Dayo"Calohi ang ganda ng susuotin ko para mamayang gabi sa salu salo kala kapitana." Maligayang sambit ni Abe Kita ko sa mga mukha niya ang atat na nararamdaman. Ngumiti naman ako dito dahil masaya ako para sa'kin kaibigan. Hilig niya din kasi ang mga damit. "Talaga ba, nakakatuwa kung ganoon." Maligayang sagot ko. Nakita ko pa ang pagngiti nito nang malake, kung kaya't nginitian ko rin ito pabalik at inilihis ko na muna ang akin paningin sa kaniya dahil ako'y nagtatali ng sampalok. "Oo. Pero ikaw panigurado hindi muna kailangan ng magandang damit. Lahat naman kasi sayo bagay." Rinig kong sambit nito ng seryoso. Ibinalik ko naman ang paningin ko sakaniya at ako'y natatawa. Kitang kita ko sa mga mata niya ang mangha habang ako'y tinititigan. "Tama na nga Abe tapusin na natin itong ginagawa natin." Sambit ko ng seryoso. Madaldal si Abe kung kaya't kapag pinatulan ko pa ang kaniyang sinasabi baka hindi na kami matapos sa ginagawa namin. Madami pa naman itong sampalok na aming tata
Chapter 2Kinagabihan nang makauwi ako at handa na sanang mag pahinga dahil napagod din ako sa pag-lalaba sa may sapa ng dumating naman si Abe dito sa may bahay at sinasama ako sa pa salu-salo ni kapitana, balak ko kasi sanang hindi na sumama at mag papahinga na lang dito sa bahay."Sige na Calohi, sumama kana." pilit nito sakin habang kami'y nasa aking mumunting kwarto."hays oo na sige na huwag kanang makulit at lalong huwag maingay! sapagkat nag papahinga na si mama sa kabilang kwarto." napapakamot na saway ko kay Abe na kinangisi niya sa labi ng malaki."Yehey!" sigaw nito na kinatakip ko ng bunganga niya at pinang didilatan ko ng mata inalis niya naman ang kamay ko sa bunganga niya at tiyaka nag peace sign ito sakin.May susuotin panaman ako dito na dress na nag iisa dahil wala naman akong ibang damit na pang lakad bukod dito, mabuti na lamang ay kasiya pa sakin ito kasi noong 16 years old kopa ito nabili, mga panahong sobra ang pera ko. Sa isip-isip kopa.
Chapter 3WARNING R-18 READ YOUR OWN RISK"Lahat naman ginawa ko!" narinig kong sigaw ni papa sa may sala kung kaya't dali-dali akong bumangon sa aking kinahihiigaan at tiyaka ako tumakbo papuntang sala. Napatigil ako sa pag-takbo ng makita ko doon sa sala si mama na nakaluhod sa harapan ni papa at tila nag-mamakaawa ito at umaasa na sana'y dinggin ang kaniyang hiling.Ngunit ng ako'y matauhan ay agad akong nag-lakad patungo kay mama at pilit na itinatayo sa pag kakaluhod ngunit ayaw nitong tumayo."Hindi nga totoo ang sinasabi nila at patawarin muna ako." nag-mamakaawang sabe ni mama kay papa at tila pagod na pagod na ang mata sa kakaiyak. Kaya agad akong tumingin kay papa nang masama at hindi ko na mapigilan ang emosyon kong pag kagalit sa sariling ama."Ano ba pa! May sakit na nga si mama ginaganyan niyo pa bakit kasi nagpapaliwala kayo sa mga taong iyan na nag balita sainyo ng maling impormasyon!" sagot ko kay papa na matindi ang galit na emosyon
Chapter 4 Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari nung naliligo ako sa may sapa. Sobrang kahihiyan talaga ang aking nagawa hindi ko naman akalain na sa oras na iyon ay may napunta pa doon at higit salahat ang apo pa ng mayora!Paano na ito, paano na ako haharap bukas sa bahay ng mayora lalo na sakanya?,.. kapag nakita ko ito baka kasi naikwento niya din kung sino man o kaya kala mayora ang nangyari kagabi, sobra talagang nakakahiya!Isa lamang iyan sa mga naiisip ko, tila parang nasa gate palang ako ng bahay ni mayora ay umuurong na ang paa ko pauwi. Hays bakit ko pa kasi naisipan mag-hubad nakakahiya tuloy. Sa isip-isip kopa at hindi makatulog at tila parang sasapitin ako ng madaling araw dahil sa aking iniisip at pino-problema. Kailangan ko naman ng pera kailangan iyon ng aking pamilya lalo na si mama kaya hindi ako pwedeng umurong sa offer ni mayora lalo na't inaasahan ako nito bukas at sa mga susunod pang araw. Hays buntong hininga ko at ti
HardHanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi ko siya maintindihan kung bakit sinasabi niya na masaya na ba ako? At Saan ako sasaya. Sa isip-isip ko pa.Nauunawaan ko siya sa sinabi niya sakin na huwag akong umarte na parang walang alam ays! Oo dahil doon sa nakita niya. Ahayss napakatalino niya naman para mamukhaan ako. Nakakainis bakit pa kasi talaga ako naghubad ng gabing iyon ngayon tuloy ako'y nahihirapan sa sitwasyon na ito ays,... Gumawa ako ng problema na hindi ko masolusyunan."Alam mo Calohi, parang hindi mayaman kung kumilos yung apo ng Mayora ano?" biglang tanong sakin ni Abe habang kami'y ngayon ay nasa hardin at nagtatanim."bakit mo naman nasabi?" takhang tanong ko dito at tumigil na muna sa paglalagay ng lupa sa paso. "Kasi tignan mo ang sipag-sipag ang sarap-sarap pa tignan ang hot-hot Fafa naman." sagot nito sakin at nakatingin kay Anus kung kaya't tinignan ko din ito at nakita ko na nagsisibak ng kahoy.Tama nga si Abe tila parang
Hapon. Natapos narin ang gawain namin sa may hardin, pero may naiwan pang gagawin dahil sa lawak ng lupain nila mayora ay madami pang espayong paglalagyan ng mga halaman. Pinauwi narin sa amin ni Aling Berta ang mga pagkain dahil hindi naman daw nakain si Anus ng kinagabihan puro tea lang daw ito. Pinaghatian namin ni Abe ang mga pagkain bago kami umuwi sa kaniya-kaniyang bahay. Kinagabihan."Ang sarap naman nito anak" Sabi ni mama sa tonong maligaya habang kami'y nasa hapag at nakain. Nginitian ko muna ito at uminom na muna ako ng tubig bago ako nagsalita.Ang sarap sa feeling na makita ko si mama na masaya na, nakakangiti ng ganyan na animo'y walang problema na iniisip o' kinakaharap na mahihirap. "Opo mama masarap po talaga 'yan. Masarap po kasi talagang magluto ang kusinera ni mayora, si Aling Berta po" sabi ko dito habang nakangiti. Ngumiti naman din ito sakin at tumango na ang hudyat ay sang-ayon siya sa aking sinabi.Pinagmasdan ko lang si mama habang masaya itong nakain ku
Kinabukasan. Gumising ako ng maaga upang makapaglinis ng bahay dahil pupunta dito si Anus, pero sasabihan ko pa siya Kasi hindi niya pa naman alam. Nagtupi na muna ako ng higaan at pagkatapos ay lumabas na ako upang maghilamos at mag-almusal.Napag-usapan namin ni mama na pupuntahan ko si Anus doon sa kanila para sabihan ito na pumunta sa amin upang managhalian at pasasalamat sakanyang pagbigay ng grocery. Tumingin pa ako sa may kwarto nila mama na bukas ang pintuan ng kwarto habang ako'y nagkakape sa may hapag kainan. Siguro ay nasa palengke na ito upang bumili ng karne o' isda para sa tanghalian. Nahihiya talaga ako dahil pupunta siya dito samin at ayoko panaman na nakikipag-interaction ako sakanya pero wala akong magagawa dahil sa kabutihan na ginawa nito kahit papaano ay suklian namin kahit papaano.Nang matapos na ako sa pagkakape at pagkain ng biscuit naglinis na ako ng bahay mula loob at hanggang labas. Nagsunog narin ako ng mga basura upang hindi na ito hanginin ng hangin
"Alam mo naguguluhan talaga ako sa nangyari kahapon Calohi" sabi ni Abe sakin ng seryoso habang kami ay nasa may resthouse. Sa wakas simula ng makapunta kami dito sa may mansion kanina ay ngayon lang siya nagbukas tungkol kahapon. "Naguguluhan din ako Abe, hindi ko sila nauunawaan" sagot ko din dito at napapabuntong hininga ako."Kailangan natin imbestigahan 'yan" sabi niya naman ng seryoso at napapahawak pa sakanyang baba na ani mo'y imbestigador."Paano?" Tanong ko dito na kinalingon niya sakin dahil kanina ay sa malayo ito nakatingin at tila may iniisip habang nakahawak siya sakanyang baba. "Basta ako ang bahala" sabi niya ng seryoso sakin na kinatango ko na lamang.Nang matapos kaming magpahinga ni Abe ay pumunta na kami sa may hardin upang makapagtanim na ulit. madami pa kasi talagang tanimin sa lawak ng lupain na ito. Nagpaalam na muna sakin si Abe na babanyo muna siya kaya ako muna ang naiwan sa hardin para magtanim. "Hi!!" Rinig kong boses ng babae na kinalingon ko ito at