Share

Chapter 5

"Christine," tawag ni Daphne.

Nilingon ko siya. Galing siya sa kusina may dalang tray.

"Pinapatawag ka ni Senyor. At saka ikaw nalang maghatid nito. May utos pa kasi si Manang Berta eh."

I shifted my gaze toward the vase. Ngumuso ako.

Galit 'yong si Hidalgo kahapon e. Bakit pa ako pupunta doon?

Kinuha ko nalang ang tray. Kinatok ko ang pintuan niya at agad naman niya akong pinagbuksan.

He's wearing a white long sleeve shirt na nakatupi hanggang siko paired with some black slacks and shoes. Maayos ang kaniyang buhok. He motioned for me to go inside quietly.

Bumalik siya sa kaniyang desk at agad na umayos sa pag upo. Nakatutok ang kaniyang mata sa computer. He taps his fingers against the table while he uses his other hand to use the mouse.

"Good morning, Mr. Concepcion will do the presentation. Thank you."

May pinindot siya sa keyboard at tumingin siya sa akin. Nagtaas siya ng kilay. Tumango at agad nang lumabas.

Inabala ko ang sarili ko sa pagliliniis. Hanggang sa oras na ng pananghalian. May binigay si Daphne sa akin na tray.

"Hatid mo na 'yan, Christine."

Nagtaas ako ng kilay.

"Ano? Ako na naman?"

Tumawa siya.

"Hindi kasi...mas gusto kasi naming ikaw kasi parang ang gaan ng loob niya sa'yo e. Ni ngumiti nga sa akin hindi 'yon ngumiti."

"Anong connect do'n?"

"Mas gusto ka niya kaysa sa amin dito." Iyon lang ang sabi niya.

Umiling ako at kinuha ang tray. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti ako ng bahagya at pumasok sa kaniyang study. Meron pa ring nag sasalita galing sa kaniyang computer.

His being towered over me. Nakita ko sa coffee table na wala pang bawas ang pagkain niya.

"Hindi ka pa ba kakain, Hidalgo?"

Tiningnan niya ako. He gave me his usual grim expression. Ngumiti ako sakaniya. Umiling siya at dumiretso sa kaniyang table.

Habang ako ay tahimik nalang na lumabas sa kaniyang study.

Mag-aalas kwatro na ng hapon at katulad nga ng pinag-usapan namin ni Johnny, aalis kami ng alas singko ng hapon para sa handaan.

Pumunta ako sa study ni Senyor para magpaalam na umalis. Wearing a floral dress and sandals na nabili ko lang sa lungsod, I stood outside his study. Contemplating if I will knock now.

Bago pa man ako makakatok ay bumukas ang pintuan. His eyes look so tired. His eyes scanned me. Medyo nagdilim ang kaniyang mga mata noong tiningnan ang dress.

"What do you need?"

"Magpapaalam lang sana ako na aalis muna ako."

"To your date, I presume?"

Kumunot ang noo ko.

Date?

"Naku, Sir. Hindi po." Hindi ko alam kung binibiro niya lang ako dahil sinabi ko na sa kaniya ang dahilan kahapon.

"Tsk. Do whatever pleases you." Tinalikuran niya ako.

Tumango ako.

"Okay, alis na po ako."

Saktong pag alas sing ko ay agad na akong umangkas sa motorsiklo ni Johnny. Kumunot ang noo ko nang hindi ito ang daan papunta sa kanila.

Papunta ito sa syudad. Hindi ko nalang iyon pinuna dahil baka may bibilhin lang at ireregalo sa kaniyang kapatid.

Parang palutang lutang lang ang isipan ko. Tahimik ang biyahe. Mas lalo akong nagduda dahil huminto kami sa isang cafe.

"Bakit tayo nandito, Johnny?"

Pumasok siya sa loob. Sandali akong naghintay. But he motioned for me to come inside the cafe. Agad naman akong sumunod sa kaniya.

He guided me to some empty table. Kumuha siya ng menu. Tahimik akong umupo sa harap niya. Nakakunot pa rin ang noo ko. And what pissed me off is he gave the indifference kind of look.

"Inuulit ko, Johnny. Bakit tayo nandito? Hindi ba't birthday ngayon ng kapatid mo?"

Bumuntong hininga siya at agad na binaba ang menu. Sumandal siya sa kaniyang upuan. He crossed his arms.

"Kung sinabi ko ba sa 'yo na mag-aaya ako ng date sa'yo, papayag ka ba?"

Bahagyang kumulo ang dugo ko sa kaniyang sinabi. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay pinagsisinungalingan ako at niloloko. Hindi ko talaga matanggap iyon.

"Hindi mo ba naisip kung anong magiging reaksyon ko dahil sa ginawa mo?"

He only smirked. Like he's proud of what he just did. I glared at him. Marami na sana akong nagawang trabaho ngayon.

"Pasensya ka na, Christine. Gusto ko lang talaga makipagdate sa'yo."

Napaisip ako saglit. Ganoon na ba siya ka desperadong makipag date sa akin na kailangan niyang nagsinungaling?

"E 'di sana sinabi mo para naman hindi ako mabigla. Baka sa susunod sasabihin mo na birthday mo pero sa huli kasal ko na pala." May diin ang mga salitang sinabi ko.

I see through his eyes. He wasn't remorseful or somehow regrets what he did to me. He just smiled and ignored my words.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo. Kung sa susunod mag-aaya ka, hindi na ako papayag."

Sandali kaming nabalot sa katahimikan. Ayaw kong sirain ang araw namin kaya hindi ko na dinugtungan ang mga salitang gusto ko sanang sabihin.

"Sorry na please?"

Suminghap ako at umiling na lamang. I stood up. Tumayo din siya.

"I'm sorry." Sabi niya. Seryoso ang kaniyang mukha.

"Hindi na mauulit ito," sagot ko at tumango naman siya.

"Halika na, mag order ka ng gusto mong pagkain. Libre ko."

At sa huli, sinunod ko nalang ang gusto niyang gawin para ma tapos na kami rito. Sa totoo lang gusto ko nang umuwi dahil sa ginawa niya pero hindi naman bato ang puso ko 'no.

Naaawa lang din ako sa kaniya kaya ganoon. Paminsan minsan ay nagkukwentuhan kami at minsan, tumititig lang siya sa akin kaya gusto ko nang matapos.

He's somehow weird and I don't get him though. Kasi hindi kami magka vibe kung ano ang gusto niya, hindi ko naman bet.

Alam kong maaga pa para mag assume pero parang hindi talaga siya ang tipo ko. Ibang iba kay…

Hidalgo.

"Gusto ko nang umuwi, Johnny."

"Hindi ba pwedeng mamaya na? Gusto pa kasi kitang makasama e."

Umiling ako.

"Hindi talaga kasi kailangan ko pang gumising ng umaga bukas at tingnan mo nga 'yong oras, siguradong papagalitan ako ni Senyor."

His face was full of arrogance.

"Sus! Natulog na 'yon pa dating natin sa kanila. Dito lang muna tayo… mag usap tayo."

I closed my eyes with pure irritation. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa lalaking ito. Ang tigas ng ulo nito.

"Kung hindi mo ako ihahatid gaya ng ipinangako mo kahapon, maghahanap nalang ako ng masasakyan."

Hindi na talaga ito mauulit. I will never go out woth this kind of man. My life is not going to be like this. I hate this kind of attitude.

Mas mabuti pa siguro si…

Pumikit ako at naisip na naman si Hidalgo. Kung hindi lang talaga siya ang boss ko, I would be open for him to court me. Natawa nalang ako sa sarili kong kalokohan.

"Huy!! Pasensya na. Gusto sana kitang biruin kaso parang pagod ka na at gusto mo nang umuwi. Kaya halika, sakay na.

Umiling nalang ako at sumakay.

Alas onse ng gabi na kami naka-uwi sa Mansyon. Hinatid ako ni Johnny. Wala siyang duty ngayon kaya hinatid niya nalang ako.

Lumakas bigla ang pagpatak ng ulan kaya noong huminto kami ni Johnny ay basang-basa kami.

"Christine, pasensya na talaga, ha? Nagsinungaling lang naman ako kasi kapag sinabi ko ang totoo hindi ka papayag."

Tumango na lamang ako dahil pagod na akong sumagot. Nasa gitna ng kagubatan ang malaking mansyon. Ni minsan, hindi ako natakot dahil marami namang bantay.

Pero ngayon, walang halos ka tao-tao rito sa labas ng gate. Only the fancylights that they installed in the area.

"Naku, baka tulog na ang mga tao. Baka hindi na rin ako makapasok, Johnny."

Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Kinuha ni Johnny ang kaniyang walkie talkie at may tinawagan. Pero imbes na kasamahan niya ang sumagot, ang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Baltazar,"

Naging alerto ang reaksiyon ni Johnny. Napatingin kami sa isa't isa pareho ring nagtataka bakit si Hidalgo ang sumagot.

"Pasensya na po sa abala, Senyor. Si Michelle po? Si Christine po kasi hinatid ko galing kaming handaan, Senyor. Pwede po bang makausap si Michelle para po makapasok na si Christine?Medyo basa po kasi siya dahil sa malakas na ulan papunta rito baka giniginaw na po..."

Sandaling natahimik ang linya. Tiningnan ko ang kulubot na palad ko. Nanginig ako ng bahagya noong humangin ng malakas.

"Christine, mauuna na ako sa'yo ha? Papunta na daw sila rito e. Nag text sa akin si Michelle. Wala kasing kasama ang kapatid ko e."

Tumango ako.

"Oo, sige. Mauna ka na—"

"Teka, may sasabihin lang din ako, Christine."

Humakbang siya sa akin palapit. Kumunot ang noo ko. Ano na naman ito?

"Ano 'yon?" Peke akong ngumiti.

"Gusto ko lang sabihin na gusto kita at nag enjoy ako sa gabing ito. Hindi rin ako nagsisisi sa ginawa ko."

"Pero—" Bigla niya akong hinalikan.

Napasinghap ako at agad siyang tinulak ng malakas. My breath became ragged.

"Anong ginagawa mo?!"

Hindi na napigilan ang sarili ko dahil sa gulat. Naka ngising aso siya. I glared at him. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil binigla niya ako at ayaw kong halikan ako nang hindi naman kami!

"Sorry, Christine! Hindi ko lang talaga mapigilan. Gustong gusto kasi kita, eh."

Umiling ako at tinalikuran siya.

"Umuwi ka na. Ayaw ko nang maulit ito. Kaibigan ang turing ko sayo, Johnny. At sana naman respetuhin mo 'yon."

Nakita ko si Hidalgo na papalpit sa gate at pinagbuksan ako. The muscle of his jaw moved and my throat went dry.

Mariin din ang titig niya sa akin at halos padabog na sinirado ulit ang gate. His eyes went behind me. Madilim niyang tiningnan at muling nagbalik sa akin ang titig.

He sneered but his gaze never left on my lips. He grabbed my wrist, walking inside the mansion. Nagpatianod nalang ako. Medyo kinabahan ako nang dinala niya ako hagdan at dumiretso kami sa loob ng kwarto niya at nag iwan din ako ng basang mga yapak sa sahig. Kaya gusto ko sanang umalma.

I heard the door clicked. Parang tambol ang puso ko.

"Senyor—"

"It's Hidalgo."

Nagtama ang mga mata namin. Mariin ang titig niya sa akin. Napalunok ako. His eyes held so much intensity that I avoided his.

"Hidalgo nababasa ang sahig..."

He glanced at the floor. His eyes shifted on my chest. He took a step toward me. Halos magdikit na ang aming katawan.

"Boyfriend mo ba siya?" May diin ang tanong niya.

"Hindi—"

"Bakit ka nagpapahalik?" Sabat niya.

"Hindi naghahalikan ang kaibigan, Christine!"

His voice thundered. Mariin ang titig niya sa aking labi.

Kumunot ang noo ko.

"Ano naman sa'yo, Hidalgo? Kung maghalikan man kami, wala ka ng pakialam do'n."

His eyes softened a bit. Yumuko siya at umiling. I esamined his face. Parang may gusto siyang sabihin sa akin.

Napatingala siya na parang inuubos ko ang kaniyang pasensya. Huminga nalang siya ng malalim at tumango.

"You're right. I am just your friend. I am sorry for acting this way," he said weakly.

Tinalikuran niya ako. Binuksan niya ang pintuan at hinintay ako doon. Na tila pinapalabas ako.

I nodded. Tahimik akong lumabas.

"Good night, Hidalgo."

Tumango siya at isinara ang pintuan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status