SA LOOB ng isang eksklusibong gym ay makikita si Bellatrix na seryosong-seryoso sa kaniyang ginagawa. Nasa loob siya ng boxing ring habang nag-e-ensayo siya kasama ang isang kaibigang lalaki. Ito naman ang umaakto bilang tagasalo ng mga suntok ni Bellatrix.
“Why are you so grumpy, Bellatrix?” nakangiwing tanong ng lalaking kaibigan ni Bellatrix. Napalakas kasi ang huling suntok ni Bellatrix kaya sumakit ang kamay nito sa impact.“Ha? Kailan? Maayos ako ’no,” sagot naman ni Bellatrix. Ngumuso siya at tumalikod para kunin ang tumbler at face towel nito sa gilid. Inalis niya ang suot na gloves. Nagpunas siya at sumandal sa harang na tinatawag nilang ring. Lumapit sa kaniya ang kaibigan at saka uminom din sa sariling tumbler.“Is there any problem?” tanong nito sa kaniya. Napabuga ng hininga si Bellatrix matapos isara ang tumbler.“Ayos nga lang ako, Yhuno,” tugon niya sa kaibigan. Nakatanaw siya sa mga iba na nasa treadmill habang pinupunasan ang katawan nito. Halata kasi ang kaniyang pawis dahil nakasuot lang ito ng sports bra at shorts.“Is it because of your cuts on your arms?” pang-uusisa pa ni Yhuno. Tinitignan nito ang braso ni Bellatrix na kung saan ay maraming mga sugat at kalmot dahil sa nangyari kahapon.Hinarap siya ni Bellatrix at saka binato rito ang kaniyang pinagpunasang towel. Sinalo iyon ni Yhuno para hindi ito tumama sa kaniyang mukha. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin na may nakakadiring ekspresyon. Natawa lamang si Bellatrix at saka naunang tumalikod para bumaba na.“That was a dirty move, Bella!” sigaw ni Yhuno saka hinabol si Bellatrix. Dala niya ang kaniyang gamit kasama ang mga towel. Humalakhak lang si Bellatrix kaya nahawa na rin si Yhuno. Pinagtitinginan naman sila ng mga taong nadadaanan nila. Ang mga lalaki ay kay Bellatrix nakatingin, habang ang mga kababaihan ay kay Yhuno.Si Yhuno kasi ay isang half Chinese. Singkit, maputi, matangkad, at may refreshing charms na hatid ang kaniyang gwapong mukha. Dahil doon ay maraming mga babae ang nabibighani niya sa isang ngiti pa lang.“Hindi naman mabaho! Maka-react ka naman,” pang-aasar pa ni Bellatrix. Patungo na siya sa locker area ng mga babae ngunit nakasunod pa rin si Yhuno sa kaniya.“But it was still full of bacteria and germs!” nandidiring pahayag ni Yhuno. Nang makakita ng basurahan ay agad niyang tinapon doon ang pawisang twalya. Habang si Bellatrix naman ay napaawang ang bibig sa nakita. Nang bumalik si Yhuno ay agad niya itong hinampas sa braso nito.“Sana binigay mo na lang sa akin! Sayang tuloy!” nakasimangot niyang sabi habang nakatingin pa rin sa basurahan.Ngumiwi naman si Yhuno. “I can just buy you a new pack of it, Bella. In any different colors if you want,” ngising turan ni Yhuno at saka kumindat kay Bellatrix. Suminghal siya at saka tinuro kung saan sila nakatayo.“Gusto mo bang sundan pa rin ako hanggang dito?” nakangisi niyang sabi, nakaduro sa sign sa taas ng pader na may nakasulat na for women only. Doon lang napansin ni Yhuno kung nasaan sila. Nasa may bukana pa lang naman sila pero pinagtitinginan na si Yhuno. At dahil sa pagiging chinito ay namula ang tainga nito.“You didn’t even tell me where we are,” kunwaring nagtatampong sabi niya bago tumalikod. Naiiling ding tumalikod si Bellatrix para makapag-shower na. Pagpasok sa isang cubicle ay mabilis siyang naligo roon.***Pagkayari ng kalahating oras ay natapos na rin si Bellatrix. Nakapag-bihis na rin siya sa loob. Ang suot niya ngayon ay itim na baggy jeans at puting long sleeve na oversized. Kahit na medyo mainit ay nag-long sleeve pa rin siya para hindi makita ng iba ang mga sugat nito sa braso. Pagkatapos namang mag-blow dry ng buhok ay saka siya naglagay ng makeup sa mukha nito. Light na makeup lang ang nilagay niya dahil nasa labas naman siya. Hindi gaya sa tuwing nasa trabaho siya na laging mga dark makeups ang nasa mukha niya.Sa huling spray ng pabango ay lumabas na siya sa women’s wash area. Hinanap nito roon sa labas si Yhuno na agad niya namang namataan. Pinapalibutan kasi ito ng mga kababaihan na mukhang interesado sa mga sinasabi niya. Napa-irap si Bellatrix bago ito naglakad palapit sa kanila. Malakas siyang tumikhim kaya naagaw niya ang atensyon ng lahat. Ngumisi siya at tinignan si Yhuno.“Let’s go, Yhuno,” nakangiting tawag niya rito. Napamaang naman si Yhuno. Humalukipkip si Bellatrix at saka nagtaas ng kilay rito na nagpapahiwatig na isa itong babala. Natauhan si Yhuno at saka tumayo para lapitan si Bellatrix.“Sorry, girls. We have to go,” nakangising paalam ni Yhuno sa mga babae. Kinilig sila at may ilang tumili pa nang kumaway pa si Yhuno sa kanila bago ito tuluyang magpatianod sa katabing si Bellatrix.Umiling naman si Bellatrix. “Hilig mo talagang pagpakilig ng babae, Yhuno. Tapos hindi mo lang sila maaalala mamaya,” dimayadong turan niya. Natawa si Yhuno at saka pabirong inakbayan si Bellatrix.Akmang magsasalitang muli si Yhuno pero napansin nito na ang pagkakatigil ni Bellatrix. Nanlalaki ang mata nito at nakaawang ang mga labi. Nang tignan niya kung sino ang kanilang kaharap ay napangisi siya.“Colter, dude! You’re here!” aniya nang makilala ito. Nakangisi siya na parang nasisiyahan sa kaharap, ngunit si Bellatrix naman ay parang tinakasan ng dugo. Habang si Colter ay nakatayo lang doon habang matalim ang tingin kay Yhuno.“Of course I will be here. This is our hotel, if you had forgotten it already,” mariing tugon ni Colter. Nakasuot siya ng plain na itim na t-shirt at itim ding gym shorts. Salungat ito sa puting sleeveless na suot ni Yhuno at denim pants.Natawa naman si Yhuno at mas hinapit pa si Bellatrix sa kaniyang bisig. Nakita iyon ni Colter kaya mas sumama pa ang timpla ng kaniyang mukha. Napansin naman iyon ni Bellatrix na nanlalamig na sa kaba. Ramdam niyang namawis siya bigla kahit na hindi pa sila nakakaalis sa loob ng air conditioned gym.“I know that this is your hotel. Of course I won’t forget it. Why would I even forget our enem? Right?” nakangising wika ni Yhuno. Mas lumiit pa ang singkit nitong mata. Dahil gaya nila Colter ay mayroon din silang hotel business na kung saan ay mainit na magkalaban ang kanilang mga hotel sa buong bansa.Hindi na sumagot pa si Colter bagkus ay bumaba ang tingin nito kay Bellatrix na inaakbayan pa rin ni Yhuno hanggang ngayon. Lalong kumunot ang noo nito habang nakatitig sa nakapulupot na kamay ni Yhuno. Parang may pulang lazer lights ang lumalabas sa kaniyang mata na tumatawa sa mga kamay ni Yhuno.Mahinang natawa si Bellatrix para mawala ang tensyon. Kahit na kabado siya ay nagawa niya pa ring maging tunog normal ang tawa niya. Magsasalita na sana siya nang maunahan ni Colter.“Why are you with him?” mariin na tanong ni Colter. Bumuka ang bibig ni Bellatrix para sana magsalita pero walang lumabas doon. Hindi naman niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Colter.“Why won’t she be with me, Marquis? You don’t know her or at least own her for you to ask that,” nakangisi pa rin si Yhuno. Humarap sa kaniya si Colter na halatang nababanas na ito sa presensya ni Yhuno.“Did I even asked you? I was talking to Trixie, not you, you idi*t!” marahang wika niya at saka binalingan si Bellatrix na kanina pang pabalik-balik ang tingin sa dalawa. Nang magtama ang kanilang mata ay napataas siya ng kilay.“Trixie?” natatawang tanong ni Yhuno at saka sinulyapan si Bellatrix. “Bella? Why is he calling you that?” tanong niya rito.“My work name, remember?” tugon ni Bellatrix. Napahilot siya sa sentido. Hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari sa araw na ito. Na makikita niya si Colter dito habang kasama niya si Yhuno.Napatango naman si Yhuno at saka humalakhak. Napahinga na lang ng malalim si Bellatrix at saka tinignan si Colter na titig na titig sa kaniya. Mabigat ang ginagawad nitong tingin sa kaniya na pakiramdam niya ay pinapalambot nito ang kaniyang tuhod. Umiling siya at hinila na ang kamay ni Yhuno.“Aalis na kami,” paalam niya kay Colter sa pag-aakalang hahayaan siya nito. Subalit hindi pa man sila nakakahakbang palayo ay nahatak na agad siya ni Colter palapit sa kaniyang dibdib.Napasinghap sa gulat si Bellatrix nang tumama siya sa matigas katawan ni Colter. Naamoy niya rin ang pabango ni Colter na agad niyang nagustuhan. Bahagya siyang kumalma, pero nang makita ang naiinis na itsura ni Yhuno ay kinabahan na naman siya.“Well, uh. . .” sambit ni Bellatrix. Sinusubukan niyang magpaliwanag pero hindi niya alam ang sasabihin.Nilapit pa siya ni Colter sa tabi nito. “Let’s go, Trix. I don’t want to see his face,” aniya at saka hinila ang kamay ni Bellatrix. Wala siyang nagawa kundi sumama kay Colter. Lito pa siya sa nangyayari.Iniwan nila si Yhuno sa gym at saka sila sumakay sa elevator. Doon lang napagtanto ni Bellatrix ang nangyayari.“Colter, I need to go back down,” pahayag ni Bellatrix. Akma niyang pipindutin ang button para bumukas ang elevator pero hinuli agad ni Colter ang kaniyang kamay.“What for? Can’t you see that I’m jealous of him?” pagalit na sabi ni Colter.Napatanga si Bellatrix at gulat sa tinuran ni Colter.“He’s. . . jealous of Yhuno?”“SO, why are you with him? Why does he calls you Bella?” magkasunod na tanong ni Colter kay Bellatrix. Nasa loob na sila ng isang presidential suite sa hotel na pagmamay-ari ng mga Marquis. Nakaupo sa kama si Colter habang si Bellatrix ay piniling tumayo at lumapit sa glass wall para tignan ang mga matatayog na building sa labas.“Sinabi ko na sa ’yo na magkaibigan kaming dalawa ni Yhuno. Malamang ay normal sa amin na mag-bonding paminsan-minsan,” paliwanag ni Bellatrix habang nakahilig pa rin sa babasaging dingding. Sa likod nito ay si Colter. Mas lalong kumulot ang kilay nito sa sinabi ni Bellatrix. Para sa kaniya ay kulang pa rin ang paliwanag nito. “Then why does he calls you Bella?” untag pa nito. Napairap si Bellatrix at saka hinarap si Colter. Humalukipkip siya. “Fine, sasabihin ko ang pangalan ko. I’m Bellatrix, okay? At Trixie naman ang gamit ko sa trabaho,” tugon niya rito. Inaasahan niyang bibitawan na ni Colter ang usapan tungkol sa kaniyang pangalan, subalit makulit si
LUNES ng umaga ay nasa kompanya na si Bellatrix para sa shooting ngayong araw. Nasa loob na siya ng van kasama ang ilang mga modelo. Nakasuot siya ng itim na shades, white tank top, black jacket, at blue denim pants habang nakahalukipkip na naghihintay sa kanilang pag-alis.“Ano kaya ang pakiramdam na maging ambassadress?” rinig na tanong ni Bellatrix sa kaniyang likuran. Narinig niyang nagtawanan ang mga ibang babae.“Una, kailangan malaki ang hinaharap mo. Pangalawa, dapat i-seduce mo ang client o iyong anak niya para makuha mo ang pagiging ambassador!” malakas na sagot ng isa pang babaeng modelo.Napairap na lang si Bellatrix kahit na alam niyang siya ang pinupuntirya ng mga magkakaibigan. Gusto niyang magsalita pero tinatamad pa siya dahil inaantok pa siya. Ayaw niya ring masira agad ang kaniyang araw dahil lang sa mga bida-bida at inggit na mga katrabaho. Nagsalpak na lang siya ng earphones sa tainga nito at saka nakinig sa mga malalakas na awitin.Nang umandar na ang sasakyan ay
“UUWI ka na ba?” tanong ni Bellatrix kay Colter. Katatapos lang ng photoshoot nila ngayong hapon. Papalubog na rin ang araw kaya naging kahel na ang kulay ng kalangitan ngayon. Habang si Colter naman ay hindi na umalis simula nang dumating siya. Tahimik lang ito at kung hindi ito nanonood kay Bellatrix ay busy naman siya sa pagtipa sa laptop nito at sa pagsagot ng mga tawag sa kaniyang telepono.“There’s an after-party, right?” tanong din ni Colter. Nasa beach pa rin sila at nakaupo sila ngayon sa mga benches na naroon. Muling humangin ng malakas kaya inayos ni Bellatrix ang twalya na tumatabon sa kaniyang suot na damit. Hindi niya makuha ang jacket niya kanina dahil pinaakyat na pala ni Colter ang mga gamit niya sa hotel room na gagamitin nila ngayong gabi. Mabilis namang hinubad ni Colter ang kaniyang blazer para ibigay kay Bellatrix. Natulala siya pero kinuha rin ito at isinuot.“Oo, meron nga. Dadalo ka rin ba?” tanong ni Bellatrix pabalik. Nilingon niya si Colter na hinahangin a
(Trigger Warning: Mention of Se*ual Hara*sment)ISANG malakas na tunog ang gumising kay Bellatrix mula sa pagkakatulog. Madilim ang silid at tanging ang ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng liwanag para sa kaniya. Dinig din niya ang mga boses na nagmumula sa isang telebisyon sa labas. Nakabukas lang kasi ang pinto.Humikab si Bellatrix at saka umupo sa kama. Hinawi niya ang kumot at dinampot ang telepono sa bedside table. Ang kaniyang alarm pala ang gumagawa ng ingay. Pinatay niya ito at nakita ang oras. Seven na ng gabi, ang mismong oras ng after-party nila. Kumunot ang noo ni Bellatrix. Agaran siyang tumayo para buksan ang ilaw.“You’re awake now,” biglang sumulpot sa pintuan si Colter. Ganoon pa rin ang suot niya pero nakabukas na ang suot nitong dress shirt kaya kitang-kita ang puting sando nito sa loob. Nakatupi rin ang dalawang manggas niyon hanggang sa siko. “Bilisan mo na. Magbihis ka na at bababa na tayo sa pool party,” mabilis na pahayag niya. Tumalikod na siya at saka hina
“ARE you alright?” malakas na tanong ni Colter. Nagitla si Bellatrix na kanina pang tulala. Nilibot niya ang tingin sa paligid. Pinapalibutan sila ng mga tao na abala sa pakikipag-bulungan sa isa’t isa. Hinahanap niya si Walter pero wala na ito doon. Nakahinga siya ng maluwag.Bigla namang umupo sa harapan niya si Colter para magpantay ang kanilang mukha. Itinaas nito ang kamay para sana ayusin ang buhok ni Bellatrix ngunit tinabig agad iyon ni Bellatrix. Mabilis na dumaan ang takot sa kaniyang mukha sa pag-aakalang gagawan din siya nito ng masama. Napaawang ng bibig si Colter. Nagulat siya at nakaramdam ng awa para kay Bellatrix. Hindi na niya ito sinubukang hawakan ulit.“Wait for me here,” wika ni Colter. Saglit niyang tinitigan ang mukha ni Bellatrix. Bakas pa rin ang takot doon. Bumuga siya ng hininga bago tumayo. Pagtalikod niya ay nagbago agad ang kaniyang emosyon. Galit na galit siyang lumapit sa isang lalaki na nagpakilala kanina bilang manager ni Walter.“Where is that f*ck
TANGHALI na ng umalis sina Colter at Bellatrix sa hotel. Nauna ang mga kasamahan niyang model at kanilang team, samantalang si Bellatrix ay kay Colter na sumabay. Nasa isang sasakyan sila habang nilalakbay ang daan papunta sa apartment ni Bellatrix.“Are you sure we won’t sue him?” paqgtatanong ulit ni Colter. Pangatlong beses na ito at paulit-ulit lang din ang mga tugon ni Bellatrix.“Salamat. . . Pero. . . Hindi na,” mahinang sagot ni Bellatrix. Marami siyang isinasaalang-alang sa desisyon niyang iyon. Una ay ang career niya sa modeling at ang pangalawa ay ang kaniyang planong paghihiganti.Lalong kumunot ang noo ni Colter. Halos magdikit na rin ang kaniyang mga kilay. Hindi niya lubos maintindihan ang desisyon ni Bellatrix.“But if we won’t do any actions, there is a high chance that he would do it to someone!” pagalit na sambit ni Colter. Lalo na at alam niyang marami nang naging biktima si Walter. Hindi niya ito kayang palampasin pa.Samantalang si Bellatrix naman ay nagulat sa p
PAGLAPAT pa lang ni Bellatrix sa malambot na kama ay bigla siyang nagising. Naabutan niya si Colter na malapit ang mukha sa kaniya. Kalalapag pa lang kasi ni Colter kay Bellatrix sa kama. Ngumisi si Bellatrix at saka ikinawit ang dalawang kamay sa batok ni Colter. Naging dahilan ito para mas lumapit pa ang mga mukha nilang dalawa. Ilang hibla na lang ang layo at kaunting usog ay magdidikit na ang tungki ng kanilang ilong. “Silly girl. Sleep again, hmm?” namamaos na sabi ni Colter sa kaniya. Tinaas niya ang kanang kamay para hawiin ang buhok ni Bellatrix at saka ito inipit sa likod ng tainga nito. “Sleep with me,” ani naman ni Bellatrix. May pagka-malat din ang boses niya dahil bagong gising pa siya. Malalim namang natawa si Colter. Naramdaman iyon ni Bellatrix na napaawang ang bibig. Bumaba ang mukha ni Colter sa kaniya. Ang buong akala niya ay hahalikan siya nito sa labi, ngunit naramdaman niyang lumapat ang labi ni Colter sa kaniyang noo. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso sa
ALAS NUWEBE na ng umaga nang nagising si Bellatrix mula sa mahimbing na tulog. Noong una ay kinabahan siya nang makitang nasa isang marangya siyang kwarto. Pero nang maalala niya si Colter ay bumuti na rin ang pakiramdam niya. Naligo siya at nagpalit gamit ang bagong damit na nasa paperbag. Dress muli iyon na kulay blue. Asymmetrical ito at sakto lang ang sukat sa kaniyang katawan. Nag-bun muli siya ng kaniyang buhok at saka lumabas sa kwarto. Hindi na siya naglagay ng makeup dahil wala naman siyang dala. Dahil nasa living room ang hagdanan na bababaan niya, ay nakita niya agad ang likuran ni Colter. Nakaupo ito sa sofa na tila may kausap ng seryoso. Humakbang pa paibaba sa baitang si Bellatrix, hanggang sa tuluyan na niyang nakita kung sino ang kausap ni Colter.“The h*ck? Siya na naman ba ang bumili ng dress na ’to?” gulantang na bulong ni Bellatrix sa sarili. Pakiramdam niya ay biglang nangati ang buong katawan niya dahil sa damit na suot. Nanlilisik ang mga mata niya habang pina