Share

CHAPTER 17: THEIR PLANS

SA ISANG SILID, tahimik na magkasama sina Reven at Bellatrix. Magkalayo pa sila at halos magkatalikuran sa isa’t isa. Nakaupo si Bellatrix sa isang sofa habang nasa swivel chair naman si Reven na hinila niya malapit sa dingding na salamin at nakatunghay ito sa labas.

Kumuha ng magazine si Bellatrix sa ibabaw ng lamesa. Ito ang latest issue kaya iyon ang pinili niya. Pahapyaw niya lang na binasa ang ilang nakasulat doon. Ang mga mata niya ay sa mga larawan lang tumitingin. Hanggang sa huminto ang daliri niya sa pagpihit ng pahina. Isang pamilyar na lalaki ang umagaw sa kaniyang atensyon. Nakasulat doon ang pangalang Revenson Espiras.

“That’s me,” biglang saad ni Reven sa gilid ni Bellatrix. Napatalon sa gulat si Bellatrix at agad na isinara ang magazine. Inayos niya ang sarili bago tinignan si Reven na nakapaskil na ang malaking ngisi sa mukha nito. Sinundan niya ito ng tingin na naupo sa upuang kaharap ng sa kaniya.

“Why are you looking at my photo, huh?” pang-aasar ni Reven dito. K
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status