Share

Chapter 4

I rubbed the sponge against the plate absentmindedly. The view in front of me is beautiful. Pero kahit sa magandang bulubundukin ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon.

I can't believe that he would actually defend me against his friends. Now that I think of it, it actually bothers me. Even in my dreams, the scenes yesterday kept replaying. Tumindig ang balahibo ko sa naisip.

Am I actually having a crush on him? Sa boss ko? Okay lang naman siguro pagmasdan siya sa malayo. Walang masama roon. Pero kung mangarap na maging kami ay sa tingin ko'y masama iyon. Ang layo ng estado namin sa buhay…imposibleng magkagusto siya sa akin.

Mabait lang siguro si Senyor Hidalgo.

"Ate!" Sigaw ni Marian.

Nilingon ko siya.

"Ano?"

Inilapag ko ang pinggan sa muwebles. Nasa kusina kami ngayon nagluluto ng pananghalian ni Senyor Hidalgo.

"Ikaw daw maghahatid nito sa study ni Senyor."

Kumunot ang noo ko.

"Bakit ako? Naghuhugas pa ako ng plato rito,"

Binanlawan ko na lahat ng mga sinabunan kong pinggan at baso.

"Ba't tinatanong mo pa kung ikaw? Si Senyor nag-utos niyan sa akin. Sige na nga, ako na ang maghuhugas niyan."

She pushed me gently to the side. Napilitan akong maghugas nalang ng kamay para mawala ang bula.

Kinuha ko ang isang malukong na may ginataang gulay at ang isang platong kanin. Kinuha ko rin ang isang basong tubig pati na rin juice para mamimili na lang siya kung anong iinumin. Pansin ko rin kay Senyor mahilig siya sa mga filipino foods.

Lumabas na ako sa kusina at inakyat ang malaking hagdan patungo sa kaniyang study dala-dala ang tray. I can feel my hand sweating again as I took a deep breath and knocked at the door three times.

Binuksan niya ang pintuan. Nakasuot siya ng navy blue v-neck t-shirt with slacks and a belt around it. An expensive watch wrapped around his wrist. His hair is styled cleanly.

"Come in,"

Shit! Ang bango ng lalaking ito!

I cleared my throat and went inside. Maraming libro, computer, isang malaking sofa sa corner ng silid at coffee table, may mahogany desk din sa dulo at upuan.

Nilagay ko ang tray sa coffee table. Ilang araw din kaming hindi nagpapansinan kaya naman grabe ang kaba ko ngayon.

"Tawagin mo nalang po ako kapag tapos ka ng kumain, Senyor."

Umiling siya. He stared directly into my eyes and said. Napalunok ako sa paraan ng pag titig noya.

"Dito ka na lang maghintay." He commanded.

Umupo ako sa pinakadulo ng sofa. Gusto kong umalma pero ayaw ko. Binalot kami ng katahimikan. I fidget with my fingers. Nakatingin lang sa harapan. I heard him sigh beside me kaya nakatingin ako sa kaniya. I saw his jaw move as chew his food. His side profile looks so good. Parang modelo na pinag-aagawan ng mga babae.

Uminom siya ng tubig. Agad akong nag-iwas ng tingin nang bigla niya akong tiningnan. I cleared my throat. Para akong kriminal na nahuli sa mga ginawang krimen. Nag init ang mga pisngi ko.

I heard him chuckle.

"I'm sorry for what I did…naging agresibo ang inasal ko. At pasensya na rin sa mga kaibigan ko. Hinding-hindi na ito mauulit."

Tumango ako.

"Okay lang po, Senyor. Salamat din po."

He nodded. Pero parang hindi siya masaya sa sagot ko.

"Maraming salamat po, Senyor. Sa ginawa niyo po." Kaya inulit ko baka sakaling ma kuntento siya sa mga sinabi ko.

"Can you just call me Hidalgo? At huwag mo naman dugtungan ng 'po'. I don't like it."

"Bakit naman po—"

He groaned. It sounded so sexy! Nahihibang na talaga ako.

"We're friends. Quit the formalities and call me by my name."

Medyo nanlaki ang mga mata ko. Ganoon ba? Bakit ngayon ko lang nalaman?

"Okay, po—uh…Hidalgo."

Nag-alinlangan ako sa sinabi. Hindi naman kami gaanong close ni Hidalgo. Tumayo siya at pumunta sa desk at iniwan ako sa sofa.

Pero naglalaro ang multong ngiti sa kaniyang labi. Kinuha ko naman ang tray.

"Kukunin ko na 'to para mahugasan,"

Umalis na ako at hindi na hinintay ang sagot niya. Maghapon din na palibot-libot ako sa mansyon dahil sa gawain.

Alas kwatro na noong nagpahinga kami sa malaking narra at umupo sa damo. Kakatapos lang namin linisin ang paligid dahil puno na naman ng mga tuyong dahon.

"Si Senyor." sabi ni Marian.

Namataan ko si Hidalgo na nagdadala ng maliit na pala at halaman na siguro'y itatanim sa kanilang malaking garden.

N*******d sa pang itaas at ang tanging suot ay maong pants at boots. His ripped body is on display kaya't pati ang mga kasama ko'y nagtitilian.

"Matinik sa kama 'tong lalaking ito,"

Tumawa ako sa kumento ni Marian.

"Bakit mo naman nasabi?"

She raised a brow pertaining to the fact that it was so obvious. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Tingnan mo nga, ang tangkad niya! Madadaganan ka niya kapag ginawa ninyo 'yon. Maugat din ang malaking kamay—"

"Pero hindi ka naman sigurado niyan. Malaki ba 'yan? Magaling ba?"

Mas lalo akong humagikhik sa usapan. Sumabat kasi si Krisha sa sinabi ni Marian.

"Sus! Ang laki kaya ng umbok niyan—"

"Tama na nga 'yan. Ang babastos ng bibig niyo ha! Dinamay niyo pa ang tao sa kalibugan ng mga utak ninyo!" Ani Daphne.

Kinalabit ni Daphne ang braso ko.

"Tingnan ninyo si Christine, tahimik lang. Ganito dapat kayo. Dalagang pilipina,"

Humagalpak kami ng tawa. Para namang tanga 'tong mga kausap ko. Hindi seryoso sa mga sinasabi!

"Tumahimik ka nga, Daphne. Sa lahat ng nandito ikaw ang pinaka higad dito. Charot."

Daphne smirked.

"Tsk. Sa salita lang kayo magaling wala sa gawa! Wala naman kayong mga nobyo." Sabi ko.

"Paano magkaka nobyo e pera ang kailangan namin. Ang kapatid kong nagha-highschool, manghihingi na naman iyon ng pang baon at pangbili ng school supplies." Si Krisha.

Namatay ang mga magulang ni Krisha sa murang edad pa lamang siya. Siya ang nakakatandang kapatid. Kaya hindi ko siya masisisi sa sagot niya.

"Oo nga, pasukan na at mag-aaral na naman ako. Libre naman diyan sa community college pero ang gastusin rin ang problema." si Marian na nakatanaw sa tanawin namin sa harap.

"Magpa-enroll na kaya ako…"

Tiningnan ko si Daphne. Pareho kaming dalawa na hindi nag-aaral. Ang sinabi niya sa akin, tumigil daw siya sa pag-aaral last year.

"Bakit hindi ka magpa-enroll?"

Bumuntong-hininga siya.

"Kailangan pa unahin ang kapatid ko, e."

Iyon lang ang tanging sagot niya. Ako kaya, sino kaya ang totoo kong pamilya? Bakit maski sa panaginip, hindi ko sila napapaginipan?

"Senyor!" Sigaw ni Erza. May dalang tray ng pagkain. Hinabol niya si Hidalgo na kakalabas pa lamang ng hardin.

Nakita ko sila sa may gazebo. Nag-uusap silang dalawa at tumawa naman si Erza sa kung ano ang sinabi ni Hidalgo.

I pouted as I shifted my gaze toward Johnny. Na paparating sa aking sinilungan na puno. May dala siyang pitsel at disposable na baso at isang malaking supot.

"Uy, Johnny!" Malakas na bati ng mga kasama ko.

Ngumiti ako nang may dala siyang turon. Siguro'y luto ng Mama niya.

"Para sa inyo. Kumuha lang kayo rito sa supot ha. May juice din."

"Naks naman! May palibre si Mayor Johnny! Huwag kang mag-alala, ikaw ang manok ko!" Sabi ni Marian.

Tumawa silang lahat habang ako nakakunot ang noo ko. Anong manok?

"Bukas naman Johnny ha? Hot cake naman para masarap ang meryenda!"

"Christine, halika! Samahan mo kaming magmeryenda." Aya ni Johnny.

Umupo siya sa tabi ko at binigyan ako ng turon at isang basong juice. Agad ko namang kinain iyon.

"Christine,"

Uminom ako ng juice at tinaasan siya ng kilay. Ngumiti siya bago tinuloy ang pagsasalita.

"Uh…gusto sana kitang yayain bukas. Birthday kasi ng kapatid kong si Donna."

Tumango ako.

"Ganoon ba? Anong oras ang handaan?" I took a bite of the turon.

"Mga alas singko ng hapon." Pero ramdam ko ang bahid na pagaalinlangan sa kaniyang boses.

"Sige. Pupunta ako. Magpapaalam nalang muna ako kay Senyor mamaya."

Tumango siya at mas lumapad ang ngiti. Natapos kami sa mga gawain namin sa labas at nandito na ako sa loob ng mansyon. Nagluluto ng pagkain ni Senyor. Madilim na sa labas.

Kinatok ko ang study. Bumukas naman iyon at tumambad sa akin si Hidalgo na naka itim na joggers at itim na t-shirt. Basa at medyo magulo ang buhok.

Pumasok na ako at nilagay uli ang tray sa coffee table. Tumunog ang cellphone niya. He fished out the phone from his pocket. At saka tinapat sa kaniyang tenga. He walked to his desk na parang may hinahanap.

"Yes, I got the contract. My father will be presenting it to you, Mr. Igancio. Yeah, I'm very sorry I can't make it to the meeting. I have personal matters to attend to. Yes…thank you, again. Goodbye."

Nanatili ang mata niya sa akin. Para akong estatwang nakatayo sa harap niya. He scanned his eyes up and down. Bago nagtama ang kaniyang mata sa akin. Parang tambol ang puso ko.

His brows furrowed as he shifted his gaze below. He looks at the folder seriously. I cleared my throat. Napatingin siya sa akin.

"Nandito na ang pagkain, Hidalgo."

"Hmm."

He walked toward the coffee table. Hinintay ko muna siyang maupo para makapagpaalam na ako sa lakad ni Johnny bukas.

He sliced the steak with precision. He seems occupied. Pero kailangan kong magpaalam para makasama ako.

"Hidalgo…"

Tumingala siya.

"Yes?"

I played with my hands as I took a deep breath to say the words.

"Uhh…birthday kasi bukas ng kapatid ni Johnny, iyong guard…at inaya niya ako—"

"You can do whatever you want, Christine."

He stopped eating. Nilapag niya ang kubyertos sa kaniyang pinggan at tiningnan ako ng mataman.

Natahimik ako doon.

"Kailangan mong umuwi rito ng maaga. Because I will lock the gates…" parang may banta ang kaniyang boses.

His jaw clenched at mariin na ang kaniyang titig sa pagkain.

"Pwede bang mga alas diyes ako umuwi rito, Hidalgo?"

Kumunot ang noo niya. He curse under his breath at wala sa sariling tumango. He stood up at agad akong umiwas sa kaniya dahil nakaharang ako.

"Siguraduhin mo lang na makaka uwi ka. Wala dito si Manang Berta. Baka mayroong mangyari sa'yo."

Tahimik akong nakatayo doon at iniwan niya na ako mag-isa silid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status