Nagulat si Camila sa biglaang pag preno na ginawa ni Phoenix sa sasakyan."Bakit?" Tanong nya dito. Lumingon sa kanya si Phoenix mula sa rear view mirror ng sasakyan at tila kinakabahan. "May nangyayari na naman ba? Bumalik na kaya tayo?" Saad ni Camila, Madilim na sa daan at tanging mga ilaw na lamang ang nagbibigay liwanag sa daan na tinatahak nila sa tulay. At hindi din nya matanaw ang harap ng dinadaan nila dahil sa taas ng mga upuan sa harap at madilim na din kaya hindi na nya inabala ang sarili na tignan pa ang dinadaanan nila. Kung bakit kasi gabi pa nila napiling umalis."Saphira, mukhang may problema tayo." Ani ni Phoenix. Kumunot ang noo ni Camila dahil parang may hindi magandang mangyayari base sa mga reaksyom nila. "Tangina" Rinig nyang mura ni Gale sa tabi nya. Habang si Saphira ay nag aalalang tinignan si Camila bago pasimpleng kinuha ang baril nya.Nakita ni Saphira ang ginawang pag baba ng isang babae mul sa sasakyang nasa unahan nila. Alam din nyang naka baba na an
"Camila! Pumasok ka sa loob! What the heck are you doing?!" Galit na sigaw ni Saphira nang pilit kong binuksan ang pinto ng sasakyan at laking tuwa ko nang magtagumpay akong mabuksan iyon. Agad kong nakita ang maraming grupo ng mga armadong lalaki na tinututukan ng baril nila Saphira at ng mga kasama naming mga armado rin.Ano? Magbabarilan sila rito? "Saphira-""Get in" Napa angat ang tingin ko nang marinig ko ang baritong boses ni Zeus na nasa gilid ko na at hindi katulad ng iba ay hindi nakatutok sa kahit kanino ang baril o katana nya.Parang panatag sya na hindi sya babarilin ng mga ito. "Ayoko, hindi ako papasok dyan kung hindi ko malalaman ang kung ano mang tinatago nyo." Mariing saad ko at sinubukang maglakad para lagpasan sya ngunit hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako."Ano ba! I am not a kid para itago nyo sa kotse na yan habang kayo ay nakikipagpatayan na para lang protektahan ako! Hindi ako uupo lang at manonood sa kung anong mga pwedeng mangyari, Zeus!" Matapang
'Kaya nilang kalabanin ang lahat sa mundo ngunit hindi ang tadhana.'Nakatingin si Camila sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili nya. Huminga sya ng malalim at tumayo na."M-Mamita tapos na po ako magbihis." Tawag ni Camila sa matandang babaeng may hawak na sigarilyo.Humarap ito sa kanya, ibinaba nito ang hawak na sigarilyo at hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng pulang long backless gown na hapit na hapit sa kanyang katawan dahilan para makita ang nakakamanghang hubog ng katawan ng dalaga, may slit rin ito sa kanang hita dahilan para lumitaw ang makinis at maputi nitong mga hita.Tumango tango ang matanda at muling humithit sa sigarilyong hawak hawak."Virgin ka pa di'ba?" Tanong nito. Napalunok si Camila bago tumango. Si Mamita ang nag rerecruit ng mga babaeng katulad nya para ibenta sa mga auction kaya siguradong may mas matataas pa na namumuno sa ilegal na gawaing ito."Sige, pumunta ka na kay Cecil at magpaayos ka na dun." Utos ng matanda, tumango nama
Bumagsak ang malaking pulang kurtina sa stage dahilan para hindi na makita si Camila dito at kasabay ng pagbagsak ng kurtina ang pag taas ng kinanalalagyan nyang hawla, marami pa nga ang nag request na nais nilang makita ang mukha ng dalaga ngunit hindi iyon pwede dahil ang nakabili lamang sa kanya ang maaring magdesisyon."Congrats, hija! Ang laki ng offer sayo, ha? Sa lahat ng naging Star ng auction na ito ay ikaw lang ang na offer- an ng tumatagingting na Two hundred million pesos! Akalain mo yun? Sa tinagal tagal ko dito ay ngayon lang ako nakarinig ng bid na ganoon kalaki!" Sabi ni Mamita nang maiakyat sya sa second floor na pinaggalingan nya kanina.Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Mamita dahil siguradong malaki ang makukuha nya dahil kay Camila. Samantalang si Camila ay hindi alam ang sasabihin nya dahil hindi pa rin sya makapaniwala. Tapos na ang auction pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa kanyang dibdib simula kanina. Nakalabas na sya sa hawla at muli syang dinala kay Ce
"Ma'am gusto nyo 'ho ba ng makakain?" Tanong ng isa sa mga katulong na naghatid sa akin dito, sa tingin ko ay mas bata lang ako sa kanya ng ilang taon.Umiling iling ako. " Hindi na po, salamat." Sabi ko at inilibot ang paningin sa kwartong tutuluyan ko. Hindi ko na naramdaman ang gutom sa dami ng nangyari ngayon, bukas na lang siguro ako kakain. Hindi ko mapigilan ang mamangha dahil mas malaki pa ang kwarto na ito kesa sa bahay namin! Ano pa kaya ang buong bahay na 'to?!I roamed my eyes, this room looks so modern! May sarili itong banyo at malaking kama. May malaki ding tv sa harap ko at may veranda din. Pinagsamang gray, black at white ang disenyo ng kwarto at may dalawang pinto rin sa loob.Para akong maninigas sa sobrang lamig!Nakalabas na ang mga maid at naiwan na akong mag isa dito. Naglakad ako palapit sa aircon at hininaan iyon. Lumapit ako sa katabing pinto ng banyo at binuksan iyon. Hindi naman naka lock.Pagbukas ko ay napagtanto kong walk-in closet iyon. Namangha ako sa d
"I'm not after sex like you said, i just-" "Then p- pauwiin mo na'ko, wala naman akong maibibigay s- sa'yo." Halos pasigaw ko nang sabi dahil sa kaba. At halos tumagos na din ako sa dingding sa likod ko dahil sa kakaatras ko para lang wag syang makalapit.Gwapo nga sya pero nakakatakot pa din sya, noh!"Hindi pwede...for now." Sabi nya at tumigil na sa pag abante palapit sa pwesto ko at ibinulsa ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng shorts nya.Kumunot ang noo ko. " For now? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong dahil medyo naguluhan ako."Okay here's the agreement. I will need you for five months or maybe six? Then-" Agad kong pinutol ang sasabihin nya, habang sya ay diretsong nakatingin sa akin."Ano? Five months? Ayoko uuwi na'ko tsaka-""After five months, you are free to go with the money." Napatigil ako sa sinabi nya at sandaling napaisip.Five months tapos uuwi akong may dalawang daang milyon?! Sa totoo lang tama naman sya, hindi ako lugi sa five months kung t
Limang bwan akong mananatili dito at sa loob ng mga bwan na iyon ay hindi ko alam ang mga mangyayari. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang mangyayari dahil malayong malayo ang nangyayari ngayon sa naimagine ko nang pinasok ko ang trabahong ito. Ang akala kong isang gabi lang ay magiging limang bwan pa pala. Wala naman akong magagawa dahil sayang din ang malaking pera na offer nya.Lumabas ako sa cr at pumili ng susuotin ko. Naghanap ako ng jeans pero wala akong nakita sa closet, puro mga dress ang nandito at mga oversized t-shirt kaya pinili ko na lang ang pinaka simpleng dress na nakita ko at isang flat sandals, plain na violet lang ito na below the knee at puti naman ang sandals na suot ko. Nag ayos lang ako saglit at bumaba na. Ang sabi ni Elijah ay may pupuntahan muna sya tsaka kami aalis. Ang sabi ko nga sa kanya ay huwag ma akong samahan pero sya na dik ang nag insist na samahan ako, hindi ko alam kung dahil ba iniisip nya na tatakasan ko sya o talagang concern lang sya na
"What are you doing?" Tanong nya pagkapasok ko sa loob ng kotse nya. "Sasakay?" Sagot ko, nagtatanong pa sya obvious naman na sasakay ako ano? "What am i? Your driver?.. Dito ka sa tabi ko." Utos nya habang kunot noong nakatingin sa akin sa rear view mirror. Sa likod kasi ako sumakay dahil wala naman syang sinabing sa tabi nya ako uupo."H-Ha?... Eh okay" Sabi ko at lumabas tsaka binuksan ang pinto sa harapan at pumasok.Sa totoo lang hindi naman ito ang first time ko na makasakay ng kotse dahil noon nung nag senior highschool ako ay may mga kaklase akong sinasabay ako sa mga sasakyan nila. Pero ito ang first time ko na makasakay sa isang lamborghini. "Fasten your seatbelt." Narinig kong sabi nya habang nakatingin sa harap at hindi pa pinapaandar ang sasakyan. Nagmadali akong hinagilap ang seatbelt at sinubukang ikabit iyon.Halos mapamura ako dahil binali- baliktad ko na ang seatbelt pero hindi ko parin ma figure out kung paano ikabit iyon! Lalo na at hindi ito kaparehas ng seatbel