"After the you" Nagulat ako nang pagbuksan ako ni Elijah ng pinto ng kotse. Hindi sya ngayon ang mag d drive dahil limousine ang gagamitin naming sasakyan papunta sa party kaya may driver ngayon. "T-Thanks.." Sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi naman nya ito ginawa kanina pero bakit nya ko pinagbuksan ngayon?"How about me?" Tanong ni Jamaica na nasa labas pa at mukang hinihintay na pagbuksan din sya ng pinto ni Elijah."Help your self" Sabi lang ni Elijah at umikot na sa kabila at sumakay na din. Narinig ko naman na padabog na umikot sa kabilang banda at doon padabog na umupo."You're so mean to me talaga!" Sabi nya pa bago umirap at tsaka nagkibit balikat. Pigil pigil ang paghinga ko dahil sa gitna nila ako kaya medyo naiilang ako dahilan para hindi ako masyadong makagalaw. Umandar na ang sasakyan, habang ako ay pinaglalaruan ang mga daliri ko. "Don't talk too much there, only speak when they asked you and try not to have a long conversation with them." Sabi nya na agad ko namang t
"Hey, Camila! Anong tinitignan mo dyan?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Jamaica kaya napatingin ako sa kanya."W- Wala-""What do you mean na wala? Eh muka ka ngang nakakita ng multo dyan sa itsura mo, what did you see ba kasi?" Tanong nya. Sasabihin ko ba sa kanya yung nakita ko?Mariin akong pumikit at hinila si Jamaica papasok sa cr, mabuti na lang at walang ibang tao dito kung hindi kami lang.Nagtatakang tumingin sa akin si Jamaica, binitawan ko amg braso nya at tinignan sya. Sa tingin ko ay kailangan kong sabihin ito sa kaniya dahil baka mapahamak si Elijah kung wala akong gagawin. Pero baka magalit si Elijah! Bahala na nga!"So? What's the reason why you dragged me here, hmm?" Tanong ni Jamaica habang naka kibit balikat at hinihintay ang sagot ko.Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa kanya. "Nakita ko si Elijah na may dalang baril!" Histerikal na sabi ko sa kanya. Hinintay ko ang magiging reaksyon nya ngunit kumunot lang ang noo nya at mukang nagpipigil ng ta
Hindi na sumabay sa amin si Jamaica dahil magpapasundo na lang daw sya sa driver nya sa party. Pabalik na kami sa bahay ni Elijah, walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa.Gusto ko syang tanungin, gusto kong tanungin kung totoo ba lahat ng sinabi ni Jamaica sa akin kanina. Pero mukang hindi ko na kailangang tanungin sya tungkol doon dahil mas nagtataka ako kung bakit sinabi ni Jamaica na kailangan ako ni Elijah.Kailangan nya ako para saan? Kaya ba gusto nya akong mag training kung paano protektahan ang sarili ko at kung paano makipaglaban? "What are you thinking?" Nagulat ako nang biglang magsalita ni Elijah na katabi ko lang."I-Iniisip ko lang yung party kanina, ang ganda kasi saka first time ko lang makapunta sa ganoong kagandang lugar." Pagsisingungaling ko. Tanungin ko ksya sya? Hindi ba sya magagalit? Pero ang sabi ni Jamaica ay sasabihin din naman ni Elijah sa akin ang tungkol doon kaya siguro ay hihintayin ko na lang ang araw na iyon.Nakarating na kami sa bahay nya, hin
CAMILA POVNakangisi sya nang madatnan ko sya sa clubhouse habang nakatingin sa direksyon ko. Napansin ko rin na nag iba na sya ng suot kagaya ng binigay nya sa akin, dahil kung suot nya pa rin ang suot nya kanina pagdating ay mahihirapan syang gumalaw.Wala sa itsura nya na marunong syang makipaglaban pero si Elijah na rin ang nagsabi na isa syang skilled fighter." Since you are here now, let me introduce my self to you one more time. I am Saphira and i want you to know that I have mastered judo, jiu-jitsu, aikido, kung fu, hapkido, arnis and jujutsu. But I'm still studying the others.." Sabi nya habang paikot na naglalakad sa akin.".. And also my special skill, handling different guns. I can see that you've already judged me by how you look at me..""..i just want you to not underestimate me as your teacher because i'm telling you, you will break a bone in this training." Sabi nya at marahang tumawa.Tuturuan nya ba ako o tatakutin? Tss.Napalunok ako nang sumeryoso ang mukha nya.
Maaga akong nagising kinabukasan kaya maaga din akong nakapaghanda ngayong umaga. Kanina nga pagbangon na pagbangon ko ay agad kong naramdaman ang sakit ng katawan ko lalo na yung bandang likod ko at mga hita ko. Pakiramdam ko tuloy ay parang binugbog ako kahapon sa training namin. Bumaba ako ng hagdan at walang pang tao sa baba, tulog pa siguro si Saphira at si Elijah naman ay baka naliligo pa at naghahanda pa para pumasok sa trabaho nya.Pinapapunta nga pala nya ako kagabi sa kwarto nya dahil may kailangan daw kaming pagusapan. Ito na ba yun? Sasabihin na ba nya sa akin na may pinamumunuan syang organisasyon at gusto nyang sumali ako kasi magaling ako? Bigla tuloy akong na excite!Hindi ko alam kung bakit pero nung araw na nasa party kami at sinabi sa akin ni Jamaica ang tungkol kay Elijah ay nakaramdam ako ng takot at hindi ko din maintindihan ang sarili ko ngayon dahil para nae-excite pa ako!"Ma'am hindi pa po ba kayo kakain?" Tanong ng isa sa mga maid. Ngumiti lang ako at umili
"Fucking moron!" Sigaw ni Saphira at tumayo para pumunta kay Elijah, nagtaka ako nang hindi nya tinulungan si Elijah at parang may hinahanap sa drawer ng table ni Elijah.Nakahawak si Elijah sa tagiliran nya kung saan sya tinamaan ng bala. "Elijah-" "Don't move!" Pigil nya sa akin nang magtangka akong pumunta sa kanya, tinakpan ko ang mga tainga ko at nanatiling nakadapa.Nakarinig ako nang sunod sunod na putok ng mga baril na nasisigurado kong galing kay Saphira. Baril pala ang hinahanap nya sa drawer ni Elijah kanina para barilin ang sniper!"He escaped! Asshole!" Sigaw ni Saphira at tumango kay Elijah para tulungan ito. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at iluwan ang mga guwardya kasama ang isang lalaki."Nakatakas na! Ang babagal nyo!" Inis na sigaw ni Saphira sa mga ito."Elijah, tinamaan ka ng bala" Rinig kong sabi nung lalaki na kasama ng mga guwardya at lumapit kay Elijah."Hahabulin pa po ba namin ma'am?" Tanong ng isa sa mga guwardya kay Saphira."Sige habulin nyo
"Alam kong nagtataka ka at baka natatakot ka dahil sa nangyari kaninang pag a-assasinate which is clearly na si Elijah ang target. And i want to know your thoughts about it." Sabi nya habang nakapatong ang magkabilang braso sa riles ng veranda. Pumikit ako nang umihip ng malakas ang malamig na hangin. Ano nga bang iniisip ko? Kahit ako ay nagtataka din sa sarili ko.Sa tingin ko ay dapat kong sabihin kay Saphira na may ideya na ako sa nangyayari."Oo n-natakot ako pero hindi ko alam kung takot nga lang ba ang naramdaman ko, siguro oo nang makita kong tinamaan ng bala si Elijah ay natakot ako pero bukod doon ay may iba pa akong naramdaman." Sabi ko na parang inaalala ang nangyari kanina."Like what?" Tanong nya na parang naguguluhan sa sinasabi ko.Para akong tangang nakangiti sa kawalan at tumingin sa malayo. "Alam kong weird pero...nakaramdam ako ng excitement nang mga oras na 'yun.""Excitement? W-What do you mean?"THIRD PERSON'S POV"Excitement sa mga mangyayari pa. Nag alala ak
CAMILA POVMaaga akong nagising kinabukasan dahil kinatok ako ni Saphira sa kwarto ko para sabihing umpisa na ng training namin. Alas kuwatro pa lang ngayon at nagsuot lang ako ng jacket at hindi na rin ako nagpalit ng pajama ko.Lumabas kami ng bahay hanggang gate para mag jogging paikot sa buong subdivision."Do you know how to use a gun?" Napatingin ako nang itanong iyon ni Saphira na katabi kong nag j-jogging."Hindi ah, hindi pa nga ako nakakahawak ng baril sa buong buhay ko ano." Sagot ko at ibinalik ang tingin sa daan.Sa ngayon ay wala kaming nakakasalubong na mga tao dahil alam kong masyado pang maaga. "Okay, i want to see your skills in terms of handling a gun. We need to bring out your hidden abilities and i will help you to do that." Sabi nya."Talaga? Tuturuan mo akong humawak ng baril?" Gulat na tanong ko at napatigil sa pag-j-jog at humarap sa kanya."Ofcourse, kaya nga ako nandito para tulungan ka." Sagot nya nang nakangiti. Nakangiti akong tumango sa kanya at nagpatu