Chapter 4 Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari nung naliligo ako sa may sapa. Sobrang kahihiyan talaga ang aking nagawa hindi ko naman akalain na sa oras na iyon ay may napunta pa doon at higit salahat ang apo pa ng mayora!Paano na ito, paano na ako haharap bukas sa bahay ng mayora lalo na sakanya?,.. kapag nakita ko ito baka kasi naikwento niya din kung sino man o kaya kala mayora ang nangyari kagabi, sobra talagang nakakahiya!Isa lamang iyan sa mga naiisip ko, tila parang nasa gate palang ako ng bahay ni mayora ay umuurong na ang paa ko pauwi. Hays bakit ko pa kasi naisipan mag-hubad nakakahiya tuloy. Sa isip-isip kopa at hindi makatulog at tila parang sasapitin ako ng madaling araw dahil sa aking iniisip at pino-problema. Kailangan ko naman ng pera kailangan iyon ng aking pamilya lalo na si mama kaya hindi ako pwedeng umurong sa offer ni mayora lalo na't inaasahan ako nito bukas at sa mga susunod pang araw. Hays buntong hininga ko at ti
HardHanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi ko siya maintindihan kung bakit sinasabi niya na masaya na ba ako? At Saan ako sasaya. Sa isip-isip ko pa.Nauunawaan ko siya sa sinabi niya sakin na huwag akong umarte na parang walang alam ays! Oo dahil doon sa nakita niya. Ahayss napakatalino niya naman para mamukhaan ako. Nakakainis bakit pa kasi talaga ako naghubad ng gabing iyon ngayon tuloy ako'y nahihirapan sa sitwasyon na ito ays,... Gumawa ako ng problema na hindi ko masolusyunan."Alam mo Calohi, parang hindi mayaman kung kumilos yung apo ng Mayora ano?" biglang tanong sakin ni Abe habang kami'y ngayon ay nasa hardin at nagtatanim."bakit mo naman nasabi?" takhang tanong ko dito at tumigil na muna sa paglalagay ng lupa sa paso. "Kasi tignan mo ang sipag-sipag ang sarap-sarap pa tignan ang hot-hot Fafa naman." sagot nito sakin at nakatingin kay Anus kung kaya't tinignan ko din ito at nakita ko na nagsisibak ng kahoy.Tama nga si Abe tila parang
Hapon. Natapos narin ang gawain namin sa may hardin, pero may naiwan pang gagawin dahil sa lawak ng lupain nila mayora ay madami pang espayong paglalagyan ng mga halaman. Pinauwi narin sa amin ni Aling Berta ang mga pagkain dahil hindi naman daw nakain si Anus ng kinagabihan puro tea lang daw ito. Pinaghatian namin ni Abe ang mga pagkain bago kami umuwi sa kaniya-kaniyang bahay. Kinagabihan."Ang sarap naman nito anak" Sabi ni mama sa tonong maligaya habang kami'y nasa hapag at nakain. Nginitian ko muna ito at uminom na muna ako ng tubig bago ako nagsalita.Ang sarap sa feeling na makita ko si mama na masaya na, nakakangiti ng ganyan na animo'y walang problema na iniisip o' kinakaharap na mahihirap. "Opo mama masarap po talaga 'yan. Masarap po kasi talagang magluto ang kusinera ni mayora, si Aling Berta po" sabi ko dito habang nakangiti. Ngumiti naman din ito sakin at tumango na ang hudyat ay sang-ayon siya sa aking sinabi.Pinagmasdan ko lang si mama habang masaya itong nakain ku
Kinabukasan. Gumising ako ng maaga upang makapaglinis ng bahay dahil pupunta dito si Anus, pero sasabihan ko pa siya Kasi hindi niya pa naman alam. Nagtupi na muna ako ng higaan at pagkatapos ay lumabas na ako upang maghilamos at mag-almusal.Napag-usapan namin ni mama na pupuntahan ko si Anus doon sa kanila para sabihan ito na pumunta sa amin upang managhalian at pasasalamat sakanyang pagbigay ng grocery. Tumingin pa ako sa may kwarto nila mama na bukas ang pintuan ng kwarto habang ako'y nagkakape sa may hapag kainan. Siguro ay nasa palengke na ito upang bumili ng karne o' isda para sa tanghalian. Nahihiya talaga ako dahil pupunta siya dito samin at ayoko panaman na nakikipag-interaction ako sakanya pero wala akong magagawa dahil sa kabutihan na ginawa nito kahit papaano ay suklian namin kahit papaano.Nang matapos na ako sa pagkakape at pagkain ng biscuit naglinis na ako ng bahay mula loob at hanggang labas. Nagsunog narin ako ng mga basura upang hindi na ito hanginin ng hangin
"Alam mo naguguluhan talaga ako sa nangyari kahapon Calohi" sabi ni Abe sakin ng seryoso habang kami ay nasa may resthouse. Sa wakas simula ng makapunta kami dito sa may mansion kanina ay ngayon lang siya nagbukas tungkol kahapon. "Naguguluhan din ako Abe, hindi ko sila nauunawaan" sagot ko din dito at napapabuntong hininga ako."Kailangan natin imbestigahan 'yan" sabi niya naman ng seryoso at napapahawak pa sakanyang baba na ani mo'y imbestigador."Paano?" Tanong ko dito na kinalingon niya sakin dahil kanina ay sa malayo ito nakatingin at tila may iniisip habang nakahawak siya sakanyang baba. "Basta ako ang bahala" sabi niya ng seryoso sakin na kinatango ko na lamang.Nang matapos kaming magpahinga ni Abe ay pumunta na kami sa may hardin upang makapagtanim na ulit. madami pa kasi talagang tanimin sa lawak ng lupain na ito. Nagpaalam na muna sakin si Abe na babanyo muna siya kaya ako muna ang naiwan sa hardin para magtanim. "Hi!!" Rinig kong boses ng babae na kinalingon ko ito at
"Pagaling ka" sabi ko sakin kaibigan, habang ito'y nakahilata sa kaniyang higaan. Namumutla ang kaniyang mukha at namamalat din ang kaniyang labi. Hindi ako sanay na makita si Abe ng ganito. Malayong-malayo ang itsura niya ngayon kaysa sa mga araw na ayos pa siya. "S-salamat Calohi" sabi niya ng marahan at ngumiti ng napipilitan. "H-hayaan mo magpapagaling ako kaagad para may K-kasama ka sa mansion" dagdag na sabi niya pa na kinatango ko. Nagpaalam na ako dito na pupunta na ako sa mansion. Dinalaw ko kasi siya dahil alam kong hindi pa ito ayos sa kalagayan niya. Sana talaga maging maayos na si Abe, dahil hindi ako sanay na makita itong ganito. Hindi ko na nakita si Leina ng ilang araw dito sa mansion, siguro ay umuwi na ito ng manila. Si Anus na lang lagi ang aking kasama sa mansion. Magaan na din naman ang aking pakiramdam sakaniya, dahil nga siya ang nakakasama ko ng ilang araw dito sa mansion at nakakausap. Si Aling Berta naman ay hindi natambay sa may mansion, pupunta lang 't
Nakakapagod man pero sulit talaga ang rides namin ni Anus kahit na hanggang gabi, ayon sa kaniyang pusta. "Ang ganda naman dito, grabe!" sigaw ko pa habang ako'y nakasakay sa kabayo. Nang matanaw ko naman si Anus ay nakangiti 'to habang pinagmamasdan ako, na nakasakay din sakaniyang kabayo. "Madami ka palang alam dito" dagdag na sabi ko at ipinalapit ko ang kabayo na nakasakay ako sa kung saan nakatigil si Anus. "Yes" maikling sagot niya sakin at iniiwas ang tingin sakin na ngayon ay nakatingin na sa mga punong matatayog."Alam mo ba, ngayon lang ako nakakapasok sa mga lugar na 'to dahil sa'yo, dahil alam kong mga pribado" sabi ko naman dito, habang nakangiti at tinitignan ko na ang mga nagtataasang mga puno. "Masaya ako kung ganoon, dahil ako ang unang nagdala sa'yo dito" rinig kong sagot niya, kung kaya't lumingon ako dito at nakita kong nakangiti ito sa'kin, kung kaya't ngumiti din ako sakanya pabalik. "Magpahinga muna tayo" sabi niya ng seryoso na kinatango ko, baba na sana
"Namiss ko dito sa mansion" sabi ni Abe ng makapasok na siya, dahil ayos na ang kaniyang kalagayan.Mabuti na nga lang dahil ayos na siya. Ilang linggo rin ang lumipas bago siya nakabalik dito sa mansion, para makapagtrabaho, at masaya ako dahil magaling na siya."Namiss din kita ano!" sigaw ko naman dito habang nakangiti. Ngumiti din ito sakin pabalik."Ang lalake na ng mga halaman" sabi pa ni Abe habang kami'y nagtatrabaho na sa may hardin. "Pasensya na kung natagalan ako" dagdag na saad niya pa animo'y kinakausap niya ang mga ito at sasagutin siya."Nangingiti na lamang akong pinagmamasdan ko ang aking kaibigan na masiglang-masigla na talaga naman na ayos na ayos na siya.Yabang ako'y nagtatrabaho sa may hardin, pasulyap-sulyap din ako sa may mansion dahil simula ng makarating kami ni Abe dito kaninang umaga, hindi ko pa ito nakikita.Siguro tulog pa 'yon. Sa isip-isip ko pa at tiyaka nag-focus na lamang sa pagtatanim ng halaman. Nang matapos kami ni Abe sa hardin at ngayon ay ta