Share

CHAPTER 11: POOL PARTY

(Trigger Warning: Mention of Se*ual Hara*sment)

ISANG malakas na tunog ang gumising kay Bellatrix mula sa pagkakatulog. Madilim ang silid at tanging ang ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng liwanag para sa kaniya. Dinig din niya ang mga boses na nagmumula sa isang telebisyon sa labas. Nakabukas lang kasi ang pinto.

Humikab si Bellatrix at saka umupo sa kama. Hinawi niya ang kumot at dinampot ang telepono sa bedside table. Ang kaniyang alarm pala ang gumagawa ng ingay. Pinatay niya ito at nakita ang oras. Seven na ng gabi, ang mismong oras ng after-party nila. Kumunot ang noo ni Bellatrix. Agaran siyang tumayo para buksan ang ilaw.

“You’re awake now,” biglang sumulpot sa pintuan si Colter. Ganoon pa rin ang suot niya pero nakabukas na ang suot nitong dress shirt kaya kitang-kita ang puting sando nito sa loob. Nakatupi rin ang dalawang manggas niyon hanggang sa siko.

“Bilisan mo na. Magbihis ka na at bababa na tayo sa pool party,” mabilis na pahayag niya. Tumalikod na siya at saka hina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status