Share

Chapter 2

Nakatanaw ako sa matatayog na building sa harap ng malaking bintana. The city lights illuminated the whole city. May mga pagkain sa harap ko at tila nasa isang mamahaling restaurant. I looked at my watch. Eksaktong alas 10 ng gabi, and I found myself looking at the watch impatiently, na para bang may hinihintay.

A sudden, loud, bang can be heard. It was painful to listen as I heard the cries inside this restaurant. May malaking anino na may dalang baril at agad na nilapitan ako. My heart beats frantically. Namuo ang aking mga butil ng pawis sa aking noo. I tried to move my body pero hindi ko iyon magalaw.

Tinutukan ako ng baril bago pinaputok at narinig ko ang pagsigaw ko at naramdaman ko ang pag alog sa akin para magising ako sa masamang panaginip.

Nakita ko si Manang Berta, mataman akong tiningnan. I stared at her to let my breathe relaxed.

“Nanaginip ka na naman, Christine.”

Tumayo siya at agad na lumabas. Tiningnan ko ang kahoy na bintana at namataan na umaga na pala. Napakagandang tanawin ang bumungad sa akin. Berdeng mga taniman sa bundok. Napapikit ako nang tinamaan ang aking mukha sa sinag ng araw.

Something in me was missing. Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ako. Lumipas ang ilang buwan noong makita ako ni Manang Berta sa daan. Ang sabi raw ay nasagasaan ako at nagtamo raw ako ng malalang sugat at duguan raw noong masugod ako sa ospital.

“Christine, bumangon ka na at pupunta na tayo sa Mansyon ng mga Edralin.” Ani Mang Carl.

The couple who sheltered me worked for one of the most wealthy families here in Cervantes. Si mang Carl ay isang driver at kadalasang isinasama sa maynila kaya minsan lang namin siya makasama. Si Manang Berta naman ay isang mayordoma sa mansyon ng mga Edralin.

Masaya ako at tinulungan nila ako. Tinulungan ko rin si Manang Berta sa mga gastusin rito at namasukan bilang kasambahay.

Ang mag-asawang Edralin ay may mga negosyo sa Maynila. At kadalasan din wala sila mansyon at umuuwi lang sila kapag nagbabakasyon. Ang sabi nila sa akin, may isang lalaking anak ang mag-asawa ngunit hindi talaga umuuwi sa probinsya dahil siya na ang nag-aasikaso sa mga kompanya nila. 

Pagkatapos naming kumain, agad kaming hinatid ni mang Carl sa mansyon. Spanish style ang mansyon at may isang malaking maze sa likod ng bahay at malaking garden. Doon ako kadalasan tumatambay kung tapos na ang trabaho namin.

"Christine! Mabuti at nandito ka na," bati ni Marian sa akin. Mag kasing edad lang kami. 

"Magandang umaga, Marian."

"Magandang umaga rin, Christine. Magpapatulong sana kami ni Lara dahil dadating daw sina senyor mamaya."

"At bakit ngayon ka lang nagsabi? E 'di sana nakapag handa tayo. Marami pa tayog lilinisin nakakahiya naman kina senyor at senyora!" 

"Naku, Manang Berta, ngayon ko lang din po nalaman. Sinabi po kasi ni Johnny kanina, 'yong guard na may crush kay Christine." Siniko ko siya dahil sa huling sinabi.

Ngumiti lang ang mokong. Umiling si Manang Berta.

"O siya, sige na at magsimula na kayo, baka maabutan tayo rito ni Senyor,"

Dumiretso si Manang Berta sa loob ng mansyon. Binigyan ako ni Marian ng walis tingting upang malinisan namin ang sahig na puno ng tuyong dahon.

"Nakalimutan ko pala, Christine. Tulungan na natin sina Erza doon sa may maze pagkatapos natin dito dahil marami pang kailangan ligpitin."

Tumango ako at nagpatuloy. Si Marian ang unang naging kaibigan ko simula noong namasukan ako dito sa mansyon ng mga Edralin. 

“Marian! Christine! Patulong naman dito, o.” Si Erza na medyo demanding ang tono para sa akin.

Nilapitan namin ang grupo nila malapit sa malaking maze. Hindi pa nawawalisan ang mga tuyong dahon. Tahimik akong nagwawalis sa mga dahon nang kinalabit ni Erza ang aking braso.

"Alam mo, Christine, hanga ako sa'yo." kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.

"Bakit naman?"

"Ang dami mong manliligaw na trabahante dito e. Nagdududa na nga ako sa'yo e baka ginayuma mo lang sila."

"Ang kapal ng mukha neto–" bulong ni Marian sa gilid ko.

Umiling ako.

"Ah…wala pa kasi akong time sa mga ganyan e. Tsaka ano naman ang mapapala ko kung gagayumahin ko sila? Hindi ko naman kailangan na gawin 'yon."

Peke siyang tumawa at hindi na ako kinausap pagkatapos no'n. Mga alas tres na ng hapon, kagagaling lang namin ni Marian sa mansyon at lumabas agad pagkatapos ng  pananghalian.

"Alam mo, hindi ko pa talaga nakita ang anak nina Senyor at Senyora. Ano kaya ang itsura niya no?"

Well, I don't care about it. Ang gusto ko lang ngayon ay maitawid ko ang araw na ito dahil pagod na rin ako sa paglilinis sa paligid.

Which got me thinking, ano ba talagang buhay ang meron ako? Bakit maski pangalan ko ay hindi ko alam at hindi ko maalala?

I am not entirely healed. Ilang beses din akong pabalik balik sa doktor upang magpa check up at malaman kung ano na ang kalagayan ko. Kaya nga gusto ko talagang tulungan sina Manang Berta dahil mahal din ang gastusin sa pagpapagamot ko noon.

"Christine, tingnan mo, o. May bago tayong hardinero.”

Tiningnan ko ang lalaking pumasok sa maze na may dalang mga materyales. His bare back was our view. He was ripped but he has clean cut hair. ‘Yong tipong kung ano ang isuot mo sa kaniya,  bagay pa rin.

Pero parang hindi siya bagay sa trabaho niya. Parang modelo kung tingnan, likod pa lang.

“Huy! Ang gwapo ng bagong hardinero!” Tili ni Erza.

Nilingon ko si Marian. Malagkit din ang tingin doon sa maze. Siniko ko siya at para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

“Ay, sorry, ang pogi ng likod niya, Christine. Iyan ‘yong tipong matindi sa kama.” Bulong niya.

Umiling ako at nagpatuloy nalang sa pagwalis.

“Shh. Ang pasmado talaga ng bibig mo.” 

“Hindi ako magrereklamo dahil totoo naman.” Tumawa nalang ako.

"Halika, tulungan natin para malaman natin kung ano ang pangalan niya."

Ha?

 Umiling nalang ako wala nang nagawa kung hindi sumunod sa grupo nila. 

Bago paman ako makapasok sa maze, may tumulak sa akin patungo sa halaman na pader. The stems of the plant grazed my chin and my skin. Dahilan kung bakit nagka daplis ako. 

Napapikit ako sa hapdi ng sugat. Hinaplos ko ang panga at may kaunting dugo. Huminga ako ng malalim. Natanaw ko si Erza na nakangiting nakatitig sa akin.

"Ang bagal mo kasi, Christine!" tumawa ang grupo nila at agad na iniwan ako.

I glared at the view in front of me. At paano naman ako makakalabas rito na hindi ko kabisado kung saan ang lagusan?

Kanina pa ako pa iba iba ng daan, kung hindi dead end, pabalik balik lang ako. Umupo nalang ako sa sahig. I don’t really get Erza. She was really mean to me when I came here. Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan.

“Are you okay, Miss?” A deep voice spoke.

Halos mapatalon ako nang marinig iyon. Ang hardinero kanina. Tumayo ka agad ako. Seryoso ang tingin niya sa akin. He looks like a king, who’s trying to decide whether to spare me or hang me. I also noticed that he was really tall. He’s majestic.

“Ah…eh…Na aksidente ako kanina e. Tsaka naligaw yata ako. Hindi ko alam kung saan ang lagusan dito sa maze na ito.”

He handed me a handkerchief. Tinanggap ko naman ito.

“Salamat,”

“Sumunod ka sa akin, Miss.”

Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod na lamang. I tried to wipe the dried blood in my face. Tahimik naman siyang nakatingin sa akin. Animo’y maglalaho ako kapag inilayo niya ang paningin niya sa akin.

I swallowed a lump in my throat.

“Napansin ko lang…parang alam mo na kung saan dadaan, matagal ka na ba rito? Bakit ngayon lang kita nakita rito simula noong nagtrabaho ako dito?”

He paused for a bit. As if he was taken aback from what I said. Kumunot ang makapal niyang kilay at kalauna’y sinagot ako.

“Matagal na ako rito. Pero umalis din ako at lumuwas ng Maynila para mag trabaho.” Medyo may accent ang kaniyang boses.

“Ah kaya pala…” Nagkatinginan kami bago ko iniwas ang mga mata ko at ituon ang pansin sa halaman.  Tahimik kaming naglakad hanggang sa nakita na ang mansyon.

“Ah…salamat pala rito. Lalabhan ko at isusuli ko na.”

Mataman niya lang akong tinignan.

“Imposibleng maaaksidenti ka roon sa maze,” Sabi niya bago ako iniwan at nagsimula nang mag gupit ng mga dahon.

“Christine!”

Nilingon ko si Marian.

“Napa’no ‘yang mukha mo?”

I swallowed a lump in my throat.

“Wala, na aksidenti lang,”

“Pinatatawag ka ni Manang,”

Tumango ako at agad na sumunod sa kaniya. Nakita ko si Manang na may kausap na mag-asawa. Matangkad ang lalaki at matipuno kahit na may katandaan na ito. Pareho rin ang sa babae. Maganda at makikita mo rin ma may halong banyaga dahil sa ganda nito. 

Pormal ang kanilang kasuotan. Nagkatinginan kami ng babae. She smiled at me. Lumapit ako kay manang.

"Ah, ito nga pala 'yong sinabi ko sa'yo, Rexelly. Christine, si Rexelly, asawa ni Senyor Victor. At si Senyor Victor, sila ang may-ari ng Mansion na ito. Victor, kagaya nga ng sinabi ko, tinulungan lang namin ni Carl ang kawawang batang ito."

"Magandang umaga po, Senyor at Senyora."

Tumango lang ang lalaki.

"Nakapagtapos ka ba ng kolehiyo, Hija?"

Hindi ko maalala. Kaya umiling nalang ako. 

"Kung gusto mong mag-aral, sabihan mo lang si Manang Berta para ma apply-an ka ng scholar. Just inform us, okay?"

Tumango ako.

"Tsaka, nasa'n na ba si Hidalgo? Kanina pa 'yon dumating."

Nakita ko kung paano hinaplos ni Senyor Victor ang baywang ng kaniyang asawa. Somehow, I see my future self in them. Kaya nga lang, we will live a simple life at hindi gaya nito na magarbo at sosyal.

"He already called me earlier. He's already here." Matigas na ingles ng lalaki.

Naiisip ko tuloy…parang pamilyar ang mukha ng hardinerong 'yon. Itinuon ko ang pansin sa pagpupunas ng lamesa sa dining area.

Napatingin din ako sa mga kasama kong naghahanda ng pananghalian. Nilapag nila sa lamesa ang pagkain. 

Pumunta naman ako sa mga furniture na kailangan din punasan. Nagsi alisan na di ang mga kasama ko at ako nalang ang nasa silid.

Someone pulled the chair away from the table. Dahilan kung bakit napalingon ako sa likod ko. Kumalabog ang dibdib ko nang namataan kung sino 'yon.

He looks like he came out from the shower. Bagong bihis ng itim na t-shirt at grey na jogger pants. Bigla akon nan lamig. Nagkunwari akong magpunas ng mga gamit. I felt his stare bore into my back.

"Mabuti naman at umuwi ka, akala ko, doon ka na naman magpapalipas ng oras sa office mo."

"I just miss this place. That's all, Ma."

Nanlaki ang mga mata ko. 

Mama?!

So, ibig sabihin siya 'yong tinutukoy nilang anak ng may-ari rito? E ba't hindi niya sinabi? Napagkamalan tuloy siyang hardinero!

"That's good. Your friend's are also looking for you. Pupunta sila rito." 

"Of course, Pa."

Tahimik akong naglakad at lalabas na sana pero tinawag ako ni Senyora. Napapikit ako. Pero ngumiti nalang nang hinarap ko sila, na kumakain.

"Hija, come here."

"Yes po, Senyora?"

Tumawa siya.

"I want to introduce my son to you." Kumindat siya sa kaniyang anak.

Umiling nalang ang lalaki.

"This is my son. Hidalgo Edralin."

He looks at me with so much intensity that I feel like I've done something.

"Magandang hapon po, Senyor Hidalgo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status