Share

Elijah- Kabanata 2

Bumagsak ang malaking pulang kurtina sa stage dahilan para hindi na makita si Camila dito at kasabay ng pagbagsak ng kurtina ang pag taas ng kinanalalagyan nyang hawla, marami pa nga ang nag request na nais nilang makita ang mukha ng dalaga ngunit hindi iyon pwede dahil ang nakabili lamang sa kanya ang maaring magdesisyon.

"Congrats, hija! Ang laki ng offer sayo, ha? Sa lahat ng naging Star ng auction na ito ay ikaw lang ang na offer- an ng tumatagingting na Two hundred million pesos! Akalain mo yun? Sa tinagal tagal ko dito ay ngayon lang ako nakarinig ng bid na ganoon kalaki!" Sabi ni Mamita nang maiakyat sya sa second floor na pinaggalingan nya kanina.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Mamita dahil siguradong malaki ang makukuha nya dahil kay Camila.

Samantalang si Camila ay hindi alam ang sasabihin nya dahil hindi pa rin sya makapaniwala. Tapos na ang auction pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa kanyang dibdib simula kanina. Nakalabas na sya sa hawla at muli syang dinala kay Cecil upang paayusan ulit.

Maging si Cecil ay hindi rin makapaniwala sa laki ng inabot na offer para kay Camila.

"Jusko! Dalawang milyon?! Ang laking pera nun, Camila! Grabe hindi ako makapaniwala na ganun kalaki ang aabutin ng ganda mong 'yan!" Hindi pa ring makapaniwalang sabi ni Cecil habang nireretouch sya dahil mamaya na daw nya makikita ang nakabili sa kanya.

"Ako nga rin po hindi ako makapaniwala, k-kinakabahan po ako." Nakayukong sabi ni Camila. Napatigil naman si Cecil sa sinabi ni Camila. Bumuntong hininga si Cecil at hinawakan ang kamay ni Camila.

"Alam ko, hija. Tatagan mo ang loob mo, matatapos rin ang lahat ng ito. Ganyan talaga sa buhay hindi pwedeng hindi ka magsasakripisyon pero isipin mo na lang ang kinabukasan ng pamilya mo kung hindi mo pa gagawin ito ngayon, ang kapatid mo hindi ba?" Sabi ni Cecil at naupo na lang sa tabi ni Camila.

Sa tingin nya ay mas kailangan ni Camila ng lakas ng loob ngayon bago nya makita ang misteryosong nakabili sa kanya.

Nagulat si Cecil ng marinig ang hikbi ni Camila, umiiyak na pala ito habang nakayuko. Naisip nya na sayang ang make up nito pero hindi na bale dahil hindi na rin naman kailangan iyon ng dalaga dahil sapat na ang natural nitong ganda.

Hinagod hagod nya ang likod ni Camila upang pakalmahin ito.

"T-Tama po kayo, iisipin ko na lang ang kinabukasan ng pamilya ko. Iisipin ko na lang n-na matatapos rin ang lahat ng ito." Ani ni Camila habang kinakalma ang sarili.

Tumango tango si Cecil at patuloy na hinagod ang likod ng dalaga. Maya maya pa ay pinatawag na sya ni Mamita at pina escort-an sa dalawang gwardya papunta sa isang kwarto sa fourth floor.

Iniisip ni Camila na makikita na nya ang nakabili sa kanya at naiisip pa lang nya ang mga nangyayari ay nandidiri na sya ngunit ano pang silbi non? Wala na rin naman syang magagawa subukan man nyang mag back out.

Sana ay mali ang iniisip nya sana hindi ito isang matanda na malaki ang tyan ang Mr. Elijah na iyon.

Nakayuko lang sya habang naglalakad habang nasa magkabilang gilid nya ang dalawang gwardya at sinusundan sya.

Napatigil sya sa paglalakad nang matunton nila ang dulong bahagi ng pasilyo kung nasaan ang isang kwarto. Naramdaman nya ang pag times ten ng bilis ng tibok ng puso nya dahil katapat na nya ang kwarto kung nasaan ang misteryosong nakabili sa kanya.

Hindi nya nagawang kumatok dahil nanginginig sya sa kaba kaya ang isa na sa mga gwardya ang gumawa non. Dalawang beses kumatok ang gwardya at halos lumabas ang puso ni Camila nang bumukas iyon.

Ito na! Shit! Sabi ni Camila sa kanyang sarili. Isang malaking lalaki na nakasuot ng maskra at naka itim na suit ang sumalubong sa kanila sa pinto, hindi man nya kita ang buong mukha ng lalaki pero kita nya ang mahabang balbas nito.

Ito na ba? Sya ba ang nakabili sa akin? Sya ba si Mr. Elijah? Tanong ni Camila sa sarili habang nakatitig sa lalaking nasa pinto.

Napalunok sya ng ilang beses habang nakatitig sa lalaki.

"Pumasok ka." Nagulat sya ng biglang magsalita ang lalaki dahil sa laki ng boses nito. Sa tingin nya ay kaedad lang ito ni Cecil.

Hindi agad naihakbang ni Camila ang kanyang mga paa sa kabang nararamdaman, parang gusto na lang nyang tumakbo at kalimutan na sinubukan nyang gawin ang ganitong bagay.

Lumingon sa likod nya si Camila at nakitang wala na ang dalawang lalaking nakasunod sa kanya kanina lang kaya mas lalo syang inulan ng kaba.

"T-Teka, i-ikaw ba ang-" Hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng hilahin sya papasok ng lalaki at wala syang nagawa sa lakas nito.

Pinaupo sya nito sa kama at tumingin sa kanya, mayroon itong ikinabit sa kanyang tainga na parang earphones pero sa isang tenga lang nakalagay.

Dalawa lang sila sa kwarto at sobrang lamig pa dahil sa suot nyang gown at nakatodo pa yata ang air-con dito.

"Yes, boss." Nagtaka si Camila sa narinig, mukhang may kausap ang lalaki sa pamamagitan ng bagay na ikinabit nito kanina lang sa kanyang tainga.

"Yes boss, paalis na po" Tumango tango ang lalaki. " Opo." Sabi pa nito sabay tingin sa kanya.

Boss? Sinong boss? Hindi ba sya ang nakabili sa akin? Tanong ni Camila sa sarili pero pinili na lang nyang wag magsalita.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang paguusap ng lalaking kasama nya at ang kausap nito.

"Sumunod ka sa akin." Napaigtad si Camila nang muling magsalita ang lalaki kaya agad syang sumunod dito dahil baka saktan sya nito kung hindi pa sya susunod agad.

Lumabas sila sa kwarto at sumakay sa isang elevator sa dulo ng fourth floor. Kung ano ano ang tumatakbo sa isip ni Camila sa mga oras na ito at halo halo rin ang nararamdaman nya ngunit mas nangibabaw ang kaba sa kanyang dibdib.

Tumigil ang elevator at bumukas ito. Nakita nya ang tabi tabing mga sasakyan sa lugar, sa tingin nya ay nasa parking lot sila ngayon.

Sumunod lang sya sa lalaki at tumigil ito sa isang itim na van. Sasakay ba kami dito? Tanong ni Camila sa sarili.

Hindi nga sya nagkamali dahil pinasakay sya ng lalaki sa van. Nasa likod sya nakaupo habang nagsimula ng paandarin ng lalaki ang sasakyan. Ngunit bago iyon ay nagulat si Camila ng tanggalin ng lalaki ang maskarang suot nito.

Nakita nya ang hitsura nito at mukang tama nga ang hula nya sa edad nito base sa mukha nya.

Umandar na ang sasakyan at nakaalis na sila sa building kung saan naganap ang auction.

Ganun na lang ba 'yon? Parang ang bilis ng mga pangyayari. Sabi ni Camila sa sarili.

Pagkatapos ba ng gabing ito ay makakauwi na sya dala ang malaking halaga ng pera. Aayos na ang buhay nila at makakapag aral syang muli sa kolehiyo at makakapagtapos.

Hindi namalayan ni Camila na nakatulog na pala sya habang iniisip ang mga bagay na iyon. Nagising sya at nakitang madalim pa rin ang paligid, ilang oras na ba silang nabyahe? Saan sya dadalahin ng lalaking ito?

Pinaglalaruan ni Camila ang mga daliri nya at sinusubukang pigilan ang sariling magsalita ngunit hindi na nya kaya, kating kati na syang magtanong dito.

"I- Ikaw ba-"

"Kung tatanungin mo kung ako ang nakabili sa'yo, ang sagot ay hindi." Nagulat sya ng putulin ng lalaki ang sasabihin nya ngunit nakuha rin naman nya ang sagot na gusto nyang marinih mula pa kanina.

Tama nga sya na hindi nga ang lakaking ito ang nakabili kay Camila. Kung ganoon sino?

Iyon ba ang boss na kausap ng lalaking ito kanina?

Siguro.

"M- Matanda na ba ang boss mo?" Tanong ni Camila.

Kumunot ang noo ng lalaki dahil sa tanong ni Camila, hindi nya inaasahang tatanungin iyon ng dalaga kaya naman pilit nyang pinigilan ang matawa.

Ang akala pala ng babaeng ito ay isang matanda ang nakabili sa kanya? Si Mr. Elijah? Matanda? Sabi ng lalaki sa kanyang isip.

"Oo at wala din syang buhok pero wag kang mag alala marami namang pera 'yon." Pananakot ng lalaki kay Camila kahit na hindi totoo ang sinabi nya.

Halos lumuwa ang mata ni Camila sa narinig.

Shit! Matanda nga ang Elijah na iyon?! Inis na tanong nya sa sarili.

"T- Talaga bang matanda na si Mr. Elijah?" Muling tanong ni Camila dahil ayaw nyang maniwala dito at umaasa syang nagsinungaling lamang ang lalaking ito.

"Oo nga, ang kulit." Sabi ng lalaki kaya parang lantang gulay na napasandal na lang si Camila sa inuupuan at parang gusto na lang magpasagasa.

Wala naman syang magagawa dahil ginusto rin naman nya ito kahit na alam nyang pwedeng mangyari ang bagay na ito.

Tumigil ang sasakyan nang hindi namamalayan ni Camila dahil sa lalim ng kanyang iniisip naunang bumaba ang lalaking kasama nya at doon lang sya napakurap kurap at napagtantong tumigil na ang sasakyan nang pagbuksan sya mg lalaki.

Hindi napansin na nakapasok na ang sinasakyan nila sa isang malaking gate at sa harap nya ang isang mala mansyong bahay.

Bumaba sya ng van at nakitang may tatlong sasakyan pala ang nakasunod sa kanila kanina pa simula nang makaalis sila.

"Wow, ang ganda!" Hindi na napigilan ni Camila ang sariling mamangha sa nakikita. Napakalawak ng lupain ang nakikita nya ngayon.

Dito ba nakatira ang Mr. Elijah na nakabili sa kanya? Mukha ngang napakayaman nito kaya hindi na nakakapagtakang nag offer ito ng dalawang million. Ngunit agad ding napawi ang kanyang pagkakamangha, hindi dapat sya maging masaya dahil ibinenta nya ang kanyang katawan at isang matanda pa ang nakabili sa kanya.

Naisip nya ang tumakas ngunit anong laban nya sa mga armadong lalaking nakabantay sa kanya? Gusto nyang sabunutan ang sarili ngayon dahil sa pinasok nyang ito.

CAMILA POV

Ayoko na! Gusto ko nang tumakbo at lumayo sa lugar na ito pero sa hitsura ng mga lalaking nasa likod ko ay parang hindi sila magdadalawang isip na barilin ako sa oras na tumakas ako ngayon.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Desperada na kung desperada pero marami pa naman siguro akong makukuhang ibang trabaho na may malaki laking sweldo kaya makiki usap na lang ako sa sinumang nakabili sa akin sa auction.

Mapapakiusapan ko naman siguro sya at hihingi na lang ako ng sorry. Tama! Yun na lang ang gagawin ko.

Huminga ako ng malalim at kinagat ang pang ibabang labi ko at nag umpisang maglakad papunta sa mansyong nasa harap ko. Naramdaman ko ang pagsunod ng mga tao sa likod ko.Hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto.

Halos mapanganga ako sa sobrang laki ng pinto. Sino ba ang nakatira dito at napakalaki ng pinto? Higante?

Kumatok ang lalaking kasama ko sa van kanina at ng dalawang magkakasusunod.

Parang lalabas na ang puso ko nang unti unting bumukas ang malaking pinto.

Mas namangha ako nang tuluyan na ngang bumukas ang malaking pinto at agad kong nakita ang sahig na gawa sa marbles. Tinignan ko pa ang paligid na mukang walang ni isang alikabok sa sobrang linis!

Dumako ang mga mata ko sa hagdan at doon ay nakita ko ang isang.....matanda.....at kalbo na lalaki na kakababa lang ng hagdan. Bumilis ang paghinga ko.

Sya nga. Sya ang tinutukoy ng lalaking naghatid sa akin papunta dito. Sa hitsura pa lang ay alam kong sya nga ang matandang iyon.

Walang pagdadalasang isip akong tumakbo papalapit sa matanda na ikinagulat nya. Wala na akong pake kung ano ang isipin nila basta gusto ko ng umuwi! Pinagsisisihan ko na ang pagtanggap sa alok ni Sabrina, ang nag alok sa akin sa ganito.

Lumuhod ako sa harap at pikit matang nagsalita. " M-Mr. Elijah, p- pauwiin nyo na po ako sa amin k-kahit huwag nyo na po akong ipahatid-"

"Hija-"

"W-Wala pa naman po sa akin ang p- pera nyo kunin nyo na lang po s- sa..." Ano nga ang pangalan ng lugar na iyon? Shit nakalimutan ko!

"...Alam nyo na po yun, please! M- Maawa kayo pauwiin nyo na po ako." Pagmamakaawa ko, naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko pero hindi ko iyon pinansin, desperada na akong makaalis dito at umuwi na lang at doon maghanap ng trabaho

Sana ay hindi nya ako patayin sa pagba- backout ko.

"What are you doing? " Napaangat ang ulo ko nang marinig ang isang baritong boses na nagsalita.

Hinanap ng mata ko ang nagsalita at sa isang gwapong lalaki dumapo ang mga mata ko, nakita ko syang nakatingin sa akin habang nakakibit balikat at magkasalubong ang mga kilay. Sa tingin ko ay mga nasa twenty seven ang lalaking ito.

Sino naman 'to? Nakasuot sya ng shorts at t- shirt na puti pero para na syang model sa itsura nya!

"A-Ah sir, bigla bigla na lang pong lumapit sa akin ang babaeng ito at kung ano anong pinagsasabi." Sabi ng matandang nasa harap ko.

Sir? Mabilis akong tumayo at naguguluhang nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"H-Hindi ba ikaw si Mr.Elijah?" Tanong ko sa kaharap ko ngayon. Kumunot ang noo nya at nakita ko ang pagpipigil nya ng tawa.

Anong nakakatawa?

"A-Ako si sir?" Natatawang sabi ng matanda at itinuro ang sarili nya. Nahihirapan pa syang magsalita dahil sa pagpipigil nya ng tawa nya.

"Who told you that?" Nalipat ang tingin ko sa nagsalita.

"A-Ang sabi kasi nung nagdala sa akin dito ay matanda at wala na raw buhok si Mr. Elijah, k-kaya ayun." Sabi ko at hinanap ang lalaking nagsabi sa akin nun kanina ngunit wala na sya sa pwesto nya kanina.

Nasan na 'yun?

Narinig ko ang malalim na paghinga ng lalaking kanina pa nakatayo sa gilid ko. Natigil naman sa pagtawa ang matandang kaharap ko.

Ano bang nangyayari? Naguhuluhan ako!

"He lied. Elijah is not old at lalong hindi sya kalbo. Because i am Elijah." Sabi nya at unti unting naglakad papalapit sa pwesto ko.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Sya? Sya si Mr. Elijah?!

Naramdaman ko ang panglalambot ng mga tuhod ko sa narealize ko. Hindi matanda at hindi rin kalbo si Mr. Elijah gaya ng nilarawan ng lalaking naghatid sa akin dito.

Halos mapamura ako sa napagtanto ko. Isa pa lang gwapo at macho si Mr.Elijah!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Ann Labayna
hmmpf ang ganda umpisa pa lang kaka ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status