“WHY are you so quiet, Trixie?” Sumulyap si Colt kay Trixie na nakaupo sa shotgun seat habang nagmamaneho naman ito. Hindi niya alam kung bakit naging ganito ito. Nakatitig lamang ito sa kawalan. Hindi niya tuloy napigilang mag-alala. Iniisip niya kung may nagawa ba siyang hindi maganda kanina kaya ganoon na lang ang nangyayari dito.
Napakurap naman ang mata ni Bellatrix. Ngayon niya lang napagtantong kanina pa pala siyang wala sa sarili. Iniisip pa rin kasi nito hanggang ngayon ang sinabi ng sekretarya ni Colt kanina.Bumaling si Bellatrix kay Colt na paminsan-minsang lumilingon sa kaniya. Biglang namuo ang galit sa kaniyang puso pagkatapos niyang maalala ang sinapit ng kaniyang ina. Tipid siyang ngumiti at idiniin ang ulo sa headrest.Humikab si Bellatrix. “Ahm. . . Sorry, tinatamaan lang ako ng antok.”“You can sleep for a while, Trixie. I’ll just wake you up later when we’ve reached the company,” ani Colter, tinutukoy ang kompanya kung saan nagtatrabaho si Trixie.Tahimik na tumango si Bellatrix. Pumikit niya ang kaniyang mga mata at nagpanggap na matutulog. Pero sa huli ay naka-idlip pa rin siya. Naalipungatan lamang siya nang dahil sa isang mahinang pagkaluskos. Kinusot niya ang mata. Umayos siya ng upo at tinignan ang paligid kung nasaan sila ngayon.“Okay, bye. I’ll just call you later,” sambit ni Colt.Nilingon ni Bellatrix si Colt na ibinababa na ang telepono. Nakakabit sa mukha nito ang malaking question mark.“We’re here in the parking lot. I couldn’t wake you up so I just parked here,” pagpapaliwanag ni Colt.Kumunot naman ang noo ni Bellatrix. Tumikhim siya at kinuha ang sariling telepono sa bag niya. Nakita niyang alas-otso na ng umaga. Nanlalaki ang mga mata niyang nag-angat ng tingin kay Colter.“Ano? Isang oras na tayong nasa parking?!” gulantang sigaw ni Bellatrix. Alas-sais ng umaga silang umalis kanina mula sa condo nito. At ang malamang nasa parking lot sila ng kompanya ay nakapagtataka sa kaniya.Tumango si Colt. “Yes, Trixie. . .”Napahilamos ng mukha si Bellatrix. “Ano ba naman iyan, Colt! Bakit hindi mo ako ginising agad?”Napaawang naman ang bibig ni Colter. Bahagya niya ring niluwangan ang suot na necktie. “I’m really, really, sorry, Trixie. . . I tried waking you up, but you seemed exhausted so I didn’t bother to wake you again.”Napabuga naman ng hininga si Bellatrix. Tumulala siya sandali bago naisipang tignan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang at wala siyang kung anumang dumi sa mukha. Pero nang makita ang suot ay bahagya siyang sumimangot. Para kasi sa kaniya ay masyadong modest ang piniling kulay lila na dress ng sekretarya—taliwas sa mga nakasanayan niyang isuot na mga revealing clothes. Below the knee pa ito, hindi gaya sa hilig niyang above the knee.“Paano na ang work mo?” tanong ni Bellatrix kay Colt.“Don’t worry, I’m the boss, so it won’t be a problem. I can just say something urgent came up,” tugon ni Colter at saka nagkibit-balikat pagkatapos.Natawa naman si Bellatrix sabay hampas sa braso ni Colt, “’Yon na nga! Boss ka tapos late ka pa! Dapat ikaw ang role model ng mga empleyado mo.”“Fine, it really won’t happen again, Ma’am. Please, calm down, alright?” pabirong tugon naman ni Colt. Kinuha niyang muli ang telepono at saka nagkalikot doon. Pagkatapos ay inilahad niya ito kay Trixie.Kumunot ang noo ni Bellatrix. Medyo nagtataka siya pero kinuha niya pa rin ang cellphone ni Colt. “Oh, bakit mo naman ibinigay sa akin ang iyong cellphone?”Napabasa ng labi si Colt. “Put your number on my phone so we can contact each other again, Trixie.”Tumaas ang kilay ni Bellatrix at saka ngumisi. Hinarap niya lalo ang katawan para pakikitigan si Colt. “Oh, bakit naman tayo magkikita ulit?”Napaiwas naman ng tingin si Colt at tumingin sa labas. Umayos siya ng upo at mahigpit na hinawakan ang manibela. Tumikhim siya at saka sinulyapan ang nakangising dalaga. “Well, if you have gigs and such. Or if you want to call me. Something like that.”“Ha? Bakit naman ako ang tatawag sa ‘yo? Eh, ikaw nga itong kumukuha ng numero ko,” kunot-noong bulalas ni Bellatrix.Napalunok naman si Colt sa galit o inis na nahihimigan niya sa boses ni Trixie. “I will also call you, of course. . . But you have to call me whenever you need me or anything. Just message me if you want to.”Tumango si Bellatrix at saka hinarap ang cellphone ni Colt. Mabilis niyang tinipa ro’n ang kaniyang number saka ito tinawagan saglit para ma-i-save ang numero nito mamaya. Ibinalik niya ang agad ang cellphone na agad nitong tinanggap.Binuksan ni Bellatrix ang bag at saka kinuha ang sariling makeup kit para mag-retouch. Pagkatapos ay nilingon niya si Colt na kanina pa pala nanonood sa kaniya. Ngumisi siya nang mahuli ito. Tinanggal na rin niya ang suot na seatbelt. “Papasok na ako, Colt. Sasakay na rin ako sa elevator diyan. Ingat ka, okay?”Tumango naman si Colt, akmang aalisin din ang seatbelt. Subalit inunahan siya ni Trixie upang pigilan ito.“Huwag ka nang bumaba. Malapit lang naman ang elevator dito. Mauna ka na at kailangan mo pang magtrabaho,” sabi ni Bellatrix bago siya umahon sa pagkakaupo para maabot ang labi ni Colt.Gumanti naman sa halik si Colt. Mariin iyon at malalim, nilulunod si Trixie sa sarap na hatid nito.Ngunit hindi nagpaanod si Bellatrix. Tinulak niya ang katawan ni Colt palayo at saka siya humiwalay. Nagtaas-baba ang dibdib nito sa ginawa nila. “Mauna na ako, baka ano pa ang mangyari.”Binuksan ni Bellatrix ang pinto at saka lumabas. Pero pinanatili niya munang nakaawang pa ang pintuan. Kumaway siya at saka kumindat kay Colt bago niya ito isinara. Nang makalayo siya ay agad na umukit ang malawak na ngisi sa kaniyang labi.‘The plan has started: Target lock!’***NGUNIT SA KABILANG BANDA NAMAN, sa loob ng kotse na nakaparada, ay makikitang may katawagan si Colter.“I already found her. . . She’s really the same as her mother,” ani Colter. Pinaglalaruan niya ang hawak sa kaliwang kamay ang isang larawan ng babae na kausap ng isang reporter.“Curly brown hairs, red lips, and the noticeable mole near the lips—Bellatrix Amon.’’“Good. . . Just keep an eye on her,” tugon ng nasa kabilang linya.Ngumisi si Colter at saka itinago ang larawan sa wallet niya. Akma na rin niyang ibababa ang tawag nang muling magsalita ang kausap.“And don’t you ever dare let history repeat itself,” dagdag nito.Natawa si Colter habang umiiling. Inaalala nito ang nangyari noon na siyang ayaw mangyaring muli ng kaniyang kausap sa kabilang linya. “Chill. . . I won’t fail. Because failure has never been in my dictionary.”Ibinaba ni Colter ang tawag at saka pinaandar ang sasakyan habang nakaukit ang malademonyong ngisi sa kaniyang labi.BUMUKAS ang elevator na sinasakyan ni Bellatrix at saka siya lumabas doon. Nasa ground floor siya para sana magtanong ngunit maraming tao ang tumingin sa kaniya na para bang artista ang dating niya. Karamihan sa mga iyon ay nagtatrabaho sa media at narito para makasagap lang ng kung ano’ng tsismis. Aalis na sana si Bellatrix nang bigla siyang harangan ng mga reporters. Nagmistula siyang isang pagkain na biglang nilapitan ng mga langaw.“Miss Bellatrix, ano po ang masasabi mo sa mga kumakalat na larawan niyo ngayon sa social media?” mabilis na tanong ng isang lalaking payat na may salamin. Nakatutok ang mga camera nila sa kaniya at panay ang flash ng ilan. “Teka, teka lang! Sandali!” nakapikit na reklamo ni Bellatrix na halos mabulag na sa mga camera flashes na direktang tumatama sa kaniyang mata. Idagdag pa ang mga sabay-sabay na pagsasalita ng mga reporters sa harapan niya. Hindi niya alam kung kanino titingin o makikinig. Naghahalo na ang lahat sa kaniya. Tinawag ni Bellatrix ang
SA LOOB ng isang eksklusibong gym ay makikita si Bellatrix na seryosong-seryoso sa kaniyang ginagawa. Nasa loob siya ng boxing ring habang nag-e-ensayo siya kasama ang isang kaibigang lalaki. Ito naman ang umaakto bilang tagasalo ng mga suntok ni Bellatrix.“Why are you so grumpy, Bellatrix?” nakangiwing tanong ng lalaking kaibigan ni Bellatrix. Napalakas kasi ang huling suntok ni Bellatrix kaya sumakit ang kamay nito sa impact. “Ha? Kailan? Maayos ako ’no,” sagot naman ni Bellatrix. Ngumuso siya at tumalikod para kunin ang tumbler at face towel nito sa gilid. Inalis niya ang suot na gloves. Nagpunas siya at sumandal sa harang na tinatawag nilang ring. Lumapit sa kaniya ang kaibigan at saka uminom din sa sariling tumbler.“Is there any problem?” tanong nito sa kaniya. Napabuga ng hininga si Bellatrix matapos isara ang tumbler. “Ayos nga lang ako, Yhuno,” tugon niya sa kaibigan. Nakatanaw siya sa mga iba na nasa treadmill habang pinupunasan ang katawan nito. Halata kasi ang kaniyang
“SO, why are you with him? Why does he calls you Bella?” magkasunod na tanong ni Colter kay Bellatrix. Nasa loob na sila ng isang presidential suite sa hotel na pagmamay-ari ng mga Marquis. Nakaupo sa kama si Colter habang si Bellatrix ay piniling tumayo at lumapit sa glass wall para tignan ang mga matatayog na building sa labas.“Sinabi ko na sa ’yo na magkaibigan kaming dalawa ni Yhuno. Malamang ay normal sa amin na mag-bonding paminsan-minsan,” paliwanag ni Bellatrix habang nakahilig pa rin sa babasaging dingding. Sa likod nito ay si Colter. Mas lalong kumulot ang kilay nito sa sinabi ni Bellatrix. Para sa kaniya ay kulang pa rin ang paliwanag nito. “Then why does he calls you Bella?” untag pa nito. Napairap si Bellatrix at saka hinarap si Colter. Humalukipkip siya. “Fine, sasabihin ko ang pangalan ko. I’m Bellatrix, okay? At Trixie naman ang gamit ko sa trabaho,” tugon niya rito. Inaasahan niyang bibitawan na ni Colter ang usapan tungkol sa kaniyang pangalan, subalit makulit si
LUNES ng umaga ay nasa kompanya na si Bellatrix para sa shooting ngayong araw. Nasa loob na siya ng van kasama ang ilang mga modelo. Nakasuot siya ng itim na shades, white tank top, black jacket, at blue denim pants habang nakahalukipkip na naghihintay sa kanilang pag-alis.“Ano kaya ang pakiramdam na maging ambassadress?” rinig na tanong ni Bellatrix sa kaniyang likuran. Narinig niyang nagtawanan ang mga ibang babae.“Una, kailangan malaki ang hinaharap mo. Pangalawa, dapat i-seduce mo ang client o iyong anak niya para makuha mo ang pagiging ambassador!” malakas na sagot ng isa pang babaeng modelo.Napairap na lang si Bellatrix kahit na alam niyang siya ang pinupuntirya ng mga magkakaibigan. Gusto niyang magsalita pero tinatamad pa siya dahil inaantok pa siya. Ayaw niya ring masira agad ang kaniyang araw dahil lang sa mga bida-bida at inggit na mga katrabaho. Nagsalpak na lang siya ng earphones sa tainga nito at saka nakinig sa mga malalakas na awitin.Nang umandar na ang sasakyan ay
“UUWI ka na ba?” tanong ni Bellatrix kay Colter. Katatapos lang ng photoshoot nila ngayong hapon. Papalubog na rin ang araw kaya naging kahel na ang kulay ng kalangitan ngayon. Habang si Colter naman ay hindi na umalis simula nang dumating siya. Tahimik lang ito at kung hindi ito nanonood kay Bellatrix ay busy naman siya sa pagtipa sa laptop nito at sa pagsagot ng mga tawag sa kaniyang telepono.“There’s an after-party, right?” tanong din ni Colter. Nasa beach pa rin sila at nakaupo sila ngayon sa mga benches na naroon. Muling humangin ng malakas kaya inayos ni Bellatrix ang twalya na tumatabon sa kaniyang suot na damit. Hindi niya makuha ang jacket niya kanina dahil pinaakyat na pala ni Colter ang mga gamit niya sa hotel room na gagamitin nila ngayong gabi. Mabilis namang hinubad ni Colter ang kaniyang blazer para ibigay kay Bellatrix. Natulala siya pero kinuha rin ito at isinuot.“Oo, meron nga. Dadalo ka rin ba?” tanong ni Bellatrix pabalik. Nilingon niya si Colter na hinahangin a
(Trigger Warning: Mention of Se*ual Hara*sment)ISANG malakas na tunog ang gumising kay Bellatrix mula sa pagkakatulog. Madilim ang silid at tanging ang ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng liwanag para sa kaniya. Dinig din niya ang mga boses na nagmumula sa isang telebisyon sa labas. Nakabukas lang kasi ang pinto.Humikab si Bellatrix at saka umupo sa kama. Hinawi niya ang kumot at dinampot ang telepono sa bedside table. Ang kaniyang alarm pala ang gumagawa ng ingay. Pinatay niya ito at nakita ang oras. Seven na ng gabi, ang mismong oras ng after-party nila. Kumunot ang noo ni Bellatrix. Agaran siyang tumayo para buksan ang ilaw.“You’re awake now,” biglang sumulpot sa pintuan si Colter. Ganoon pa rin ang suot niya pero nakabukas na ang suot nitong dress shirt kaya kitang-kita ang puting sando nito sa loob. Nakatupi rin ang dalawang manggas niyon hanggang sa siko. “Bilisan mo na. Magbihis ka na at bababa na tayo sa pool party,” mabilis na pahayag niya. Tumalikod na siya at saka hina
“ARE you alright?” malakas na tanong ni Colter. Nagitla si Bellatrix na kanina pang tulala. Nilibot niya ang tingin sa paligid. Pinapalibutan sila ng mga tao na abala sa pakikipag-bulungan sa isa’t isa. Hinahanap niya si Walter pero wala na ito doon. Nakahinga siya ng maluwag.Bigla namang umupo sa harapan niya si Colter para magpantay ang kanilang mukha. Itinaas nito ang kamay para sana ayusin ang buhok ni Bellatrix ngunit tinabig agad iyon ni Bellatrix. Mabilis na dumaan ang takot sa kaniyang mukha sa pag-aakalang gagawan din siya nito ng masama. Napaawang ng bibig si Colter. Nagulat siya at nakaramdam ng awa para kay Bellatrix. Hindi na niya ito sinubukang hawakan ulit.“Wait for me here,” wika ni Colter. Saglit niyang tinitigan ang mukha ni Bellatrix. Bakas pa rin ang takot doon. Bumuga siya ng hininga bago tumayo. Pagtalikod niya ay nagbago agad ang kaniyang emosyon. Galit na galit siyang lumapit sa isang lalaki na nagpakilala kanina bilang manager ni Walter.“Where is that f*ck
TANGHALI na ng umalis sina Colter at Bellatrix sa hotel. Nauna ang mga kasamahan niyang model at kanilang team, samantalang si Bellatrix ay kay Colter na sumabay. Nasa isang sasakyan sila habang nilalakbay ang daan papunta sa apartment ni Bellatrix.“Are you sure we won’t sue him?” paqgtatanong ulit ni Colter. Pangatlong beses na ito at paulit-ulit lang din ang mga tugon ni Bellatrix.“Salamat. . . Pero. . . Hindi na,” mahinang sagot ni Bellatrix. Marami siyang isinasaalang-alang sa desisyon niyang iyon. Una ay ang career niya sa modeling at ang pangalawa ay ang kaniyang planong paghihiganti.Lalong kumunot ang noo ni Colter. Halos magdikit na rin ang kaniyang mga kilay. Hindi niya lubos maintindihan ang desisyon ni Bellatrix.“But if we won’t do any actions, there is a high chance that he would do it to someone!” pagalit na sambit ni Colter. Lalo na at alam niyang marami nang naging biktima si Walter. Hindi niya ito kayang palampasin pa.Samantalang si Bellatrix naman ay nagulat sa p
“ANG AGA-AGA, ano’ng problema mo, Miss Secretary?” taas-kilay na tanong ni Bellatrix habang nakahalukipkip pa rin para inisin lalo si Galia at ang mga alipores nito.Tumaas naman ang kilay ni Galia. “Ikaw. Dumating ka lang at inaahas mo na agad si Reven,” aniya na siyang nagpakunot sa noo ni Bellatrix. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito sa sinabi ni Galia. Hindi niya alam kung paano nasali si Reven sa gulo.“What? You’ll pretend like it’s not true?” mapang-uyam na asik ni Galia at saka siya tumingin sa kaniyang mga kasama. Malakas din ang mga pagkakasabi niya, dahilan para marinig ng ibang dumaraan. “See? Tignan niyo ang babaeng ito na dinala ni Sir Colter dito sa kompanya. Isang ahas. Hindi na makuntento sa pang-aakit kay Sir Colter at sinusunod pa si Sir Reven. You heard that, people?!” malakas na pahayag ni Galia sa gitna na para bang isang politikong nangangampanya para makuha ang tiwala ng masa. Napairap naman sa inis si Bellatrix. Nilibot niya ang tingin sa paligid na mas l
BAGO PA MAN magising si Colter ay umalis na agad si Bellatrix sa penthouse nito. Nag-iwan lang siya ng sticky notes at nilagay ito sa bedside table niya. Nagluto na rin muna siya ng almusal ni Colter para iinitin na lang ni Colter ito sa microwave oven mamaya. Habang binabagtas naman ang daan papunta sa kanilang apartment ay malalim na nag-iisip si Bellatrix. Pinapagalitan niya rin ang sarili dahil parang lumilihis na raw siya sa tunay na plano nito. “Grateful ako sa mga ginawa niya sa akin. Pero dapat hanggang doon lang. Hindi dapat ako maging selfish. Para sa hustisya ni mama, gagawin ko ang lahat. Kaya bawal akong magkamali,” seryosong aniya. Itinatatak niya ito sa kaniyang isipan para araw-araw niyang maalala ito. Kung bakit siya nasa mga Marquis . . . Kung bakit siya nasa tabi ni Colter. Nang makarating sa apartment ay nagulat si Jie nang makita si Bellatrix. “Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” nagtatakang tanong niya habang nakapamaywang ito na nakatayo sa gilid ng sofa
NAKARATING na sa itaas sina Bellatrix at Colter. Nasa loob sila ng silid kung saan sila unang nagtalik na dalawa. At kagaya lang noon ay nakapatay pa rin ang mga ilaw at ang liwanag lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa kanila. “C-Colter,” halinghing ni Bellatrix. Nasa kama sila at nakapaibabaw naman siya sa kandungan ni Colter habang nakaupo sila. Nawawala na sa wisyo si Bellatrix habang hawak ang batok ni Colter na abala sa pagpapaligaya sa kaniya. Nadarama din niya ang kahabaan ni Colter na tumutusok sa kaniyang pagkababae. “Hmm?” ani Colter habang nasa leeg siya ni Bellatrix. Hinahalikan at sinisipsip niya ito. Tumingala naman siya habang dinadama ang mga kiliting ginagawad ni Colter.“Le-Let’s do it. P-Please,” nanginginig na pakiusap ni Bellatrix habang ginigiling ang kaniyang baywang para ikiskis ang sarili kay Colter. Kalat na kalat na ang nakakapasong init sa kaniyang buong katawan, lalo sa gitna niya na pumipintig na sa pagnanasang maramdamang muli ang kahabaan ni Colter
SA GITNA NG GABI, magkasamang kumakain sina Colter at Bellatrix sa isang lamesa habang magkaharapan sila. Hindi pa rin humuhupa ang mga tunog ng piano at violin sa speaker, pero mahina naman ang mga ito kaya’t hindi na pinahinto ni Bellatrix.“Here, have some polpette,” ani Colter at saka iniabot ang isang plato nito kay Bellatrix, “It’s an Italian dish, or meatballs to be exact. It’s delicious,” nakangising dagdag nito habang pinapanood si Bellatrix na naglalagay niyon sa kaniyang plato. Nang tikman niya na ay napatango siya dahil tama si Colter.“Try the quesadillas,” ani Colter at saka inabot ito kay Bellatrix. Pagkatapos ng isang subo ay may bago na namang iniabot si Colter.“That Lasagna is the best,” dagdag niya habang pinapanood na kumain si Bellatrix. Pagkatapos lunukin ang pagkain ay nakita niyang aambang muli si Colter na kumuha ng panibagong plato. Pinigilan niya agad ito.“Tama na, ako ang mamimili ng kakainin ko. Pinapataba mo naman ako! Kumain ka na lang din diyan ng tah
SA IKATLONG PALAPAG, makikitang nakasimangot si Bellatrix habang namamahinga sa kaniyang upuan. Malapit na rin silang mag-out sa trabaho kaya’t marami na ang naghahandang umalis.“Bellatrix? Hindi ka pa mag-aayos ng gamit mo?” tanong noong katabing babae ni Bellatrix na si Roxanne. Ito ang naging kaibigan niya dahil siya ang palaging tumutulong kay Bellatrix kapag may hindi siya alam.“Kaunti lang naman ang dala ko. Hintayin na lang kitang matapos,” nakangiting sagot ni Bellatrix. Pumayag naman ito at naglinis ng lamesa. Bumalik naman agad si Bellatrix sa pagsimangot.“Tss, wala naman akong ginawa. Puro print at encode lang. Gusto ko sanang gumawa ng report,” pagkausap niya sa sarili habang pinapanood ang ibang mga empleyado. Karamihan sa kanila ay ramdam ang pagod dahil sa buong araw na pag-upo at pagpindot sa keyboard. “May kinalaman kaya ’yung lalaking ’yun?” bagot niyang tanong, tinutukoy si Colter. Suminghal pa siya nang naalala ang nangyari kaninang umaga. “Ni hindi man lang s
“PLEASE clean this area as well,” utos ni Colter sa janitor. Natapon kasi ang tubig sa sahig dahil nahagip niya ang pinag-iinumang baso. Nagkalat din sa sahig ang mga bubog.“Ah, Sir! Ako na po ang magtatapon niyan!” tarantang saad noong janitor nang makitang itatapon ni Colter ang mga bubog galing sa nabasag na baso. Umiling naman si Colter. “Nah, I could do it,” aniya at saka tinapon ang mga bubog sa basurahan. Nagpunta siya saglit sa restroom para maghugas ng kamay. Nang natapos ay bumalik siya sa kaniyang lamesa. Namataan na naman ni Colter ang mga tirang ulam na hindi niya naubos kanina. Tinignan niya naman ang janitor na nakangiting nagtatrapo sa sahig.“You can eat all of this when you’re done,” sambit niya rito, tinutukoy ang mga pagkaing hindi niya halos nagalaw. Napatingin naman ang janitor sa kaniya at saka napakamot sa ulo.“Ah, Sir, busog na po kasi ako. Binigyan kasi ako ng dalawang siopao, iced coffee, at saka juice noong bagong babaeng empleyado rito. Bibigyan ko na
DAHIL sa pagbuking ni Cara sa plano ni Colter na pagpapabagsak kay Walter, umuwi na agad sila at hinatid nila si Bellatrix sa apartment nito. Hindi naman nasiyahan sa nangyari si Bellatrix. Maraming mga tanong sa kaniyang isipan na hindi pa nasasagot. Dahil kasi sa presensya ni Cara ay hindi makapagtanong si Bellatrix. Kapag kasi sinusubukan niyang pag-usapan si Walter, agad na iniiba ni Cara ang topic. Para bang nagkasundo na agad ang magkapatid na ilihis ang usapan.Pagpasok ni Bellatrix sa loob ng apartment ay naamoy niya agad ang mabangong amoy ng adobo. Pagpunta niya sa kusina ay naabutan niyang nagsasandok na ng kanin si Jie.“Nandito ka na pala. Kumain ka na ba?” tanong ni Jie pagkakita kay Bellatrix. Pagod namang umupo si Bellatrix sa monoblock chair at saka nilapag ang mga dalang paperbags sa sahig.“Uy, ang dami mong dala ah! Shopping spree?” nakangising pang-aasar ni Jie. Nilagay niya sa plastic na lamesa ang isang mangkok ng adobo. “Kumain na ako,” walang ganang sagot ni
“HI! I’m Bellatrix!”masayang pagpapakilala ni Bellatrix sa kapatid ni Colter. Nasa loob pa rin sila ng shoe store at magkaharapan.Awkward namang ngumiti ang kapatid ni Colter sa kaniya. Pasimple niyang tinignan si Colter at saka binalik agad ang tingin kay Bellatrix na malaki ang ngiti.“H-Hi! I’m Cara, his sister,” nakangiti ring pagpapakilala ni Cara. Tumitig siya kay Bellatrix sa pagkamangha. Napatagal ang tingin niya kaya napapangiwi si Bellatrix. Tumikhim naman si Colter nang mapansing na-awkward-an si Bellatrix sa paraan ng pagtitig ni Cara.“Hey, Cara, stop it,” puna ni Colter. Pinagsalubong niya rin ang kaniyang kilay.“We’ve finally met!” nakangising wika ni Cara nang natauhan na. Umamba siyang yayakap kay Bellatrix pero hinawakan agad ni Colter ang braso ni Cara. “Cara, come on. You’re so hyper. Trix is getting awkward,” pagpigil ni Colter. Napairap naman sa kaniya si Cara, pagkatapos ay bumalik agad ang ngiti niya kay Bellatrix. “I’m sorry! But really, it was so nice to
SA ARAW NG SABADO ay sinundo ni Colter si Bellatrix nang bandang alas tres y media ng hapon. Maaga sana silang aalis ngunit naging busy si Colter sa umaga. Mamimili kasi sila ngayon ng mga damit na gagamitin ni Bellatrix sa trabaho. Pumayag naman si Bellatrix, kahit na may mga pormal naman siyang damit pang-opisina.“Just pick anything you like,” saad ni Colter nang marating nila ang unang boutique ng mga damit sa mall. “Anything? Eh, paano kung gusto ko lahat ng damit dito?” nakangising tanong ni Bellatrix. Lumapit na rin siya sa isang rack ng mga damit at nagtingin doon. Dalawang saleslady naman ang lumapit sa kanila sa gilid. Magkahawak-kamay pa at pabulong-bulong sa isa’t isa.“Ain’t a problem, Trix. I will buy whatever you wish,” nakangisi ring tugon ni Colter. Pero alam ni Bellatrix na seryoso roon si Colter. Hindi naman kasi malabong mangyari iyon kung gustuhin nga niya. “Sabagay, ang batas nga ay nabibili niyo’t napapayuko,” mapait na aniya sa isipan. Kinagat niya ang ibaban