Nakatitig lamang si Hades sa litrato na hawak nya habang hawak ang isang ginger beer sa kanang kamay. Mula sa kinauupuan nya ay tanaw na tanaw ang naglalakihang mga gusali at nagliliwanag na lugar.Inutusan nya ang mga tauhan nya na pinamumunuan ni Akane at Farah na pinaka pinagkakatiwalaan nya sa lahat ng magagaling nyang tauhan upang manmanan ang anak nya na napag alaman nyang naka tira sa bahay ni Elijah ngayon. Siguradong papunta na sila roon at inutusan nya rin ang mga ito na kung may pagkakataon ay kunin nila si Camila at maayos na dalhin sa kanya."I felt it..." Saad nya sa sarili at muling inisip ang oras na nakita nya si Camila noon sa arena. His guts were right.. AgainHindi nya gustong biglain ang anak nya tungkol dito ngunit hindu nya alam kung kailan malalaman nila Elijah ang tungkol dito. O baka alam na nila at nag uumpisa nang humakbang laban sa kanya.Hindi nya gugustuhing makalaban si Elijah habang nasa ilalim nila ang anak nya. Dahil ngayong tumanda na sya ay masaya s
Naiwan akong hindi malaman ang mararamdaman dahil sa naging pag uusap namin ni Trix. Hindi ko talaga mahanap ang punto nya, bakit nya tinatanong ang mga bagay na iyon? May sama ba sya ng loob sa akin? May nagawa ba ako? Kung meron bakit ayaw nyang sabihin ng diretso para aware ako?!O baka ayaw nya lang talaga ako dito? Ayaw nya akong maging parte ng organisasyon? Ngunit sa pag kakaalala ko ay hindi naman nya pinaramdam sa akin noon na hindi nya ako gusto maging parte ng organisasyon, ngayon lang. Ngayon nya lang ako kinausap ng ganito.Bumuga ako ng hangin at iniligpit ang pinag inuman ko. Ayoko nang guluhin pa ang sarili ko. THIRD PERSONS POV"S-Sigurado ka ba sa gusto mong gawin, Elijah? Siguradong nagtataka na si Camila sa mga nangyayari at alam kong napapansin nya na may kakaiba sa atin. At mas lalo syang magtataka kung-""I know that, Saphira. Just do what i said and leave the rest with me." Saad ni Elijah. Sa mga sinabi nya ay mukhang buong buo na ang desisyon nya. But he knew
"Saphira? May nangyayari ba? Bakit parang biglaan naman yata 'tong pag alis natin?" Tanong ni Camila kay Saphira na kasasakay lang ng kotse. Nasa passenger seat sila at napagigitnaan sya nila Saphira at Gale, habang si Zeus naman ang nag d-drive at si Phoenix ang nasa tabi nito."Nothing, Elijah just want to make sure that you are safe." Sagot ni Saphira. Sa parteng ito ay hindi sya nagsinungaling dahil totoo na gusto ni Elijah na maging ligtas si Camila but not telling her the true reason is hunting her. She wanted to clear her mind before doing a step without him, knowing. Gusto nya nang sabihin ang totoo kay Camila dahil yun ang sa tingin nyang tama."G-Ganun ba?""Yeah, medyo matagal ang biyahe. You can sleep if you want.""Ah hindi na...." Saad ni Camila at pilit pinipigilan ang sarili na magtanong ng kung ano dahil pakiramdam nya ay mayroong itinatago ang organisasyon sa kanya. Kanina ay nagulat na lang sya nang sabihin ni Saphira na aalis sila, nagtanong sya kung bakit nguni
Nagulat si Camila sa biglaang pag preno na ginawa ni Phoenix sa sasakyan."Bakit?" Tanong nya dito. Lumingon sa kanya si Phoenix mula sa rear view mirror ng sasakyan at tila kinakabahan. "May nangyayari na naman ba? Bumalik na kaya tayo?" Saad ni Camila, Madilim na sa daan at tanging mga ilaw na lamang ang nagbibigay liwanag sa daan na tinatahak nila sa tulay. At hindi din nya matanaw ang harap ng dinadaan nila dahil sa taas ng mga upuan sa harap at madilim na din kaya hindi na nya inabala ang sarili na tignan pa ang dinadaanan nila. Kung bakit kasi gabi pa nila napiling umalis."Saphira, mukhang may problema tayo." Ani ni Phoenix. Kumunot ang noo ni Camila dahil parang may hindi magandang mangyayari base sa mga reaksyom nila. "Tangina" Rinig nyang mura ni Gale sa tabi nya. Habang si Saphira ay nag aalalang tinignan si Camila bago pasimpleng kinuha ang baril nya.Nakita ni Saphira ang ginawang pag baba ng isang babae mul sa sasakyang nasa unahan nila. Alam din nyang naka baba na an
"Camila! Pumasok ka sa loob! What the heck are you doing?!" Galit na sigaw ni Saphira nang pilit kong binuksan ang pinto ng sasakyan at laking tuwa ko nang magtagumpay akong mabuksan iyon. Agad kong nakita ang maraming grupo ng mga armadong lalaki na tinututukan ng baril nila Saphira at ng mga kasama naming mga armado rin.Ano? Magbabarilan sila rito? "Saphira-""Get in" Napa angat ang tingin ko nang marinig ko ang baritong boses ni Zeus na nasa gilid ko na at hindi katulad ng iba ay hindi nakatutok sa kahit kanino ang baril o katana nya.Parang panatag sya na hindi sya babarilin ng mga ito. "Ayoko, hindi ako papasok dyan kung hindi ko malalaman ang kung ano mang tinatago nyo." Mariing saad ko at sinubukang maglakad para lagpasan sya ngunit hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako."Ano ba! I am not a kid para itago nyo sa kotse na yan habang kayo ay nakikipagpatayan na para lang protektahan ako! Hindi ako uupo lang at manonood sa kung anong mga pwedeng mangyari, Zeus!" Matapang
'Kaya nilang kalabanin ang lahat sa mundo ngunit hindi ang tadhana.'Nakatingin si Camila sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili nya. Huminga sya ng malalim at tumayo na."M-Mamita tapos na po ako magbihis." Tawag ni Camila sa matandang babaeng may hawak na sigarilyo.Humarap ito sa kanya, ibinaba nito ang hawak na sigarilyo at hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng pulang long backless gown na hapit na hapit sa kanyang katawan dahilan para makita ang nakakamanghang hubog ng katawan ng dalaga, may slit rin ito sa kanang hita dahilan para lumitaw ang makinis at maputi nitong mga hita.Tumango tango ang matanda at muling humithit sa sigarilyong hawak hawak."Virgin ka pa di'ba?" Tanong nito. Napalunok si Camila bago tumango. Si Mamita ang nag rerecruit ng mga babaeng katulad nya para ibenta sa mga auction kaya siguradong may mas matataas pa na namumuno sa ilegal na gawaing ito."Sige, pumunta ka na kay Cecil at magpaayos ka na dun." Utos ng matanda, tumango nama
Bumagsak ang malaking pulang kurtina sa stage dahilan para hindi na makita si Camila dito at kasabay ng pagbagsak ng kurtina ang pag taas ng kinanalalagyan nyang hawla, marami pa nga ang nag request na nais nilang makita ang mukha ng dalaga ngunit hindi iyon pwede dahil ang nakabili lamang sa kanya ang maaring magdesisyon."Congrats, hija! Ang laki ng offer sayo, ha? Sa lahat ng naging Star ng auction na ito ay ikaw lang ang na offer- an ng tumatagingting na Two hundred million pesos! Akalain mo yun? Sa tinagal tagal ko dito ay ngayon lang ako nakarinig ng bid na ganoon kalaki!" Sabi ni Mamita nang maiakyat sya sa second floor na pinaggalingan nya kanina.Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Mamita dahil siguradong malaki ang makukuha nya dahil kay Camila. Samantalang si Camila ay hindi alam ang sasabihin nya dahil hindi pa rin sya makapaniwala. Tapos na ang auction pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa kanyang dibdib simula kanina. Nakalabas na sya sa hawla at muli syang dinala kay Ce
"Ma'am gusto nyo 'ho ba ng makakain?" Tanong ng isa sa mga katulong na naghatid sa akin dito, sa tingin ko ay mas bata lang ako sa kanya ng ilang taon.Umiling iling ako. " Hindi na po, salamat." Sabi ko at inilibot ang paningin sa kwartong tutuluyan ko. Hindi ko na naramdaman ang gutom sa dami ng nangyari ngayon, bukas na lang siguro ako kakain. Hindi ko mapigilan ang mamangha dahil mas malaki pa ang kwarto na ito kesa sa bahay namin! Ano pa kaya ang buong bahay na 'to?!I roamed my eyes, this room looks so modern! May sarili itong banyo at malaking kama. May malaki ding tv sa harap ko at may veranda din. Pinagsamang gray, black at white ang disenyo ng kwarto at may dalawang pinto rin sa loob.Para akong maninigas sa sobrang lamig!Nakalabas na ang mga maid at naiwan na akong mag isa dito. Naglakad ako palapit sa aircon at hininaan iyon. Lumapit ako sa katabing pinto ng banyo at binuksan iyon. Hindi naman naka lock.Pagbukas ko ay napagtanto kong walk-in closet iyon. Namangha ako sa d