Share

Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah
Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah
Author: kAtana_ndnn

Auction- Kabanata 1

'Kaya nilang kalabanin ang lahat sa mundo ngunit hindi ang tadhana.'

Nakatingin si Camila sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili nya. Huminga sya ng malalim at tumayo na.

"M-Mamita tapos na po ako magbihis." Tawag ni Camila sa matandang babaeng may hawak na sigarilyo.

Humarap ito sa kanya, ibinaba nito ang hawak na sigarilyo at hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng pulang long backless gown na hapit na hapit sa kanyang katawan dahilan para makita ang nakakamanghang hubog ng katawan ng dalaga, may slit rin ito sa kanang hita dahilan para lumitaw ang makinis at maputi nitong mga hita.

Tumango tango ang matanda at muling humithit sa sigarilyong hawak hawak.

"Virgin ka pa di'ba?" Tanong nito. Napalunok si Camila bago tumango. Si Mamita ang nag rerecruit ng mga babaeng katulad nya para ibenta sa mga auction kaya siguradong may mas matataas pa na namumuno sa ilegal na gawaing ito.

"Sige, pumunta ka na kay Cecil at magpaayos ka na dun." Utos ng matanda, tumango naman si Camila at sinunof ang utos nito. Tumungo sya sa likod na bahagi ng dressing room at doon nya nakita si Cecil.

Nanlaki ang mga mata nito nang dumapo ang tingin sa dalaga. Nasa trenta'y sais anyos na si Cecil at ilang taon na ring nagta trabaho dito ngunit ngayon lamang sya nakakita ng babaeng ganito kaganda sa lahat ng inayusan nya! Sa isip isip nya ay mukang galing sa mayamang pamilya si Camila dahil sa hitsura nito.

Sa ganda ng dalaga ay hindi nya maisip na kasama ito sa ganitong klaseng gawain dahil sa mukhang anghel ang mala manika nitong mukha isama pa ang perpektong hugis nitong katawan.

Namamangha syang lumapit sa dalaga at pinuri ito. "Wow! Ang ganda ganda mo hija! Kaya ikaw ang Star of the night eh!" Ani nito sabay tawa tsaka pinaupo si Camila sa tapat ng salamin at sinimulang ayusan ang dalaga.

Hindi nya maialalis ang tingin dito habang inaayusan ang dalaga dahil hindi kapani paniwala ang kagandahan nito! At bukod sa kakaibang ganda ng dalaga ay isa rin sa mga dahilan kung bakit sya ang Star of the night ay dahil isa syang birhen o virgin.

"Naku! Ang sexy sexy mo pa! Siguradong maraming mayayaman ang makikipag agawan para sayo!"

"Naalala ko tuloy ang kabataan ko noon dahil sayo. Ganyan din ako kaganda noon, lamang ka lang ng isang paligo." Sabi nito sabay tawa. Ngumiti lamang si Camila at hindi nakikinig sa sinasabi ni Cecil dahil sa kabang nararamdaman nya.

Kinakabahan at nagdadalawang isip pa rin sya kahit na alam nyang hindi na rin naman sya pwedeng mag back out lalo na at ito na lang ang naisip nyang paraan para mabilis na kumita ng malaking pera para sa naaksidente nyang kapatid na nasa ospital ngayon.

"Alam mo? Hindi mo na nga kailangang lagyan ng make up eh. Ang ganda ganda mo na oh? Tapos lalo ka pang gumanda! Hays nakakainggit naman, kung sana ay mas bata bata pa ako.." Ani nito at parang nagbabalik tanaw.

Hindi na pinansin ni Camila si Cecil na patuloy sa paglalagay ng mga kolerete sa mukha nya dahil sa ngayon ay nag uumpisa na ang auction.

Marami pa naman mauunang mga babae sa kanya bago sya dahil sya ang panghuling io- auction dahil sya ang Star of the night, pero ramdam pa rin nya ang panlalamig dahil sa kabang nararamdaman.

Sa pagkakaalam nya ay mas matagal na sa ganitong gawain ang mga nauna sa kanya sa stage kaya mas mababa ang offer sa kanila, pero sa mga kagaya nyang virgin at bago pa lamang sa gawaing ito ay siguradong sampung beses na mas malaki ang offer sa kanya.

Nakapikit ngayon si Camila at nagdadasal na sana ay hindi mataba, pangit at matanda ang makabili sa kanya. Karamihan kasi sa mayayaman ay matatabang malalaki ang tiyan at matatanda na.

Kaya ipinagdadasal nya na kung may makakakuha man sa kanyang pagkabirhen ay sana isa itong magandang lalaki.

Choosy na kung choosy pero yun ang nasa isip nya..

Bakit kaya gustong gumastos ng mga taong ito para lang sa mga ganitong bagay? Tanong ni Camila sa kanyang sarili.

Maybe to satisfy themselves? Huminga sya nang malalim dahil wala na syang paki sa kung anong gustong gawin ng mga ito dahil pera naman nila iyon.

"Ayan! Bongga! Hala sige tumayo ka riyan, tignan natin kung okay na." Utos ni Cecil sa kanya matapos sya nitong ayusan ng buhok.

Pinasadahan sya ng tingin ni Cecil mula ulo hanggang paa at tsaka masayang tumango tango ito na parang satisfy na sya.

"Suotin mo na lang 'yung maskara. Malapit na silang matapos ikaw na ang susunod try maya maya." Ani nito sa excited na tono na kabaliktaran ng nararamdaman nya.

Sigurado ba ako sa papasukin ko? Tanong nya sa kanyang sarili. Ito na lang ang naisip nyang paraan para maresolba ang mga problema nya na ngayon ay pinagsisisihan na nya.

'Isang gabi lang naman at matatapos na lahat ng problema ko.' Pangungumbinsi nya sa kanyang sarili.

Huminga sya ng malalim at isinuot ang kumikinang na maskara dahil sa glitters na nakalagay rito.

"Hmm, parang may kulang pa." Sabi ni Cecil at tsaka mariin sya nitong tinitigan.

Nagtataka naman si Camila dahil mukhang kumpleto na naman na ang lahat.

"Ah alam ko na." Sabi ni Cecil at lumapit sa kanya.

"Hmp." Sabi ni Camila nang banatin ni Cecil ang bibig nya.

" Ayan! Yan ang kulang! Smile ka naman dyan oh! Mas lalo kang gaganda kapag nakangiti ka, Camila." Ani nito.

"Alam kong hindi mo gustong pasukin ang ganitong trabaho pero alam ko ding kailangan mo ng malaking pera, tama ba?" Tanong ni Cecil.

Marahang tumango si Camila. Lumunok sya at pinigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.

"Yan naman ang laging dahilan ng mga taong napasok sa ganitong trabaho, eh. Pero hayaan mo, ngayon lang ito at makakakuha ka na ng malaking pera at hindi mo na kakailanganing gawin pang muli ang mga ganitong bagay."

"Malayo ang mararating mo hija, alam ko dahil nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka susuko." Ani nito nang nakangiti.

Para itong isang ina na nagpapalakas ng loob sa isang anak. Naalala tuloy ni Camila ang kaniyang ina kay Cecil. Siguradong hindi papayag ang nanay nya na gawin nya ang ganitong gawain.

Ngumiti si Camila at niyakap si Cecil.

"S-Salamat po.." Sabi nya dito at mas lalong hinigpitan ang yakap dito.

"Oh, tama na ang drama. Sayang ang make up, oh." Ani ni Cecil at tsaka tumawa.

Makalipas ang fifteen minutes ay tinawag na sya ni Mamita. Pinaakyat sya nito sa second floor at pinapasok sa isang room.

Pagpasok nya sa kwarto ay dalawang malalaking lalaki ang naroon at isang malaking hawla rin ang nakalagay sa gilid. Sa laki ng hawlanh iyon ay kasyang kasya roon ang isang tao at sa loob ng hawla ay may upuan na parang pang reyna. May kadena rin ito sa taas.

Kinutuban na sya sa gagawin dahil sa nakita nya.

Hindi nga sya nagkamali dahil pinapasok nga sya roon at pinaupo sa parang royal chair. May pinag usapan sila na hindi nya marinig dahil lumayo ang mga ito.

Kinakabahan sya sa mangyayari. Sya na ang susunod na ibebenta!

"Ayusin mo ang upo mo at ang posture mo!" Nagulat sya nang sabihin iyon ni Mamita kaya dali dali nyang inayos ang upo.

She crossed her legs dahilan para bumagsak ang tela sa kanang hita nya at lumantad iyon. Itinuwid nya rin ang kanyang likod at huminga ng malalim.

Gusto nya sanang ayusin ang telang nahulog sa kanang hita nya ngunit para saan pa at hita lang iyon kumpara sa mawawala sa kanya ngayong gabi.

Ito na iyon, wala ng atsrasan. Ani nya sa sarili.

Maya maya pa ay naramdaman na nya ang pag galaw ng hawlang kinalalagyan. Ibig sabihin ay sya na ang ibebenta.

Unti unting bumaba ang hawla, at sa bawat pagbaba nito ay sya namang pagdagdag ng kaba sa kanyang dibdib.

"Let us welcome the Star of the night!" Sigaw ng emcee bago sya tuluyang maibaba.

Unti unting nakita ni Camila ang mga tao at doon nya napagtanto na mas marami ang mga ito kaysa sa inaasahan nya.

Madilim ang paligid at sa kanya lamang nakatutok ang ilaw dahilan para sa kanya matutok ang atensyon ng lahat ng naroon.

Ang lahat ng narito ay mayayaman at ang isa sa kanila ang mag mamay ari sa kanya ngayong gabi.

Tuluyan na nga syang naibaba sa stage at nag simulang magpalakpakan ang mga tao, may ilan pang sumisipol dahilan para tumaas ang mga balahibo nya sa kilabot.

Tama nga sya halos lahat ng nakikita nya ay matatanda. Halos mapamura sya sa sarili dahil doon.

"The lady in red! Lady Camila! A mysterious lady hiding in her gold mask, has a thirty four, twenty two and twenty six body count." Sigaw ng emcee dahilan upang muling umingay ang mga tao.

"And also, whoever has the biggest bid will have her! She is twenty two years old lady and believe me or not? She have the most beautiful face tonight! Kaya i ready nyo na-"

"TEN MILLION!" Nagulat si Camila at natigil ang mga tao nang biglang may sumigaw non.

"Sir, excited po yata kayo?" Sabi mg emcee dahilan para magtawanan ang mga ito.

"Okay! Dahil nag umpisa na si sir in ten million bid let us start now in ten million!" Sigaw muli ng emcee, para itong nagkape ng sampung beses bago ang auction dahil sa sobrang energetic nito.

Tahimik lamang na nanonood si Camila at hindi makapaniwalan sa mga presyong naririnig nya.

"Twenty million!" Sigaw ng isang lalaki sa bandang gitna habang nakataas ang bidding board nito.

"Okay! Twenty million for Mr. Santiago-"

"Twenty five million."

"Twenty five million for Mr. Tor-"

"Thirty five million!"

"Mr. Montreal steal it for Thirty million-"

Halos mapanganga si Camila dahil hindi sya makapaniwalang aabot ng ganun kalaki ang bid sa kanya at hindi lang iyon! Dahil tumataas pa ito!

Ganun pala talaga kayayaman ang mga taong narito. Kaya nilang gumastos ng million para sa ganito!

"Sixty million!" Halos lumaglag ang panga nya sa laki ng bid ng isa sa mga buyers.

"Sixty million for-"

"Ninety million!"

"Ninety-"

"Two hundred million!" Halos mahulog naman ngayon si Camila sa kanyang kinauupuan dahil sa narinig.

Tama ba ang narinig ko? Two hundred million?! Tanong nya sa sarili dahil baka nabibingi na sya.

"Wow! A two hundred million for Mr. Elijah! That is a really big amount of money, huh?" Manghang sabi ng emcee, maging ang ibang mga buyers ay natahimik rin dahil sa sumigaw ng two hundred million pesos habang ang iba ay nagbulungan.

Grabe ang laki naman ng two hundred million para lang makuha sya?! Sino ang gagastos ng ganung kalaking pera para sa kanya?! Tanong ni Camila sa sarili.

"Anyways let's go back to the auction!"

"Anyone wants to steal?" Tanong ng emcee kahit na obvious na wala ng gustong mag steal sa laki ng last bid.

"Anyone?....Alright, looks like we already have a winner! Two hundred million pesos for Mr.Elijah!" Sigaw ng emcee.

"The lady in red is sold for two hundred million pesos by Mr.Elijah. We are now closing this auction." Muling sabi ng emcee at nagpalakpakan ang mga tao kasabay ang pagsabog ng gold confetti sa paligid ni Camila.

Tulala sya sa nangyari, hindi sya makapaniwalang may gustong bumili sa kanya sa halagang two hundred million pesos! Hibang na ba ang lalaking iyon ay gagastos sya ng ganoong kalaking pera? Tanong ni Camila sa kanyang isip.

At the same time ay kinakabahan rin sya dahil hindi nya nakita ang Mr. Elijah na nakabili sa kanya sa auction.

Paano kung matanda na iyon? Paano kung tama nga ang iniisip nya kani kanina lang? Pwede naman sigurong pakiusapan ang nakabili sa kanya hindi ba? Subukan man nyang hanapin ang sumigaw ng two hundred million ay hindi nya magawa dahil sa dilim.

Naiimagine nya na ang matandang panot at malaki ang tyan na nakangisi sa harapan nya. Gustong sumigaw ni Camila sa kilabot dahil sa naiiisip nya, kaya ipinilig nya ang kanyang ulo at umiling iling.

Pero sa tunog ng pangalan nito ay mukhang hindi naman ito mukang tunog matanda kaya nabuhayan pa sya ng loob na hindi tama ang iniisip nya kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status