Share

CHAPTER 16: MEETING WITH THE DON

“SIGURADO ka bang isasama mo ako?” muling paniniguro ni Bellatrix kay Colter kahit na nasa loob na sila ng mamahaling sasakyan nito.

“Of course, Trix,” sagot naman ni Colter. Nasa backseat muli sila habang tahimik na nagmamaneho ang driver.

“Ang alam ko, hindi pwede ang mga outsider na gaya ko sa mga board meetings,” saad ni Bellatrix. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakaharap kay Colter na kalmado lang na nakaupo.

“You can. They won’t complain because it’s me,” siguradong tugon naman ni Colter. Ngumisi siya nang bumaling kay Bellatrix. Napanguso naman ito at nailing sa ipinakitang pagyayabang ni Colter.

“‘Yan ka na naman, inaabuso mo na naman ang pagiging managing director mo,” kunwaring dismayadong sabi ni Bellatrix. Natawa silang pareho kaya bumuti ang dibdib niya na kanina pa kinakabahan.

Subalit nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang matayog na building ay muling humataw ang dibdib ni Bellatrix. Naunang lumabas si Colter at saka ito umikot para pagbuksan siya ng pinto.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status