Share

CHAPTER 9: HIS SURPRISE VISIT

LUNES ng umaga ay nasa kompanya na si Bellatrix para sa shooting ngayong araw. Nasa loob na siya ng van kasama ang ilang mga modelo. Nakasuot siya ng itim na shades, white tank top, black jacket, at blue denim pants habang nakahalukipkip na naghihintay sa kanilang pag-alis.

“Ano kaya ang pakiramdam na maging ambassadress?” rinig na tanong ni Bellatrix sa kaniyang likuran. Narinig niyang nagtawanan ang mga ibang babae.

“Una, kailangan malaki ang hinaharap mo. Pangalawa, dapat i-seduce mo ang client o iyong anak niya para makuha mo ang pagiging ambassador!” malakas na sagot ng isa pang babaeng modelo.

Napairap na lang si Bellatrix kahit na alam niyang siya ang pinupuntirya ng mga magkakaibigan. Gusto niyang magsalita pero tinatamad pa siya dahil inaantok pa siya. Ayaw niya ring masira agad ang kaniyang araw dahil lang sa mga bida-bida at inggit na mga katrabaho. Nagsalpak na lang siya ng earphones sa tainga nito at saka nakinig sa mga malalakas na awitin.

Nang umandar na ang sasakyan ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status