Share

Apo

Chapter 2

Kinagabihan nang makauwi ako at handa na sanang mag pahinga dahil napagod din ako sa pag-lalaba sa may sapa ng dumating naman si Abe dito sa may bahay at sinasama ako sa pa salu-salo ni kapitana, balak ko kasi sanang hindi na sumama at mag papahinga na lang dito sa bahay.

"Sige na Calohi, sumama kana." pilit nito sakin habang kami'y nasa aking mumunting kwarto.

"hays oo na sige na huwag kanang makulit at lalong huwag maingay! sapagkat nag papahinga na si mama sa kabilang kwarto." napapakamot na saway ko kay Abe na kinangisi niya sa labi ng malaki.

"Yehey!" sigaw nito na kinatakip ko ng bunganga niya at pinang didilatan ko ng mata inalis niya naman ang kamay ko sa bunganga niya at tiyaka nag peace sign ito sakin.

May susuotin panaman ako dito na dress na nag iisa dahil wala naman akong ibang damit na pang lakad bukod dito, mabuti na lamang ay kasiya pa sakin ito kasi noong 16 years old kopa ito nabili, mga panahong sobra ang pera ko. Sa isip-isip kopa.

Kulay puti ito na pasando ang style sa ibabaw at hanggang tuhod ko na lang ito dahil noong 16 years old ako ay hanggang talampakan kopa ito ang laki nang aking tinangkad. Sa isip-isip ko pang dagdag.

"wow napakaganda mo! tapakan mo ako!" tilang pabirong sabi sakin ni Abe habang titig na titig sakin na tila namamangha.

"Tapakan talaga kita diyan e,."sagot ko naman na natatawa sa reaksyon ng aking kaibigan na hangang;hanga ang tingin parin sakin.

"Sige tapakan mo ako ngayon na! At ako pa ang mag so-sorry sa'yo." sagot pa nito na kinatawa ko pa lalo.

"Ewan ko sa'yo Abe kapapanood mo iyan ng teleserye." sagot ko naman at tiyaka humarap na sa tukador at tiyaka nag susuklay ng mahaba kong buhok na may pag ka-wavy at kulay itim.

"Napakaganda mo talaga Calohi, at ito!." turo niya saking suot na naintindihan ang pinapahiwatig niya kaya tumango ako dito ng nakangiti.

"Totoo ba ito?" tanong niya pa sakin na kinatango ko ulit. "Grabe nakakamangha ka napaka tagal na yan dress na iyan at hanggang ngayon ay buo parin at parang bago pa tignan." dagdag pa nito na namamangha at nakatingin parin sa aking suot.

Gusto niya sana ako bigyan ng mga dress or kahit anong damit dahil marami siya non dahil mahilig siya sa fashion kaya nag-iipon siya ng mga damit at yung iba ay nirerepair niya yung style at tiyaka niya ito isusuot, ayon nga lang ay kaya, hindi niya maibigay mga lumang damit niya sakin dahil maliit ang bewang ko kaysa sakanya, kung kaya't hindi ito sakin kasya.

"Napakaingat mo talaga sa gamit Calohi." nakangiting sabi niya sakin at ngumiti na lamang ako dito.

Nang matapos ako sa aking pag-aayos ay tumungo na kami sa bahay ng kapitana, nag-lakad lang kami ni Abe dahil sayang ang pera kung mamasahe pa kami.

"Grabe napakadaming tao." bulong-bulong sakin ni Abe habang kami ay nasa gilid malapit sa may gate ng bahay ni kapitana.

Napaka dami ngang tao kahit hindi pa simula ang kainan. bali nakahilera ang mahabang lamesa na punong-puno nang ibat-ibang pag kain may videoke din at may nakanta na. Sa isip-isip kopa ayon sa aking nakikita.

"Kaya nga abe e,." sagot ko naman dito na naaliw sa mga nakikita.

Tila kumalam naman ang aking tiyan nang makaramdam ako nang gutom dahil napatitig ako sa mga prutas na tumpok-tumpok at ibat- ibang prutas na nasa gitna ng lamesa.

"Grabe ang daming handa nakakagutom." biglang bulong sakin ni Abe sa tonong kalmado.

"Kaya nga e, nakakagutom." sagot ko naman na tonong kalmado rin.

"Nag-dala kaba ng calypso?" tanong niya sakin na kinalingon ko at nakatitig na ito sakin nang seryoso.

"Oo Abe dadalhan ko ang mama ko e,." sagot ko dito sa tonong seryoso na kinatango niya.

"Ako din may dala." nakangiting pinakita niya sakin ang dala niyang tatlong calypso at tumango lang ako sakanya ng nakangiti.

Hindi rin kalaunan ay nag simula na ang kainan at kwentuhan kaya pala nag pakain ang kapitana dahil natutuwa daw siya sa mga ka-brgy na nag-tulungan sa pag-lilinis sa kalsada.

"grabe napakasarap." bulong-bulong pa ni Abe sakin nang mag simula na ang kainan.

"Kaya nga napakasarap." sagot ko naman dito at sumubo ulit ng aking kinakain.

Hindi rin kalaunan ay may dumating na Van kaya nag-tinginan ang mga tao sa pababa na si mayora, agad itong dinaluhan ng kapitana at nag beso-beso pa, natanaw ko din yung lalaking malaki ang katawan na nakita ko sa sapa kanina, kababa lang ng Van at parang pinakilala ito ni mayora kay kapitana at nang matapos sila ay dumiretsyo na sila sa loob ng bahay ng kapitana.

"Grabe sino iyon? napaka-gwapo!." sabi sakin ni Abe habang nakatanaw kami sa loob ng bahay ng kapitana.

"Hindi ko siya kilala, pero nakita ko na iyan kanina sa sapa kanina no'ng nag lalaba ako ng damit ni aling manay." sagot ko kay Abe na kinalingon niya sakin at nanlalaki ang mata nito na tila gulat na gulat sa aking sinabe.

"Naku! Sayang naman san sinabihan mo ako nang makasama ako sa'yo kanina sa may sapa nang makapag-kilala ako, sa poging iyon." sagot sakin ni Abe na seryoso at tila nang hihinayang talaga. Umiling na lamang ako at tiyaka nag focus na lamang sa kinakain.

"Napaka-gwapo talaga ng apo ng mayora." biglang narinig kong sabe ng babae na kinalingon ko at hindi kalayuan sa lamesa namin ang lamesa nila.

"Ou nga napakagwapo nga tiyak na pag-kakaguluhan iyan sa pasukan."sagot naman ng kasama nitong babae.

"Sana maging kaibigan ko siya." sagot naman ng babaeng narinig kong nag salita nung una.

"ako, ayoko ng kaibigan lang, gusto ko ay ka-ibigan." tilang kinikilig na sinabe nito sa kasama niya.

"Paunahan na lamang tayo!"sagot naman nung isa dito at sabay silang tumawa na kalaunan ay tila kinikilig. Hindi ko na lamang iyon pinansin pa at nag focus na lamang ulit ako sa pag kain.

Apo pala siya ng mayora? Ngunit ngayon ko lamang siya nakita dito at hindi ako nag kamali na dayo siya at mag-aaral. Komento ko pa sa aking isip nang marinig ko mula sa dalawang babaeng nag-uusap kanina.

"Naku! Mga echusera akala mo naman ay mapapansin ng apo ng mayora, kung ikaw pa ay posible pero sakanilang mga maasim imposible!"kinalingon kong sabi ni Abe sa tonong pag mamaldita na kinatawa ko.

"Grabe ka naman sa maasim Abe." sagot ko dito na humahagikgik nang mahina.

"Totoo naman kasi na maasim sila tignan mo iyang pag-mumukha nila parang kasing asim ng paksiw na isda." sagot nito at tiyaka sumubo ng pritong manok, ako naman ay napapa iling-iling na lamang at na ngingiti sa sinasabe ng kaibigan.

"Ewan ko sa'yo, mag focus kana lamang saiyong kinakain." sagot ko naman at seryoso ang tono. Nakanguso naman ito at hindi na umimik pa.

Hindi rin kalaunan ay tapos na kaming kumain at tiyaka nag punta na sa lamesa na lagayan ng mga handa, medyo wala nadin tao dahil gabi na kung kaya't ito na ang oras nang pag-babalot ng ulam, tila kaming mga kriminal kung mag plastik ng mga ulam para maiuwi sa bahay nang matapos kami ay nilagay ko ang akin sa bag na dala ni Abe at ganoon din yung sakanya at handa na sanang umalis nang may tumawag sa amin.

"Mga iha." tawag ni kapitana samin kung kayat hinarap namin ito kaagad.

"Ano po iyon kapitana?" nakangiting tanong namin ni abe, ngumiti naman ito samin.

"Pasok muna kayo sa loob, gusto kayo kausapin ng mayora." sagot ni kapitana ng nakangiti at tiyaka tumitig sakin.

Kaya hindi na kami nag tanong pa kung bakit? kung kayat pumasok na lamang kami sa loob at nakita ko doon si mayora na nasa hapag at tiyaka yung lalaking nakita ko sa sapa kanina at kausap niya ang pamangkin na babae ni kapitana na kaedad namin nang mapansin nito ang presensya namin ay agad itong tumingin sakin, ako na lamang ang nag iwas ng tingin dahil hindi ko talaga matagalan ang titigan siya sa mga mata parang may kung anong nanunusok sa mata niya.

"Umupo kayo iha." maligayang anyaya ni mayora samin.

"Maraming salamat po mayora." sagot naman ni abe at umupo na ito sa espasyong upuan.

"Salamat po mayora." sagot ko naman at umupo narin sa katabing espasyo na upuan na katabi ni abe.

"Kumain kayo, iha." anyaya naman ni kapitana samin sa tonong maligaya.

"Salamat po kapitana nakakain na po kami sa labas kanina." sagot naman ni Abe kay kapitana at tumango din ako upang pag-sangayon sa sinabi ni Abe.

"Ah ganoon ba." sagot naman ni kapitana na nakangiti samin. Napatingin naman ako kay mayora na kanina kopa napapansin na kanina pa ako nito tinititigan hindi ko alam kung bakit.

"Napakaganda mo naman iha." biglang singit na sinabi sakin ni mayora na kinangiti ko na nahihiya, napansin ko din sa gilid ng aking mata na nakatitig sakin yung lalaking nakita ko sa may sapa kung kayat nahihiya lalo ako.

"Naku! Mayora hindi na po bago iyan sa aking kaibigan." biglang sagot naman ni Abe dito na tonong pag yayabang. kinatawa naman ng lahat na nandoon kaya lalo akong nahihiya.

"Iha gusto ninyo? bang pansamantala ay manilbihan kayo sa bahay ko." sagot naman ni mayora na pabalik-balik ang titig samin ni Abe at hindi kalaunan ay sakin na lamang siya nakatingin.

"Oo naman po mayora malaking tulong po iyon samin habang hindi pa po nag sisimula ang pasukan." sagot naman ni Abe kay mayora nang nagagalak at nakangiti naman si mayora na tumingin kay abe at bumalik din ulit sakin.

"Maraming salamat po mayora tinatanggap ko po ang iyong offer." sagot ko naman ng nakangiti at ngumiti nang pag kalaki-laki si mayora habang nakatingin parin sakin.

Hindi rin kalaunan nang matapos ang salu-salo sa bahay ng kapitana ay mga nag siuwian na lahat ng taong dumalo at nang matapos din kami kausapin ni mayora ay napag usapan na sa lunes kami mag sisimula sa pagtatrabaho sakanyang bahay, dahil wala daw siyang katulong sa bahay dahil mga nag day off daw ang mga katulong niya kung kaya't, nag-hahanap siya ng makakasama.

"Kaya pala napakaganda ng mayora napakagwapo ng apo siguro walang pangit sa lahi nila kasi kahit si mayor napakagwapo." sabi sakin ni abe habang tinatahak namin ang madilim na daan papauwi sa kaniya-kaniyang bahay.

"Kaya nga." sagot ko naman dito na tonong kalmado.

"Kaya nga, kung mapapa bilang ka sa pamilya nila naku! Bagay na bagay talaga! napaka-ganda ng lahi ninyo Calohi kung sakali." sabi pa ni abe sakin na tila kinikilig.

"Naku! Tigalan mo ako Abe sa kalokohan mong iyan na naiisip." sagot ko naman dito na seryoso ang tono. Narinig ko naman na tumawa ito.

"Hindi naman imposible iyon dahil tila ang lagkit-lagkit ng tingin ng apo ni mayor sa'yo kanina." sagot niya na seryoso na kina iling ko.

"Imposible! Hindi ako magugustuhan non galing iyon manila at doon alam naman natin na madaming magaganda at ako ay isang hamak lamang na probinsiyana." sagot ko naman dito na seryoso din.

"Probinsyanang maganda naman at tila mukhang diwata sa ganda." sagot naman nito na tila pinapalakas ang loob ko na baka nga posible na magugustuhan ako ng apo ni mayora na hindi na lamang ako umimik para hindi na humaba ang usapan.

"O siya mag-iingat ka sa pag-uwi mo." paalam nito sakin ng nasa tapat na kami sa kanilang bahay at tumango ako dito ng nakangiti at tiyaka nag-lakad na patungo sa bahay namin.

Habang nag-lalakad ako pauwi ng bahay ay napapaisip ako sa sinabi ni Abe. Posible nga ba na mag-kagusto sakin ang isang taga manilang binatilyo at apo pa ng mayora?

Para namang agad akong krinonta ng sarili kong isip sa bagay na iyon.

Hindi maari iyon hindi ako magugustuhan kailanman ng apo ni mayora at lalo pang mukha itong laki sa marangyang buhay hindi kagaya ko, na isang hamak lang na nag-sisikap na makapag tapos ng pag aaral at dahil kapos pa sa buhay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status