Share

Him- Kabanata 5

Limang bwan akong mananatili dito at sa loob ng mga bwan na iyon ay hindi ko alam ang mga mangyayari. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang mangyayari dahil malayong malayo ang nangyayari ngayon sa naimagine ko nang pinasok ko ang trabahong ito. Ang akala kong isang gabi lang ay magiging limang bwan pa pala. Wala naman akong magagawa dahil sayang din ang malaking pera na offer nya.

Lumabas ako sa cr at pumili ng susuotin ko. Naghanap ako ng jeans pero wala akong nakita sa closet, puro mga dress ang nandito at mga oversized t-shirt kaya pinili ko na lang ang pinaka simpleng dress na nakita ko at isang flat sandals, plain na violet lang ito na below the knee at puti naman ang sandals na suot ko.

Nag ayos lang ako saglit at bumaba na. Ang sabi ni Elijah ay may pupuntahan muna sya tsaka kami aalis. Ang sabi ko nga sa kanya ay huwag ma akong samahan pero sya na dik ang nag insist na samahan ako, hindi ko alam kung dahil ba iniisip nya na tatakasan ko sya o talagang concern lang sya na baka maligaw ako.

Nagtataka akong umupo sa tapat ng lamesa nang makita ang napaka daming pagkain sa sa hapag. May fiesta ba?

Nakita ko pa ang isang kasambahay na may dala dalang isang pinggan hatdog.

"Miss!" Tawag ko dito, mukhang hindi nya ako napansin na nakaupo ako dito dahil focus na focus sya sa paghahanda mg mga pagkain.

"Ay ma'am! Bakit po? May kailangan po ba kayo? May ipapadagdag po ba kayo sa mga pagkain o request?" Tanong nito. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nya. Magpapadagdag? Pagkain na nga namin ang mga ito sa loob ng dalawang linggo eh! Seryoso ba sila?

"Ah hindi hindi, itatanong ko lang kung sino ang may birthday?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo nya at kinagat ang loob ng pisngi nya na halatang halata na para pigilan ang pagtawa.

May nakakatawa ba?

"Ah wala po ma'am, para po sa inyo lahat 'yan-"

"Ano? Para sa akin? Niloloko nyo ba ako?" Gulat kong tanong.

"Hindi po ma'am, pinahanda po kasi 'yan ni sir bago sya umalis kanina." Sabi nya na ikinataas ng kilay ko.

Seriously, Elijah? Isang buong lamesa ng pagkain? Anong tingin nya sa akin? Isang taong hindi kumain?

Inilibot ko ang paningin ko sa mga pagkaing nakahanda at nagumpisa nang kumain. Sinigurado kong wala nang natirang space sa tyan ko at binusog ang sarili ko dahil sayang naman kung hindi ko matitikman lahat ng niluto nila. Pinilit ko din silang samahan akong kumain pero tumanggi sila.

"Si Elijah, hindi ba sya kakain dito?" Tanong ko. Kumunot ang noo nila, siguro ay hindi nila akalain na tatawagin ko si Elijah sa pangalan nya.

"Hindi daw po yata. Ang sabi lang po kasi ni sir ay ipaghanda namin kayo ng madaming pagkain ngayong tanghali." Sabi nya at ngumiti sa akin.

"Ah ganun ba? Sige doon muna ako sa garden ha? Pakitawag na lang ako kapag nandito na sya." Sabi ko.

"Sige po." Naglakad na ako palabas at pumunta sa likod kung nasaan ang garden. Sa tingin ko ay talagang mag isa na nga lang talaga sa buhay ang Elijah na 'yon maliban sa mga kasambahay at bodyguards na kasama nya dito, tapos mukha pa syang masungit.

Wala na ba syang mga magulang? O kapatid? Kaibigan? Pinsan? o sinuman na makakasama nya?

Sa tingin ko tuloy ay sobrang lungkot ng buhay nya kahit na nasa kanya na lahat ng yaman ay parang kulang naman sya sa pagmamahal.

Pumitas ako ng isang rosas na nakatanim dito at inamoy amoy iyon, napansin ko din na halos rosas lahat ng nakatanim dito. Ibat ibang kulay din ang mga nakatanim na rosas na mas nagpaganda dito.

"Mahilig pala sya sa mga rose?" Pagkausap ko sa sarili ko.

"Lola nya ang nagtanim ng mga rosas na iyan, hija." Halos mapasigaw ako sa gulat nang biglang may magsalita.

"L- Lolo kayo po pala." Gulat kong sabi. Sya yung matandang napagkamalan ko kagabi na Mr. Elijah. Nakakahiya!

Naupo sya sa tabi ko at tinignan ang mga rosas na nakatanim. "Nang nandito pa ang lola nya ay pinuno nya ng rosas ang hardin na ito para daw kahit papaano ay magkabuhay ang mansyon na ito." Sabi nya nang hindi inaalis ang tingin sa mga rosas.

Hindi naman ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Narinig ko na bumuntong hininga sya at yumuko.

"Alam mo, hija, nasubay-bayan ko ang paglaki ng batang iyan. Simula nang ipanganak sya ay nandoon ako, ako din kasi ang nag alaga sa daddy nya noon. Kaya lang ay maagang nawala ang mga magulang nya. Maaga syang namulat sa lungkot ng buhay. Pero isa din si Elijah sa pinakamatatag na taong nakilala ko, hija."

"Kawawa naman po pala sya." Sabi ko. Narinig ko ang mahinang tawa nya at tsaka tumingin sa akin. "Sana ay ikaw ang maging dahilan ng magiging pagbabago nya. Sana ay sa pananatili mo rito ay magawa mo syang pangitiin, sa loob ng mahabang panahon na nakasama ko ang batang iyan ay bihira ko lamang makita ang tunay na ngiti sa mga labi nya." Mahabang sabi nya. Nagulat ako nang marinig ko ang paghikbi nya.

"Hala, naiyak po ba kayo, lolo?" Natataranta kong tanong dahil baka msy makakita at sabihinh pinaiyak ko si lolo.

"Wala ito, naalala ko lang ang pagkabata nya. Oh sya aalis na ako at may gagawin pa ako. Pero sana ay totoo ang kutob ko." Sabi nya bago tumayo at umalis.

Kutob? Anong kutob? Kutob na magagawa kong patawanin ang Elijah na 'yon? Mag joke kaya ako sa kanya? Matatawa kaya sya?

Hmm.. Malungkot pala talaga ang buhay nya. Maaga syang nawalan ng mga magulang at wala pa dito ang lola at lolo nya. May kaibigan naman siguro sya, ano? Imposibleng wala. Kung ako siguro ang nasa posisyon nya ay mamatay na ako sa lungkot. Isipin mo iyon? Mag isa ka sa isang malaking bahay na puro mga katulong at bodyguards lang ang kasama mo? Tss what a sad life.

Mukha naman kasi syang masungit kaya siguro natatakot sa kanya ang mga tao, paano sya magkakaroon ng asawa nyan kung unang tingin pa lang ay mukhang wala ng magandang gagawin? Sayang naman ang mga yaman nya kung walang magmamana di'ba?

May girlfriend na kaya sya? Hindi naman nya ako uutusang magpanggap bilang girlfriend nya kung meron hindi ba?

"Ma'am! Nandito na po si sir, hinahanap po kayo." Napatigil ako sa pag iisip at agad na akong tumayo at pumunta sa loob.

"Nasaan na po sya?" Tanong ko sa isang may edad na na kasambahay.

"Umakyat sa kwarto nya hintayin mo na lang dito pababa na iyon."

"Sige po." Sabi ko at naupo muna sa sala. Ngayon ko lang napansin na nadala ko pala ang rosas na pinitas ko kanina sa garden. Hindi naman siguro nya ako papagalitan kung pumitas ako ng isa di'ba?

Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga hakbang pababa mg hagdan kaya agad na akong tumayo para salubungin sya.

"Hi!" Bati ko sa kanya dahil mukha syang nalugi sa itsura nya.

" Let's go, may pupuntahan pa tayo pagkatapos." Sabi nya at diri- diretsong naglakad hanggang malagpasan ako.

"Tss sungit." Pabulong kong sabi at sumunod na sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status