nakuyom ang kanyang kamao.

Biglang tumaas ang kanyang presyon ng dugo at nagulo ang kanyang mga paghinga!

Hindi niya kayang balikan ang nakaraan, nang gabing iyon ay sinira nito ang buong buhay niya!

Dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis, naging masama ang pangalan niya, at pinag-uusapan siya ng lahat.

Tinawag siyang malandi, masama, at puta!

Bilang isang ina, masaya siya dahil mayroon siyang tatlong anghel na anak.

Pero isipin lang ang nakaraan nya ay talagang marami siyang pinagdaanan at sobrang sakit nang mga eto.

At ang lahat ng sakit na iyon ay gawa ng lalaking iyon!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status