Share

CHAPTER 4: WITH THE BILLIONAIRE’S SON

MALAMIG ang simoy ng hangin sa balkonahe. Nililipad rin nito ang mahabang kulot na buhok ni Bellatrix. Hindi naman siya nilalamig dahil suot niya ang damit ni Colt. Plain lang itong itim na t-shirt. Malaki ang damit at nagmistulang bestida nang isuot niya. At sa pang-ibaba naman ay iyong boxer shorts din ng binata ang suot niya na tila ordinaryong short nang isuot niya.

Bumuga ng usok si Bellatrix. Nagsisigarilyo kasi siya habang nakatingin sa maningning na kalangitan. Alas-kwatro na ng madaling araw. Halos alas-dos na ng madaling araw sila natapos kanina. Pagod na rin kasi siya kaya’t pinagpahinga na siya ni Colt.

Nang may marinig na tunog si Bellatrix ay nilingon niya ang likuran upang tignan si Colt. Mahimbing naman itong natutulog sa ilalim ng makapal na kumot.

Muling nagbuga ng usok ang dalaga. Tinaktak niya rin ang hawak na sigarilyo upang alisin ang ilang abong naroon. Bumalik siya sa pagtingin sa kalangitan. Tatlumpong minuto na rin siyang nakatayo sa labas habang malalim ang iniisip sa kawalan.

Iniisip ni Bellatrix ang kaniyang plano—ang revenge niya kay Don Geronimo Marquis na rumored major suspect sa pagkamatay ng kaniyang ina. Rumored lang, dahil iba ang nahuli at umaming bumaril sa ina niya. Pero para sa kaniya ay isa iyong kahunghangan at pandaraya upang hindi mahuli ang matanda na siyang pangunahing salarin. At sa pamamagitan ni Colt ay maghihinganti siya. Ngayon na nalaman at naalala niya ang pangalan ng binata, ay naisip niyang suwerte siya.

Si Colt lang naman kasi ang isa sa legitimate son ng Don Geronimo. Isa sa mga magmamana ng mga kompanya at ari-arian ng kanilang ama.

“You’re up already. Aren’t you sore? Hmm?”

Napatalon si Bellatrix sa isang namamaos na tinig sa kaniyang likuran. Kumapit siya sa kaniyang dibdib at saka nilingon si Colt. Magulo pa ang buhok nito na halatang bagong gising lang. Bumaba pa ang tingin niya at nakitang boxer shorts lang ang suot nito.

Ngumisi si Bellatrix at humarap na sa tanawin. Habang si Colt naman ay lumapit pa sa kaniya. Ipinulupot nito ang dalawang kamay sa kaniyang baywang at saka inamoy ang buhok niya. “Na-miss mo ako agad?”

Umiling si Colt at tinignan din ang tanawin sa baba. “Nah, I just realized it was freezing here.”

Humilig si Bellatrix sa katawan ni Colt at saka nilingon ito. “Bakit kasi lumabas ka pa na boxer lang ang suot?”

“I thought you left already. Then I saw you outside, so I followed you,” mapaglarong turan ni Colt.

Ngumisi si Bellatrix, satisfied sa kaniyang epekto kay Colt. Tinapon niya na ang sigarilyo sa ashtray at saka iyon ginilid. Pagkatapos ay humarap na siya at saka hinawakan ito sa magkabilang braso. “Matulog na tayo ulit. Inaantok ka pa.”

Tinutulak pa ni Bellatrix patalikod si Colt. Ngunit dahil matikas ang pangangatawan nito ay hindi niya ito basta-bastang mapapahakbang paatras. Pinanlakihan na niya ng mga mata ito ngunit hindi pa rin ito natitinag.

Hinawakan ni Colt sa pulsuhan si Trixie. “Oh, why? Are you sleepy?”

Ngumuso si Bellatrix at saka umiling. Umatake na naman ang kaniyang insomnia kaya hindi siya dinadalawan ng antok. Ngumisi si Colt at saka hinila siya palapit kaya’t napasubsob siya sa matigas nitong dibdib. Inis na nag-angat ng tingin si Bellatrix kay Colt. “Bakit ka bigla-biglang nanghihila?”

Hindi kasi suot ni Bellatrix ang kaniyang bra kaya’t bahagyang nasaktan ang kaniyang hinaharap.

Inilapit ni Colt ang kaniyang ulo kay Trixie. Ngumisi siya, “We still have an hour before I prepare our breakfast.”

Nanlaki ang mata ni Bellatrix. Hindi niya inaasahan ni Colt. “B-Breakfast? Ikaw ang magluluto?”

“Yes. Do you have any problem with that, Trixie?” taas-kilay na tanong pabalik ni Colt.

Napakagat sa ibabang labi si Bellatrix. Ngumisi siya at manghang tinignan si Colt. Bahagya pa niyang pinilig ang ulo para tignan ito nang maayos. “Bakit ikaw ang magluluto at hindi ang cook mo?”

Alam ni Bellatrix ay laki sa gintong kutsara ang lalaking kaharap niya. Hindi naghirap sa buhay pagdating sa pinansyal dahil maraming materyal na bagay ang nakukuha nito sa isang pitik lang ng kamay. Ngunit ngayon ay iba ang nangyayari. Napailing siya. Hindi siya naniniwala. Ang mag-hire ng cook ay barya lang para sa kanila pero ngayon ay handa nitong pagsilbihan ang isang katulad niya. Hindi naman sila close at naka-one night stand lamang.

“I don’t want them to see you like this. . . It should just be me now,” tugon ni Colt. Ngumisi siya at tinitigan pa lalo si Trixie. Particularly on her little mole near her luscious lips.

Napayuko si Bellatrix upang itago ang ngiting tagumpay. Nang mag-angat siya ng tingin ay malawak na itong nakangiti.

“So?” untag ni Colt at saka nagtaas ng kilay.

Tumingkad si Bellatrix at saka pinatakan ng isang mabilis na halik ang labi ni Colt. Nakangisi siyang lumayo agad dito. Kitang-kita tuloy niya ang pagkabitin sa mukha nito. Hindi niya napigilang humalakhak. Pinisil niya rin ang pisngi nito at umiiling na tumalikod. Subalit dumantay na naman ang mainit na kamay nito sa kaniyang pupulsuhan para pigilan siya at hinatak. Muli siyang napabalik siyang muli sa dibdib nito kaya’t naamoy niya ang nakakaadik na pabango nito.

Nagkatinginan silang dalawa. Hanggang sa unti-unting inilapit ni Colt ang mukha hanggang sa maglapat ang kanilang labi na ikinapikit nilang dalawa. Sa una ay mabagal pa iyon, ngunit unti-unting naging agresibo ang bawat paghagod ng kanilang mga labi at dila. Nang maghiwalay ang kanilang ulo para habulin muli ang hininga, ay kapwa magkatitigan ang mga matang puno na ngayon ng pagnanasa na marating muli ang paraisong kaninang pinuntahan.

Napakagat ng labi si Bellatrix nang naramdaman niya ang labi ni Colt sa kaniyang leeg. Dahil doon ay parang sinilaban ang katawan niya. Mabilis na kumalat ang apoy na tumutupok sa kaniyang lakas. “A-Ako naman. . .”

Hindi iyon pamamaalam, bagkus ay isa iyong pahayag at tiyak na gagawin ni Bellatrix ito. Tinulak niya sa malapit na pader si Colt. Luminga pa ito sa paligid upang alamin kung maaari ba silang makita.

“They won’t see us from here, don’t worry,” paniniguro ni Colt. Mabilis na bumaling sa kaniya si Trixie. Ngumisi ito at lumuhod na.

“Saang lugar mo gustong pumunta?” pilyang tanong ni Bellatrix habang dahan-dahang inaalis ang boxer. Lumunok pa siya nang sumaludong muli ang isang sandata.

“Anywhere, Trixie. You can even take me to heaven, I won’t complain,” nakangising sagot ni Colt. Kagat niya ang kaniyang ibabang labi habang nakadungaw kay Trixie na nakaluhod sa kaniyang harapan na parang sinasamba siya.

Tumango si Bellatrix at saka itinaas ang kanang kamay para hagurin ang sandata ni Colt. Ngumisi siya ng kumibot ito at mas sumaludo pa. Sunod naman ay walang pag-aalangang sinubo niya ito.

Agad narinig ni Bellatrix ang mga mararahang mura at d***g ni Colt. Mas nabuhayan pa siya kaya’t mabilis niyang hinahagod ang sandata nito gamit ang kaniyang bibig. Pinaglaruan na rin niya ang dalawang bilog na bantay ng sandata.

Hanggang sa hindi nakapagpigil si Colt. Hinawakan niya ang ulo ni Trixie para alisin, ayaw niyang labasan sa bibig nito.

“Did you enjoy it?” tanong ni Bellatrix habang pinapanood si Colt na nagpupunas sa sahig. Siya nama’y nakaupo sa isang kahoy na lamesa. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

‘The son of a billionaire—or even more—was willingly cleaning up the tiles? Ha! It would be posted in a big-time newspaper if I decided to take a picture of him now.’

Ngumuso sa sariling iniisip si Bellatrix. Ngunit gayunpaman ay hindi niya pa rin maiwasang mamangha. Lumingon naman si Colt sa kaniya kaya napatigil siya sa pag-ugoy ng kaniyang paa para hintayin ang sagot nito.

Tumango si Colt. “Of course, I am. How ’bout you?”

Malakas na natawa si Bellatrix sa pabalik na tanong ng binata. Hindi niya napigilang kagatin ang labi.

Pagkatapos nito ay pinauna ni Colt si Trixie na maligo sa taas habang siya naman ay bumaba sa kusina upang magluto ng kanilang almusal. Tinawagan na rin niya ang kaniyang personal na secretary para bumili ng mga damit na susuotin ni Trixie.

Samantalang sa taas naman, paglipas ng ilang sandali ay lumabas na rin sa banyo si Bellatrix. Isang plain na blue t-shirt at boxer ang suot niya ngayon na galing ulit kay Colt. Hinayaan niyang matuyo ang buhok. Ginamit na rin niya ang pagkakataong iyon para buksan saglit ang kaniyang telepono.

At nang dahil do’n, sunod-sunod na pagpasok ng mga notifications ay ng-lag ang cellphone ni Bellatrix. Napangiwi siya at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga mensahe. Halos kay Jie lahat iyon galing. Napahampas siya sa sariling noo dahil nakalimutan niyang magpaalam sa kaibigan kagabi. Tinawagan niya ang numero ni Jie habang nakasalampak sa kama.

“Hi, Jie!” bungad ni Bellatrix nang sagutin na ng kaibigan ang kaniyang tawag.

“Hoy! Saan ka ba nagpunta? At nasaan ka na ba ngayon?” sunod-sunod na tanong ni Jie sa kabilang linya.

Napangiwi si Bellatrix at bahagyang inilayo ang cellphone. “Relax, okay? Safe ako, don’t worry!”

Umismid si Jie mula sa kabilang linya. “Talaga lang, ha?”

Natawa naman si Bellatrix. “Yes! Actually, nasa penthouse nga ako ni Colt.”

“Nagpaalam ka ba kay Sir Jaypee?”

Natigilan si Bellatrix nang marinig ang pangalan ng isa sa manager nila. Ngumisi naman siya kalaunan. “Basta! Rest assured na hindi pa ako mawawalan ng trabaho.”

Inaalala rin nito ang sinabi ni Colt kagabi.

“Teka, Colt ba ang sinabi mo? As in Colter Andrew Marquis?”

Hindi niya akalaing kilala ng kaibigan si Colt. Pero kung titignan mo pa lang si Colt, alam mong siya iyong tipo na heartthrob ng bansa. “Oo! Kilala mo pala?”

Umismid si Jie mula sa kabilang linya. “Malamang! Anak ng kliyente natin ‘yan kagabi, eh. At saka madalas ding pag-usapan ng mga babae kahapon. Bigla nga raw nawala! Kasama mo pala!”

Malakas na natawa si Bellatrix. Nakompirma agad ang nasa isipan niya na talagang habulin si Colt. Sa yaman ba naman nito, kahit iyon pa lang ay swak na swak na.

‘Plus his skills in bed. . .’

Dalawang pagkatok naman ang umagaw sa pansin ni Bellatrix. Lumingon siya sa pinto at nakita si Colt na nakahilig doon. Agad siyang nagpaalam kay Jie at tumayo para lapitan ito.

“Why did you hang-up your phone? Aren’t you talking with someone? I could hear your laugh from the kitchen,” ani Colt habang hinahagod ng tingin ang kabuoan ni Trixie.

Napalabi naman si Bellatrix. “Kaibigan ko iyon, si Jie. Saka talagang magpapaalam na ako sa kaniya, saktong dumating ka naman kaya in-end ko na ang call. At gutom na rin ako!”

Sabay na bumaba ang dalawa at nagtungo na sila sa dining room. Nakahanda na roon ang mga pagkain gaya ng scramble egg, bacon, spam, fried rice, at mga prutas sa gitna ng lamesa.

Natakam si Bellatrix kaya nauna itong naupo sa isang bakanteng upuan na may nakahanda na ring plato sa harap nito. Habang si Colt naman ay nagtungo muna sa kusina upang kunin ang isang pitsel ng orange juice. Nandoon na rin naman ang tubig kaya hindi na siya nag-abala.

“Wow! Akala ko kung ano na ang niluto mo!” pang-aasar ni Bellatrix, pinapanood si Colt na sinasandukan siya ng mga pagkain.

Nagkibit-balikat lamang si Colt at sinalinan niya ng orange juice ang baso ni Trixie. “This is for breakfast only, so I only made it simple. . .”

Ngunit sa loob-loob ni Colt, iniisip niya kung ano ba ang lulutuin niya sa susunod nilang pagkikita ni Trixie. He’s really looking forward to show off his cooking skills.

Natawa naman si Bellatrix at inagaw ang pitsel sa kamay ni Colt. “Nagbibiro lang naman ako, ‘no! Na-appreciate ko, kaya salamat sa pagkain.”

Ngumiti Bellatrix pagkatapos lagyan ng juice ang baso ni Colt. At siya na rin ang nagsandok ng kanin at ulam nito. “Oh, kain na!”

***

“AKO NA! Ikaw na kaya ang nagluto!” naiinis na sigaw ni Bellatrix dahil ayaw sumunod ni Colt sa kaniyang gusto.

Umuling si Colt. “No, Trixie. You rest first and just wait for me.”

Nagtatalo silang dalawa. Nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan si Bellatrix pagkatapos nilang kumain, ngunit hindi naman siya pinagbibigyan ni Colt.

“Nakapagpahinga na ako. At saka kaunti lang naman ang mga hugasin, oh?” nguso ni Bellatrix sa iilang plato, baso at kutsara’t tinidor na nando’n sa lababo. Mas nagtatagal pa nga sila lalo na’t nagtatalo sila sa napakaliit na rason.

“Maligo ka na kaya muna habang naghuhugas ako? Baka ma-late ka sa trabaho kapag pinagpilitan mo pa ang gusto mo,” pangungumbinsi ni Bellatrix.

Dahil sa pagpapaalala ni Belatrix sa trabaho, ay napapayag niya si Colt na hayaan na siyang maghugas. Hindi rin naman niya titigilan ito sa pangungulit hanggang sa mapapayag ito.

“Okay, fine. I’ll wash up first. Also, my secretary will go here to bring some clothes that you can use before we leave,” bilin ni Colt habang nakahalukipkip.

Kumunot naman ang noo ni Bellatrix. “Damit? Talaga ba?”

Tumango naman si Colt. “Yes, Trixie. Wear that, alright?”

Nakangiti si Bellatrix nang umalis na si Colt para maligo ay para siyang linta na binudburan ng asin habang naghuhugas. Nagpatugtog din siya ng mga upbeat songs kaya’t ganado talaga siya. Pagkatapos maghugas ay naghanap siya ng walis, pero ang nakita lang niya ay vacuum kaya iyon ang ginamit niya panglinis sa sahig. Habang ginagawa iyon ay nakarinig siya ng isang tunog ng doorbell. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya nang marinig iyon.

Kinuha ni Bellatrix ang panyo nito at saka nagpunas ng ilang pawis sa kaniyang mukha. Lakad-takbo siyang pumunta sa pinto upang buksan iyon. Isang babae naman na halos kaedaran lang ni Colt ang bumungad sa kaniya. Naka-pencil cut skirt ito na kulay abo habang may katamtamang slit ito sa kaliwang bahagi ng palda. Bahagya ring sumisilip do’n ang kaputiang taglay nito. Naka-blazer ito ngunit hawak sa isang kamay. Ang suot naman nitong puting blouse ay hapit sa katawan nito.

“Where’s Mister Colter?” taas-kilay na tanong ng sekretarya.

Napangisi si Bellatrix. “Nasa banyo, naliligo.”

Nanlaki ang mata ng sekretarya ni Colt. Mabilis na pinasadahan ng tingin ang kabuoang ayos ng estrangherang babae na nasa harapan niya habang nakataas ang kilay.

Nakita naman iyon ni Bellatrix, ngunit hindi na muna niya pinansin. Tumaas lang din ang kilay niya sa babae.

“Anyway, this is the clothes he asked me to bring. Pakisabi na lang sa kaniya na dumating ako,” ani ng babae.

Kinuha ni Bellatrix ang tatlong itim na paperbags na inabot sa kaniya at saglit niyang sinilip ang laman.

“Are you his new toy?” nandidiring tanong ng sekretarya habang mapang-uyam na tinigtignan ang estrangherang dalaga na kasama ng kaniyang boss.

Napahigpit naman ang hawak ni Bellatrix sa tali ng mga paperbags. “Hindi. At saka bakit ba? Ano naman ba sa ’yo? Eh, secretary ka lang naman ‘di ba?”

Umiiling at mahinang natawa ang sekretarya. “Well. . . I’m his secretary. Eh, ikaw ba? Just some side chicks he picked? Na pagkatapos pagsawaaan ay iiwan na lang. Oh, poor girl. . . Huwag masyadong ambisyosa, okay?”

Agad na nabuhay ang galit sa dibdib ni Bellatrix dahil sa sinabi nito. Suminghal siya at sinamaan ito ng tingin.

“Ano naman kung secretary ka ni Colt? Sa ‘yo nga siya nagpabili ng damit ko, eh. Alam mo kung bakit?” Huminto si Bellatrix at saka pinandilatan ng mata ang kaharap. Nawala naman ang ngisi sa labi ng sekretarya ni Colt. “Kasi halos masira niya ang damit ko kagabi. Alam mo na, sobrang sabik na sabik kasi siya sa akin. . .”

Napangiwi ang sekretarya na parang naduduwal dahil lang sa narinig. Natawa naman si Bellatrix sa satisfaction pagkatapos niyang barahin ang babae. Umirap siya at walang ganang nagpaalam bago nito sinara ang pinto.

Mabilis namang naglaho ang ngisi sa labi ni Bellatrix pagkatalikod. Halos mapunit na rin niya ang mga paperbags sa galit. Nagpigil lang naman siya dahil sekretarya iyon ni Colt. Ngunit sobra siyang nainsulto. Akala nito ay mayro’ng ambag sa kaniyang buhay kung makalait.

‘Paano na lang kung makapasok siya sa mundong kinagagalawan ni Colt na ubod ng yaman? Kakainin at magbibingi-bingihan na lang ba ako mula sa mga pang-iinsulto ng mga tao habang isinasagawa ko ang aking paghihiganti?’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status