Share

Agreement - Kabanata 4

Author: kAtana_ndnn
last update Last Updated: 2022-07-22 20:34:16

"I'm not after sex like you said, i just-"

"Then p- pauwiin mo na'ko, wala naman akong maibibigay s- sa'yo." Halos pasigaw ko nang sabi dahil sa kaba. At halos tumagos na din ako sa dingding sa likod ko dahil sa kakaatras ko para lang wag syang makalapit.

Gwapo nga sya pero nakakatakot pa din sya, noh!

"Hindi pwede...for now." Sabi nya at tumigil na sa pag abante palapit sa pwesto ko at ibinulsa ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng shorts nya.

Kumunot ang noo ko. " For now? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong dahil medyo naguluhan ako.

"Okay here's the agreement. I will need you for five months or maybe six? Then-" Agad kong pinutol ang sasabihin nya, habang sya ay diretsong nakatingin sa akin.

"Ano? Five months? Ayoko uuwi na'ko tsaka-"

"After five months, you are free to go with the money." Napatigil ako sa sinabi nya at sandaling napaisip.

Five months tapos uuwi akong may dalawang daang milyon?! Sa totoo lang tama naman sya, hindi ako lugi sa five months kung two hundred million ang kapalit pero anong gagawin ko sa loob ng five months na agreement?

Lumunok ako at tumikhim. " Uhm- eh ano namang gagawin ko sa loob ng five months na pag s- stay ko dito?" Tanong ko at itinuwid ang likod ko tsaka nagkibit balikat para lang takpan ang kaba ko dahil feeling ko lalabas na ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Tumaas ang gilid ng labi nya sa hindi malamang kadahilanan.

"In the first two months i will train you-"

"Train me? Like martial arts?" Putol ko agad sa sasabihin nya.

"Exactly."

"Ha? Eh bakit ko naman kailangan ng training- training na 'yan? Hindi naman ako-"

"You will need it habang sa akin ka nakatira at habang kasama mo ako." Sabi nya.

Napatigil ako pero tumango na lang ako kahit na medyo naguguluhan ako dahil kanina ko pa sya pinuputol sa pagsasalita nya at baka barilin nya na lang ako bigla dahil sa inis nya.

Nagulat ako nang muli syang humakbang at ilapit nya ang mukha sa akin.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Tumaas ang sulok ng labi nya at mas lalong inilapit ang mukha nya sa akin.

"And one more thing.."

"A-Ano yun?"

".. i need you to pretend as my girlfriend." Bulong nya sa tainga ko. Ilang beses akong napalunok dahil sa pwesto namin, ramdam na ramdam ko din ang init ng hininga nya.

Shit ano ba 'tong ginagawa nya! " T- Teka nga lumayo ka n-nga sa' kin! B- Bakit ba ang lapit lapit mo sa'kin?" Inis na sabi ko kahit na utal utal at kabang kaba na ako.

Narinig ko ang mahinang tawa nya bago lumayo sa akin pero hindi pa rin natatanggal ang nakakainis nyang ngisi.

"Sorry for that." Sabi nya.

Napalunok akong muli at itinuwid sng likod ko bago nagsalita. "Y- Yung sinasabi mo pala kanina? Ako magpapanggap na girlfriend mo? At bakit?" Tanong ko.

"You don't have to know the reason, just follow my orders and we're good."

Hinidi ko naman maintindihan kung bakit kailangan ko ng training na 'yan habang kasama ko sya? At ang pagpapanggap oo bilang girlfriend nya? Bakit kailangan ko pang gawin iyon? Ipapakilala nya ba ako sa pamilya nya at sasabihing ako ang magiging asawa nya para makakuha ng mana? Tss.

Tsaka isa pa hindi ko pa sinasabing pumayag na 'ko sa gusto nya pero parang wala na rin akong magagawa.

Natapos ang gabi na 'yon na puyat ako dahil sa kakaisip ng mga sinabi nya, kaya halos magtatanghali na rin nang magising ako ngayong umaga.

Inayos ko ang kama at naupo sa dulo nito.

Huminga ako ng malalim at inisip kung ano ang gagawin ko ngayon, nakakapanibago na ang sarap ng tulog ko dahil sa malambot na kama at malamig na aircon. Bigla ko tuloy na- miss sila mama at ang kapatid ko. Gising na kaya si Jasty? Si mama okay na kaya sya? Hindi na ba sya naiyak? Iyakin pa naman 'yun, habang ang tatay ko ay siguradong walang pakialam.

Tumayo ako pinunasan ang luhang kanina pa pala tumutulo. Pumunta ako sa veranda ng kwarto. Tirik na ang araw pero mahangin pa rin. Hindi na ako magtataka dahil green na green ang paligid dahil sa dami ng mga punong nakapaligid dito.

Napatigil ako sa pagtatanggal ng muta nang mapansin ang isang kasambahay na palabas at may dalang kape.

"Miss!" Tawag ko dito at tumigil naman sya sa paglalakad at tumingin sa paligid.

"Huh?" Rinig kong tanong nya at maglalakad na sana ulit.

"Miss, dito!" mahinang sigaw ko sapat lang para marinig nya ako. Napangiti naman ako dahil nakatingala na sya sa akin.

"Ma'am?"

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Ah, ihahatid lang po itong kape kay sir. Bakit po? May kailangan po ba kayo?"

"Ha- uh t- teka dyan ka lang ha!" Sabi ko sa kanya at nagtatakang tumango naman sya.

Nagmadali akong bumaba at halos magkanda talisod talisod pa' ko dahil sa pagmamadali ko. Nakarating ako sa kinaroroonan nya at hinihingal na ngumiti sa kanya.

"Ma'am, bakit po kayo tumakbo kaka mop lang po nang hagdan kanina baka madulas kayo." Sabi nya.

"Hindi yan kita mo nga oh wala pa namang bali sa mga buto ko." Sabi ko at tumawa habang sya ay napakamot na lang sa ulo nya. " Ah sya nga pala ako na ang magdadala ng kape na 'yan sa boss." Sabi ko habang nakangiti at kinuha na sa kamay nya ang platito na may lamang tasa ng kape.

"Ah, s- sige po. Gusto nyo po ba ng kape rin? o gatas? Dadalhan ko po kayo-"

"Hindi na, thankyou na lang. Gusto ko lang makausap ang boss nyo." Sabi ko. Tumango naman sya at naglakad na paalis habang ako naman ay umalis na rin at hinanap ang lalaking 'yon.

Nakarating ako sa pool at nakita sya doon na tahimik na nagbabasa ng diyaryo. Nagmartsa ako palapit sa kanya at tsaka tumigil sa harapan. Naramdaman nya siguro ang presensya ko kaya ibinaba nya ang hawak na diyaryo at tumingin sa akin.

Napalunok ako at agad na ibinaba ang dalang kape sa harap nya.

"Bakit ikaw ang nagdala nito?" Tanong nya.

"A-Ah kasi nakita ko yung isang kasambahay sabi nya dadalhin nya daw sayo yan kaya kinuha ko na papunta din naman ako sayo eh." Sabi ko at pilit na ngumiti.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo nya at ibinalik ang tingin sa akin.

Naupo muna ako sa kaharap na upuan nya at ipinatong ang mga braso ko sa lamesa.

"Why do you want to see me? If it's about last night, you can't-" Pinutol ko agad sya sa sasabihin nya.

"Hindi! Hindi ito tungkol doon!" Sabi ko.

"Then what?"

"Eh kasi gusto ko sanang puntahan sila mama at ang kapatid ko." Sabi ko. Humigop sya sa tasa ng kape at muling ibinalik ang tingin sa akin. Napatitig ako sa mga mata nya, bakit parang naka contact lense sya?

"Why are you not wearing your slippers?" Sabi nya.

"Huh?" Kumunot ang noo ko at napasilip sa ilalim ng lamesa para i- check kung wala nga talaga akong tsinelas although nararamdaman ko naman. Pagsilip ko ay nakita ko ang puro damo kong paa, dumikit ang mga ito dahil basa ang mga damo kasi umulan kaninang madaling araw.

"Ah oo nga, nakalimutan ko. Huwag kang mag alala hindi ko dudumihan ang bahay mo maghuhugas ako ng paa ko mamaya bago pumasok sa loob hehe..." Sabi ko dahil baka mandiri sya at magalit sa akin kapag nadumihan ko ang marble floor nya.

Bumuntong hininga sya at tinawag ang isang kasambahay.

"Opo, sir." Sabi nito at umalis na pagkatapos pakuhanin ni Elijah ng tsinelas ang kasamabahay.

"About your request, you can see them later." Simpleng sabi nya na ikinatuwa ko naman.

"T- Talaga? Sige maghahanda lang ako. Thankyou!" Natutuwang sabi ko at tumayo na para bumalik sa loob nang bigla nya akong tawaging muli.

"Bakit?" Tanong ko. Tumayo naman sya at lumapit sa akin. Napansin ko din ang hawak hawal nyang tsinelas na pink na may design na mga bulaklak.

"Wear this." Utos nya sabay lapag ng mga ito sa tapat ng paa ko. Agad ko iyong isinuot kahit na may mga damo damo pa ang mga paa ko dahil sa taranta.

"Uhm, thankyou ulit. Sya nga pala anong itatawag ko sayo? Boss? Sir? o Master?" Tanong ko. Kumunot ang noo nya at umigting din ang panga nya.

"Just call me, Elijah." Sabi nya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"O-Okay! Elijah, hehe" Ani ko at umambang aalis na.

"By the way, we will start your training tomorrow."

"Ha? Agad agad?" Tanong ko na agad ko ding binawi. "Ah este oo excited na ako bukas mag training!" Sabi ko at pilit na tumawa at mabilis na umalis doon.

Related chapters

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Him- Kabanata 5

    Limang bwan akong mananatili dito at sa loob ng mga bwan na iyon ay hindi ko alam ang mga mangyayari. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang mangyayari dahil malayong malayo ang nangyayari ngayon sa naimagine ko nang pinasok ko ang trabahong ito. Ang akala kong isang gabi lang ay magiging limang bwan pa pala. Wala naman akong magagawa dahil sayang din ang malaking pera na offer nya.Lumabas ako sa cr at pumili ng susuotin ko. Naghanap ako ng jeans pero wala akong nakita sa closet, puro mga dress ang nandito at mga oversized t-shirt kaya pinili ko na lang ang pinaka simpleng dress na nakita ko at isang flat sandals, plain na violet lang ito na below the knee at puti naman ang sandals na suot ko. Nag ayos lang ako saglit at bumaba na. Ang sabi ni Elijah ay may pupuntahan muna sya tsaka kami aalis. Ang sabi ko nga sa kanya ay huwag ma akong samahan pero sya na dik ang nag insist na samahan ako, hindi ko alam kung dahil ba iniisip nya na tatakasan ko sya o talagang concern lang sya na

    Last Updated : 2022-07-22
  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Goodbye for now- Kabanata 6

    "What are you doing?" Tanong nya pagkapasok ko sa loob ng kotse nya. "Sasakay?" Sagot ko, nagtatanong pa sya obvious naman na sasakay ako ano? "What am i? Your driver?.. Dito ka sa tabi ko." Utos nya habang kunot noong nakatingin sa akin sa rear view mirror. Sa likod kasi ako sumakay dahil wala naman syang sinabing sa tabi nya ako uupo."H-Ha?... Eh okay" Sabi ko at lumabas tsaka binuksan ang pinto sa harapan at pumasok.Sa totoo lang hindi naman ito ang first time ko na makasakay ng kotse dahil noon nung nag senior highschool ako ay may mga kaklase akong sinasabay ako sa mga sasakyan nila. Pero ito ang first time ko na makasakay sa isang lamborghini. "Fasten your seatbelt." Narinig kong sabi nya habang nakatingin sa harap at hindi pa pinapaandar ang sasakyan. Nagmadali akong hinagilap ang seatbelt at sinubukang ikabit iyon.Halos mapamura ako dahil binali- baliktad ko na ang seatbelt pero hindi ko parin ma figure out kung paano ikabit iyon! Lalo na at hindi ito kaparehas ng seatbel

    Last Updated : 2022-07-23
  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Party- Kabanata 7

    "Sya nga pala saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang makasakay sa sasakyan nya, ang sabi nya kasi kanina may pupuntahan pa kami pagkatapos nito."We are going to a party." Sagot nya na agad kong ikinagulat. "Party? P-Pero bakit ako?" Tanong ko, dahil hindi ko alam kung paano mag- party ang mayayaman at baka ma- out of place lang ako sa pupuntahan namin! "Don't ask." Sabi nya gamit ang malalim na boses tsaka saglit akong sinulyapan at pinaandar na ang sasakyan.Ngumuso lang ako at tumingin na lang sa bintana at pinagmasdan ang nadadaanan namin. Three hundred fifty thousand ang kailangan naming bayaran para sa operasyon ni Jasty at ang sabi ng doktor ay kailangan nang maisagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon kaya kailangan kong humanap ng tiyempo para makahingi ng pera kay Elijah. Sasabihin ko na lang na ibawas nya na lang iyon sa makukuha ko pagkatapos ng ilang bwan dahil kailangan na ng kapatid kong maoperahan."So how's your family?" Nagulat ako nang bigla syang nagsa

    Last Updated : 2022-07-23
  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Confusion- Kabanata 8

    "After the you" Nagulat ako nang pagbuksan ako ni Elijah ng pinto ng kotse. Hindi sya ngayon ang mag d drive dahil limousine ang gagamitin naming sasakyan papunta sa party kaya may driver ngayon. "T-Thanks.." Sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi naman nya ito ginawa kanina pero bakit nya ko pinagbuksan ngayon?"How about me?" Tanong ni Jamaica na nasa labas pa at mukang hinihintay na pagbuksan din sya ng pinto ni Elijah."Help your self" Sabi lang ni Elijah at umikot na sa kabila at sumakay na din. Narinig ko naman na padabog na umikot sa kabilang banda at doon padabog na umupo."You're so mean to me talaga!" Sabi nya pa bago umirap at tsaka nagkibit balikat. Pigil pigil ang paghinga ko dahil sa gitna nila ako kaya medyo naiilang ako dahilan para hindi ako masyadong makagalaw. Umandar na ang sasakyan, habang ako ay pinaglalaruan ang mga daliri ko. "Don't talk too much there, only speak when they asked you and try not to have a long conversation with them." Sabi nya na agad ko namang t

    Last Updated : 2022-07-24
  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Mafia- Kabanata 9

    "Hey, Camila! Anong tinitignan mo dyan?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Jamaica kaya napatingin ako sa kanya."W- Wala-""What do you mean na wala? Eh muka ka ngang nakakita ng multo dyan sa itsura mo, what did you see ba kasi?" Tanong nya. Sasabihin ko ba sa kanya yung nakita ko?Mariin akong pumikit at hinila si Jamaica papasok sa cr, mabuti na lang at walang ibang tao dito kung hindi kami lang.Nagtatakang tumingin sa akin si Jamaica, binitawan ko amg braso nya at tinignan sya. Sa tingin ko ay kailangan kong sabihin ito sa kaniya dahil baka mapahamak si Elijah kung wala akong gagawin. Pero baka magalit si Elijah! Bahala na nga!"So? What's the reason why you dragged me here, hmm?" Tanong ni Jamaica habang naka kibit balikat at hinihintay ang sagot ko.Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa kanya. "Nakita ko si Elijah na may dalang baril!" Histerikal na sabi ko sa kanya. Hinintay ko ang magiging reaksyon nya ngunit kumunot lang ang noo nya at mukang nagpipigil ng ta

    Last Updated : 2022-07-24
  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Training with Saphira- Kabanata 10

    Hindi na sumabay sa amin si Jamaica dahil magpapasundo na lang daw sya sa driver nya sa party. Pabalik na kami sa bahay ni Elijah, walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa.Gusto ko syang tanungin, gusto kong tanungin kung totoo ba lahat ng sinabi ni Jamaica sa akin kanina. Pero mukang hindi ko na kailangang tanungin sya tungkol doon dahil mas nagtataka ako kung bakit sinabi ni Jamaica na kailangan ako ni Elijah.Kailangan nya ako para saan? Kaya ba gusto nya akong mag training kung paano protektahan ang sarili ko at kung paano makipaglaban? "What are you thinking?" Nagulat ako nang biglang magsalita ni Elijah na katabi ko lang."I-Iniisip ko lang yung party kanina, ang ganda kasi saka first time ko lang makapunta sa ganoong kagandang lugar." Pagsisingungaling ko. Tanungin ko ksya sya? Hindi ba sya magagalit? Pero ang sabi ni Jamaica ay sasabihin din naman ni Elijah sa akin ang tungkol doon kaya siguro ay hihintayin ko na lang ang araw na iyon.Nakarating na kami sa bahay nya, hin

    Last Updated : 2022-07-25
  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Her way- Kabanata 11

    CAMILA POVNakangisi sya nang madatnan ko sya sa clubhouse habang nakatingin sa direksyon ko. Napansin ko rin na nag iba na sya ng suot kagaya ng binigay nya sa akin, dahil kung suot nya pa rin ang suot nya kanina pagdating ay mahihirapan syang gumalaw.Wala sa itsura nya na marunong syang makipaglaban pero si Elijah na rin ang nagsabi na isa syang skilled fighter." Since you are here now, let me introduce my self to you one more time. I am Saphira and i want you to know that I have mastered judo, jiu-jitsu, aikido, kung fu, hapkido, arnis and jujutsu. But I'm still studying the others.." Sabi nya habang paikot na naglalakad sa akin.".. And also my special skill, handling different guns. I can see that you've already judged me by how you look at me..""..i just want you to not underestimate me as your teacher because i'm telling you, you will break a bone in this training." Sabi nya at marahang tumawa.Tuturuan nya ba ako o tatakutin? Tss.Napalunok ako nang sumeryoso ang mukha nya.

    Last Updated : 2022-07-25
  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Profiles- Kabanata 12

    Maaga akong nagising kinabukasan kaya maaga din akong nakapaghanda ngayong umaga. Kanina nga pagbangon na pagbangon ko ay agad kong naramdaman ang sakit ng katawan ko lalo na yung bandang likod ko at mga hita ko. Pakiramdam ko tuloy ay parang binugbog ako kahapon sa training namin. Bumaba ako ng hagdan at walang pang tao sa baba, tulog pa siguro si Saphira at si Elijah naman ay baka naliligo pa at naghahanda pa para pumasok sa trabaho nya.Pinapapunta nga pala nya ako kagabi sa kwarto nya dahil may kailangan daw kaming pagusapan. Ito na ba yun? Sasabihin na ba nya sa akin na may pinamumunuan syang organisasyon at gusto nyang sumali ako kasi magaling ako? Bigla tuloy akong na excite!Hindi ko alam kung bakit pero nung araw na nasa party kami at sinabi sa akin ni Jamaica ang tungkol kay Elijah ay nakaramdam ako ng takot at hindi ko din maintindihan ang sarili ko ngayon dahil para nae-excite pa ako!"Ma'am hindi pa po ba kayo kakain?" Tanong ng isa sa mga maid. Ngumiti lang ako at umili

    Last Updated : 2022-07-26

Latest chapter

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Gulo-Kabanata 63

    "Camila! Pumasok ka sa loob! What the heck are you doing?!" Galit na sigaw ni Saphira nang pilit kong binuksan ang pinto ng sasakyan at laking tuwa ko nang magtagumpay akong mabuksan iyon. Agad kong nakita ang maraming grupo ng mga armadong lalaki na tinututukan ng baril nila Saphira at ng mga kasama naming mga armado rin.Ano? Magbabarilan sila rito? "Saphira-""Get in" Napa angat ang tingin ko nang marinig ko ang baritong boses ni Zeus na nasa gilid ko na at hindi katulad ng iba ay hindi nakatutok sa kahit kanino ang baril o katana nya.Parang panatag sya na hindi sya babarilin ng mga ito. "Ayoko, hindi ako papasok dyan kung hindi ko malalaman ang kung ano mang tinatago nyo." Mariing saad ko at sinubukang maglakad para lagpasan sya ngunit hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako."Ano ba! I am not a kid para itago nyo sa kotse na yan habang kayo ay nakikipagpatayan na para lang protektahan ako! Hindi ako uupo lang at manonood sa kung anong mga pwedeng mangyari, Zeus!" Matapang

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Her own way-Kabanata 62

    Nagulat si Camila sa biglaang pag preno na ginawa ni Phoenix sa sasakyan."Bakit?" Tanong nya dito. Lumingon sa kanya si Phoenix mula sa rear view mirror ng sasakyan at tila kinakabahan. "May nangyayari na naman ba? Bumalik na kaya tayo?" Saad ni Camila, Madilim na sa daan at tanging mga ilaw na lamang ang nagbibigay liwanag sa daan na tinatahak nila sa tulay. At hindi din nya matanaw ang harap ng dinadaan nila dahil sa taas ng mga upuan sa harap at madilim na din kaya hindi na nya inabala ang sarili na tignan pa ang dinadaanan nila. Kung bakit kasi gabi pa nila napiling umalis."Saphira, mukhang may problema tayo." Ani ni Phoenix. Kumunot ang noo ni Camila dahil parang may hindi magandang mangyayari base sa mga reaksyom nila. "Tangina" Rinig nyang mura ni Gale sa tabi nya. Habang si Saphira ay nag aalalang tinignan si Camila bago pasimpleng kinuha ang baril nya.Nakita ni Saphira ang ginawang pag baba ng isang babae mul sa sasakyang nasa unahan nila. Alam din nyang naka baba na an

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Tulay-Kabanata 61

    "Saphira? May nangyayari ba? Bakit parang biglaan naman yata 'tong pag alis natin?" Tanong ni Camila kay Saphira na kasasakay lang ng kotse. Nasa passenger seat sila at napagigitnaan sya nila Saphira at Gale, habang si Zeus naman ang nag d-drive at si Phoenix ang nasa tabi nito."Nothing, Elijah just want to make sure that you are safe." Sagot ni Saphira. Sa parteng ito ay hindi sya nagsinungaling dahil totoo na gusto ni Elijah na maging ligtas si Camila but not telling her the true reason is hunting her. She wanted to clear her mind before doing a step without him, knowing. Gusto nya nang sabihin ang totoo kay Camila dahil yun ang sa tingin nyang tama."G-Ganun ba?""Yeah, medyo matagal ang biyahe. You can sleep if you want.""Ah hindi na...." Saad ni Camila at pilit pinipigilan ang sarili na magtanong ng kung ano dahil pakiramdam nya ay mayroong itinatago ang organisasyon sa kanya. Kanina ay nagulat na lang sya nang sabihin ni Saphira na aalis sila, nagtanong sya kung bakit nguni

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Take her away- Kabanata 60

    Naiwan akong hindi malaman ang mararamdaman dahil sa naging pag uusap namin ni Trix. Hindi ko talaga mahanap ang punto nya, bakit nya tinatanong ang mga bagay na iyon? May sama ba sya ng loob sa akin? May nagawa ba ako? Kung meron bakit ayaw nyang sabihin ng diretso para aware ako?!O baka ayaw nya lang talaga ako dito? Ayaw nya akong maging parte ng organisasyon? Ngunit sa pag kakaalala ko ay hindi naman nya pinaramdam sa akin noon na hindi nya ako gusto maging parte ng organisasyon, ngayon lang. Ngayon nya lang ako kinausap ng ganito.Bumuga ako ng hangin at iniligpit ang pinag inuman ko. Ayoko nang guluhin pa ang sarili ko. THIRD PERSONS POV"S-Sigurado ka ba sa gusto mong gawin, Elijah? Siguradong nagtataka na si Camila sa mga nangyayari at alam kong napapansin nya na may kakaiba sa atin. At mas lalo syang magtataka kung-""I know that, Saphira. Just do what i said and leave the rest with me." Saad ni Elijah. Sa mga sinabi nya ay mukhang buong buo na ang desisyon nya. But he knew

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Leave- Kabanata 59

    Nakatitig lamang si Hades sa litrato na hawak nya habang hawak ang isang ginger beer sa kanang kamay. Mula sa kinauupuan nya ay tanaw na tanaw ang naglalakihang mga gusali at nagliliwanag na lugar.Inutusan nya ang mga tauhan nya na pinamumunuan ni Akane at Farah na pinaka pinagkakatiwalaan nya sa lahat ng magagaling nyang tauhan upang manmanan ang anak nya na napag alaman nyang naka tira sa bahay ni Elijah ngayon. Siguradong papunta na sila roon at inutusan nya rin ang mga ito na kung may pagkakataon ay kunin nila si Camila at maayos na dalhin sa kanya."I felt it..." Saad nya sa sarili at muling inisip ang oras na nakita nya si Camila noon sa arena. His guts were right.. AgainHindi nya gustong biglain ang anak nya tungkol dito ngunit hindu nya alam kung kailan malalaman nila Elijah ang tungkol dito. O baka alam na nila at nag uumpisa nang humakbang laban sa kanya.Hindi nya gugustuhing makalaban si Elijah habang nasa ilalim nila ang anak nya. Dahil ngayong tumanda na sya ay masaya s

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Hard- Kabanata 58

    "Should we hide her? Or should we...use her?" Tanong ni Phoenix na nagkakape sa harap ni Elijah na ngayon ay mariing nakapikit at tila malalim ang iniisip.Hindi naka dalo si Phoenix noong sinabi ni Elijah ang tungkol sa totoong pagkatao ni Camila noon kaya ngayon ay nandito sya at hindi makapaniwala sa mga narinig. Maging sya ay hindi makapaniwala sa pagkakataon, at anak pa talaga ng kaaway nila ang nasa ilalim ng organisasyon nila ngayon at si Camila pa!Para sa kanya ay malaking advantage na nasa kanila si Camila dahil kung malaman man ito ng ama nya ay hindi na susubukang gumawa ng hakbang ni Hades laban sa organisasyon nila dahil sa anak nya. Hindi gustong gamitin ni Elijah si Camila and he will never use her ngunit hindi sya makasagot sa sinabi ni Phoenix, maging sya ay naguguluhan pa.Sa tingin naman nya ay wala pang ideya sila Hades tungkol dito ngunit hindi din malabong matuklasan nya ang tungkol dito. "What happened to the assassin? I almost forgot the thing about him." Pag

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   The father- Kabanata 57

    Ang berdeng mga mata na bumihag sa inosente nyang puso noon ay nasa harap na nyang muli at nakatayo.Sa tagal nilang hindi nagkita ay halos makalimutan na ni Seldia ang hitsura ni Hades mula noong unang pagkikita nila. Naalala nya noon na sya ang unang nagka interes sa kanila at sya ang lumapit dito pero hindi nya inakalang ganoon din pala si Hades sa kanya nang mga oras na iyon. His menacing eyes, curved lips, and thick brows. Still, the same..ganoon pa rin ang aura nya pagdating sa kanya."A-Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong nya, ginawa nya ang lahat para hindi ipahalata ang kaba at takot na narararamdaman dahil isa lang ang alam nyang dahilan kung bakit nandito ngayon ang unang lalaki na umagaw sa atensyon nya noon.Hindi nya alam kung paano ngunit alam nyang ang anak nila na si Camila ang pinunta nya dito. Wala na syang ibang maisip na rason upang hanapin sya nito at mapadpad sa lugar kung nasaan sya. Malabong dahil mahal sya nito dahil isang gabi lang may nangyari sa ka

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Like the first time - Kabanata 56

    Naka upo at habang naka tagilid ang mukha ni Elijah habang naka hawak sa ice pack na nakapatong sa kanang pisngi nya kung saan sya sinuntok ni Saphira kanina.Habang nasa harap naman sila Saphira na naka kibit balikat at masama ang tingin kay Elijah, si Camila na naka ngiwi at naaawa kay Elijah at si Gale na nagpipigil ng tawa kanina pa.Napapikit na lang si Camila at napa mura sa kanyanh isipan dahil talagang galit si Saphira ngayon kay Elijah, bakit ba kasi hindi nya napansin ang bagay na iyon sa leeg nya? Eh si Elijah naman bakit sya naglagay ng ganoon sa leeg nya?!'Yan tuloy! Buking sila! Mas naging awkward tuloy ang lahat para sa kaniya! Imbis na kakausapin nya lang si Elijah ay napunta pa sa ganito ngayon, hays!"Ma, hindi ka pa po ba tapos dyan? Lagi na lang kayong nagdidilig dyan baka malunod na ang mga halaman?" Tanong ni Jasty nang makalabas galing sa bahay nila. Naka suot sya ng uniporme pang pasok sa eskwela habang naka hawak sa saklayan ng bag nya at naka tingin sa kanyan

  • Sold to a Mafia Billionaire- Camila and Elijah   Hickey- Kabanata 55

    Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Akalain mo iyon? Puyat na nga ako kakaisip sa nangyari kagabi tapos maaga pa akong nagising? Heto ako ngayon at naka ngisi habang naka dipa ang magkabilang kamay at mga paa sa buong kama sa hindi malamang kadahilanan. "Ano ba 'yan, Camila!" Inis n sabi ko sa sarili ko dahil para akong baliw na pangisi ngisi habang inaalala ang nangyari kagabi. Ayoko mang aminin sa sarili ko ay alam kong kinikilig ako lalo na kapag naaalala ko kung paano nya sabik akong halikan doon sa kusina, alam ko iyon dahil naramdaman ko sa mga halik nya. Pero ang isa pang malaking tanong sa utak ko ay bakit nya ako hinalikan?! Ano yun, kasi gusto nya lang? Eh wala naman kaming label! Ang kaninang pangisi ngisi ko ay agad na napalitan ng inis at pagtataka. Ano kaya kung tanungin ko sya? Gusto nya kaya ako? Eh ako? Gusto ko kaya sya? Crush? Oo, crush ko sya. Dinampot ko ang unan sa tabi ko at nilagay sa mukha ko at doon nagtiti- tili. Bakiy ba kasi sya gan'un! Hahalikan

DMCA.com Protection Status