ALAS SINGKO ng hapon ay pauwi na si Bellatrix sa kanilang bahay. Pagod na naglalakad ang dalaga dahil marami itong ginawa sa eskuwelahan. Nagsimula na kasi silang mag-OJT.Pinihit ni Bellatrix ang pinto pabukas sa kanilang bahay. Simple lang ito at gawa sa semento. Ngunit sa halip na magpatuloy sa pagpasok, natigilan siya nang makita ang dalawang lalaki kasama ang kaniyang ina. Napabuga si Bellatrix ng hangin. Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad na parang wala siyang nakita. “Anak, mag-meryenda ka oh,” aya ng kaniyang ina na si Annabelle. Tinutukoy nito ang isang gallon ng ice cream at dalawang litro ng soft drinks sa lamesa.“Hindi na,” tipid na sagot ni Bellatrix. Pumasok na siya sa kaniyang silid at padarag na humiga sa kama.Hindi na bago para kay Bellatrix ang ganoong eksena sa tuwing uuwi ang kaniyang ina. Gayunpaman ay naiinis pa rin siya. Lagi kasi silang laman ng tsismis dahil paiba-iba ang lalaking nakakasama ng kaniyang ina sa tuwing uuwi ito.Pumik
NAGKAKASIYAHAN ang mga tao sa loob ng isang malaking bar. Maraming inumin at mga pagkain. Idagdag pa ang mga upbeat songs na pinapatugtog ng DJ na sinasabayan ng mga malilikot na ilaw sa paligid. “Isang whiskey rito, Miss!” tawag ng isang lalaking malaki ang ngisi habang komportableng naka-dekwartro sa kinauupuan.Napabuga ng hininga si Bellatrix dahil doon. Inayos niya ang suot na pulang halter top at mini skirt. Ngumisi siya at tinulak ang cart na may laman ng mga alak.“Isang bote po, Sir?” tanong niya nang makalapit.Umiling naman ang lalaking tumawag sa kaniya at pinaglaruan ng daliri ang labi, “Puwede bang ikaw na lang?” Umani naman iyon ng mga tawanan at asaran sa table nito. Kinagat ni Bellatrix ang kaniyang ibabang labi upang hindi maalis ang kaniyang ngisi, kahit pa gusto niyang sikmuraan ang lalaking iyon. Kanina pa kasi siya pabalik-balik sa lamesa nila, at paulit-ulit din siyang inaasar ng lalaki. Hindi na iyon komportable para sa kaniya.‘Relax lang, Bella. Kapag tina
“SAAN tayo pupunta?” nakangising tanong ni Bellatrix habang hawak siya ng lalaki. Nasa loob sila ng isang condominium building na mukhang mamahalin at eksklusibo.“In my penthouse, so we can have our privacy,” tugon ng lalaki pagkatapos pindutin ang button sa elevator. Bumukas iyon at pumasok na sila. Nang sumara ang pinto ay nakita agad ni Bellatrix ang kanilang repleksyon. Ngumisi siya at hinarap ang katawan sa lalaki.“We’re going to your penthouse but I don’t know yet your name,” aniya, nakapulupot sa braso ng lalaki.Lumingon ang lalaki sa kaniya at agad na bumaba ang mata nito sa dibdib ng dalagang nagngangalang Trixie. “Only a few don’t know my name. It’s fascinating.” Sumabay naman si Bellatrix gamit ang mahinhing tawa. Sa katunayan, nag-background research siya tungkol kay Don Geronimo Marquis. Marami siyang alam mula sa mga anak nitong lalaki at babae. Pero isang malaking palaisipan para sa kaniya kung sino sa mga anak ni Don Geronimo ang lalaking kaharap niya. “So, ano?
MALAMIG ang simoy ng hangin sa balkonahe. Nililipad rin nito ang mahabang kulot na buhok ni Bellatrix. Hindi naman siya nilalamig dahil suot niya ang damit ni Colt. Plain lang itong itim na t-shirt. Malaki ang damit at nagmistulang bestida nang isuot niya. At sa pang-ibaba naman ay iyong boxer shorts din ng binata ang suot niya na tila ordinaryong short nang isuot niya.Bumuga ng usok si Bellatrix. Nagsisigarilyo kasi siya habang nakatingin sa maningning na kalangitan. Alas-kwatro na ng madaling araw. Halos alas-dos na ng madaling araw sila natapos kanina. Pagod na rin kasi siya kaya’t pinagpahinga na siya ni Colt.Nang may marinig na tunog si Bellatrix ay nilingon niya ang likuran upang tignan si Colt. Mahimbing naman itong natutulog sa ilalim ng makapal na kumot. Muling nagbuga ng usok ang dalaga. Tinaktak niya rin ang hawak na sigarilyo upang alisin ang ilang abong naroon. Bumalik siya sa pagtingin sa kalangitan. Tatlumpong minuto na rin siyang nakatayo sa labas habang malalim an
“WHY are you so quiet, Trixie?” Sumulyap si Colt kay Trixie na nakaupo sa shotgun seat habang nagmamaneho naman ito. Hindi niya alam kung bakit naging ganito ito. Nakatitig lamang ito sa kawalan. Hindi niya tuloy napigilang mag-alala. Iniisip niya kung may nagawa ba siyang hindi maganda kanina kaya ganoon na lang ang nangyayari dito.Napakurap naman ang mata ni Bellatrix. Ngayon niya lang napagtantong kanina pa pala siyang wala sa sarili. Iniisip pa rin kasi nito hanggang ngayon ang sinabi ng sekretarya ni Colt kanina. Bumaling si Bellatrix kay Colt na paminsan-minsang lumilingon sa kaniya. Biglang namuo ang galit sa kaniyang puso pagkatapos niyang maalala ang sinapit ng kaniyang ina. Tipid siyang ngumiti at idiniin ang ulo sa headrest. Humikab si Bellatrix. “Ahm. . . Sorry, tinatamaan lang ako ng antok.”“You can sleep for a while, Trixie. I’ll just wake you up later when we’ve reached the company,” ani Colter, tinutukoy ang kompanya kung saan nagtatrabaho si Trixie. Tahimik na
BUMUKAS ang elevator na sinasakyan ni Bellatrix at saka siya lumabas doon. Nasa ground floor siya para sana magtanong ngunit maraming tao ang tumingin sa kaniya na para bang artista ang dating niya. Karamihan sa mga iyon ay nagtatrabaho sa media at narito para makasagap lang ng kung ano’ng tsismis. Aalis na sana si Bellatrix nang bigla siyang harangan ng mga reporters. Nagmistula siyang isang pagkain na biglang nilapitan ng mga langaw.“Miss Bellatrix, ano po ang masasabi mo sa mga kumakalat na larawan niyo ngayon sa social media?” mabilis na tanong ng isang lalaking payat na may salamin. Nakatutok ang mga camera nila sa kaniya at panay ang flash ng ilan. “Teka, teka lang! Sandali!” nakapikit na reklamo ni Bellatrix na halos mabulag na sa mga camera flashes na direktang tumatama sa kaniyang mata. Idagdag pa ang mga sabay-sabay na pagsasalita ng mga reporters sa harapan niya. Hindi niya alam kung kanino titingin o makikinig. Naghahalo na ang lahat sa kaniya. Tinawag ni Bellatrix ang
SA LOOB ng isang eksklusibong gym ay makikita si Bellatrix na seryosong-seryoso sa kaniyang ginagawa. Nasa loob siya ng boxing ring habang nag-e-ensayo siya kasama ang isang kaibigang lalaki. Ito naman ang umaakto bilang tagasalo ng mga suntok ni Bellatrix.“Why are you so grumpy, Bellatrix?” nakangiwing tanong ng lalaking kaibigan ni Bellatrix. Napalakas kasi ang huling suntok ni Bellatrix kaya sumakit ang kamay nito sa impact. “Ha? Kailan? Maayos ako ’no,” sagot naman ni Bellatrix. Ngumuso siya at tumalikod para kunin ang tumbler at face towel nito sa gilid. Inalis niya ang suot na gloves. Nagpunas siya at sumandal sa harang na tinatawag nilang ring. Lumapit sa kaniya ang kaibigan at saka uminom din sa sariling tumbler.“Is there any problem?” tanong nito sa kaniya. Napabuga ng hininga si Bellatrix matapos isara ang tumbler. “Ayos nga lang ako, Yhuno,” tugon niya sa kaibigan. Nakatanaw siya sa mga iba na nasa treadmill habang pinupunasan ang katawan nito. Halata kasi ang kaniyang
“SO, why are you with him? Why does he calls you Bella?” magkasunod na tanong ni Colter kay Bellatrix. Nasa loob na sila ng isang presidential suite sa hotel na pagmamay-ari ng mga Marquis. Nakaupo sa kama si Colter habang si Bellatrix ay piniling tumayo at lumapit sa glass wall para tignan ang mga matatayog na building sa labas.“Sinabi ko na sa ’yo na magkaibigan kaming dalawa ni Yhuno. Malamang ay normal sa amin na mag-bonding paminsan-minsan,” paliwanag ni Bellatrix habang nakahilig pa rin sa babasaging dingding. Sa likod nito ay si Colter. Mas lalong kumulot ang kilay nito sa sinabi ni Bellatrix. Para sa kaniya ay kulang pa rin ang paliwanag nito. “Then why does he calls you Bella?” untag pa nito. Napairap si Bellatrix at saka hinarap si Colter. Humalukipkip siya. “Fine, sasabihin ko ang pangalan ko. I’m Bellatrix, okay? At Trixie naman ang gamit ko sa trabaho,” tugon niya rito. Inaasahan niyang bibitawan na ni Colter ang usapan tungkol sa kaniyang pangalan, subalit makulit si
“ANG AGA-AGA, ano’ng problema mo, Miss Secretary?” taas-kilay na tanong ni Bellatrix habang nakahalukipkip pa rin para inisin lalo si Galia at ang mga alipores nito.Tumaas naman ang kilay ni Galia. “Ikaw. Dumating ka lang at inaahas mo na agad si Reven,” aniya na siyang nagpakunot sa noo ni Bellatrix. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito sa sinabi ni Galia. Hindi niya alam kung paano nasali si Reven sa gulo.“What? You’ll pretend like it’s not true?” mapang-uyam na asik ni Galia at saka siya tumingin sa kaniyang mga kasama. Malakas din ang mga pagkakasabi niya, dahilan para marinig ng ibang dumaraan. “See? Tignan niyo ang babaeng ito na dinala ni Sir Colter dito sa kompanya. Isang ahas. Hindi na makuntento sa pang-aakit kay Sir Colter at sinusunod pa si Sir Reven. You heard that, people?!” malakas na pahayag ni Galia sa gitna na para bang isang politikong nangangampanya para makuha ang tiwala ng masa. Napairap naman sa inis si Bellatrix. Nilibot niya ang tingin sa paligid na mas l
BAGO PA MAN magising si Colter ay umalis na agad si Bellatrix sa penthouse nito. Nag-iwan lang siya ng sticky notes at nilagay ito sa bedside table niya. Nagluto na rin muna siya ng almusal ni Colter para iinitin na lang ni Colter ito sa microwave oven mamaya. Habang binabagtas naman ang daan papunta sa kanilang apartment ay malalim na nag-iisip si Bellatrix. Pinapagalitan niya rin ang sarili dahil parang lumilihis na raw siya sa tunay na plano nito. “Grateful ako sa mga ginawa niya sa akin. Pero dapat hanggang doon lang. Hindi dapat ako maging selfish. Para sa hustisya ni mama, gagawin ko ang lahat. Kaya bawal akong magkamali,” seryosong aniya. Itinatatak niya ito sa kaniyang isipan para araw-araw niyang maalala ito. Kung bakit siya nasa mga Marquis . . . Kung bakit siya nasa tabi ni Colter. Nang makarating sa apartment ay nagulat si Jie nang makita si Bellatrix. “Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” nagtatakang tanong niya habang nakapamaywang ito na nakatayo sa gilid ng sofa
NAKARATING na sa itaas sina Bellatrix at Colter. Nasa loob sila ng silid kung saan sila unang nagtalik na dalawa. At kagaya lang noon ay nakapatay pa rin ang mga ilaw at ang liwanag lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa kanila. “C-Colter,” halinghing ni Bellatrix. Nasa kama sila at nakapaibabaw naman siya sa kandungan ni Colter habang nakaupo sila. Nawawala na sa wisyo si Bellatrix habang hawak ang batok ni Colter na abala sa pagpapaligaya sa kaniya. Nadarama din niya ang kahabaan ni Colter na tumutusok sa kaniyang pagkababae. “Hmm?” ani Colter habang nasa leeg siya ni Bellatrix. Hinahalikan at sinisipsip niya ito. Tumingala naman siya habang dinadama ang mga kiliting ginagawad ni Colter.“Le-Let’s do it. P-Please,” nanginginig na pakiusap ni Bellatrix habang ginigiling ang kaniyang baywang para ikiskis ang sarili kay Colter. Kalat na kalat na ang nakakapasong init sa kaniyang buong katawan, lalo sa gitna niya na pumipintig na sa pagnanasang maramdamang muli ang kahabaan ni Colter
SA GITNA NG GABI, magkasamang kumakain sina Colter at Bellatrix sa isang lamesa habang magkaharapan sila. Hindi pa rin humuhupa ang mga tunog ng piano at violin sa speaker, pero mahina naman ang mga ito kaya’t hindi na pinahinto ni Bellatrix.“Here, have some polpette,” ani Colter at saka iniabot ang isang plato nito kay Bellatrix, “It’s an Italian dish, or meatballs to be exact. It’s delicious,” nakangising dagdag nito habang pinapanood si Bellatrix na naglalagay niyon sa kaniyang plato. Nang tikman niya na ay napatango siya dahil tama si Colter.“Try the quesadillas,” ani Colter at saka inabot ito kay Bellatrix. Pagkatapos ng isang subo ay may bago na namang iniabot si Colter.“That Lasagna is the best,” dagdag niya habang pinapanood na kumain si Bellatrix. Pagkatapos lunukin ang pagkain ay nakita niyang aambang muli si Colter na kumuha ng panibagong plato. Pinigilan niya agad ito.“Tama na, ako ang mamimili ng kakainin ko. Pinapataba mo naman ako! Kumain ka na lang din diyan ng tah
SA IKATLONG PALAPAG, makikitang nakasimangot si Bellatrix habang namamahinga sa kaniyang upuan. Malapit na rin silang mag-out sa trabaho kaya’t marami na ang naghahandang umalis.“Bellatrix? Hindi ka pa mag-aayos ng gamit mo?” tanong noong katabing babae ni Bellatrix na si Roxanne. Ito ang naging kaibigan niya dahil siya ang palaging tumutulong kay Bellatrix kapag may hindi siya alam.“Kaunti lang naman ang dala ko. Hintayin na lang kitang matapos,” nakangiting sagot ni Bellatrix. Pumayag naman ito at naglinis ng lamesa. Bumalik naman agad si Bellatrix sa pagsimangot.“Tss, wala naman akong ginawa. Puro print at encode lang. Gusto ko sanang gumawa ng report,” pagkausap niya sa sarili habang pinapanood ang ibang mga empleyado. Karamihan sa kanila ay ramdam ang pagod dahil sa buong araw na pag-upo at pagpindot sa keyboard. “May kinalaman kaya ’yung lalaking ’yun?” bagot niyang tanong, tinutukoy si Colter. Suminghal pa siya nang naalala ang nangyari kaninang umaga. “Ni hindi man lang s
“PLEASE clean this area as well,” utos ni Colter sa janitor. Natapon kasi ang tubig sa sahig dahil nahagip niya ang pinag-iinumang baso. Nagkalat din sa sahig ang mga bubog.“Ah, Sir! Ako na po ang magtatapon niyan!” tarantang saad noong janitor nang makitang itatapon ni Colter ang mga bubog galing sa nabasag na baso. Umiling naman si Colter. “Nah, I could do it,” aniya at saka tinapon ang mga bubog sa basurahan. Nagpunta siya saglit sa restroom para maghugas ng kamay. Nang natapos ay bumalik siya sa kaniyang lamesa. Namataan na naman ni Colter ang mga tirang ulam na hindi niya naubos kanina. Tinignan niya naman ang janitor na nakangiting nagtatrapo sa sahig.“You can eat all of this when you’re done,” sambit niya rito, tinutukoy ang mga pagkaing hindi niya halos nagalaw. Napatingin naman ang janitor sa kaniya at saka napakamot sa ulo.“Ah, Sir, busog na po kasi ako. Binigyan kasi ako ng dalawang siopao, iced coffee, at saka juice noong bagong babaeng empleyado rito. Bibigyan ko na
DAHIL sa pagbuking ni Cara sa plano ni Colter na pagpapabagsak kay Walter, umuwi na agad sila at hinatid nila si Bellatrix sa apartment nito. Hindi naman nasiyahan sa nangyari si Bellatrix. Maraming mga tanong sa kaniyang isipan na hindi pa nasasagot. Dahil kasi sa presensya ni Cara ay hindi makapagtanong si Bellatrix. Kapag kasi sinusubukan niyang pag-usapan si Walter, agad na iniiba ni Cara ang topic. Para bang nagkasundo na agad ang magkapatid na ilihis ang usapan.Pagpasok ni Bellatrix sa loob ng apartment ay naamoy niya agad ang mabangong amoy ng adobo. Pagpunta niya sa kusina ay naabutan niyang nagsasandok na ng kanin si Jie.“Nandito ka na pala. Kumain ka na ba?” tanong ni Jie pagkakita kay Bellatrix. Pagod namang umupo si Bellatrix sa monoblock chair at saka nilapag ang mga dalang paperbags sa sahig.“Uy, ang dami mong dala ah! Shopping spree?” nakangising pang-aasar ni Jie. Nilagay niya sa plastic na lamesa ang isang mangkok ng adobo. “Kumain na ako,” walang ganang sagot ni
“HI! I’m Bellatrix!”masayang pagpapakilala ni Bellatrix sa kapatid ni Colter. Nasa loob pa rin sila ng shoe store at magkaharapan.Awkward namang ngumiti ang kapatid ni Colter sa kaniya. Pasimple niyang tinignan si Colter at saka binalik agad ang tingin kay Bellatrix na malaki ang ngiti.“H-Hi! I’m Cara, his sister,” nakangiti ring pagpapakilala ni Cara. Tumitig siya kay Bellatrix sa pagkamangha. Napatagal ang tingin niya kaya napapangiwi si Bellatrix. Tumikhim naman si Colter nang mapansing na-awkward-an si Bellatrix sa paraan ng pagtitig ni Cara.“Hey, Cara, stop it,” puna ni Colter. Pinagsalubong niya rin ang kaniyang kilay.“We’ve finally met!” nakangising wika ni Cara nang natauhan na. Umamba siyang yayakap kay Bellatrix pero hinawakan agad ni Colter ang braso ni Cara. “Cara, come on. You’re so hyper. Trix is getting awkward,” pagpigil ni Colter. Napairap naman sa kaniya si Cara, pagkatapos ay bumalik agad ang ngiti niya kay Bellatrix. “I’m sorry! But really, it was so nice to
SA ARAW NG SABADO ay sinundo ni Colter si Bellatrix nang bandang alas tres y media ng hapon. Maaga sana silang aalis ngunit naging busy si Colter sa umaga. Mamimili kasi sila ngayon ng mga damit na gagamitin ni Bellatrix sa trabaho. Pumayag naman si Bellatrix, kahit na may mga pormal naman siyang damit pang-opisina.“Just pick anything you like,” saad ni Colter nang marating nila ang unang boutique ng mga damit sa mall. “Anything? Eh, paano kung gusto ko lahat ng damit dito?” nakangising tanong ni Bellatrix. Lumapit na rin siya sa isang rack ng mga damit at nagtingin doon. Dalawang saleslady naman ang lumapit sa kanila sa gilid. Magkahawak-kamay pa at pabulong-bulong sa isa’t isa.“Ain’t a problem, Trix. I will buy whatever you wish,” nakangisi ring tugon ni Colter. Pero alam ni Bellatrix na seryoso roon si Colter. Hindi naman kasi malabong mangyari iyon kung gustuhin nga niya. “Sabagay, ang batas nga ay nabibili niyo’t napapayuko,” mapait na aniya sa isipan. Kinagat niya ang ibaban