“Where are you going?” He asked darkly.Napatalon ako roon. I was caught red-handed. Hindi ko inaasahan na ma-aabutan niya ako ngayon. Kung nagising siya ng wala ako, panigurado, sisisihin ko ang sarili ko dahil imbes na lumayo ako, may nangyari pa sa amin kagabi. “Come here.” He commanded.Parang tambol ang puso ko. Nakapagbihis na ako’t lahat-lahat. May hinanda na rin akong script sa kaniya kung sakaling puntahan niya na naman ako. Tapos ang usapan. Sasabihan ko siya na lalayuan ako at huwag ng guluhin pa.Pero ngayon, nasira ang plano ko. I was defeated. He knew it. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. His arms wrapped around me and he slightly squeezed my body as his lips kissed the bridge of my nose, to my cheeks, and before it travelled to my lips to kiss me.“Are you trying to escape me?” He asks, eyes narrowing.I looked at him, guilty. “Hindi pa tapos ang usapan natin, Ember. Kaya huwag mong subukan na tumakas ulit dahil itatali na talaga kita sa kama ko.”Kinabahan ako sa
"Ate, sige na please?"Si Vixen, pinsan ko, na nakatingin sa'kin habang nagmimix ng ingredients ng cake."Ayaw ko nga," sagot ko nang hindi siya tinitingnan."Eh, paano ba 'to, kailangan talaga ni Daddy, e."Nagpakawala ako ng marahas na hangin. At mariin siyang tiningnan. "Bakit hindi nalang ikaw? Tutal, maganda ka naman. Siguradong mapapa-oo mo 'yung client n'yo.""May kailangan pa akong ayusin sa mga report bukas. And your Father asked for you to do it, too." she replied."Ano?! Bakit ako? Maraming babae diyan! Magaganda naman ang mga employee's sa kompanya natin, ah? And besides, busy ako sa café. Marami rin ang mga orders."She groaned. Halatang iritable na sa'kin. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Naroon lang siya sa harap ko, nakatayo. She crossed her arms as I glanced back at her."Please? Babawi ako sa'yo, promise!"I sighed and stopped. "I don't know how to seduce men, Vixen." Humalakhak siya. I glared at her. What's funny about it? I rolled my eyes as I waited for her to fini
"Are you sure you want to go alone for your date?"Tanong ni Papa na nakasandal sa dingding habang tinitingnan ako. I glance at the mirror, kung saan kita siya.Naka-lugay ang aking buhok. I'm wearing a golden satin spaghetti straps dress. It hugged my body perfectly. With some of my jewelries, and just a Chanel pouch which I can just put in my cell phone and my wallet.I smiled at him and shook my head. "I can take care of myself, Pa.""It's not about that, you can take care of yourself, sweetheart. It's about your safety. Paano kung mapahamak ka? It's already dark outside, baka ma late ka rin sa pag-uwi." He said."Pa, you know how much I value my privacy, right? I'm just uncomfortable with the people you sent to protect me. They're too obvious at ang dami pa!" I exclaimed.Sumimangot siya saka lumapit sa'kin. He hugged me from the back. And whispers to me."Ayaw ko lang na maulit pa ang pagkakamali ko noon, hija. Nang dahil sa pagkakamaling iyon, I lost your mother. I failed to p
Nakatanaw ako sa matatayog na building sa harap ng malaking bintana. The city lights illuminated the whole city. May mga pagkain sa harap ko at tila nasa isang mamahaling restaurant. I looked at my watch. Eksaktong alas 10 ng gabi, and I found myself looking at the watch impatiently, na para bang may hinihintay.A sudden, loud, bang can be heard. It was painful to listen as I heard the cries inside this restaurant. May malaking anino na may dalang baril at agad na nilapitan ako. My heart beats frantically. Namuo ang aking mga butil ng pawis sa aking noo. I tried to move my body pero hindi ko iyon magalaw.Tinutukan ako ng baril bago pinaputok at narinig ko ang pagsigaw ko at naramdaman ko ang pag alog sa akin para magising ako sa masamang panaginip.Nakita ko si Manang Berta, mataman akong tiningnan. I stared at her to let my breathe relaxed.“Nanaginip ka na naman, Christine.”Tumayo siya at agad na lumabas. Tiningnan ko ang kahoy na bintana at namataan na umaga na pala. Napakagandan
Pilit kong kinakalimutan ang nangyari kahapon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. At may balak pa talaga akong makipag close sa kaniya, ha?Pinagmasdan ko ang panyo na nilabhan ko na. Ibibigay ko ba ito sa kaniya o huwag na? Pero kung hindi ko ibigay baka sabihin niya na hindi ko na isusuli 'to?"Ano ba ang problema mo sa panyo na 'yan?" Tanong ni Marian habang kumakain kami ng pananghalian sa kusina."Uh…wala." "Sus, iniisip mo lang si Senyor Hidalgo eh."Kumunot ang noo ko."Hindi ah. Tsaka isusuli ko nga ito e. Pero pwedeng pasuyo?"Tumawa at umiling siya."Hindi. Kasi alam kong ako ang magsusuli niyan kapag pumayag ako."I groaned."Ano? Nahihiya ka kaniya no? Kung ako din, mahihiya rin ako sa kagwapuhan nun."I rolled my eyes. Kahit sino talaga kung bet niya, pasmado talaga ang bibig."Huwag ka na kasi mahiya. May ibubuga ka naman ate eh. Tsaka ang ganda ng mata mo parang may lahi ka ring amerikano eh. Ang puti puti mo pa."Kinurot ko siya sa tagiliran niya."Tumahimik ka
I rubbed the sponge against the plate absentmindedly. The view in front of me is beautiful. Pero kahit sa magandang bulubundukin ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon.I can't believe that he would actually defend me against his friends. Now that I think of it, it actually bothers me. Even in my dreams, the scenes yesterday kept replaying. Tumindig ang balahibo ko sa naisip.Am I actually having a crush on him? Sa boss ko? Okay lang naman siguro pagmasdan siya sa malayo. Walang masama roon. Pero kung mangarap na maging kami ay sa tingin ko'y masama iyon. Ang layo ng estado namin sa buhay…imposibleng magkagusto siya sa akin.Mabait lang siguro si Senyor Hidalgo."Ate!" Sigaw ni Marian.Nilingon ko siya."Ano?"Inilapag ko ang pinggan sa muwebles. Nasa kusina kami ngayon nagluluto ng pananghalian ni Senyor Hidalgo."Ikaw daw maghahatid nito sa study ni Senyor."Kumunot ang noo ko.
"Christine," tawag ni Daphne.Nilingon ko siya. Galing siya sa kusina may dalang tray. "Pinapatawag ka ni Senyor. At saka ikaw nalang maghatid nito. May utos pa kasi si Manang Berta eh."I shifted my gaze toward the vase. Ngumuso ako.Galit 'yong si Hidalgo kahapon e. Bakit pa ako pupunta doon?Kinuha ko nalang ang tray. Kinatok ko ang pintuan niya at agad naman niya akong pinagbuksan.He's wearing a white long sleeve shirt na nakatupi hanggang siko paired with some black slacks and shoes. Maayos ang kaniyang buhok. He motioned for me to go inside quietly.Bumalik siya sa kaniyang desk at agad na umayos sa pag upo. Nakatutok ang kaniyang mata sa computer. He taps his fingers against the table while he uses his other hand to use the mouse."Good morning, Mr. Concepcion will do the presentation. Thank you." May pinindot siya sa keyboard at tumingin siya sa akin. Nagtaas siya ng kilay. Tumango at agad nang l
Ngumiti akong tinitingnan ang batang babae. Hawak ang mga bulaklak sabay tingin sa'kin. Happiness painted her face as she took a step towards me before giving me the flowers. She's wearing a white dress. Her long curly hazel hair with a mix of brown eyes complemented her features. May bulaklak na nakapalibot sa kaniyang ulo. Animo'y diwata sa mala-anghel niyang anyo.Nakatunghay ako sa napakalawak na lupain na puno ng mga bulaklak. I heard her faint laughter while hugging me."Ate Ember!" her giggles started evading my ears.I smiled. Hindi ko alam kung sino 'yon."Close your eyes!"Agad naman akong tumango at pinikit ang mga mata.Strangely, narinig ko ang putukan. At pagdilat ko'y nakita ko ang isang kalye sa harap ko. Hiningal at tila pagod na pagod. Kasunod noon ang pagharang ng nakabubulag na ilaw sa harap ko. At ang malakas na busina ng sasakyan."Christine! Gumising ka!"Hinihingal ako at nakahawak sa dibdib ko. Ang panaginip na iyon... Lagi nalang akong binabagabag gabi-gabi.
“Where are you going?” He asked darkly.Napatalon ako roon. I was caught red-handed. Hindi ko inaasahan na ma-aabutan niya ako ngayon. Kung nagising siya ng wala ako, panigurado, sisisihin ko ang sarili ko dahil imbes na lumayo ako, may nangyari pa sa amin kagabi. “Come here.” He commanded.Parang tambol ang puso ko. Nakapagbihis na ako’t lahat-lahat. May hinanda na rin akong script sa kaniya kung sakaling puntahan niya na naman ako. Tapos ang usapan. Sasabihan ko siya na lalayuan ako at huwag ng guluhin pa.Pero ngayon, nasira ang plano ko. I was defeated. He knew it. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. His arms wrapped around me and he slightly squeezed my body as his lips kissed the bridge of my nose, to my cheeks, and before it travelled to my lips to kiss me.“Are you trying to escape me?” He asks, eyes narrowing.I looked at him, guilty. “Hindi pa tapos ang usapan natin, Ember. Kaya huwag mong subukan na tumakas ulit dahil itatali na talaga kita sa kama ko.”Kinabahan ako sa
HIDALGO’S P.O.V.KANINA pa ako nakatanaw kay Ember sa malayo nang may lumapit sa akin na pamilyar na mukha.It was Eden. The supermodel. Hindi ko alam kung ano talaga ang sadya niya pero alam ko kung nilalandi ako. At hindi ito bago sa akin. My eyes went to Ember's direction again. Nilapitan siya ng kaniyang pinsan at ni Cevier. Cevier’s a good business partner. But heck, right now, I want to punch him. May sinabi siya kay Ember na dahilan para tumingin ito sa direksyon ko.I saw the disappointed look on her face. Bago ito nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kasama niya. While this girl in front of me couldn't take a hint.“You know, all you have to do is lay down…I'll do the rest.” Hinaplos niya ang dibdib ko at wala na akong ibang maramdaman kung hindi pangdidiri sa babae.I know that she's finding some ways just to lay down tonight. But I'm not interested. Kung kanina’y sumasagot ako sa hindi importanteng tanong niya, ngayon, nauubos na ang pasensya ko sa babaeng ito.“Look, I'm not in
“I'm not here just to be your friend, Ember.”Narinig ko noong lumabas ang dalawa sa hotel room ko.I looked at his reflection in the Mirror. Seryoso ang kaniyang mukha at unti-unting naglakad patungo sa akin.Suminghap ako nang bigla niyang pinalandas ang kamay niya sa likod ko. It went from my nape to my lower back. Nanindig ang balahibo ko. Napalunok ako. It stopped at the top of the fabric of the dress.“The back of your dress is too low.” He growled.“Well, too bad, I love my dress, Hidalgo.”Hindi ko maiwasan sabihin iyon.I glared at him. Ano naman kung maikli ang backless na ‘yan? Umiling ako at tumayo na. Kakaaya ko lang sa kaniya na pumunta na kami sa venue kanina. E ngayon, parang gusto ko nalang mag-stay dito para kausapin siya.Hindi nalang siya nagsalita at sumunod nalang sa akin na lumabas ng room at naglakad papuntang elevator. Nang makarating sa Venue, agad din kaming dinumog ng mga kakilala. Kaso lang, nagkalayo kami ni Hidalgo dahil may mga iilang mga importanting t
This is absurd.I know that this is a crazy idea. Nakaupo ako ngayon sa isang table ng high end na restaurant. Hidalgo was in front of me, giving his orders to the waiter. Sinalinan ako ng tubig ng isa pang waiter na lumapit sa amin.I stared at it for the whole time he was talking to the other waiter. “What do you want?” Napatingin ako sa kaniya.“Pasta, please.”He stared at me for a second. I froze. For a moment, he seemed like a deer stuck in headlights. My hands were shaking when I grabbed the glass filled with water. I took a sip on it, hoping that it would calm my nerves.“I wanted to talk about what happened-”“There’s nothing to talk about, Mr. Edralin.”“Hidalgo,” He corrected. He looked at me sternly. Animo’y kaunting panunuya ko ay may gagawin siyang hindi tama para sa akin.“Engr. Hidalgo.”Suminghap siya. It was a long, long, sigh that it bothered me.“You say my name like we didn’t share something…”“And I choose to forget all that, Mr. Hidalgo. That was a year ago. D
It was easy to manage the company dahil pinalaki naman ako para mamahala sa kompanya. But forgetting him was the worst. It had been one year yet my dreams were still filled with him. With us. Na pati pag-idlip ko’y takot ako.Hawak ko ang kwintas na binigay niya sa akin. Sa tuwing nangungulila ako para sa kaniya ay lagi kong sugot iyon. This was not I expected when I thought I could forget him. Napapikit ako no’ng tumama sa akin ang pang-umagang araw. Nagpasya nalang ako na maligo at mag bihis para sa trabaho.“Oh, I hired a new driver. Umalis na kasi ‘yong dating driver natin, Hija. You should bring him and…I’ll double your security discreetly. I don't want anything to happen to you.”“Okay, Pa. Uminom ka rin ng maintenance mo.” I said. Bago nginuya ang adobong manok.“Hija,” tawag niya. His eyes were gentle. Nilapag ko ang kubyertos. He held my hand and squeezed it.“Pa,” Napatingin ako sa kaniya.“I know it's too much to ask this but…I want a grandchild. Malapit na akong mamatay
Pinanood ko ang mga kahoy na nadaanan namin. Sakto lang ang bilis ng pag-andar ng sasakyan. Mang Carl was quiet as we drove past Cervantes. Si Manang Berta ay nasa tabi ko. Nagpumilit siyang sumama dahil gusto niya akong ihatid sa bahay naming sa Maynila. Mga ilang oras din ang biyahe namin bago nakarating sa aming exclusive village.“Good afternoon, Ma’am!” The guard that usually greets me, looked at me with his eyes wide. May sinabi siya sa walkie talkie bago kami tuluyan na pinapasok.Everything was familiar. I’ve been here before. I’ve known the guards. This was the village that I grew up to. The memories, all of it, came back, flashing in my mind. And then I wondered, paano si Papa? How did he survive all those months knowing that his daughter was nowhere to be found? Ni kahit isang bangkay man lang ay wala. It was difficult, I’m sure.Huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na modern mansion. Lumabas na ako sasakyan. Ang iilang mga kasambahay ay napahinto sa pagwawalis ng mga tu
Isang pinakamalaking cake ang nasa harap ko. It seemed to me that I was in the cafe. Pamilyar ang lugar. Pero hindi ko mawari kung saan talaga ito. “Ember…”“Ate Ember!”The voices kept calling me. Then suddenly the atmosphere became eerie. Dumilim ang paligid. Paulit-ulit na nangyayari iyon. I was back to this dark alley. Then someone was chasing me again. Hindi na isang malaking anino kung hindi dalawa. I squirmed uncomfortably on my bed. My body was frozen. I couldn’t control it. Hanggang sa naabutan ako ng mga anino.“AH!!”I sat on my bed. Hinihingal at puno ng pawis ang katawan. Namataan ko si Marian na tila takot sa akin.“Ate.”Umiling ako at humiga ulit. Na nanaginip na naman ako. My head throbbed. Ember. Who’s Ember?Mas lalo pang sumakit ang ulo ko no’ng sinubukan kong alalahanin ang pangalan na ‘yon. Pamilyar sa akin ‘yon. Pero hindi talaga mawari sa utak ko ang pangalan na ‘yon. Kung sino, kung ano ang mukha ng taong ‘yon. Wala. Simula noong nandito ako. ‘Yon nalang ang
“Hidalgo.”He tightened his arms around me. I groaned. Mahigit isang oras na simula no’ng ginawa naming ‘yon. At paniguradong nagtataka na ang mga tao kung nasa’n na kami ni Hidalgo! Beer pa naman ang pinag-uusapan dito. Pumuti na ang mga mata ng bisita kakahintay sa amin.“Let’s stay here for a bit. I don’t want you to leave after having sex with me, Christine. It feels wrong that way.”Mas lalo akong sumimangot. Hindi naman sa gano’n. Ang akin lang naman, may naghihintay na bisita. Pero hindi ko kayang isaboses ‘to ngayon dahil hindi pa ako maka move on sa ginawa namin kanina. I leaned my face to his chest.“Sige na, Hidalgo. Kailangan na natin bumalik doon. Baka hinahanap na tayo nila Manang. At saka, hindi naman one night stand ‘to, ah.”“Shut that mouth, Christine. That is a forbidden word. Hindi ako papayag na maging ka one night stand mo lang. I am your boyfriend for pete’s sake!” His voice vibrated against me. Natawa ako dahil tila nairita siya sa sinabi ko.“Hindi nga one nig
“Hidalgo, saan ‘to?”Narinig ko sa labas. Agad akong tumayo para silipin sa bintana. Hidalgo was carrying a few things. Ano ‘to?! May lechon na dala si Hidalgo! May mga pagkain rin! Lumabas ako sa bahay para daluhan ang mga tauhan ng mga Edralin.“Magandang umaga, Christine. Ihahatid ko lang ‘tong mga pagkain para sa birthday ni pareng Carl.”Tiningnan ako ni Hidalgo. I narrowed my eyes. Akala ko ba a-attend lang ng birthday? Bakit siya pa ang naghanda ng mga ito? Nakakahiya na talaga ‘to. May mga inumin pang dinagdag. Iniwan ko si Hidalgo sa labas at pumunta sa kusina kung saan nagluluto si Manang Berta.“O, ano’ng meron?”I pursed my lips. Busy sa paghahalo si Manang sa kaniyang niluluto kaya hindi siya makatingin sa akin at hindi niya mabasa ang ekspresyon ko. Napakamot ako sa leeg ko.“Ah, kasi si Hidalgo nagdala na ng mga pagkain at beer.”“Ano?! Naku ito talagang bata na ‘to! Hindi na sana siya nag-abala. Nasa’n ba siya ngayon?”“Nasa labas po.”“Haluin mo muna ito, Christine. S