Share

Night- Kabanata 3

"Ma'am gusto nyo 'ho ba ng makakain?" Tanong ng isa sa mga katulong na naghatid sa akin dito, sa tingin ko ay mas bata lang ako sa kanya ng ilang taon.

Umiling iling ako. " Hindi na po, salamat." Sabi ko at inilibot ang paningin sa kwartong tutuluyan ko. Hindi ko na naramdaman ang gutom sa dami ng nangyari ngayon, bukas na lang siguro ako kakain. Hindi ko mapigilan ang mamangha dahil mas malaki pa ang kwarto na ito kesa sa bahay namin! Ano pa kaya ang buong bahay na 'to?!

I roamed my eyes, this room looks so modern! May sarili itong banyo at malaking kama. May malaki ding tv sa harap ko at may veranda din. Pinagsamang gray, black at white ang disenyo ng kwarto at may dalawang pinto rin sa loob.

Para akong maninigas sa sobrang lamig!

Nakalabas na ang mga maid at naiwan na akong mag isa dito. Naglakad ako palapit sa aircon at hininaan iyon. Lumapit ako sa katabing pinto ng banyo at binuksan iyon. Hindi naman naka lock.

Pagbukas ko ay napagtanto kong walk-in closet iyon. Namangha ako sa damit dito maging mga sandals, bags at sapatos ay naroon din. Grabe! Ang mamahal ng mga brand ng mga gamit na 'to! Sabagay wala lang naman siguro ang mga 'to sa yaman ng Elijah na 'yon.

Kumuha ako doon ng damit na pantulog para makapagpalit na. Naligo ako at ibinagsak ang katawan sa kama pagkatapos.

Malalim na ang gabi at hindi ako sigurado sa mangyayari bukas. Buong araw akong kinakabahan at hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.

Huminga ako ng malalim at sinubukan nang matulog. Sa pagpikit ko ay lumitaw sa isip ko ang pamilya ko. Si mama na laging may sakit at ang kapatid kong si Jasty na ngayon ay nasa ospital habang ang tatay ko na nagsasabong at laging lasing.

Nag aaral ako sa college pero pansamantala akong tumigil dahil hindi ko kayang pagsabayin ang pag aaral ko sa college at ang pagta trabaho lalo na at mahirap maghanap ng trabaho ngayon at ako na rin ang nagpapa aral sa kapatid kong nasa highschool. Hindi na kayang mag trabaho ni mama dahil lagi syang may sakit kaya dagdag pa ang mga gamot nya sa gastusin habang ang tatay ko ay walang ginawa kung hindi ang humingi ng pera sa akin, lumaklak at magsabong!

Kaya noong araw na tumawag sa akin si mama at sabihing naaksidente si Jasty ay doon na ako halos bumigay. Pero nakita ko si Sabrina na kaklase ko at nang makita nya ang kalagayan ko ay doon nya ako inalok sa trabahong ito at ngayon nandito ako sa bahay ng isang napakayamang lalaki na syang nakabili sa akin sa auction.

Marami ang nagsasabi na hindi daw halatang sa ganoong lugar ako lumaki dahil sa hitsura ko. Minsan nga tinititigan ko ang sarili ko sa salamin at pinupuna ang hitsura ko. Mahaba at natural na brown ang buhok ko na hindi ko alam kung kanino ko namana dahil parehong itim ang buhok ni mama at papa, oh baka dahil lagi akong nakabilad sa araw noong bata pa ako kaya naging ganito ang kulay ng buhok ko? Hindi rin malaki at hindi naman maliit ang mga mata ko pero ang sabi ng mga kaklase ko noon ay mukha raw akong mang- aaway kapag tinitignan ko sila.

Makapal din ang kilay ko at hindi naman ganoon katangos at kapango ang ilong ko, bagay lang din naman sa hugis ng mukha ko. Habang ang balat ko naman ay sadyang maputi dahil kay mama dahil ang tatay daw ng lolo ko ay may lahing german.

I sighed. Minsan talaga feeling ko unfair ang buhay. May mga panahong hindi para sayo dahil para sa iba, may times na marereject ka para sa iba, malulungkot ka pero magiging masaya sila. Pero alam kong patas ang buhay, nasa mga tao na lang talaga siguro ang magiging kapalaran mo at kung paano mo tignan ang mundo. Sabi nga ng professor ko sa Science 'you made your destiny'.

Nagpa ikot ikot ako sa malaking kama dahil hindi ako makatulog kahit na alam kong pagod ang katawan ko at gusto kong magpahinga pero hindi ako magawang dalawin ng antok.

Tinignan ko ang veranda at tumayo para magpahangin doon. Sana dalawin na ako ng antok dahil anong oras na din.

Binuksan ko ang sliding door sa veranda at napapikit ako nang maramdaman ang ihip ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko at tinignan ang nagliliwanag na buwan kasama ng mga bituwin sa dilim ng langit.

Nakita ko ang malalaking bahay sa hindi kalayuan mula dito. Hindi ko 'to nakita kanina ah?

Malalaki ang mga bahay na yun pero sa tingin ko ay mas malaki pa rin ang bahay na 'to. Umismid ako, puro bodyguards at katulong lang ang nakita ko kanina kaya tingin ko ay mag isa lang ang Elijah na 'yon. Pero kung mag isa lang sya bakit sya magpapagawa o bibili ng ganito kalaking bahay? O baka naman hindi ko lang nakita dahil baka nasa ibang panig lang sila ng bahay na 'to? Hmm, baka nga.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang view tuwing gabi dahil kung nasa bahay ako ngayon ay puro lasinggero at mga manok ang sasalubong sa akin kasama pa ang mga pagala galang mga aso at mga sirang bahay. Nakakainggit ang mga mayayaman dahil ganito kaganda ang mga nakasanayan nilang makita habang ako ay puro kadugyutan. Ano kayang magiging reaksyon ng Elijah na 'yon kung dalhin ko sya sa lugar namin?

Natatawa ako sa naiimagine ko na reaksyon nya kung makikita nya ang kinalakihan kong lugar.

Humikab ako at nagpasya nang bumalik sa kama para matulog na pero napatigil ako nang bumukas ang pinto at iluwan non si Elijah.

Napalunok ako nang makita syang matiim na nakatingin sa akin.

"Why are you still up?" Tanong nya gamit ang malalim na boses.

"H-Ha, a-ano hindi lang makatulog." Sabi ko at napakamot ng ulo dahil nautal pa 'ko.

Eh sya anong ginagawa nya dito? Tumango lang sya at binuksan muli ang pinto. Aalis na sya agad?

"E-Eh ikaw? Bakit gising ka pa? Tsaka anong ginagawa mo dito?" Tanong ko bago pa sya makalabas.

He sighed and looked at me. Ipinasok nya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsan ng shorts nya. "I can't sleep too. And i came here to check you." Sabi nya.

Napalunok ako at tumango na lang dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Tumalikod na sya pero may naalala ako kaya tinawag ko sya ulit.

"What?" Tanong nya.

I gulped. "A-Ano, pwede na ba akong umuwi bukas?" Kinakabahang tanong ko. Kumunot naman ang noo nya. Galit ba sya?

"What do you mean? You just arrived here after i bought you and here you are, asking me if you can leave?" Sarkastiko nyang sabi.

"O-Oo w-wala pa naman sa akin ang pera mo-"

"No you can't." Sabi nya nang hindi inaalis ang tingin nya sa akin. Parang may gustong sabihin ang mga mata nya na hindi nya magawa.... Oh hindi pa.

Pero ayoko na! Natatakot ako gusto ko na umuwi at doon na lang ako gagawa ng paraan para ayusin ang mga problema ko, marami namang paraan bukod dito!

"Bakit? Bakit ayaw mo? Ano pang kailangan mo sa'kin? Wala akong kahit na ano na hindi mo pa nakukuha, pwede ka namang humanap na lang dyan ng iba, yung mas maayos yung may mas magandang backround, sa itsura mo baka babae pa ang kusang lumalapit sayo. Tsaka ano pa bang gusto mo? Sex ba?" Sarkastiko kong tanong. Halos batukan ko ang sarili ko sa mga pinagsasabi ko dahil sa kalagayan ko ngayon ay wala akong laban sa kanya at pwedeng pwede nya akong patayin sa mga oras na ito kung gugustuhin nya.

Naalala ko tuloy yung mga nakasunod sa amin kaninang mga van papunta dito, may dala silang malalaking baril at parang handa akong barilin kung iuutos ng boss nila.

Mas lalong nalukot ang mukha nya sa sinabi ko at sa point na 'to alam kong galit na sya. Pero nagulat ako nang huminga sya ng malalim na parang kinakalma ang sarili nya at tsaka unti unting humakbang palapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata kong napaatras. Kahit na kinakalma nya ang sarili nya ay hindi pa rin nawawala ang takot ko na baka galit na nga talaga sya at ano pa ang gawin sa akin.

Anong gagawin nya? Sasakalin nya ba ako hanggang sa mamatay ako?

Shit! Sana kasi nanahimik na lang ako!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status