Share

Goodbye for now- Kabanata 6

"What are you doing?" Tanong nya pagkapasok ko sa loob ng kotse nya.

"Sasakay?" Sagot ko, nagtatanong pa sya obvious naman na sasakay ako ano?

"What am i? Your driver?.. Dito ka sa tabi ko." Utos nya habang kunot noong nakatingin sa akin sa rear view mirror. Sa likod kasi ako sumakay dahil wala naman syang sinabing sa tabi nya ako uupo.

"H-Ha?... Eh okay" Sabi ko at lumabas tsaka binuksan ang pinto sa harapan at pumasok.

Sa totoo lang hindi naman ito ang first time ko na makasakay ng kotse dahil noon nung nag senior highschool ako ay may mga kaklase akong sinasabay ako sa mga sasakyan nila. Pero ito ang first time ko na makasakay sa isang lamborghini.

"Fasten your seatbelt." Narinig kong sabi nya habang nakatingin sa harap at hindi pa pinapaandar ang sasakyan. Nagmadali akong hinagilap ang seatbelt at sinubukang ikabit iyon.

Halos mapamura ako dahil binali- baliktad ko na ang seatbelt pero hindi ko parin ma figure out kung paano ikabit iyon! Lalo na at hindi ito kaparehas ng seatbelt na alam ko.

Narinig ko ang buntong hininga nya at nagulat na lang ako nang ilapit ang mukha nya sa akin. Napakurap ako ng ilang beses bago nagsalita.

"A-Anong ga-" Napatigil ako nang i-extend nya ang kamay nya at kinuha ang seatbelt sa akin at sya na mismo ang nagkabit no'n sa akin. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako humihinga kaya nang lumayo sya ay doon lang ako nakahiga ng maluwag.

Akala ko naman kung ano nang gagawin nya.

Ipinatong ko ang dala dala ko pa ring rosas sa dashboard ng sasakyan at isinandal ang sarili sa upuan. Napansin ko na sumulyap si Elijah sa rosas na nilagay ko sa dashboard ng sasakyan nya tsaka kumunot ang noo nya.

"Ah p-pinitas ko pala yan kanina sa garden nyo, okay lang ba?" Tanong ko kahit na napitas ko na ito ng walang paalam.

"Yeah" Sagot nya.

"Uh, okay." Sabi ko. Ang awkward lang dahil sa mga sumunod na oras ay hindi na kami nag usap at wala ring nagtangkang magsalita. Ano kayang iniisip nya? Focus na focus sya sa pag d drive at mukhang bad trip dahil sa itsura ng mukha nya. Sabagay unang kita ko pa lang naman sa kanya ay mukang laging masama ang timpla nya.

Halos isang oras na rin kaming bumabyahe, ganito pala kalayo ang bahay sa ibang lugar? Nakatulog na ako at lahat ay nag d drive pa din sya hanggang sa umabot ang tatlong oras at doon lang kami nakarating sa ospital kung nasaan si Jasty at sigurado din akong nandito si mama.

"This is it, right?" Tanong nya.

"Oo, uhm dito ka na lang ba o papasok ka din sa loob?"

"I'll just wait here." Sagot nya, hindi na ako sumagot at tumango na lang at umalis na. Alam naman siguro nya na hindi ako tatakas kaya hindi na sya sumama tsaka baka mainip lang sya doon at baka pagtinginan pa sya ng mga nurse doon lalo na dahil naka suit pa sya.

Nakatayo lang ako sa tapat ng room ni Jasty at iniisip ang sasabihin ko. Maya maya ay kumatok na ako at hinanda ang sarili ko.

Siguradong magtataka si mama lalo na si Jasty sa oras magising sya kung sasabihin kong mawawala ako sa loob ng ilang bwan.

Kumatok ulit ako dahil walang nagbukas ng pinto, pero napag-desisyonan ko nang pumasok dahil wala pa ring nasagot. Tulog ba si mama?

Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita na mag isa lang si Jasty sa kwarto at mukang umalis nga si mama ngunit agad ko ring naramdaman ang bigat sa dibdib ko nang makita ang kalagayan ng kapatid ko. Madaming mga aparato ang nakatusok at nakakabit sa kanya, may benda din ang ulo nya kung saan sya binagsakan ng bakal.

Lumapit ako sa kamang kinalalagyan nya at naupo sa katabing upuan nito.

Nanglambot ako nang makita ng malapitan ang hitsura nya. Unti unting nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha, marahan kong inangat ang kamay ko para mahawakan ang mukha nya kahit na naginginig ang kamay ko.

"J- Jasty? Hindi ka pa din ba nagigising? Nahihirapan ka ba, ha?" Nanginginig kong sabi, sya at si mama ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko hindi ko kakayanin kung mawawala ang isa sa kanila. Lagi syang nasa tabi ko, alam nya lahat ng nasa loob ko dahil sya lang napagsasabihan ko ng mga problema ko, alam nyang hinding hindi ako magsasabi kay mama dahil ayoko nang magisip pa sya lalo dahil sa akin.

"Nandito na si, ate. Huwag kang susuko ha? Ipapagamot kita huwag kang m- mag alala, magkakaroon din ako ng madaming pera pagbalik ko t- tapos mag aaral ka na sa maganda school, yun yung gusto mo di'ba? Aalis na din t-tayo sa luma at sira sirang bahay natin, lilipat tayo sa malaki tapos magandang bahay kaya lumaban ka h-ha?" Humihikbi kong sabi kahit na hindi nya ako naririnig. Kilala ko ang kapatid ko, hindi sya magpapatalo dito, mabubuhay sya at gagaling sya. Hindi ako papayag na mawala sya sa amin ni mama.

Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na bumabagsak at kumakawala sa mga mata ko. Tumayo ako para sana lumabas at kausapin ang doktor ng kapatid ko nang makita ko si mama.

"C- Camila.." Tawag nya sa pangalan ko. Napatingin ako sa dala nyang isang mansanas at naka plastic na lomi.

"Mama.." Agad akong lumapit sa kanya at mahigpit syang niyakap. Sandali kaming nanatilisa ganoong posisyon tsaka kami nagbitaw sa isat isa.

"Saan ka ba nagpuntang bata ka? Nag alala ako sayo!"

"N- Naghanap lang po ng pera para pambayad dito sa ospital." Sagot ko, wala akong balak banggitin kay mama ang trabahong pinasok ko dahil baka atakihin sya sa puso o kung hindi man ay baka itakwil nya ako. Kinausap namin ang doktor ni Jasty at sinabi nitong kailangang operahan si Jasty sa lalong madaling panahon dahil sa namuong dugo sa utak nya.

"Anak, s- saan tayo kukuha ng pang paopera ng kapatid mo? Wala nang gustong mag pautang sa akin dahil-"

"Huwag kang mag alala ma' ako na ang bahalang dumiskarte dyan basta ang mahalaga ay maoperahan si Jasty."

" P-Pero saan ka makakakuha ng ganoong kalaking pera-"

"Ma, k-kailangan kong umalis. Mawawala ako ng ilang bwan-" Pag papaalam ko ngunit agad rin nyang pinutol ang sasabihin ko.

"Aalis ka? Saan ka naman pupunta? M-Mag a-abroad ka ba-"

"Ma, hindi po. Huwag na po kayong magtanong ako na po ang bahala. K-kailangan ko lang umalis pero babalik ako, babalik ako k- kaagad, tsaka okay ako dun, ma. P-pakisabi na lang kay Jasty kapag nagising na sya." Sabi ko habang pinipigilan ang pag iyak ko.

"P-pero, Camila h-hindi mo kailangang-"

"Ma, kailangan kong gawin 'to. Ipapadala ko na lang ang pera sa inyo kapag nakuha ko na, okay?" Sabi ko at hinawakan sya sa magkabilang balikat nya. Yumuko sya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang tumulong luha sa mga mata nya.

Iniisip nya siguro na sya ang ina kaya dapat sya ang gumagawa ng ganitong bagay, simula pagkabata ay nakita ko kung paano kumayod ng kumayod si mama, lahat ng trabahong inaalok sa kanya ay tinatanggap nya dahil wala syang permanenteng trabaho dahil hindi sa nakatapos ng highschool noon. Ang ama ko namang walang ginawa kung hindi lustayin ang perang nakukuha ni mama kaya dumodoble sya ng kayod para may maitabi para sa amin at sa pag aaral ko, nang tumungtong ako nang first year college ang akala ko ay giginahawa na ang buhay namin dahil makakapag college na ako kung hindi lang nagkasakit si mama at si Jasty na nag highschool na rin. Kinailangan kong tumigil sa pag aaral ko para magtrabaho at ngayon nandito ako.

Nag iwas ako ng tingin at binitawan sya. Kinuha ko ang lahat ng pera sa sling bag na dala ko at iniabot 'yon sa kamay nya.

Kailangan kong magpakatatag, hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko dahil baka makalimutan ko ang sinabi ko sa sarili ko.

"P-Para saan ito?"

"Para yan sayo ma, pagpasensyahan nyo muna yan, sa susunod na linggo baka makapagpadala na ako ng malaking pera. Mag ingat ka, ma. Alagaan mo muna si Jasty habang wala ako, mahal ko kayo." Huling sabi ko bago ko sya niyakap at walang lingunang lumabas ng kwarto.

Pinupunasan ko ang mga luha ko nang mapatigil ako nang mapansin ang nakasandal na lalaki sa gilid ng hagdan.

"B- Bakit ka nandito?" Tanong ko, dumako naman ang tingin ko sa hawak hawak nyang isang stick ng kwek-kwek.

"I got bored so i followed you." Sagot nya habang ngumunguya. Napatingin ako sa paligid at nakitang nakatingin halos lahat ng tao sa amin..o sa kanya.

"Pero-"

"Why? Is there something wrong with that?"

"W-Wala naman, halika na." Sabi ko at nauna nang naglakad sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status