Share

Pretending To Be a Couple
Pretending To Be a Couple
Author: Lanie

Chapter 1

"GOODMORNING, MR. MARTINEZ. Here's your schedule for today." I put the sheet of paper on his table. 

"Thank you, Miss Garcia." He picked up his schedule studying it. 

My Boss is very early again. All he does is work, work and work. His business is his baby. He became a self-made billionaire because of his hard work. 

"Is it raining outside already? January pa lang, ah."

"Uhm, yes, Sir... It was raining. Now, it's suddenly gone." I looked at the huge glass window behind him, the sunlight was coming out. 

"I'm leaving for Italy tonight. I'll be back on Monday. You know what to do already if I'm not here, Miss Garcia," sabi niya, habang pumipirma ng mga dokumento, hindi man lang ako tinitingnan.

Yeah. He never really looked at me since I started working for him two years ago. Para sa kanya, ako ay isang robot na sumusunod sa kanyang mga utos—mag-aasikaso ng emails, gagawa ng mga liham at kontrata, sasagot ng telepono, maghahanda ng kape niya, mag-aasikaso ng filing, kukuha ng tie o shirt para sa biglaang business meeting, mag-oorder ng pagkain at inumin, magpapadala ng mga rosas at regalo para sa lola niyang si Antonia Martinez, at marami pang iba. Pakiramdam ko, hindi niya man lang ako kilala—pati ang pangalan ko. Palagi akong tinatawag na Miss Garcia, hindi man lang naaalala ang birthday ko, at hindi man lang ako binabati tuwing holidays, kahit sa Christmas Eve.

Napailing na lamang ako sa mga iniisip ko at nagmadali akong pumunta sa table ko para tawagan si Kurt. Miss na miss ko siya at gusto kong sorpresahin siya sa condo niya. Kinuha ko ang phone ko at dialed his number with trembling fingers.

I couldn't wait to see him again. 

I was planning to treat him for dinner in a new fancy restaurant. I'm sure he'll love that. Famous celebrities go there. He loves mingling with them.

"Kailan ang free time mo, Love?" I asked Kurt when he suddenly went silent.

"This weekend. I'll see you on Sunday night." His voice sounded really tired. Poor him. He was working 24/7 covering feedbacks for the missing child.

"Sunday night? Why not ngayon na, marami pa namang natitirang oras, oh. I miss you already."

"Pagod kasi ako, Evelyn. I have to go to the office pa bukas." He yawned.

"Gusto lang naman kita makasama, then grab your favorite pizza."

"I'll be sleeping muna sana ngayon. It's my only time to catch up more sleep. Ikaw naman kasi, bakit ngayon ka lang nagkaroon ng oras?"

"Oh... sorry. Gusto ko lang naman bumawi." I felt disappointed. 

"Anyway, there's a new restaurant I would like us to try. I'm sure you'll love it."

I heard him heave a sigh. "That's too expensive, Evelyn. I'm saving my money for a new house."

A new house? Wow. He's ready to settle down. I have a feeling, it's going to be a proposal.

"l understand, Kurt. It's going to be my treat. You'll love the place. It's where famous celebrities hang out. Pwede ba akong pumunta ngayon riyan sa condo mo?"

"Really? You should have told me sooner." he answered. "l have to hang up, I have a call in my company phone."

"Okay, sure. Bye, love you so much," I said. I waited for his reply, but all I heard was the clicking sound. He hung up the phone.

Nagmamadali akong lumabas ng opisina, hawak ang maliit na kahon na planado kong ibigay kay Kurt. Inayos ko ang aking business suit, pinaigting ang tight bun ng buhok ko, that's what my boyfriend has always wanted. 

Sa totoo lang, lately lagi akong late umuwi dahil sa dami ng mga papeles na kailangan kong asikasuhin. I had been working for two years already at Martinez Company as the personal secretary of the CEO and owner, Sebastian Martinez. There's a lot of pressure in my work since my boss is very demanding, very strict, with high expectations and hot-tempered. One should never go against him. But the salary was so good, way higher than the standard payment rate in Pasay City. Kinailangan kong dumoble kayod dahil wala na akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Maaga akong naulila sa aking mga magulang; namatay sila sa isang car accident pauwi sa probinsya. Ang pagkawala nila ay nag-iwan sa akin ng malaking puwang sa buhay ko, at nagpatuloy lang ako dahil sa pangarap kong makamit ang magandang kinabukasan, hindi lang para sa sarili ko kundi para rin sa kanila. Bilang secretary sa Martinez company, madalas akong nauubusan ng oras para sa sarili ko, at lalo na para kay Kurt, kaya siguro nagtatampo siya sa akin ngayon. Kaya naman ngayong anniversary namin, gusto kong bawiin ang lahat ng oras na nawala sa amin dahil sa mga overtime at pinagawa sa akin ng boss ko.

Tatlong taon na kami ngayon ni Kurt, at gusto kong maging espesyal ang gabing ito.

Si Kurt Molino ay nakilala ko noong college kami. Gwapo at moreno, siya ang campus heartthrob. Mabait siya, sweet, at caring, kaya siguro ako nahulog sa kanya. Nang nanligaw siya sa akin, hindi ko agad siya sinagot dahil hindi ko pa priority noon. Pero pagkatapos ng graduation, nang sumubok siya ulit, saka ko siya sinagot. Ngayon naman, Isa na siyang newbie field reporter of AVZ Telebision Network. Kurt was very passionate about his job, and everything he does in life, that's why I always supported him. Alam kong he's doing it for our future. 

Namiss kaya niya ako o baka nagtatampo pa rin siya sa mga oras na wala ako?

Naglakad ako ng mabilis papunta sa condo niya hawak ang maliit na kahon na naglalaman ng Rolex na binili ko para sa kanya. Alam kong magugustuhan niya ito—isa itong luxury watch na palagi niyang tinitignan tuwing nasa mall kami. 

May duplicate ako ng susi, kaya’t madali akong makakapasok, Pagdating ko sa pinto,nakaramdam ako ng kaba at excitement habang binubuksan ko ang pinto. Narinig ko ang mga tunog at boses na hindi ko makilala. Nang binuksan ko ang pinto ng kwarto, tumambad sa akin ang isang eksena na hindi ko inaasahan—si Kurt na nakapulupot sa kumot kasama ang ibang babae, na parang kakatapos lang magtalik. Ang hitsura nila—yakap-yakap at magkahinang katawan—ay isang matinding suntok sa dibdib ko. Nabitawan ko ang kahon, at ang tunog ng pagbagsak nito ay tila echo sa isipan ko.

"K-Kurt?" halos pabulong kong tawag.

Mabilis na bumangon si Kurt mula sa kama, pero hindi ko na naririnig ang mga paliwanag niya. Wala nang iba pang mahalaga sa akin mga sandaling iyon. Ang sakit sa dibdib ko ay sobra-sobra. Ang mukha niya ay puno ng gulat, pero hindi ko na mapigilan ang luha na dumadaloy sa aking pisngi.

Tumalikod ako at tumakbo palabas ng kwarto. Nang makarating ako sa lobby, narinig ko ang tinig ni Kurt na humahabol sa akin.

"Evelyn! Sandali!” sigaw niya, nilingon ko siya.

"I hate you! You cheater! Liar!" Tears blinded my eyes and choked my voice. Oh, God... Too much pain squeezed my heart as I thought of Kurt. 

Nakahabol siya sa akin, humihingal. "Evelyn, sana maintindihan mo. May pangangailangan ako bilang lalaki at hindi mo iyon maibigay sa akin. Sex, I need that, at naseek ko yun sa iba. Patawarin mo ako."

Na-shock ako sa narinig ko. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. "Ano? Kaya mo akong lokohin dahil lang sa sex? Is that it? Ano pa bang kulang sa'kin? Mahal na mahal kita, Kurt, pero hindi mo pala ako kayang pahalagahan."

"Please, Evelyn, huwag mong gawing drama ito. Hindi ko naman sinadyang masaktan ka. Sa totoo lang, gusto ko sana magpakatotoo sa'yo. Hindi ko na kayang itago pa, but I needed more than just emotional support."

"More than emotional support? I gave you everything, Kurt! Nagtrabaho ako ng sobra. Lahat ng luho, effort ko, at pera ko, ibinuhos ko sa'yo. Tapos ngayon, ganito ang gagawin mo sa'kin?" Hiyaw ko sa gitna ng hallway, ang boses ko ay puno ng sakit at galit.

"I know, Evelyn. I appreciate everything you did for me. Pero hindi ko na talaga kaya. I need physical connection, and I found it elsewhere. It doesn't mean I don't love you. I'm just... I'm sorry for being weak."

"Eh di ba't ang weak mo na nga, Kurt? Hindi mo na natutunan ang tunay na kahulugan ng commitment. Kung kailangan mo ng physical connection, hindi ka dapat naghanap sa iba habang ako ay dito na nagtatrabaho ng sobra para sa'yo. Ang sakit na dulot mo sa'kin ay sobra-sobra." Nagpupumiglas ang boses ko sa pagiyak.

"Please, Evelyn, I'm truly sorry. I don't want to lose you. I made a mistake, and I hope you can find it in your heart to forgive me."

"Forgive you? Ano bang klaseng excuse ang pwede kong tanggapin? Hindi ko na kayang magtiwala sa'yo, Kurt. Ang tanging gusto ko lang ay makalimot sa sakit na dulot mo sa'kin. Ngayon, kailangan kong umalis at maghilom. Wala na akong ibang choice."

Hindi ko na kayang bigyan ng chance ‘to, lalo na kung may ibang babae na involved. Ang sakit eh, para akong sinaksak sa puso ng paulit-ulit. Nawala na ang tiwala ko. Mahirap kalimutan na lang ang sakit na dulot ng betrayal. 

How could he do this to me? I had been loyal, sweet, caring, loving to him. For three years, he was my everything. What did I do wrong? 

Whenever he needed help, I was always there. I would even lend him money when he was broke. 

Pero paano niya ako nagawang lokohin? 

Tumakbo ako palabas ng condo, hindi alintana ang mga mata na nakakatingin sa akin. Luhaan, halos wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Wala akong ideya kung saan pupunta tìla walang direksyon—basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lahat ng ito. 

Habang naglalakad ako sa kalye, ang sakit sa dibdib ko ay tila isang pisikal na pasakit. Ang mga pangarap na pinangarap ko sa loob ng tatlong taon na kasama siya ay nawasak. Ang tanging naiwan sa akin ay ang katotohanan—ang mapait na katotohanan na si Kurt, ang unang pag-ibig ko, ay pinagtaksilan ako, at sa oras na iyon, hindi ko na alam kung paano babangon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status